< Marek 13 >

1 A když vycházel z chrámu, dí jemu jeden z učedlníků jeho: Mistře, pohleď, kteraké kamení a jaké stavení!
Habang si Jesus ay naglalakad papalayo mula sa templo, sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, “Guro, tingnan mo ang kamangha-manghang mga bato at mga gusali!”
2 Tedy Ježíš odpovídaje, řekl jemu: Vidíš tato tak veliká stavení? Nebudeť ostaven kámen na kameni, kterýž by nebyl zbořen.
Sinabi niya sa kaniya, “Nakikita ba ninyo ang naglalakihang mga gusali na ito? Walang isa mang bato ang matitira sa ibabaw ng kapwa bato, ang lahat ay maguguho.”
3 A když se posadil na hoře Olivetské proti chrámu, otázali se jeho soukromí Petr, Jakub a Jan a Ondřej:
Nang umupo siya sa Bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo, tinanong siya nang sarilinan nina Pedro, Santiago, Juan at Andres,
4 Pověz nám, kdy to bude? A které znamení, když se toto všecko bude plniti?
“Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan na ang lahat na ito ay malapit nang mangyari?”
5 Ježíš pak odpovídaje jim, počal praviti: Vizte, aby vás někdo nesvedl.
Nagsimulang magsalita si Jesus sa kanila, “Mag- ingat kayo na walang sinuman ang magligaw sa inyo.
6 Neboť mnozí přijdou ve jménu mém, řkouce: Já jsem Kristus, a mnohéť svedou.
Marami ang darating sa aking pangalan at magsasabi, 'Ako siya,' at ililigaw nila ang karamihan.
7 Když pak uslyšíte o boji a pověst o válkách, nestrachujte se; nebo musí to býti, ale ne i hned konec.
Kapag nakarinig kayo ng mga digmaan, at mga balita ng digmaan, huwag kayong mag-alala; dapat mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas.
8 Povstaneť zajisté národ proti národu a království proti království, a budou země třesení po místech, a hladové i bouřky.
Sapagkat makikipaglaban ang isang bansa sa kapwa niya bansa, at ang kaharian laban sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga lindol sa maraming lugar at mga tag-gutom. Ito ang mga pasimula ng paghihirap na tulad ng isang babaing manganganak.
9 A toť počátkové bolestí. Vy pak šetřte se. Nebo vydávati vás budou na sněmy a do shromáždění; budete biti, a před vládaři a králi stanete pro mne, na svědectví jim.
Maging mapagbantay kayo. Dadalhin nila kayo sa mga konseho, at kayo ay bubugbugin sa mga sinagoga. Haharap kayo sa mga hari at mga gobernador alang-alang sa akin, bilang isang patotoo sa kanila.
10 Ale ve všech národech nejprv musí býti kázáno evangelium.
Ngunit ang ebanghelyo ay dapat munang maihayag sa lahat ng mga bansa.
11 Když pak vás povedou, vyzrazujíce, nestarejte se předtím, co byste mluvili, aniž pečlivě přemyšlujte, ale což vám bude dáno v tu hodinu, to mluvte; nebo nejste vy, kteříž mluvíte, ale Duch svatý.
Kapag hinuli nila kayo at ipasakamay sa iba, huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong dapat sabihin. Dahil sa oras na iyon, ibibigay sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin; hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Banal na Espiritu.
12 Vydáť pak bratr bratra na smrt a otec syna, a povstanou děti proti rodičům, a budou je mordovati.
Ipasakamay ng isang kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang isang ama naman ang kaniyang anak. Ang mga anak ay lalaban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila.
13 A budete v nenávisti všechněm pro jméno mé. Ale kdož setrvá až do konce, tenť spasen bude.
Kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit sinuman ang makatitiis hanggang sa wakas, ang taong iyon ay maliligtas.
14 Když pak uzříte ohavnost zpuštění, o kteréž povědíno jest skrze Daniele proroka, ana stojí, kdež by státi neměla, (kdo čte, rozuměj, ) tehdáž ti, kdož by v Židovstvu byli, ať utekou na hory.
Kapag nakita ninyo ang kasuklam-suklam na lagim na nakatayo kung saan ito hindi dapat nakatayo (intindihin ng bumabasa), tumakas papunta sa mga bundok ang mga nasa Judea,
15 A kdož by na střeše byl, nesstupuj do domu, ani vcházej, aby co vzal z domu svého.
ang mga nasa bubungan ay huwag ng bumaba pa sa loob ng bahay, o magdala ng ano pa man mula doon,
16 A kdo na poli, nevracuj se zase, aby vzal roucho své.
at ang mga nasa bukirin ay huwag ng umuwi upang kunin ang kanilang balabal.
17 Běda pak těhotným a těm, kteréž krmí v těch dnech.
Ngunit aba silang mga nagdadalang-tao at nagpapasuso ng mga sanggol sa mga panahong iyon!
18 Protož modlte se, aby utíkání vaše nebylo v zimě.
Ipanalangin ninyong huwag itong mangyari sa panahon ng tag-lamig.
