< Príslovia 5 >
1 Synu můj, pozoruj moudrosti mé, k opatrnosti mé nakloň ucha svého,
Aking anak na lalaki, bigyang pansin ang aking karunungan; makinig mabuti sa aking kaunawaan,
2 Abys ostříhal prozřetelnosti, a rtové tvoji šetřili umění.
upang ikaw ay matuto tungkol sa mabuting pagpapasya, at ang iyong mga labi ay maaaring pangalagaan ang kaalaman.
3 Nebo rtové cizí ženy strdí tekou, a měkčejší nad olej ústa její.
Sapagkat ang labi ng isang nangangalunyang babae ay dinadaluyan ng pulot, at ang kaniyang bibig ay mas madulas kaysa sa langis,
4 Poslední pak věci její hořké jsou jako pelyněk, ostré jako meč na obě straně ostrý.
pero sa huli siya ay katulad ng halamang mapait, humihiwa tulad ng isang matalim na espada.
5 Nohy její sstupují k smrti, krokové její hrob uchvacují. (Sheol )
Ang kaniyang mga paa ay humahakbang papunta sa kamatayan; at tumutungo papunta sa sheol. (Sheol )
6 Stezku života snad bys zvážiti chtěl? Vrtkéť jsou cesty její, neseznáš.
Hindi niya binibigyang pansin ang landas ng buhay. Ang kaniyang mga yapak ay gumagala; hindi niya alam kung saan siya patungo.
7 Protož, synové, poslechněte mne, a neodstupujte od řečí úst mých.
At ngayon, aking mga anak, makinig sa akin; huwag tumalikod mula sa pakikinig sa mga salita ng aking bibig.
8 Vzdal od ní cestu svou, a nepřibližuj se ke dveřím domu jejího,
Lumayo kayo sa kaniyang landas, at huwag kayong lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay.
9 Abys snad nedal jiným slávy své, a let svých ukrutnému,
Sa ganoong paraan hindi ninyo ipamimigay ang inyong karangalan sa iba o ang mga taon ng inyong buhay sa isang malupit na tao;
10 Aby se nenasytili cizí úsilím tvým, a práce tvá nezůstala v domě cizím.
ang mga taong hindi kilala ay hindi magdiriwang sa inyong kayamanan; ang inyong pinaghirapan ay hindi mapupunta sa bahay ng mga taong hindi kilala.
11 I řval bys naposledy, když bys zhubil tělo své a čerstvost svou,
Sa katapusan ng inyong buhay kayo ay dadaing kapag ang inyong laman at inyong katawan ay nabulok.
12 A řekl bys: Jak jsem nenáviděl cvičení, a domlouváním pohrdalo srdce mé,
Sasabihin ninyo, “Kinapopootan ko ang disiplina at hinamak ng aking puso ang pagtatama!
13 A neposlouchal jsem hlasu vyučujících mne, a k učitelům svým nenaklonil jsem ucha svého!
Hindi ako sumunod sa aking mga guro o nakinig sa aking mga tagapagturo.
14 O málo, že jsem nevlezl ve všecko zlé u prostřed shromáždění a zástupu.
Malapit na akong ganap na masira sa gitna ng kapulungan, sa pagtitipon ng mga tao.”
15 Pí vodu z čisterny své, a prameny z prostředku vrchoviště svého.
Uminom ng tubig mula sa inyong sariling sisidlan, at uminom ng bukal na tubig mula sa inyong sariling balon.
16 Nechť se rozlévají studnice tvé ven, a potůčkové vod na ulice.
Dapat bang ang inyong mga bukal ay umapaw sa lahat ng dako, at ang inyong mga batis ng tubig ay umagos sa mga liwasang-bayan?
17 Měj je sám sobě, a ne cizí s tebou.
Hayaan na ang mga ito ay sa inyo lamang, at hindi para sa mga hindi kilalang taong kasama ninyo.
18 Budiž požehnaný pramen tvůj, a vesel se z manželky mladosti své.
Nawa'y ang inyong bukal ay pagpalain, at nawa'y kayo ay magalak sa asawa sa inyong kabataan.
19 Laně milostné a srny utěšené; prsy její ať tě opojují všelikého času, v milování jejím kochej se ustavičně.
Sapagkat siya ay isang mapagmahal at kaaya-aya tulad ng usang babae. Hayaan ninyo ang kaniyang dibdib ay punuin kayo ng galak sa lahat ng panahon; laging maging bihag ng kaniyang pag-ibig.
20 Nebo proč bys se kochal, synu můj, v cizí, a objímal život postranní,
Sapagkat bakit ikaw, aking anak, ay dapat na mabihag ng isang babaeng nangangalunya; bakit mo kailangang yakapin ang dibdib ng isang hindi kilalang babae?
21 Poněvadž před očima Hospodinovýma jsou cesty člověka, a on všecky stezky jeho váží?
Nakikita ni Yahweh ang lahat ng ginagawa ng isang tao at pinanonood ang lahat ng landas na kaniyang tinatahak.
22 Nepravosti vlastní jímají bezbožníka takového, a v provazích hříchu svého uvázne.
Ang isang masamang tao ay mabibitag ng kaniyang sariling mga kasalanan; ang mga lubid ng kaniyang kasalanan ay pipigilan siya ng mahigpit.
23 Takovýť umře, proto že nepřijímal cvičení, a ve množství bláznovství svého blouditi bude.
Siya ay mamamatay dahil kulang siya ng disiplina; siya ay inililigaw ng kaniyang labis na kamangmangan.