< 1 Mojžišova 24 >

1 Abraham pak již byl starý a sešlého věku; a Hospodin požehnal mu ve všech věcech.
Ngayon, matanda na si Abraham at pinagpala ni Yahweh si Abraham sa lahat ng mga bagay.
2 Tedy řekl Abraham služebníku svému staršímu v domě svém, kterýž spravoval všecky věci jeho: Vlož nyní ruku svou pod bedro mé,
Sinabi ni Abraham sa kanyang lingkod, ang pinakamatanda sa kanyang sambahayan, ang kaniyang katiwala sa lahat ng pag-aari niya, “Ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita
3 Abych tě zavázal přísahou skrze Hospodina, Boha nebe a Boha země, abys nebral manželky synu mému ze dcer Kananejských, mezi nimiž já bydlím.
at pasusumpain kita kay Yahweh, ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak na lalaki mula sa mga anak na babae ng mga Cananeo, kung saan ako nanahan.
4 Ale půjdeš do země mé a příbuznosti mé; a odtud vezmeš manželku synu mému Izákovi.
Ngunit pumunta ka sa aking bansa, at sa aking mga kamag-anak, at kumuha ng isang asawa para sa aking anak na si Isaac.”
5 I řekl jemu služebník ten: Kdyby pak nechtěla žena ta se mnou jíti do země této, mám-li zase uvésti syna tvého do země, z níž jsi vyšel?
Sinabi ng lingkod sa kanya, “Paano kung hindi pamayag na sumama sa akin ang babae papunta sa lupaing ito? Dapat ko bang dalhin pabalik ang iyong anak sa lupain kung saan ka nanggaling?
6 Kterýžto odpověděl: Hleď, abys zase neuvodil syna mého tam.
Sinabi ni Abraham sa kanya, “Tiyakin mong hindi mo dadalhin ang aking anak pabalik doon!
7 Hospodin Bůh nebe, kterýž vzal mne z domu otce mého a z vlasti mé, a mluvil mi, a kterýž mi přisáhl, řka: Semeni tvému dám zemi tuto, onť pošle anděla svého před tebou, a vezmeš manželku synu mému odtud.
Si Yahweh, ang Diyos ng langit, na kumuha sa akin mula sa tahanan ng aking ama at mula sa lupain ng aking mga kamag-anak, siya na taimtim na nangako sa aking, 'Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong supling,' ipapadala niya ang kanyang anghel para manguna sa iyo, at kukuha ka ng asawa para sa aking anak mula roon.
8 Jestliže by pak žena ta nechtěla jíti s tebou, svoboden budeš od této přísahy mé; toliko syna mého neuvoď tam zase.
Ngunit kung hindi papayag ang babae na sumunod sa iyo, kung gayon magiging malaya ka mula sa kasunduang kong ito. Huwag mo lang dalhin pabalik doon ang aking anak.
9 Tedy vložil služebník ten ruku svou pod bedro Abrahama, pána svého, a přisáhl jemu na tu řeč.
Kaya niligay ng lingkod ni Abraham ang kanyang kamay sa ilalim ng hita ng kanyang among si Abraham at nanumpa sa kanya patungkol sa bagay na ito.
10 A vzal služebník ten deset velbloudů z velbloudů pána svého, aby se bral; (nebo měl všecken statek pána svého v rukou svých.) I vstav, bral se k Aram Naharaim do města Náchor.
Kinuha ng lingkod ang sampung kamelyo ng kanyang amo at umalis. Nagdala rin siya ng lahat ng uri ng mga regalo mula sa kanyang amo. Umalis siya at pumunta sa rehiyon ng Aram Naharaim, sa siyudad ni Nahor.
11 A zastavil se s velbloudy před městem, u studnice vody k večerou, času toho, když vycházejí vážiti vody.
Pinaluhod niya ang mga kamelyo sa gilid ng balon ng tubig sa labas ng siyudad. Gabi na iyon, ang oras na lumalabas ang mga babae upang sumalok ng tubig.
12 A řekl: Hospodine, Bože pána mého Abrahama, dejž, prosím, ať se potká se mnou dnes to, čehož hledám; a učiň milosrdenství se pánem mým Abrahamem.
Pagkatapos sinabi niya, “Yahweh, Diyos ng aking among si Abraham, bigyan mo ako ngayon ng tagumpay at ipakita ang iyong tipan ng katapatan sa aking among si Abraham.