19 Neboť budou ti dnové ssoužení, jakéhož nebylo od počátku stvoření, kteréž Bůh stvořil, až dosavad, aniž bude.
Sapagkat magkakaroon ng matinding kahirapan na wala pang kagaya mula nang simula, nang likhain ng Diyos ang daigdig hanggang sa ngayon at wala nang mangyayari pa na katulad nito.
20 A byť nebyl ukrátil Pán těch dnů, nebyl by spasen žádný člověk. Ale pro vyvolené, kteréž vyvolil, ukrátil těch dnů.
Maliban na lang kung paiksiin ng Panginoon ang mga araw, walang sinuman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang na mga pinili niya, paiiksiin niya ang bilang ng mga araw.
21 A tehdáž řekl-li by vám kdo: Aj, teď jest Kristus, aneb aj, tamto, nevěřte.
At kung may nagsabi sa inyong, 'Tingnan ninyo, nandito ang Cristo!' o 'Tingnan ninyo, nandito siya' huwag ninyo itong paniwalaan.
22 Neboť povstanou falešní Kristové a falešní proroci, a budou činiti divy a zázraky k svedení, by možné bylo, také i vyvolených.
Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Cristo at bulaang mga propeta at magbibigay ng mga himala at kababalaghan upang linlangin, kung maaari, maging ang mga hinirang.
23 Vy pak šetřte se. Aj, předpověděl jsem vám všecko.
Maging mapagbantay kayo! Ngayon pa lang ay sinabi ko na ang mga bagay na ito sa inyo.
24 V těch pak dnech, po ssoužení tom, slunce se zatmí, a měsíc nedá světla svého.
Ngunit pagkatapos ng matinding kahirapan sa mga araw na iyon, ang araw ay didilim at ang buwan ay hindi na magliliwanag,
25 A hvězdy nebeské budou padati, a moci, které jsou na nebi, pohnou se.
ang mga bituwin ay mahuhulog mula sa langit at ang kapangyarihan na nasa kalangitan ay mayayanig.
26 A tehdážť uzří Syna člověka, an se béře v oblacích s mocí velikou a s slávou.
Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap taglay ang dakila nitong kapangyarihan at kaluwalhatian.
27 I tehdyť pošle anděly své, a shromáždí vyvolené své ode čtyř větrů, od končin země až do končin nebe.
Pagkatapos ipapadala niya ang kaniyang mga anghel upang tipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na sulok ng mundo, mula sa mga dulo ng lupa hanggang sa dulo ng langit.
28 Od fíku pak učte se podobenství tomuto: Když již ratolest jeho odmladne, a vypučí se lístí, znáte, že blízko jest léto.
Matuto kayo ng aral mula sa puno ng igos. Sa oras na maging malambot ang sanga nito at magsimulang sumibol ang mga dahon, alam ninyong malapit nang dumating ang tag-araw.
29 Takž i vy, když uzříte, ano se tyto věci dějí, vězte, že blízko jest a ve dveřích.
Gayon din, kapag nakita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, alam ninyong malapit na siyang darating, malapit sa mga tarangkahan.
30 Amen pravím vám, žeť nepomine pokolení toto, až se tyto všecky věci stanou.
Totoo ang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito hanggang hindi nangyayari ang lahat ng mga ito.
31 Nebe a země pominou, ale slova má nikoli nepominou.
Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking salita ay hinding-hindi lilipas.
32 Ale o tom dni a hodině žádný neví, ani andělé, kteříž jsou v nebesích, ani Syn, jediné Otec.
Ngunit patungkol sa araw o sa oras na iyon, walang sinuman ang nakakaalam, maging ang mga anghel sa langit o maging ang Anak, tanging ang Ama lamang.
33 Vizte, bděte a modlte se; nebo nevíte, kdy bude ten čas.
Maging handa kayo! Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung sa anong oras ito.
34 Jako člověk, kterýž daleko odšel, opustiv dům svůj, a poručiv služebníkům svým vládařství, a jednomu každému práci jeho, vrátnému přikázal, aby bděl.
Katulad ito ng isang lalaking naglakbay: umalis siya sa bahay niya at ipinagkatiwala sa kaniyang mga lingkod ang pamamahala sa kaniyang bahay, ang bawat isa ay may kani-kaniyang gawain. At inutusan niya ang tagapagbantay na manatiling gising.
35 Protož bděte; nebo nevíte, kdy Pán domu přijde, u večer-li, čili o půlnoci, čili když kohouti zpívají, čili ráno.
Kaya magbantay kayo! Sapagkat hindi ninyo alam kung kailan uuwi ang amo ng tahanan, maaaring sa gabi, sa hating gabi, kapag tumilaok ang tandang, o sa umaga.
36 Aby snad přijda v nenadále, nenalezl vás, a vy spíte.
Kung bigla siyang dumating, huwag ninyong hayaan na madatnan niya kayong natutulog.
37 A cožť vám pravím, všechněmť pravím: Bděte.
Kung ano ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat: Magbantay kayo!”

< Marek 13 >