< 1 Kronická 18 >
1 Stalo se potom, že porazil David Filistinské, a zemdlil je, a vzal Gát i vesnice jeho z ruky Filistinských.
Pagkatapos nito, nangyari na sinalakay ni David ang mga Filisteo at tinalo sila. Kinuha niya ang Gat at ang mga nayon nito mula sa pamamahala ng mga FIlisteo.
2 Porazil také i Moábské, a učiněni jsou Moábští služebníci Davidovi, a dávali jemu plat.
Pagkatapos tinalo niya ang Moab, at naging mga tagapaglingkod ni David ang mga Moabita at binigyan siya ng parangal.
3 Porazil též David Hadarezera krále Soba v Emat, když byl vytáhl, aby opanoval řeku Eufrates.
Sunod na tinalo ni David si Hadadezer, ang hari ng Zoba sa Hamat, habang naglalakbay si Hadadezer upang itatag ang kaniyang pamumuno sa Ilog Eufrates.
4 A pobral mu David tisíc vozů, a sedm tisíc jízdných, a dvadceti tisíc mužů pěších, a zpodřezoval David žily všechněm koňům vozníkům. Toliko zanechal z nich ke stu vozům.
Nabihag ni David mula sa kaniya ang isanlibong karwahe, pitong libong mangangabayo, at dalawampung libong kawal na naglalakad. Pinilayan ni David ang mga kabayo ng mga karwahe, ngunit nagtira siya ng sapat sa kanila para sa isandaang karwahe.
5 Přitáhli pak byli Syrští od Damašku na pomoc Hadarezerovi králi Soba, ale David porazil z Syrských dvamecítma tisíc mužů.
Nang dumating ang mga Arameo ng Damasco upang tulungan si Hadadezer na hari ng Zoba, pinatay ni David ang dalawampu't dalawang libong Arameong kalalakihan.
6 Tedy osadil David Syrii Damašskou. I učiněni jsou Syrští služebníci Davidovi, dávajíce plat; nebo zachovával Hospodin Davida, kamž se koli obrátil.
Pagkatapos naglagay si David ng mga kuta sa Aram ng Damasco, at naging mga alipin niya ang mga Arameo at nagdala sa kaniya ng parangal. Binigyan ni Yahweh si David ng katagumpayan saan man siya nagpunta.
7 Pobral také David štíty zlaté, kteréž měli služebníci Hadarezerovi, a přinesl je do Jeruzaléma.
Kinuha ni David ang mga gintong panangga na nasa mga alipin ni Hadadezer at dinala sila sa Jerusalem.
8 Z Tibchat též a z Chun, měst Hadarezerových, nabral David mědi velmi mnoho, z kteréž potom slil Šalomoun moře měděné, a sloupy i nádobí měděné.
Kinuha ni David ang napakaraming tanso mula sa Tibha at Cun, ang mga lungsod ni Hadadezer. Ito ang mga tanso na kalaunan ay ginamit ni Solomon sa paggawa ng tansong dagat, mga haligi, at mga kagamitang tanso.
9 A když uslyšel Tohu král Emat, že porazil David všecko vojsko Hadarezera krále Soba,
Nang mabalitaan ni Tou, ang hari ng Hamat, na tinalo ni David ang lahat ng hukbo ni Hadadezer na hari ng Zoba,
10 Poslal Adorama syna svého k králi Davidovi, aby ho pozdravil přátelsky, a spolu se s ním radoval z toho, že bojoval s Hadarezerem, a porazil ho; (nebo válčil Tohu s Hadarezerem). Kterýžto přinesl všelijaké nádoby zlaté a stříbrné i měděné.
ipinadala ni Tou ang kaniyang anak na si Hadoram kay Haring David upang batiin at pagpalain, dahil nakipaglaban at tinalo ni David si Hadadezer, at dahil nagdeklara si Hadadezer ng digmaan laban kay Tou. Nagdala si Hadoram ng mga kagamitan na pilak, ginto, at tanso.
11 Ty také obětoval král David Hospodinu s stříbrem a zlatem, kteréhož byl nabral ze všech národů, z Idumejských, z Moábských, z synů Ammon, z Filistinských, i z Amalechitských.
Inilaan ni Haring David ang mga kagamitang ito kay Yahweh, kasama ang mga pilak at mga ginto na nakuha niya sa lahat ng bansa: sa Edom, Moab, sa mga Ammonita, sa mga Filisteo, at Amalek.
12 Abizai také syn Sarvie porazil Idumejských v údolí solnatém osmnácte tisíc.
Pinatay ni Abisai na anak ni Zeruias ang 18, 000 na Edomita sa lambak ng Asin.
13 Protož i nad Idumejskými postavil stráž, a učiněni jsou všickni Idumejští služebníci Davidovi; nebo zachovával Hospodin Davida, kamž se koli obrátil.
Naglagay siya ng mga kuta sa Edom, at naging mga tagapaglingkod ni David ang lahat ng Edomita. Binigyan ni Yahweh si David ng katagumpayan saan man siya nagpunta.
14 A tak kraloval David nade vším Izraelem, a činil soud a spravedlnost všemu lidu svému.
Naghari si David sa buong Israel, at pinangasiwaan niya nang may katarungan at katuwiran ang lahat ng kaniyang mamamayan.
15 Joáb pak syn Sarvie byl nad vojskem, a Jozafat syn Achiludův byl kancléřem.
Si Joab na anak ni Zeruias ang pinuno ng hukbo, at si Jehosafat na anak ni Ahilud ang tagapagtala.
16 Sádoch také syn Achitobův a Abimelech syn Abiatarův byli kněžími, a Susa byl písařem.
Si Zadok na anak ni Ahitob at si Abimelec na anak ni Abiatar ay mga pari, at si Shavsha ay eskriba.
17 Banaiáš pak syn Joiadův byl nad Cheretejskými a Peletejskými, a synové Davidovi knížaty při králi.
Si Benaias na anak ni Joiada ang tagapangasiwa ng mga Kereteo at mga Peleteo, at ang mga anak ni David ay ang mga pangunahing tagapayo ng hari.