< Jakubův 5 >
1 Nuže nyní, boháči, plačte, kvílíce nad bídami svými, kteréž přijdou.
Ngayon, lumapit kayo mga mayayaman, umiyak kayo ng malakas dahil sa kahirapan na darating sa inyo.
2 Zboží vaše shnilo a roucho vaše zmolovatělo.
Ang inyong mga kayamanan ay nabubulok at ang inyong mga kasuotan ay kinakain ng anay.
3 Zlato vaše a stříbro zerzavělo, a rez jejich bude na svědectví proti vám, a zžířeť těla vaše jako oheň. Shromáždili jste poklad ku posledním dnům.
Ang inyong ginto at pilak ay wala nang kabuluhan, at ang kanilang kalawang ang magpapatotoo laban sa inyo at susunog ng inyong mga laman gaya ng apoy. Nag-iipon kayo ng inyong kayaman sa huling mga araw.
4 Aj, mzda dělníků, kteříž žali krajiny vaše, při vás zadržaná, křičí, a hlas volání ženců v uši Pána zástupů vešel.
Tingnan ninyo, ang bayad ng mga manggagawa—silang mga hindi ninyo binayaran para sa pag-aani ng inyong mga bukid—sumigaw sila ng malakas! At ang mga sigaw ng mga taong nag-aani ng inyong mga pananim ay nakaabot sa tainga ng Panginoon ng mga Hukbo.
5 Rozkoš jste provodili na zemi a zbujněli jste; vykrmili jste srdce vaše jakožto ke dni zabití.
Kayo ay nabuhay ng marangya sa ibabaw ng lupa at nagpakasasa sa inyong mga sarili. Pinataba ninyo ang inyong mga puso sa isang araw ng pagkatay.
6 Odsoudili jste a zamordovali spravedlivého, a neodpíral vám.
Hinatulan ninyo at pinatay ang mga matuwid na hindi lumalaban sa inyo.
7 A protož trpěliví buďte, bratří, až do příchodu Páně. Aj, oráč očekává drahého užitku zemského, trpělivě naň očekávaje, až by přijal podzimní i jarní déšť.
Kaya maging matiyaga, mga kapatid, hanggang sa pagdating ng Panginoon, katulad ng magsasaka na naghihintay ng mahalagang ani ng lupa, Matiyagang naghihintay dito, hangang sa una at huling pagbuhos ng ulan.
8 Buďtež i vy trpěliví a potvrzujte srdcí vašich; neboť se přibližuje příští Páně.
Kayo rin ay maging matiyaga; ayusin ninyo ang inyong mga puso, dahil ang pagdating ng Panginoon ay malapit na.
9 Nevzdychejtež k Bohu jedni proti druhým, bratří, abyste nebyli odsouzeni. Aj, Soudce již přede dveřmi stojí.
Huwag magreklamo, mga kapatid, laban sa isa't-isa upang kayo ay hindi mahatulan. Tingnan ninyo, ang hukom ay nakatayo sa pintuan.
10 Ku příkladu snášení protivenství a dlouhočekání, bratří moji, vezměte proroky, kteříž mluvívali ve jménu Páně.
Bilang isang halimbawa, mga kapatid, ituring ninyo ang mga pagdurusa at pagtitiyaga ng mga propeta na nagsalita sa pangalan ng Panginoon.
11 Aj, blahoslavíme ty trpělivé. O trpělivosti Jobově slýchali jste, a dokonání Páně viděli jste; nebo velmi jest milosrdný Pán a lítostivý.
Tingnan ninyo, tinatawag namin ang mga nagtitiyaga, na “pinagpala.” Narinig ninyo ang pagtitiis ni Job, at alam ninyo ang layunin ng Panginoon para kay Job, kung paano ang Panginoon ay puno ng kahabagan at awa.
12 Přede všemi pak věcmi, bratří moji, nepřisahejte, ani skrze nebe, ani skrze zemi, ani kteroukoli jinou přísahou, ale buď řeč vaše: Jistě, jistě, nikoli, nikoli, abyste neupadli v odsouzení.
Higit sa lahat, mga kapatid ko, huwag kayong mangangako, maging sa langit o maging sa lupa, o sa pamamgitan ng anumang panunumpa, ngunit gawin ninyo ang “Oo” na “Oo” at ang inyong “Hindi” na “Hindi,” upang hindi kayo mahatulan.
13 Jest-li kdo z vás zkormoucený? Modliž se. Pakli jest kdo mysli dobré? Prozpěvuj Pánu.
Mayroon bang nagdurusa sa inyo? Dapat siyang manalangin.
14 Stůně-li kdo z vás? Zavolej starších sboru, a oni modltež se za něj, mažíce jej olejem ve jménu Páně.
Mayroon bang masaya sa inyo? Hayaan siyang umawit ng papuri. Mayroon bang may sakit sa inyo? Hayaan siyang tawagin ang mga nakatatanda ng iglesya at hayaan siyang ipanalangin ng mga nakatatanda, at pahiran siya ng langis sa pangalan ng Panginoon,
15 A modlitba víry uzdraví neduživého, a pozdvihneť ho Pán; a jestliže jest co prohřešil, budeť jemu odpuštěno.
at ang panalangin ng may pananampalataya ang magpapagaling sa taong may sakit, at ang Panginoon ang magtataas sa kaniya. Kung nakagawa siya ng kasalanan, patatawarin siya ng Diyos.
16 Vyznávejtež se pak jedni druhým z hříchů svých, a modlte se jedni za druhé, abyste uzdraveni byli. Mnohoť zajisté může modlitba spravedlivého opravdová.
Kaya ihayag ninyo ang inyong mga kasalanan sa bawat isa at ipanalangin ang bawat isa upang kayo ay mapagaling. Ang panalangin ng matuwid ay magdudulot ng malaking bunga.
17 Eliáš člověk byl týmž bídám jako i my poddaný, a modlitbou modlil se, aby nepršelo, i nepršel déšť na zemi za tři léta a za šest měsíců.
Si Elias ay tao din na may pakiramdaman kagaya natin. Siya ay taimtim na nanalangin na huwag umulan at hindi nga umulan sa lupa ng tatlong taon at anim na buwan.
18 A zase modlil se, i vydalo nebe déšť, a země zplodila ovoce své.
At si Elias ay muling nanalangin at ibinuhos ng langit ang ulan sa lupa at ito ay nagbigay ng ani.
19 Bratří, jestliže by kdo z vás pobloudil od pravdy, a někdo by jej napravil,
Aking mga kapatid, kung sinuman sa inyo ang naliligaw mula sa katotohanan ngunit mayroong umakay sa kaniya pabalik,
20 Věziž, že ten, kdož by odvrátil hříšníka od bludné cesty jeho, vysvobodí duši jeho od smrti a přikryje množství hříchů.
ipaalam sa kaniya na kung sinuman ang umakay sa makasalanan na makalabas sa kaniyang maling daan, maliligtas ang kaniyang kaluluwa mula sa kamatayan at matatabunan ang maraming kasalanan.