< 2 Mojžišova 19 >
1 Měsíce třetího po vyjití synů Izraelských z země Egyptské, v ten den přišli na poušť Sinai.
Sa ikatlong buwan, pagkatapos lumabas ang bayan ng Israel mula sa lupain ng Ehipto, sa parehong araw, nakarating sila sa ilang ng Sinai.
2 Nebo hnuvše se z Rafidim, přišli až na poušť Sinai a položili se na té poušti; a tu rozbili Izraelští stany naproti hoře.
Pagkatapos nilang lisanin ang Rephidim at pumunta sa ilang ng Sinai, nagkampo sila sa ilang sa harapan ng bundok.
3 Mojžíš pak vstoupil k Bohu. A mluvil hlasem k němu Hospodin s té hory, řka: Takto díš domu Jákobovu, a oznámíš synům Izraelským:
Umakyat si Moises sa Diyos. Tinawag siya ni Yahweh mula sa bundok at sinabi, “Kailangan mong sabihin sa bahay ni Jacob, sa bayan ng Israel:
4 Sami jste viděli, co jsem učinil Egyptským, a jak jsem vás nesl na křídlách orličích, a přivedl jsem vás k sobě.
Nakita mo ang aking ginawa sa mga taga-Ehipto, kung paano ko kayo inakay sa pakpak ng agila at dinala kayo para sa akin.
5 Protož nyní, jestliže skutečně poslouchati budete hlasu mého, a ostříhati smlouvy mé, budete mi lid zvláštní mimo všecky lidi, ačkoli má jest všecka země.
Ngayon pagkatapos, kung susundin at pakikinggan ninyo ang aking tinig at iingatan ang aking kasunduan, kung gayon, magiging katangi-tanging pag-aari kita mula sa lahat ng mga tao, dahil ang buong daigdig ay akin.
6 A vy budete mi království kněžské a národ svatý. Tať jsou slova, kteráž mluviti budeš synům Izraelským.
Ikaw ay magiging kaharian ng mga pari at isang banal na bayan para sa akin. Ito ang mga salitang dapat mong sabihin sa bayan ng Israel.”
7 Protož přišel Mojžíš a svolav starší lidu, předložil jim všecka slova ta, kteráž mu přikázal Hospodin.
Kaya bumaba si Moises at ipinatawag ang mga nakatatanda ng Israel. Itinakda niya sa kanila ang lahat ng salita ni Yahweh na inutos sa kaniya.
8 Odpověděl pak všecken lid společně, a řekl: Cožkoli mluvil Hospodin, budeme činiti. A oznámil zas Mojžíš Hospodinu slova lidu.
Lahat ng tao ay magkakasabay na sumagot at sinabing, “Gagawin namin ang lahat ng sinabi ni Yahweh.” Pagkatapos ipinarating ni Moises ang mga salita ng mga tao kay Yahweh.
9 I řekl Hospodin Mojžíšovi: Aj, já půjdu k tobě v hustém oblaku, aby slyšel lid, když mluviti budu s tebou, ano také, aby tobě věřil na věky. Nebo byl oznámil Mojžíš Hospodinu slova lidu.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Lalapit ako sa iyo sa isang makapal na ulap para maaaring marinig ng mga tao kapag ako ay nakikipag-usap sa iyo at maaari ring maniwala sila sa iyo habang panahon.” Pagkatapos, inilahad ni Moises ang salita ng mga tao kay Yahweh.
10 Řekl dále Hospodin Mojžíšovi: Jdi k lidu, a posvěť jich dnes a zítra; a nechť svá roucha zeperou.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Puntahan mo ang mga tao. Ngayon at bukas kailangan mong ihandog sila sa akin at hugasan nila ang kanilang mga damit.
11 A ať jsou hotovi ke dni třetímu, nebo v den třetí sstoupí Hospodin před očima všeho lidu na horu Sinai.
Maging handa sa ikatlong araw, dahil sa ikatlong araw Ako, si Yahweh ay bababa sa Bundok Sinai.
12 Uložíš pak lidu meze všudy vůkol a povíš: Varujte se, abyste nevstupovali na horu, ani nedotýkali se krajů jejích. Kdož by se koli dotkl hory, smrtí umře.
Dapat kang maglagay ng hangganan sa palibot ng bundok para sa mga tao. Sabihin sa kanila, ''Mag-ingat na hindi sila aakyat ng bundok o hahawakan ang hangganan. Siguradong mailalagay sa kamatayan ang sinumang hahawak sa bundok.'
