< 5 Mojžišova 30 >
1 Když pak přijdou na tě všecka slova tato, požehnání i zlořečenství, kterážť jsem předložil, a rozpomeneš se v srdci svém, kdež bys koli byl mezi národy, do kterýchž by tě rozehnal Hospodin Bůh tvůj,
Kapag ang lahat ng mga bagay na ito ay nakarating sa inyo, ang mga pagpapala at ang mga sumpa na itinalaga ko sa harapan ninyo, at kapag isinaisip ninyo ito kasama ang lahat ng ibang mga bansa kung saan si Yahweh ang inyong Diyos ay dinala kayo,
2 A obrátě se k Hospodinu Bohu svému, poslouchal bys hlasu jeho ve všem, jakž já přikazuji tobě dnes, ty i synové tvoji, z celého srdce svého a ze vší duše své:
at kapag bumalik kayo kay Yahweh na inyong Diyos at sumunod sa kaniyang boses, susundin ang lahat ng mga sinasabi ko sa inyo sa araw na ito— kayo at inyong mga anak— ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa,
3 Tehdy přivede zase Hospodin Bůh tvůj zajaté tvé a smiluje se nad tebou, a obrátě se, shromáždí tě ze všech národů, mezi něž rozptýlil tě Hospodin Bůh tvůj.
kung gayon babaligtarin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong pagkakabihag at magkakaroon ng habag sa inyo, babalik siya at titipunin kayo mula sa lahat ng mga tao kung saan si Yahweh ang inyong Diyos ay ikinalat kayo.
4 Byť pak někdo z tvých i na konec světa zahnán byl, odtud zase shromáždí tě Hospodin Bůh tvůj, a odtud půjme tě,
Kung mayroon sa mga lahi ninyo ang ipinatapon sa pinaka-malalayong mga lugar mula sa ilalim ng kalangitan, mula kung saan si Yahweh na inyong Diyos ay titipunin kayo, at magmula doon dadalhin niya kayo.
5 A uvede tě zase Hospodin Bůh tvůj do země, kterouž dědičně vládli otcové tvoji, a opanuješ ji, a dobřeť učiní a rozmnoží tě více nežli otce tvé.
Si Yahweh na inyong Diyos ay dadalhin kayo sa lupain na pagmamay-ari ng inyong mga ninuno, at magiging sa inyo ulit ito; Gagawan ka niya ng kabutihan at pararamihin kayo higit pa sa ginawa niya sa inyong mga ninuno.
6 A obřeže Hospodin Bůh tvůj srdce tvé a srdce semene tvého, abys miloval Hospodina Boha svého z celého srdce svého, a ze vší duše své, abys živ byl.
Tutuliin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong puso at ang puso ng inyong mga kaapu-apuhan para mamahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa, para kayo ay mabuhay.
7 Všecka pak zlořečenství tato obrátí Hospodin Bůh tvůj na nepřátely tvé a na ty, jenž v nenávisti měli tebe, a protivili se tobě.
Ilalagay ni Yahweh na inyong Diyos itong mga sumpa sa inyong mga kaaway at sa mga galit, at sa sinumang nagpapahirap sa inyo.
8 Ty tedy obrátě se, když poslouchati budeš hlasu Hospodina Boha svého, a činiti všecka přikázaní jeho, kteráž já tobě dnes přikazuji:
Babalik kayo at susunod sa boses ni Yahweh, at gagawin ninyo ang lahat ng kaniyang mga utos na inuutos ko sa inyo sa araw na ito.
9 Dáť Hospodin Bůh tvůj prospěch při všem díle rukou tvých, v plodu života tvého i v plodu dobytka tvého, a v úrodách země tvé, tobě k dobrému. Nebo zase veseliti se bude Hospodin z tebe, dobře čině tobě, jakož veselil se z otců tvých,
Si Yahweh na inyong Diyos ay gagawing masagana ang lahat ng ginawa ng inyong kamay sa bunga ng inyong katawan, sa bunga ng inyong mga baka, at sa bunga ng inyong mga pananim, para sa kasaganahan, para kay Yahweh muling masisiyahan ulit siya sa inyo sa kasaganahan, gaya ng pagkalugod niya sa inyong mga ninuno.
10 Jestliže bys však poslouchal hlasu Hospodina Boha svého, a ostříhal přikázaní jeho a ustanovení jeho, napsaných v knize zákona tohoto, když bys se obrátil k Hospodinu Bohu svému celým srdcem svým a celou duší svou.
