< Matouš 22 >
1 I odpovídaje Ježíš, mluvil jim opět v podobenstvích, řka:
At muling nagsalita si Jesus sa kanila ng isang talinghaga, at nagsabi,
2 Podobno jest království nebeské člověku králi, kterýž učinil svadbu synu svému.
“Ang kaharian ng langit ay katulad sa isang hari na naghanda ng salu-salo sa kasal ng kaniyang anak na lalaki.
3 I poslal služebníky své, aby povolali pozvaných na svadbu, ale nechtěli přijíti.
Sinugo niya ang kaniyang mga utusan na tawagin ang mga naanyayahan sa salu-salo sa kasal, subalit ayaw nilang pumunta.
4 Opět poslal jiné služebníky, řka: Povězte pozvaným: Aj, oběd svůj připravil jsem, volové moji a krmný dobytek zbit jest, a všecko hotovo. Poďtež na svadbu.
At muling nagsugo ang hari ng iba pang mga utusan, na nagsabing, 'Sabihin sa mga naanyayahan, “Tingnan ninyo, naihanda ko na ang aking hapunan. Ang aking mga baka at pinatabang mga batang baka ay nakatay na, at ang lahat ay nakahanda na. Pumunta kayo sa salu-salo sa kasal.'
5 Ale oni nedbavše, odešli, jiný do vsi své, a jiný po kupectví svém.
Subalit binabalewala ng mga taong ito ang kaniyang paanyaya. Ang iba ay bumalik sa kanilang sariling mga bukirin, ang iba naman ay nagtungo sa mga lugar ng kanilang negosyo.
6 Jiní pak zjímavše služebníky jeho, a posměch jim učinivše, zmordovali.
Ang iba naman ay sinunggaban ang mga utusan ng hari, pinahiya at pinatay sila.
7 A uslyšav to král, rozhněval se; a poslav vojska svá, zhubil vražedlníky ty, a město jejich zapálil.
Subalit nagalit ang hari. Inutusan niya ang kaniyang mga sundalo na patayin ang mga mamamatay na iyon, at sunugin ang kanilang lungsod.
8 Tedy řekl služebníkům svým: Svadba zajisté hotova jest, ale ti, kteříž pozváni byli, nebyli hodni.
At sinabi niya sa kaniyang mga utusan, 'Ang kasal ay handa na, ngunit ang mga naanyayahan ay hindi karapat-dapat.
9 Protož jděte na rozcestí, a kteréžkoli naleznete, zovtež na svadbu.
Kaya pumunta kayo sa mga sangandaan at anyayahan ninyo kung gaano karaming tao ang inyong matatagpuan sa salu-salo sa kasal.'
10 I vyšedše služebníci ti na cesty, shromáždili všecky, kteréžkoli nalezli, zlé i dobré. A naplněna jest svadba hodovníky.
At ang mga utusan ay nagtungo sa mga malalaking daan at inipon ang lahat ng mga taong matagpuan nila kapwa mabuti at masama. Kaya't ang bulwagan pangkasalan ay napuno ng mga panauhin.
11 Tehdy všed král, aby pohleděl na hodovníky, uzřel tam člověka neoděného rouchem svadebním.
Subalit nang dumating ang hari upang tingnan ang mga panauhin, nakakita siya ng tao na hindi nakasuot ng pangkasal na kasuotan.
12 I řekl jemu: Příteli, kteraks ty sem všel, nemaje roucha svadebního? A on oněměl.
Sinabi ng hari sa kaniya, 'Kaibigan, paano ka nakapasok dito nang walang pangkasal na kasuotan?' At walang maisagot ang tao.
13 Tedy řekl král služebníkům: Svížíce nohy jeho i ruce, vezměte ho, a uvrztež jej do temností těch zevnitřních. Tamť bude pláč a škřipení zubů.
At sinabi ng hari sa kaniyang mga utusan, 'Gapusin ang kamay at paa ng taong ito, at ihagis siya sa kadiliman sa labas, kung saan doon ay may pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.'
14 Nebo mnoho jest povolaných, ale málo vyvolených.
Sapagkat maraming tao ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili.”
15 Tehdy odšedše farizeové, radili se, jak by polapili jej v řeči.
At umalis ang mga Pariseo at nagbalak kung papaanong mabitag nila si Jesus sa kaniyang sariling salita.
16 I poslali k němu učedlníky své s Herodiány, řkouce: Mistře, víme, že pravdomluvný jsi, a cestě Boží v pravdě učíš, a nedbáš na žádného; nebo nepatříš na osobu lidskou.
At pinadala nila ang kanilang mga alagad sa kaniya, kasama ang mga tagasunod ni Herodes. Sinabi nila kay Jesus, “Guro, alam namin na ikaw ay makatotohanan, at nagtuturo sa pamamaraan ng Diyos ng may katotohanan. At wala kayong pakialam sa sinasabi nang sinuman, at hindi nagpapakita ng pagtatangi sa mga tao.
17 Protož pověz nám, co se tobě zdá: Sluší-li daň dáti císaři, čili nic?
Kaya sabihin mo sa amin, ano sa palagay mo? Nararapat bang magbayad ng mga buwis kay Cesar o hindi?”
18 Znaje pak Ježíš zlost jejich, řekl: Co mne pokoušíte, pokrytci?
Subalit nakakaintindi ng kanilang kasamaan si Jesus at nagsabi, “Bakit ninyo ako sinusubok, kayong mga mapagkunwari?
19 Ukažte mi peníz daně. A oni podali mu peníze.
Ipakita ninyo sa akin ang pangbuwis na salapi.” Dinala nila ang isang denaryo sa kaniya.
20 I řekl jim: Čí jest tento obraz a nápis?
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaninong mukha at pangalan ang narito?”
