< Ezechiel 41 >
1 Opět přivedl mne k chrámu, a změřil veřeje, šesti loket zšíří s jedné strany, a šesti loket zšíří s druhé strany, podlé širokosti stánku.
Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa banal na lugar ng templo at sinukat ang mga haligi ng pinto, anim na siko ang lawak sa magkabilang dako.
2 A širokost dveří desíti loket, boky pak dveří pěti loket s jedné a pěti loket s druhé strany. Změřil také i dlouhost jejich čtyřidcíti loket, širokost pak dvadcíti loket.
Sampung siko ang lapad ng pintuan, limang siko ang haba ng pader sa bawat bahagi nito. Pagkatapos, sinukat ng lalaki ang banal na lugar, apatnapung siko ang haba at dalawampung siko ang lawak.
3 Přišel také do vnitřku, a změřil veřeje dveří dvou loket, a dvéře šesti loket, širokost pak dveří sedmi loket.
Pagkatapos, pumunta ang lalaki sa kabanal-banalang lugar at sinukat ang mga haligi ng pintuan, dalawang siko at anim na siko ang lawak ng pintuan. Pitong siko ang lawak ng mga pader sa magkabilang dako.
4 Změřil také dlouhost svatyně dvadcíti loket, a širokost dvadcíti loket v chrámě, a řekl mi: Tato jest svatyně svatých.
Pagkatapos, sinukat niya ang haba ng silid, dalawampung siko. At ang luwang nito ay dalawampung siko patungo sa harap ng bulwagan ng templo. Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Ito ang kabanal-banalang lugar.”
5 Změřil též zed domu šesti loket, a širokost pavlače čtyř loket, vůkol a vůkol okolo domu.
Pagkatapos, sinukat ng lalaki ang pader ng tahanan(bahay), anim na siko ang kapal nito. Apat na siko ang lapad ng mga tagilirang silid sa buong palibot ng tahanan(bahay).
6 Ty pak pavlače, pavlač nad pavlačí, byly tři, a třidcíti noh zdélí, a scházely se při zdi domu vespolek, tak že se pavlače vůkol a vůkol držely, a nedržely se na zdi domu.
Mayroong tatlong palapag na mga tagilirang silid, sapagkat may mga silid sa ibabaw ng mga silid, tatlumpu sa bawat palapag. At may mga pasimano sa pader sa palibot ng tahanan(bahay) para sa mga tagilirang silid sa buong palibot upang maging suporta sa mga silid sa itaas, sapagkat walang inilagay na suporta sa pader ng tahanan(bahay).
7 Nebo se rozšiřovala vůkol více a více, svrchu pro pavlače, kteréž byly okolo domu, od vrchu až dolů, vůkol a vůkol domu, poněvadž nejširší dům byl na hoře, a tak nejnižší porozšiřovala se k vrchu pro prostřední.
Kaya pinaluwang ang mga tagilirang silid at paikot patungo sa itaas, sapagkat paikot ang tahanan(bahay) na pataas nang pataas sa buong palibot, pinaluwang ang mga silid habang pataas nang pataas ang tahanan(bahay). At papunta sa pinakamataas na palapag ang hagdanan sa pamamagitan ng gitnang palapag.
8 Tak podobně spatřil jsem při domu pavlače, i nejvyšší vůkol a vůkol, jejichž půdy zouplna odměřeny byly šesti loket k výstupkům.
At may nakita akong tuntungan sa buong palibot ng tahanan(bahay), ang pundasyon para sa mga tagilirang silid, may sukat itong buong patpat na anim na siko ang taas.
9 Širokost zdi, kteráž byla při pavlačích zevnitř, pěti loket byla, i plac pavlačí, kteréž byly při domu.
Limang siko ang lapad ng pader ng mga tagilirang silid sa labas. May isang bakanteng lugar sa labas ng mga silid na ito sa santuwaryo.
10 Mezi nimiž a komůrkami byla širokost dvadcíti loket okolo domu vůkol a vůkol.
Sa kabilang bahagi ng bakanteng lugar na ito ay ang mga panlabas na tagilirang silid ng mga pari. Ang lugar na ito ay may lawak na dalawampung siko sa buong palibot ng santuwaryo.
11 A dvéře pavlačí byly k placu, dvéře jedny na půlnoci, a druhé dvéře na poledne, a širokost placu byla pěti loket vůkol a vůkol.
May mga pinto patungo sa mga tagilirang silid mula sa isa pang bakanteng lugar. Ang isang pintuan ay nasa hilagang bahagi at ang isa ay nasa bahaging timog. Limang siko ang lapad ng bakanteng lugar na ito sa buong palibot.
12 Stavení pak, kteréž bylo před příhradkem v úhlu k západu, širokost byla sedmdesáti loket, a zed téhož stavení pěti loket zšíří vůkol a vůkol, a zdélí devadesáti loket.