Gagawin niya ito kung susundin ninyo ang salita ni Yahweh na inyong Diyos, para panatilihin ang kaniyang mga kautusan at mga batas na nasusulat sa aklat ng kautusan, kung babalik kayo kay Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa.
11 Nebo přikázaní toto, kteréž přikazuji tobě dnes, není skryté před tebou, ani vzdálené od tebe.
Dahil itong utos na sinasabi ko sa inyo sa araw na ito ay hindi lubhang mahirap para sa inyo, ni ito ay napakalayo sa inyo para abutin,
12 Není na nebi, abys řekl: Kdo nám vstoupí do nebe, aby vezma, přinesl a oznámil je nám, abychom je plnili?
hindi ito nasa langit, para sabihin ninyo, “Sinong nais umakyat sa atin sa langit at dalhin ito pababa sa atin at maaari nating marinig ito, para magawa natin ito?'
13 Ani za mořem jest, abys řekl: Kdo se nám přeplaví za moře, aby je přinesl a oznámil nám, abychom plnili je?
Maging ito ay sa ibayo ng dagat, para inyong masabi, 'Sino sa atin ang pupunta sa ibayong dagat para dalhin ito sa atin at marinig natin, at para magawa natin ito?'
14 Ale velmi blízko tebe jest slovo, v ústech tvých a v srdci tvém, abys činil to:
Pero ang salita ay napakalapit sa inyo, nasa inyong bibig at nasa inyong puso, para inyong magawa ito.
15 (Hle, předložil jsem tobě dnes život a dobré, smrt i zlé),
Tingnan ninyo, inilagay ko sa araw na ito sa inyong harapan ang buhay at kabutihan, kamatayan at kasamaan.
16 Což já přikazuji tobě dnes, abys miloval Hospodina Boha svého, chodě po cestách jeho a ostříhaje přikázaní jeho, ustanovení a soudů jeho, abys živ jsa, rozmnožen byl, a požehnal tobě Hospodin Bůh tvůj v zemi, do kteréž jdeš, abys ji dědičně obdržel.
Kung susundin ninyo ang mga panuntunan ni Yahweh na inyong Diyos, na sinasabi ko sa inyo sa araw na ito na mahalin si Yahweh na inyong Diyos, para mamuhay ng naaayon sa kaniyang paraan, at sundin ang kaniyang mga kautusan, ang kaniyang mga batas at kaniyang mga ordenansa, mabubuhay kayo at paparamihin, at pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lupain na inyong pupuntahan para angkinin.
17 Pakli se odvrátí srdce tvé, a nebudeš poslouchati, ale přiveden jsa k tomu, klaněti se budeš bohům cizím a jim sloužiti:
Pero kung ang inyong puso ay tumalikod at hindi kayo nakinig sa halip ay lumayo at nagpatirapa pababa sa ibang mga diyus-diyosan at sasambahin sila,
18 Ohlašuji vám dnes, že jistotně zahynete, aniž prodlíte dnů svých v zemi, do kteréž se přes Jordán béřeš, abys ji dědičně obdržel.
kung gayon, sasabihin ko sa inyo sa araw na ito siguradong mamamatay kayo, hindi tatagal ang inyong buhay sa lupain na inyong dadaanan sa kabila ng Jordan para puntahan at angkinin.
19 Osvědčuji proti tobě dnes nebem a zemí, žeť jsem život i smrt předložil, požehnání i zlořečenství; vyvoliž sobě tedy život, abys živ byl ty i símě tvé,
Tinatawag ko ang langit at ang lupa para maging saksi laban sa inyo sa araw na ito, itinalaga ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang mga pagpapala at mga sumpa, kaya piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mamuhay ng matagal.
20 A miloval Hospodina Boha svého, poslouchaje hlasu jeho a přídrže se jeho, (nebo on jest život tvůj, a dlouhost dnů tvých), abys bydlil v zemi, kterouž s přísahou zaslíbil Hospodin otcům tvým Abrahamovi, Izákovi a Jákobovi, že jim ji dá.
Gawin ito para mahalin si Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang kaniyang salita, at para kumapit sa kaniya. Dahil siya ang inyong buhay at ang haba ng inyong mga araw, gawin ninyo ito para maaari kayong mamuhay sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila.”