21 Řekli mu: Císařův. Tedy dí jim: Dávejtež tedy, co jest císařova, císaři, a co Božího, Bohu.
Sinabi nila sa kaniya, “Kay Cesar.” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung gayon ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”
22 To uslyšavše, divili se, a opustivše jej, odešli.
Nang mapakinggan nila ito, namangha sila. At iniwan nila siya at umalis sila.
23 V ten den přišli k němu saduceové, kteříž praví, že není z mrtvých vstání. I otázali se ho,
Sa araw na iyon ilan sa mga Saduseo na mga nagsasabi na walang muling pagkabuhay ay pumunta sa kaniya. Tinanong nila siya,
24 Řkouce: Mistře, Mojžíš pověděl: Umřel-li by kdo, nemaje dětí, aby bratr jeho právem švagrovství pojal ženu jeho, a vzbudil símě bratru svému.
na nagsasabi, “Guro, sinabi ni Moises na, 'Kung ang tao ay mamatay, na walang anak, kailangang pakasalan ng kapatid niya ang kaniyang asawa at magkaroon ng anak alang-alang sa kaniyang kapatid.'
25 I bylo u nás sedm bratrů. První pojav ženu, umřel, a nemaje semene, zůstavil ženu svou bratru svému.
Mayroong pitong magkakapatid na lalaki. Ang panganay ay nag-asawa at namatay, at hindi nagkaanak. Iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalaki.
26 Takž podobně i druhý, i třetí, až do sedmého.
At ang pangalawang kapatid na lalaki gayon din ang ginawa niya, at ang pangatlo, hanggang sa pampitong kapatid na lalaki.
27 Nejposléze pak po všech umřela i žena.
Pagkatapos nilang lahat, namatay din ang babae.
28 Protož při vzkříšení kterého z těch sedmi bude žena? Nebo všickni ji měli.
Ngayon sa muling pagkabuhay, kaninong asawa siya sa pitong magkakapatid? Sapagkat siya ay naging asawa nilang lahat.”
29 I odpověděv Ježíš, řekl jim: Bloudíte, neznajíce písem ani moci Boží.
Subalit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Nagkakamali kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang mga kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos.
30 Však při vzkříšení nebudou se ani ženiti ani vdávati, ale budou jako andělé Boží v nebi.
Sapagkat sa muling pagkabuhay hindi na sila mag-aasawa, o pag-aasawahin. Sa halip, sila ay katulad ng mga anghel sa langit.
31 O vzkříšení pak mrtvých zdaliž jste nečtli, co jest vám povědíno od Boha, kterýž dí:
Ngunit tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi ba ninyo nababasa kung ano ang sinabi sa inyo ng Diyos, na nagsasabi,
32 Já jsem Bůh Abrahamův, a Bůh Izákův, a Bůh Jákobův? Bůhť není Bůh mrtvých, ale živých.
'Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob'? “Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kung hindi ng mga buhay.”
33 A slyševše to zástupové, divili se učení jeho.
Nang mapakinggan ito ng mga tao, sila ay namangha sa kaniyang katuruan.
34 Farizeové pak uslyšavše, že by k mlčení přivedl saducejské, sešli se v jedno.
Subalit nang mapakinggan ng mga Pariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo, nagtipuntipon sila.
35 I otázal se jeden z nich zákonník, pokoušeje ho, a řka:
Isa sa kanila na isang abogado ay nagtanong sa kaniya ng isang katanungan, upang subukin siya—
36 Mistře, které jest přikázaní veliké v zákoně?
“Guro, alin ba ang pinakadakilang utos sa kautusan?”
37 I řekl mu Ježíš: Milovati budeš Pána Boha svého z celého srdce svého, a ze vší duše své, a ze vší mysli své.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kinakailangang ibigin mo ang Panginoon mong Diyos, nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.'
38 To jest přední a veliké přikázaní.
Ito ang dakila at unang kauutusan.
39 Druhé pak jest podobné tomu: Milovati budeš bližního svého jako sebe samého.
At ang pangalawang kautusan ay katulad nito— 'Kinakailangang ibigin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.'
40 Na těch dvou přikázaních všecken zákon záleží i proroci.
Dito sa dalawang mga kautusang ito nakasalalay ang buong kautusan at ang mga propeta.”
41 A když se sešli farizeové, otázal se jich Ježíš,
Ngayon habang ang mga Pariseo ay nagkakatipon pa rin, si Jesus ay nagtanong sa kanila ng katanungan.
42 Řka: Co se vám zdá o Kristu? Čí jest syn? Řkou jemu: Davidův.
Sinabi niya, “Ano ang iniisip ninyo tungkol kay Cristo? Kaninong anak siya?” Sinabi nila sa kaniya, “Ang anak ni David.”
43 Dí jim: Kterakž pak David v Duchu nazývá ho Pánem, řka:
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Papaanong si David sa Espiritu ay tumawag sa kaniyang Panginoon, na nagsabi,
44 Řekl Pán Pánu mému: Seď na pravici mé, dokudž nepoložím nepřátel tvých za podnože noh tvých?
'Ang Panginoon ay nagsabi sa aking Panginoon, “Umupo ka sa dako ng aking kanang kamay, hanggang ang iyong mga kaaway ay maging tungtungan ng iyong mga paa.”'?”
45 Poněvadž tedy David Pánem ho nazývá, i kterakž syn jeho jest?
Kung si David nga ay tinawag niya ang Cristo na 'Panginoon', paano siya naging anak ni David?”
46 A nižádný nemohl jemu odpovědíti slova, aniž směl kdo více od toho dne jeho se tázati.
Walang kahit isa na makasagot sa kaniya ng isang salita, at mula sa araw na iyon walang sinumang sumubok pang magtanong sa kaniya.