< 1 Kronická 23 >

1 Sstarav se pak David, a jsa pln dnů, ustanovil králem Šalomouna syna svého nad Izraelem,
Nang matanda na si David at malapit na ang wakas ng kaniyang buhay, ginawa niyang hari sa buong Israel ang kaniyang anak na si Solomon.
2 A shromáždil všecka knížata Izraelská, i kněží a Levíty.
Tinipon niya ang lahat ng mga pinuno ng Israel, kasama ang mga pari at mga Levita.
3 I sečteni jsou Levítové od třidcítiletých a výše, a byl počet jich, vedlé jmen a osob jejich, třidceti a osm tisíců.
Binilang ang mga Levita na nasa tatlumpung taong gulang at higit pa. Tatlumpu't walong libo ang bilang nila.
4 Z kterýchž postaveno bylo nad dílem domu Hospodinova čtyřmecítma tisíců, vladařů pak a soudců šest tisíců,
Sa mga ito, dalawampu't apat na libo ang mangangasiwa ng trabaho sa tahanan ni Yahweh, at anim na libo ang mga opisyal at mga hukom.
5 A vrátných čtyři tisíce, a čtyři tisíce chválících Hospodina na nástrojích, kterýchž nadělal k chválení Boha.
Ang apat na libo ay mga taga-bantay ng pintuan at apat na libo ang magpupuri kay Yahweh na may mga instrumento “na ginawa ko para sa pagsamba” sabi ni David.
6 I nařídil David pořádku mezi syny Léví, totiž mezi syny Gerson, Kahat a Merari.
Hinati sila ni David sa pangkat na umayon sa mga anak na lalaki ni Levi: Gershon, Kohat at Merari.
7 Z Gersona byli Ladan a Semei.
Mula sa mga angkan na nagmula kay Gershon, si Ladan at Simei.
8 Synové Ladan: Kníže Jehiel, Zetam a Joel, ti tři.
Mayroong tatlo sa mga lalaking anak ni Ladan: sina Jehiel na pinuno, Zetam at Joel.
9 Synové Semei: Selomit, Oziel a Háran, ti tři. Ta jsou knížata otcovských čeledí Ladanských.
Mayroong tatlo sa mga lalaking anak ni Simei: sina Zelomit, Haziel at Haran. Ito ang mga pinuno ng mga angkan ni Ladan.
10 Synové pak Semei: Jachat, Zina, Jehus a Beria. Ti čtyři jsou synové Semei.
Ang apat na anak na lalaki ni Simei: sina Jahat, Zisa, Jeus at Berias.
11 Byl pak Jachat kníže, a Ziza druhý, ale Jehus a Beria ne mnoho měli synů, a protož v čeledi otcovské za jedny byli počítáni.
Si Jahat ang panganay at si Zisa ang pangalawa ngunit hindi nagkaroon ng maraming anak na lalaki sina Jeus at Beria, kaya sila ay binilang na isang angkan na may parehong tungkulin.
12 Synové Kahat: Amram, Izar, Hebron a Uziel, ti čtyři.
Ang apat na anak na lalaki ni Kohat: sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
13 Synové Amramovi: Aron a Mojžíš. Byl pak oddělen Aron, aby sloužil v svatyni svatých, on i synové jeho na věky, a aby kadili před Hospodinem, a sloužili jemu, i dobrořečili ve jménu jeho až na věky.
Ang mga anak ni Amram: sina Aaron at Moises. Napili si Aaron at ang kaniyang kaapu-apuhan sa isang permanenteng batayan upang ihandog ang mga bagay na ganap na pag-aari ni Yahweh, upang maghandog ng insenso kay Yahweh, upang maglingkod sa kaniya, at upang magbigay ng mga pagpapala sa kaniyang pangalan magpakailanman.
14 Ale synové Mojžíše, muže Božího, počteni jsou v pokolení Léví.
Tungkol naman kay Moises na lingkod ng Diyos, ang kaniyang mga anak ay itinuring na mga Levita.
15 Synové Mojžíšovi: Gersom a Eliezer.
Ang mga anak na lalaki ni Moises ay sina Gershon at Eliezer.
16 Synové Gersomovi: Sebuel kníže.
Si Sebuel ang pinakamatanda sa kaapu-apuhan ni Gershon
17 A synové Eliezerovi: Rechabiáš kníže. Neměl pak Eliezer více synů, ale synové Rechabiášovi rozmnožili se velmi.
Si Rehabias ang kaapu-apuhan ni Eliezer. Wala ng ibang anak na lalaki si Eliezer, ngunit si Rehabias ay maraming mga kaapu-apuhan.
18 Synové Izarovi: Selomit kníže.
Ang anak na lalaki ni Izar ay si Zelomit na pinuno.
