< Žalmy 1 >
1 Blahoslavený ten muž, kterýž nechodí po radě bezbožných, a na cestě hříšníků nestojí, a na stolici posměvačů nesedá.
Mapalad ang taong hindi lumalakad sa payo ng masama, o tumatayo sa daanan kasama ang mga makasalanan, o umuupo sa kapulungan ng mga nangungutya.
2 Ale v zákoně Hospodinově jest líbost jeho, a v zákoně jeho přemýšlí dnem i nocí.
Pero ang kaniyang kagalakan ay nasa batas ni Yahweh, at sa kaniyang batas, nagbubulay-bulay siya araw at gabi.
3 Nebo bude jako strom štípený při tekutých vodách, kterýž ovoce své vydává časem svým, jehožto list nevadne, a cožkoli činiti bude, šťastně mu se povede.
Siya ay matutulad sa isang puno na nakatanim malapit sa mga batis ng tubig na namumunga sa panahon nito, na ang mga dahon ay hindi nalalanta; anuman ang kaniyang gawin ay sasagana.
4 Ne takť budou bezbožní, ale jako plevy, kteréž rozmítá vítr.
Ang mga masasama ay hindi katulad nito, sa halip (sila) ay katulad ng ipa na tinatangay ng hangin.
5 A protož neostojí bezbožní na soudu, ani hříšníci v shromáždění spravedlivých.
Kaya ang masama ay hindi makatatayo sa paghahatol, maging ang mga makasalanan sa kapulungan ng matuwid.
6 Neboť zná Hospodin cestu spravedlivých, ale cesta bezbožných zahyne.
Dahil sinasang-ayunan ni Yahweh ang daanan ng matuwid, pero ang daanan ng masama ay mapupuksa.