13 Nedotkneť se ho ruka, ale ukamenován neb zastřelen bude; buď že by hovado bylo, buď člověk, nebudeť živ. Když se zdlouha troubiti bude, teprv oni vstoupí na horu.
Walang sinumang hahawak sa ganoong tao. Kundi, kailangan siyang batuhin o panain. Kahit ito man ay isang tao o isang hayop, dapat siyang mailagay sa kamatayan. Kapag tumunog na ang trumpeta ng isang mahabang tunog maaari na silang lumapit pataas sa paanan ng bundok.
14 Sstoupiv tedy Mojžíš s hůry k lidu, posvětil ho; a oni zeprali roucha svá.
Pagkatapos bumaba si Moises mula sa bundok patungo sa mga tao. Inihandog niya ang mga tao kay Yahweh, at hinugasan nila ang kanilang mga damit.
15 I mluvil k lidu: Buďtež hotovi ke dni třetímu; nepřistupujte k manželkám svým.
Sinabi niya sa mga tao, “Maging handa sa ikatlong araw; huwag kayong lalapit sa inyong mga asawa.”
16 I stalo se dne třetího, když bylo ráno, že bylo hřímání s blýskáním a oblak hustý na té hoře, zvuk také trouby velmi tuhý, až se zhrozil všecken lid, kterýž byl v ležení.
Sa ikatlong araw, nang umagang iyon, mayroon kulog at kidlat at isang makapal na ulap sa itaas ng bundok at ang tunog ng isang napakalakas na trumpeta. Nanginig ang lahat ng tao na nasa kampo.
17 Tedy Mojžíš vyvedl lid z ležení vstříc Bohu; a lid stál dole pod horou.
Dinala ni Moises palabas sa kampo ang lahat ng tao para makipagkita sa Diyos at nakatayo sila sa paanan ng bundok.
18 Hora pak Sinai všecka se kouřila, proto že sstoupil na ni Hospodin v ohni, a vystupoval dým její jako dým z vápenice, a třásla se všecka hora velmi hrubě.
Lubusang nababalutan ng usok ang Bundok ng Sinai dahil kay Yahweh na bumaba doon na may apoy at usok. Pumaitaas ang usok katulad ng usok ng isang pugon at marahas na nabulabog ang buong bundok.
19 Zvuk také trouby více se rozmáhal, a silil se náramně. Mojžíš mluvil, a Bůh mu odpovídal hlasem.
Nang palakas ng palakas ang tunog ng trumpeta, nagsalita si Moises, at sinagot siya ng Diyos sa isang boses.
20 Sstoupil pak Hospodin na horu Sinai, na vrch hory; a když povolal Hospodin Mojžíše na vrch hory, vstoupil Mojžíš.
Bumaba si Yahweh sa Bundok ng Sinai, mula sa tuktok ng bundok at kaniyang tinawag si Moises sa tuktok. Kaya umakyat si Moises.
21 I řekl Hospodin Mojžíšovi: Sstup, osvědč lidu, ať se nevytrhují k Hospodinu, chtějíce ho viděti, aby nepadlo jich množství;
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Bumaba ka at balaan mo ang mga tao na huwag sumuway sa akin para tumingin, o marami sa kanila ang mamamatay.
22 Nýbrž ani sami kněží, kteříž, majíce přistupovati k Hospodinu, posvěcují se, aby se neobořil na ně Hospodin.
Hayaan ang mga pari na lumapit din sa akin at itakda ang kanilang sarili na humiwalay, ihanda ang kanilang sarili sa aking pagdating para hindi ko sila salakayin.”
23 Mojžíš pak řekl Hospodinu: Nebudeť moci lid vstoupiti na horu Sinai, poněvadž jsi ty osvědčil nám, řka: Obmez horu a posvěť ji.
Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Hindi makakaakyat ang mga tao sa bundok, ito ang inutos mo sa amin: 'Maglagay ng mga hangganan sa palibot ng bundok at ihandog ito kay Yahweh.'''
24 I řekl jemu Hospodin: Jdi, sstup, a potom vstup ty a Aron s tebou. Kněží pak a lid ať se nepokoušejí vstoupiti k Hospodinu, aby se na ně neobořil.
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Lakad ka, bumaba sa bundok, at isama mo paakyat si Aaron na kasama mo, pero huwag mong payagan ang mga pari at ang mga tao na tanggalin ang bakod para pumunta sa akin, kung hindi sasalakayin ko sila.
25 I sešel Mojžíš k lidu, a to jim oznámil.
Kaya bumaba si Moises sa mga tao at nakipag-usap sa kanila.