13 Aj, já stojím u studnice vody, a dcery mužů města tohoto vycházejí, aby vážily vodu.
Masdan, narito akong nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig, at dumarating ang mga babaing anak ng mga tao ng siyudad upang sumalok ng tubig.
14 Děvečka tedy, kteréž bych řekl: Nachyl medle věderce svého, ať se napiji, a ona by řekla: Pí, také i velbloudy tvé napojím, ta aby byla, kterouž jsi způsobil služebníku svému Izákovi; a po tomť poznám, že jsi milosrdenství učinil se pánem mým.
Ganito nawa ang mangyari. Kapag sabihin ko sa isang dalaga, 'Pakiusap ibaba mo ang iyong pitsel upang makainom ako,' at sabihin niya sa akin, 'Uminom ka, at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo,' pagkatapos ay hayaang siya na nga ang babaing iyong itinakda para sa iyong lingkod na si Isaac. Sa pamamgitan nito malalaman kong nagpakita ka ng tipan ng katapatan sa aking amo.”
15 I stalo se prvé, než on přestal mluviti, aj, Rebeka, kteráž se narodila Bathuelovi, synu Melchy, manželky Náchora bratra Abrahamova, vycházela, a věderce její bylo na rameni jejím.
Nangyari na bago paman siya natapos sa pagsasalita, masdan, lumabas si Rebeca na may dalang pitsel ng tubig sa kanyang balikat. Ipinanganak si Rebeca kay Bethuel na lalaking anak ni Milca, na asawa ni Nahor, na lalaking kapatid ni Abraham.
16 A byla děvečka na pohledění velmi krásná, panna, a muž nepoznal jí; kterážto sešla k studnici té, a naplnivši věderce své, šla vzhůru.
Ang dalaga ay napakaganda at isang birhen. Wala pang lalaki ang sumiping sa kanya. Pumunta ang babae sa bukal at pinuno ang kanyang pitsel, at umahon.
17 Tedy běžel služebník ten proti ní, a řekl: Dej mi píti, prosím, maličko vody z věderce svého.
Tumakbo ang lingkod upang salubungin siya at sinabing, “Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting inuming tubig mula sa iyong pitsel.
18 I řekla: Napí se, pane můj. A rychle složila věderce své na ruku svou a dala mu píti.
Sinabi niya, “Uminon ka, aking amo,” at agad niyang ibinaba ang pitsel na nasa kanyang kamay, at pinainom siya.
19 A davši mu píti, řekla: Také velbloudům tvým navážím, dokudž se nenapijí.
Nang natapos niya siyang painumin, sinabi niya, sasalok din ako ng tubig para sa iyong mga kamelyo, hanggang sa makainom na ang lahat.
20 Tedy rychle vylila z věderce svého do koryta, a běžela ještě k studnici, aby vážila vodu; a vážila všechněm velbloudům jeho.
Kaya nagmadali siya at ibinuhos ang laman ng kanyang pitsel papunta sa inuman ng mga hayop, at tumakbong muli patungo sa balon upang sumalok ng tubig, at sumalok ng tubig para sa lahat ng kanyang mga kamelyo.
21 Muž pak ten s užasnutím divil se jí mlče, rozjímaje, aby zvěděl, zdařil-li Hospodin cestu jeho, čili nic.
Tahimik na pinanood siya ng lalaki upang makita kung pinagpala ni Yahweh ang kanyang paglalakbay o hindi.
22 I stalo se, když přestali píti velbloudové, vyňav muž náušnici zlatou, ztíží půl lotu, a dvě náramnice, dal na ruce její, kteréž vážily deset lotů zlata.
Nang natapos sa pag-inom ang mga kamelyo, inilabas ng lalaki ang isang gintong singsing sa ilong na tumitimbang ng kalahating siklo, at dalawang gintong pulseras para sa kanyang mga braso na tumitimbang ng sampung siklo
23 A řekl: Čí jsi dcera? Pověz mi, prosím, jest-li v domě otce tvého nám místo, kdež bychom přes noc zůstali?
at nagtanong, “Kaninong anak ka? Pakiusap sabihin mo sa akin, mayroon bang silid ang bahay ng ama mo na maaari naming pagpalipasan ng gabi?”
24 Jemužto odpověděla: Dcera jsem Bathuele, syna Melchy, kteréhož porodila Náchorovi.
Sinabi niya sa kanya, “Anak ako ni Bethuel na lalaking anak ni Milcah, na ipinanganak niya kay Nahor.”
