< 2 Kronická 28 >

1 Ve dvadcíti letech byl Achas, když počal kralovati, a šestnácte let kraloval v Jeruzalémě, a nečinil toho, což pravého bylo před očima Hospodinovýma, jako David otec jeho.
Si Ahaz ay dalawampung taong gulang nang magsimula siyang maghari at naghari siya sa Jerusalem ng labing-anim na taon. Hindi niya ginawa ang tama sa mga mata ni Yahweh, katulad ng ginawa ni David na kaniyang ninuno.
2 Ale chodil po cestách králů Izraelských, nýbrž nadělal také slitin modlářských.
Sa halip, lumakad siya sa mga pamamaraan ng mga hari ng Israel, gumawa rin siya ng mga metal na imahen para sa mga Baal.
3 Přesto i sám kadíval v údolí Benhinnom, a pálil syny své ohněm podlé ohavností pohanů, kteréž vyhnal Hospodin před syny Izraelskými.
Bukod pa roon, nagsunog siya ng insenso sa lambak ng Ben Hinom at inialay niya ang mga anak niya bilang mga alay na susunugin, alinsunod sa kalapastanganan ng mga lahing pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga Israelita.
4 A obětoval i kadíval na výsostech a na pahrbcích, i pod každým stromem zeleným.
Nag-alay at nagsunog siya ng insenso sa mga dambana, sa mga burol, at sa ilalim ng bawat luntiang puno.
5 Protož dal jej Hospodin Bůh jeho v ruku krále Syrského. Kteříž porazivše jej, zajali odtud množství veliké, a přivedli je do Damašku. Nad to i v ruku krále Izraelského dán jest, kterýž porazil jej porážkou velikou.
Kaya ipinasakamay siya ni Yahweh na Diyos ni Ahaz sa hari ng Aram. Tinalo siya ng mga Arameo at kinuha mula sa kaniya ang napakalaking bilang ng mga bilanggo at dinala sila sa Damasco. Napasakamay din si Ahaz sa hari ng Israel, na tumalo sa kaniya sa isang matinding labanan.
6 Nebo pomordoval Pekach syn Romeliášův v Judstvu sto a dvadcet tisíců dne jednoho, vše mužů udatných, proto že opustili Hospodina Boha otců svých.
Si Peka na anak ni Remalias ay nakapatay ng 120, 000 na mga kawal sa Juda sa loob ng isang araw, lahat ng mga matatapang nilang kawal, dahil tinalikuran nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
7 Zabil také Zichri, rytíř Efraimský Maaseiáše syna králova, a Azrikama, správce domu jeho, a Elkána, druhého po králi.
Pinatay ni Zicri na isang malakas na lalaki mula sa Efraim si Maasias na anak na lalaki ng hari, si Azrikam na tagapamahala sa palasyo, at si Elkana na kanang kamay ng hari.
8 Nadto zajali též synové Izraelští z bratří svých dvakrát sto tisíc žen, synů a dcer, ano i kořistí mnoho nabrali od nich, a vezli loupež do Samaří.
Nagdala ng mga bihag ang hukbo ng Israel mula sa 200, 000 na asawang babae ng kanilang mga kamag-anak, mga anak na lalaki at babae. Marami rin silang sinamsam na dinala nila pabalik sa Samaria.
9 Byl pak tu prorok Hospodinův, jménem Oded, kterýž vyšed proti vojsku přicházejícímu do Samaří, řekl jim: Hle, rozhněvav se Hospodin Bůh otců vašich na Judské, vydal je v ruku vaši, a vy jste je pomordovali v prchlivosti, kteráž až k nebi dosáhla.
Ngunit naroon ang isang propeta ni Yahweh, Oded ang kaniyang pangalan. Siya ay lumabas upang salubungin ang hukbo na papasok sa Samaria. Sinabi niya sa kanila, “Dahil nagalit si Yahweh sa Juda, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ipinasakamay niya sila sa inyo. Ngunit pinagpapatay ninyo sila sa galit na abot hanggang langit.