19 Synové Hebronovi: Jeriáš kníže, Amariáš druhé, Jachaziel třetí, a Jekmaam čtvrté.
Ang kapu-apuhan ni Hebron ay si Jerias, ang panganay, si Amarias ang pangalawa, si Jahaziel ang pangatlo, at si Jecamiam ang pang-apat.
20 Synové Uzielovi: Mícha kníže, a Jezia druhý.
Ang mga anak na lalaki ni Uziel ay si Micas na panganay, at si Isias na ikalawa.
21 Synové Merari: Moholi a Musi. Synové Moholi: Eleazar a Cis.
Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Musi. Sina Eleazar at Kis ang mga anak na lalaki ni Mahli.
22 Umřel pak Eleazar, a neměl synů, než toliko dcery, kteréž pojali synové Cis, bratří jejich.
Namatay si Eleazar na hindi nagkaroon ng mga anak na lalaki. Mayroon lamang siyang anak na mga babae. Sila ay naging asawa ng mga anak na lalaki ni Kis.
23 Synové Musi: Moholi a Eder a Jerimot, ti tři.
Ang tatlong mga anak na lalaki ni Musi ay sina Mahli, Eder, at Jeremot.
24 Ti jsou synové Léví po čeledech svých, knížata čeledí, kteříž vyčteni byli vedlé počtu jmen a osob, konající dílo v přisluhování domu Hospodinova od dvadcítiletých a výše.
Ito ang mga kaapu-apuhan ni Levi ayon sa kanilang mga angkan. Sila ang mga pinuno na binilang at nilista sa pamamagitan ng pangalan, ng mga angkan na gumawa ng gawain ng paglilingkod sa tahanan ni Yahweh, mula sa dalampung taong gulang pataas.
25 Nebo řekl David: Odpočinutí dal Hospodin Bůh Izraelský lidu svému, a bydliti bude v Jeruzalémě až na věky.
Sapagkat sinabi ni David, “Si Yahweh, na Diyos ng Israel, ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang mga tao. Ginawa niya ang kaniyang tahanan sa Jerusalem magpakailanman.
26 Ano i Levítové nebudou více nositi stánku, ani kterých nádob jeho k přisluhování jeho.
Hindi na kinakailangan pang buhatin ng mga Levita ang tabernakulo at lahat ng kagamitang ginagamit sa paglilingkod dito.
27 A tak podlé nařízení Davidova nejposlednějšího byvše sečteni synové Léví, počna od dvadcítiletých a výše,
Sapagkat sa huling mga salita ni David, ang mga Levita ay binilang mula sa gulang na dalampung taon pataas.
28 Postaveni byli, aby byli ku pomoci synů Aronových, v přisluhování domu Hospodinova v síňcích, v pokojích a při očišťování všeliké věci svaté, i při práci služebnosti domu Božího,
Ang kanilang tungkulin ay upang tulungan ang kaapu-apuhan ni Aaron sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Sila ang mangangalaga sa mga patyo, mga silid, ang seremonya sa paglilinis ng lahat ng mga bagay na pag-aari ni Yahweh, at iba pang gawain sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos.
29 Též při chlebích posvátných, a při běli k obětem suchým, při koláčích přesných, a při pánvicích a rendlících, i při všeliké míře a měření,
Sila rin ang mamamahala sa tinapay na handog, ang pinong harina para sa mga handog na butil, ang manipis na tinapay na walang pampaalsa, ang inihurnong mga handog, ang mga handog na hinaluan ng langis, at lahat ng panukat ng dami at sukat ng mga bagay.
30 A aby stáli každého jitra k slavení a chválení Hospodina, tolikéž i u večer,
Tumatayo rin sila tuwing umaga upang magpasalamat at magpuri kay Yahweh. Ginagawa rin nila ito sa gabi
31 A při všeliké oběti zápalů Hospodinových ve dny sobotní, a na novměsíce a v svátky výroční v jistém počtu, vedlé řádu jejich ustavičně před Hospodinem,
at sa tuwing iniaalay ang mga handog na susunugin kay Yahweh, sa Araw ng Pamamahinga at sa pagdiriwang ng bagong buwan at mga araw ng pista. Ang saktong bilang na itinakda sa pamamagitan ng kautusan, ay kailangan na laging nasa harap ni Yahweh.
32 A tak aby drželi stráž stánku úmluvy, a stráž svatyně, i stráž synů Aronových, bratří svých v službě domu Hospodinova.
Sila ang mamamahala sa tolda ng pagtitipon, sa banal na lugar, at tutulungan nila ang mga katulad nilang kaapu-apuhan ni Aaron sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh.

< 1 Kronická 23 >