25 Řekla ještě k němu: Slámy také a potravy hojně u nás jest, ano i místo, kdež byste přes noc zůstali.
Sinabi rin niya sa kanya, “Marami kami ng kapwa dayami at pagkain ng hayop, at may silid din para kayo magpalipas ng gabi.”
26 Tedy skloniv hlavu, poklonu učinil Hospodinu.
Pagkatapos yumuko ang lalaki at sumamba kay Yahweh.
27 A řekl: Požehnaný Hospodin, Bůh pána mého Abrahama, kterýž neodjal milosrdenství svého a pravdy své od pána mého, mne také na cestě vedl Hospodin k domu bratří pána mého.
Sinabi niya, “Pagpalain si Yahweh, ang Diyos ng aking among si Abraham, na hindi pinabayaan ang kanyang tipan ng katapatan at kanyang pagiging mapagkakatiwalaan patungo sa aking amo. Para sa akin, tuwiran akong pinangunahan ni Yahweh sa bahay ng mga kamag-anak ng aking amo.”
28 I běžela děvečka, a oznámila v domě matky své tak, jakž se stalo.
Pagkatapos tumakbo ang dalaga at sinabi sa sambahayan ng kanyang ina ang tungkol sa lahat ng bagay na ito.
29 A měla Rebeka bratra, jménem Lábana; ten běžel k muži tomu ven k studnici.
Ngayon si Rebeca ay mayroong isang kapatid na lalaki, at ang pangalan niya ay Laban. Tumakbo si Laban papunta sa lalaki na naroon sa labas sa daan sa tabi ng bukal.
30 Nebo uzřev náušnici a náramnice na rukou sestry své, a slyšev slova Rebeky sestry své, ana praví: Tak mluvil ke mně člověk ten, přišel k muži, a on stál při velbloudích u studnice.
Nang nakita niya ang singsing sa ilong at ang mga pulseras na nasa kamay ng kanyang kapatid na babae, at nang narinig niya ang mga salita ni Rebeca na kanyang kapatid, “Ito ang sinabi ng lalaki sa akin,” pumunta siya sa lalaki, at masdan, nakatayo siya sa tabi ng mga kamelyong nasa bukal.
31 Jemuž řekl: Vejdi, požehnaný Hospodinův. Proč bys stál vně, kdyžť jsem připravil dům a místo velbloudům?
At sinabi ni laban, “Halika, ikaw na pinagpala ni Yahweh. Bakit ka nakatayo riyan sa labas? Inihanda ko ang bahay, at isang lugar para sa mga kamelyo.”
32 Tedy všel muž ten do domu, a odsedlal velbloudy, a dal Lában slámy a potravy velbloudům, i vody k umytí noh jeho a noh mužů těch, kteří s ním byli.
Kaya pumunta ang lalaki sa bahay at diniskargahan niya ng mga kamelyo. Binigyan ang mga kamelyo ng dayami at pagkain ng hayop, naglaan ng tubig upang hugasan ang kanyang mga paa at ang mga paa ng mga lalaking kasama niya.
33 A položil předeň chléb, aby jedl. Ale on řekl: Nebudu jísti, dokudž nevypravím řečí svých. I řekl Lában: Mluv.
Naglapag sila ng pagkain sa harapan niya upang kainin, ngunit sinabi niya, “Hindi ako kakain hanggang sa masabi ko ang kailangan kong sabihin.” Kaya sinabi ni Laban, “Magsalita ka”.
34 Tedy řekl: Služebník Abrahamův jsem já.
Sinabi niya, “Lingkod ako ni Abraham.
35 A Hospodin požehnal pánu mému velice, tak že veliký učiněn jest; nebo dal mu ovce a voly, stříbro a zlato, služebníky a děvky, velbloudy a osly.
Pinagpala ng lubos ni Yahweh ang aking amo at naging dakila siya. Binigyan siya ng mga kawan at mga pangkat ng hayop, pilak at ginto, mga lingkod na lalaki at mga lingkod na babae, at mga kamelyo at mga asno.
36 A porodila Sára, manželka pána mého, pánu mému v starosti své syna, jemuž dal, cožkoli má.
Si Sara, ang asawa ng aking amo, ay nagsilang ng isang anak na lalaki sa aking amo nang siya ay matanda na, at ibinigay niya ang lahat ng kanyang mga aria-arian sa kanya.