10 A ještě Judské a Jeruzalémské myslíte sobě podrobiti za pacholky a děvky. Zdaliž i vy, i vy, jste bez hříchů proti Hospodinu Bohu vašemu?
At ngayon, gusto pa ninyong gawing alipin ang mga kalalakihan at kababaihan ng Juda at Jerusalem. Ngunit hindi ba kayo mismo ay nagkasala kay Yahweh na inyong Diyos?
11 A protož nyní poslechněte mne, a doveďte zase zajaté, kteréž jste zajali z bratří svých; nebo jinak hněv prchlivosti Hospodinovy bude proti vám.
Makinig kayo ngayon sa akin: ibalik ninyo ang mga bilanggo na inyong binihag mula sa inyong mga kapatid, sapagkat ang matinding poot ni Yahweh ay nasa inyo.”
12 Tedy povstali někteří z předních synů Efraimových: Azariáš syn Jochananův, Berechiáš syn Mesillemotův, Ezechiáš syn Sallumův, a Amaza syn Chadlaiův proti těm, kteříž se vracovali z té vojny.
Pagkatapos, may ilang pinuno ng Efraim ang tumayo laban sa mga bumalik mula sa digmaan, ang mga lalaking sina Azarias na anak ni Johanan, si Berquias na anak ni Mesillemot, si Jehizkias na anak ni Sallum at si Amasa na anak ni hadlai.
13 A řekli jim: Nepřivedete sem těch zajatých; nebo vinu proti Hospodinu myslíte na nás uvesti, přivětšujíce hříchů našich a provinění našich. Veliký tě zajisté hřích náš a prchlivost hněvu proti Izraelovi.
Sinabi nila sa kanila, “Hindi ninyo dapat dalhin ang mga bilanggo rito, sapagkat ang gusto ninyo ay isang bagay na magdadala sa atin ng kasalanan laban kay Yahweh na magdaragdag sa ating mga kasalanan at mga paglabag; sapagkat napakalaki ng ating paglabag at mayroong matinding poot laban sa Israel.”
14 Takž nechali vojáci těch zajatých i kořistí svých před knížaty a vším shromážděním.
Kaya iniwan ng mga kawal ang mga bilanggo at ang mga sinamsam sa harapan ng mga pinuno at sa buong kapulungan.
15 A přičinivše se muži někteří ze jména znamenaní, vzali ty zajaté, a všecky, kteřížkoli z nich nebyli odění, přiodíli je z těch kořistí. A když je zobláčeli a zobouvali, nakrmili i napojili, ano i pomazali, a zprovodili na oslích, každého nemocného z nich, a dovedli ho do Jericha města palmového k bratřím jejich, potom navrátili se do Samaří.
Ang mga lalaking itinalaga ay tumayo at kinuha ang mga bilanggo at dinamitan ang mga walang kasuotan mula sa mga nasamsam. Dinamitan nila sila at binigyan sila ng sandalyas. Binigyan sila ng makakain at inumin. Ginamot nila ang kanilang mga sugat at isinakay ang mga nanghihina sa mga asno. Ibinalik sila sa kanilang mga pamilya sa Jerico, (na tinatawag na lungsod ng mga Palma). Pagkatapos bumalik sila sa Samaria.
16 Toho času poslal král Achas k králům Assyrským, aby mu pomoc dali.
Nang mga panahong iyon, nagpadala si Haring Ahaz ng mga mensahero sa mga hari ng Asiria upang pakiusapan silang tulungan siya.
17 Nebo ještě přitáhli i Idumejští, a zbili některé z Judských, a jiné zajali.
Sapagkat muling nagbalik ang mga Edomita at sinalakay ang Juda at kumuha ng mga bilanggo.
18 Nadto i Filistinští učinili vpád do měst, na rovinách k straně polední Judstva, a vzali Betsemes a Aialon, a Gederot a Socho i vsi jeho, a Tamna i vsi jeho, a Gimzo i vsi jeho, a bydlili v nich.