Pitumpung siko ang lawak ng gusali na nakaharap sa patyo sa dakong kanluran. Ang sukat ng pader nito sa buong palibot ay limang siko ang kapal at siyamnapung siko ang haba nito.
13 Potom změřil dům, zdélí sto loket, totiž příhradek i stavení, a zdi jeho zdélí sto loket.
Pagkatapos, sinukat ng lalaki ang santuwaryo, isandaang siko ang haba. At ang hiwalay na gusali, ang pader nito at ang patyo ay mayroon ding sukat na isandaang siko ang haba.
14 Též širokost předku domu i příhradku k východu sto loket.
Isandaang siko rin ang lapad ng harapan ng patyo sa harap ng santuwaryo.
15 Změřil i dlouhost stavení před příhradkem, kteréž bylo za ním, též i paláce jeho s jedné i s druhé strany, a bylo sto loket; též chrám vnitř i síňce s síní,
Pagkatapos, sinukat ng lalaki ang haba ng gusali sa likod ng santuwaryo, patungo sa kanluran nito at ang mga galerya sa magkabilang bahagi ay isandaang siko. Ang banal na lugar at ang portiko,
16 Prahy i okna possoužená, i paláce vůkol po třech stranách jejich, naproti prahu taflování dřevěné vůkol a vůkol, i od země až do oken, též i okna otaflovaná,
ang panloob na mga pader at ang mga bintana kabilang ang masisikip na mga bintana at ang mga galerya sa buong palibot ng tatlong palapag ay nababalutan lahat ng tabla.
17 Od svrchku dveří až do vnitřní i zevnitřní strany domu, i všecku zed vůkol a vůkol vnitř i zevnitř změřené.
Sa itaas ng pasukan patungo sa santuwaryo at ang puwang sa tabi ng lahat ng pader na nakapalibot ay may mga nakaukit na kerubin at mga puno ng palmera, nagsasalitan ang bawat isa.
18 Kteréž taflování bylo uděláno s cherubíny a palmami, a to vše palma mezi cherubínem a cherubínem. A cherubín měl dvě tváře.
At pinalamutian ito ng kerubin at mga puno ng palmera, may puno ng palmera sa pagitan ng bawat kerubin. At ang bawat kerubin ay may dalawang mukha.
19 Totiž tvář lidskou naproti palmě s jedné strany, a tvář lvíčete naproti palmě s druhé strany. Tak uděláno bylo ve všem domu vůkol a vůkol.
Ang mukha ng tao na nakatingin sa puno ng palmera sa isang dako at ang mukha ng isang batang leon na nakatingin sa puno ng palmera sa kabilang dako. Pinalamutian nito ang buong palibot ng tahanan,
20 Od země až do vrchu dveří cherubínové a palmy zdělány byly i na zdi chrámu.
mula sa ibaba hanggang sa itaas ng pintuan ay mayroong mga palamuting kerubin at mga puno ng palmera sa pader ng templo.
21 Chrámu veřeje byly čtverhrané, a předek svatyně podobný jemu.
Ang mga haligi ng tarangkahan ay parisukat at magkakatulad ang mga ito.
22 Oltář dřevěný tří loket zvýší, zdélí pak dvou loket s úhly svými, jehož dlouhost i pobočnice jeho dřevěné byly. I mluvil ke mně: Tento jest stůl, kterýž stojí před Hospodinem.
Ang kahoy na altar sa harap ng banal na lugar ay tatlong siko ang taas at dalawang siko ang haba sa bawat bahagi. Ang mga panulukang haligi nito, pundasyon at balangkas ay gawa sa kahoy. Pagkatapos, sinabi sa akin ng lalaki, “Ito ang hapag na nakatayo sa harapan ni Yahweh.”
23 A dvojnásobní dvéře byly u chrámu i u svatyně,
Mayroong dalawahang pinto para sa banal at kabanal-banalang lugar.
24 A dvojnásobní dvéře ve vratech, totiž dvojnásobní dvéře obracející se, dvojnásobní ve vratech jedněch, a dvojnásobní dvéře v druhých.
May dalawang bisagra ang bawat isang pinto na ito, dalawang bisagra para sa isang pinto at dalawang bisagra para sa isa pa.
25 Byli pak uděláni na nich, na těch dveřích chrámu, cherubínové a palmy, tak jakž uděláni byli na stěnách, trámové také dřevění byli před síňcí vně.
Iniukit sa mga pinto ng banal na lugar ang kerubin at mga puno ng palmera gaya ng ipinalamuti sa mga pader at mayroong kahoy na bubong sa ibabaw ng portiko sa harap.
26 Též na oknech possoužených byly palmy s obou stran po bocích síňce, i na pavlačích domu toho i trámích.
Mayroong masisikip na mga bintana at mga puno ng palmera sa magkabilang bahagi ng portiko. Ito ang mga tagilirang silid ng tahanan(bahay) at mayroon din itong mga nakausling bubungan.