37 I zavázal mne přísahou pán můj, řka: Nevezmeš manželky synu mému ze dcer Kananejských, v jejichž zemi já bydlím.
Pinanumpa ako ng aking amo, nagsasabing, “Hindi ka dapat kumuha ng isang asawa para aking anak mula sa mga babaeng anak ng mga Cananeo, sa lupaing ginagawa kong tahanan.
38 Ale k domu otce mého půjdeš, a k rodině mé, a odtud vezmeš manželku synu mému.
Sa halip, dapat kang pumunta sa pamilya ng aking ama, at sa aking mga kamag-anak, at kumaha ng isang asawa para sa aking anak.'
39 A když jsem řekl pánu svému: Snad nepůjde žena ta se mnou?
Sinabi ko sa aking amo, 'Baka hindi susunod sa akin ang babae.'
40 Odpověděl mi: Hospodin, před jehož oblíčejem ustavičně jsem chodil, pošle anděla svého s tebou, a šťastnou způsobí cestu tvou, a vezmeš manželku synu mému z rodiny mé, a z domu otce mého.
Ngunit sinabi niya sa akin, 'Si Yahweh, na aking sinusunod, ay magpapadala ng kanyang anghel na makakasama mo at siya ay papatnubayan ang landas mo, upang makakakuha ka ng isang asawa para sa aking anak mula sa aking mga kamag-anak at mula sa linya na pamilya ng aking ama.
41 A budeš svoboden od přísahy mé, když bys přišel k rodině mé; a jestliže by nedali tobě, budeš prost od přísahy mé.
Ngunit magiging malaya ka lamang mula sa aking tagubilin kung darating ka sa aking mga kamag-anak at hindi nila siya ibibigay sa iyo. Sa gayon magiging malaya ka mula sa aking kasunduan.'
42 Protož dnes přišed k studnici, řekl jsem: Hospodine, Bože pána mého Abrahama, jestliže ty nyní šťastně spravuješ cestu mou, po níž já jdu,
Kaya dumating ako ngayon sa bukal, at sinabi, 'O Yahweh, Dios ng aking among si Abraham, pakiusap, kung tunay na nais mong magtagumpay ang aking paglalakbay—
43 Aj, já stojím u studnice vody; protož, nechžť panna, kteráž vyjde vážiti vody, když bych jí řekl: Dej mi píti nyní maličko vody z věderce svého,
narito ako, nakatayo sa gilid ng bukal ng tubig—hayaang ang babaing lumabas para sumalok ng tubig, ang babaing sasabihan kong, “Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting tubig mula sa iyong pitsel upang inumin,”
44 A ona by mi odpověděla: I ty pí, i velbloudům tvým také navážím, ta ať jest manželka, kterouž způsobil Hospodin synu pána mého.
ang babaing magsasabi sa akin, “Uminom ka, at sasalok din ako ng tubig para sa iyong mga kamelyo”—hayaang siya na nga ang babaing pinili mo, Yahweh, para sa anak ng aking amo.'
45 Prvé pak než jsem já přestal mluviti v srdci svém, aj, Rebeka vycházela mající věderce své na rameni svém, a sšedši k studnici, vážila. I řekl jsem jí: Prosím, dej mi píti.
Bago pa man ako natapos mangusap sa aking puso, masdan, lumabas si Rebeca dala ang pitsel na pasan sa kanyang balikat at bumaba patungong bukal at sumalok ng tubig. Kaya sinabi ko sa kanya, 'Pakiusap bigyan mo ako ng maiinom.'
46 Ona pak rychle složila věderce své s sebe, a řekla: Pí, také i velbloudy tvé napojím. Tedy pil jsem, a napojila také velbloudy.
Agad niyang ibinaba ang kanyang pitsel mula sa kanyang balikat, at nagsabing, “Uminom ka, at bibigyan ko rin ng tubig ang iyong mga kamelyo.' Kaya uminom ako, at pinainom niya rin ang mga kamelyo.
47 I ptal jsem se jí, a řekl jsem: Čí jsi dcera? Ona odpověděla: Dcera Bathuele, syna Náchorova, jehož mu porodila Melcha. Tedy dal jsem náušnici na tvář její, a náramnice na ruce její.
Tinanong ko siya at sinabing, 'Kaninong anak ka?' Sinabi niya, 'Ang babaing anak ni Bethuel, na lalaking anak ni Nahor, na isinilang ni Milcah sa kanya.' Pagkatapos inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong at ang pulseras sa kanyang mga braso.