Sinakop din ng mga Filisteo ang mga lungsod sa mga mabababang lupain at ang Negev ng Juda. Kinuha nila ang Beth-semes, Aijalon, Gederot, Soco kasama ang mga nayon nito, Timna kasama ang mga nayon nito, at gayon din ang Gimzo kasama ang mga nayon nito. Nagpunta sila upang manirahan sa mga lugar na iyon.
19 Tak zajisté ponižoval Hospodin Judy pro Achasa krále Izraelského, proto že odvrátil Judu, aby naprosto převráceně činil proti Hospodinu.
Sapagkat ibinaba ni Yahweh ang Juda dahil kay Ahaz, ang hari ng Israel; sapagkat napakasama ng kaniyang ginawa sa Juda at labis na nagkasala kay Yahweh.
20 A tak přitáhl k němu Tiglatfalazar král Assyrský, a více ho ssužoval, nežli mu pomáhal.
Si Tiglat-Pileser, hari ng Asiria, ay nagpunta at ginulo siya sa halip na palakasin siya.
21 A ačkoli Achas vzal z domu Hospodinova a domu královského, i od knížat, a dal králi Assyrskému, však nedal jemu pomoci.
Sapagkat sinamsam at pinagnakawan ni Ahaz ang tahanan ni Yahweh at ang mga tahanan ng mga hari at mga pinuno upang ibigay sa mga hari ng Asiria, ngunit hindi ito nakatulong sa kaniya.
22 V který pak koli čas byl ssužován, tím větší převrácenost páchal proti Hospodinu. Takový byl král Achas.
Ang Haring ito na si Ahaz ay nagkasala pa ng mas matindi laban kay Yahweh sa panahon ng kaniyang pagdurusa.
23 Nebo obětoval bohům Damašským, kteříž ho porazili, a řekl: Poněvadž bohové králů Syrských pomáhají jim, těm obětovati budu, aby mně pomáhali. Ale oni byli ku pádu jemu, ano i všemu Izraeli.
Sapagkat nag-alay siya sa mga diyos ng Damasco, mga diyos na tumalo sa kaniya. Sinabi niya, “Dahil tinulungan sila ng mga diyos ng mga hari ng Syria, mag-aalay ako sa kanila, upang matulungan nila ako.” Ngunit sila ang sumira sa kaniya at sa buong Israel.
24 Pročež shromáždiv Achas nádoby domu Božího, osekal je, a zamkl dvéře domu Hospodinova, a nadělal sobě oltářů při každém úhlu v Jeruzalémě.
Tinipon ni Ahaz ang mga kagamitan sa tahanan ng Diyos at pinagpuputol ang mga ito. Ipinasara niya ang mga pintuan ng tahanan ni Yahweh at gumawa siya ng mga altar para sa kaniyang sarili sa bawat sulok ng Jerusalem.
25 Ano i v každém městě Judském zdělal výsosti, aby kadil bohům cizím, a tak popouzel k hněvu Hospodina Boha otců svých.
Gumawa siya ng mga dambana sa bawat lungsod ng Juda upang pagsunugan ng mga alay sa ibang mga diyos, at ito ang naging dahilan upang magalit si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno.
26 O jiných pak věcech jeho, a o všech cestách jeho, prvních i posledních zapsáno jest v knize králů Judských a Izraelských.
Ngayon, ang lahat ng kaniyang mga ginawa at lahat ng kaniyang kapamaraanan mula umpisa hanggang wakas, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.
27 I usnul Achas s otci svými, a pochovali jej v městě Jeruzalémě; nebo nevložili ho do hrobů králů Izraelských. I kraloval Ezechiáš syn jeho místo něho.
Namatay si Ahaz at siya ay kanilang inilibing sa lungsod sa Jerusalem, ngunit siya ay hindi nila dinala sa mga libingan ng mga hari ng Israel. Si Ezequias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

< 2 Kronická 28 >