48 A skloniv hlavu, poklonu jsem učinil Hospodinu, a dobrořečil jsem Hospodina, Boha pána mého Abrahama, kterýž vedl mne po cestě přímé, abych dceru bratra pána svého vzal synu jeho.
Pagkatapos lumuhod ako at sinamba si Yahweh, at pinagpala si Yahweh, ang Diyos ng aking among si Abraham, ang siyang nanguna sa akin sa tamang landas upang matagpuan ang babaing anak ng kamag-anak ng aking amo para sa kanyang anak.
49 Protož nyní, činíte-li milosrdenství, a pravdu se pánem mým, oznamte mi; pakli nic, také mi oznamte, a obrátím se na pravo neb na levo.
Kaya ngayon, kung handa kayong pakitunguhan ang aking amo ng pampamilyang katapatan at pagtitiwala, sabihin ninyo sa akin. Ngunit kung hindi, sabihin ninyo sa akin, upang lumiko ako sa kanang kamay, o sa kaliwa.”
50 Tedy odpověděli Lában a Bathuel, řkouce: Od Hospodina vyšla jest věc tato; nemůžemeť odepříti v ničemž.
Pagkatapos sumagot si Laban at Bethuel at sinabing, “Ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh; hindi kami makapagsasabi sa iyo ng masama o mabuti.
51 Aj, Rebeka před tebou, vezmiž ji a jeď; a nechť jest manželkou synu pána tvého, jakož mluvil Hospodin.
Masdan, nasa harapan mo si Rebeca. Dalhin mo siya at humayo, upang siya ay maging asawa ng anak ng iyong amo, gaya ng sinabi ni Yahweh.”
52 I stalo se, že jakž uslyšel služebník Abrahamův slova jejich, poklonil se Hospodinu až k zemi.
Nang narinig ng lingkod ni Abraham ang lahat ng kanilang mga salita, iniyuko niya pababa ang kanyang sarili sa lupa kay Yahweh.
53 A vyňav služebník ten nádoby stříbrné a nádoby zlaté a oděv, dal Rebece; drahé také dary dal bratru jejímu a matce její.
Inilabas ng lingkod ang mga kagamitang pilak at mga kagamitang ginto, at damit, at binigay ang mga ito kay Rebeca. Nagbigay din siya ng mga mamahaling regalo sa kapatid niyang lalaki at sa kanyang ina.
54 Tedy jedli a pili, on i muži, kteříž byli s ním, a zůstali tu přes noc. Ráno pak když vstali, řekl: Propusťte mne ku pánu mému.
Pagkatapos kumain at uminom siya at ang mga lalaking kasama niya. Nanatili sila roon magdamag, at nang bumangon sila sa umaga, sinabi niya, “Ipadala na ninyo ako sa aking amo.”
55 I odpověděl bratr její a matka: Nechať pozůstane děvečka s námi za některý den, aspoň za deset; potom půjdeš.
Sinabi ng kanyang kapatid na lalaki at ng kanyang ina, “Hayaan mo munang manatili kasama namin ang dalaga ng mga ilang araw pa, kahit sampu. Pagkatapos niyan maaari na siyang umalis.”
56 On pak řekl jim: Nezdržujte mne, poněvadž Hospodin šťastnou způsobil cestu mou; propusťtež mne, ať jdu ku pánu svému.
Ngunit sinabi niya sa kanila, “Huwag ninyo akong hadlangan, yamang pinagpala ni Yahweh ang aking landas. Ipadala na ninyo ako sa aking landas upang makapunta sa aking amo.”
57 I řekli: Zavolejme děvečky a zeptejme se, co dí k tomu.
Sinabi nila, “Tatawagin namin ang dalaga at tatanungin siya.”
58 Tedy zavolali Rebeky, a řekli jí: Chceš-li jíti s mužem tímto? I řekla: Půjdu.
Kaya tinawag nila si Rebeca at tinanong siya, “Sasama ka ba sa lalaking ito?” Sumagot siya, “Sasama ako.”
59 A propouštějíce Rebeku sestru svou a chovačku její, služebníka také Abrahamova s muži jeho,
Kaya pinadala nila ang kanilang kapatid na si Rebeca, kasama ang kanyang babaing lingkod, sa kanyang paglalakbay kasama ang lingkod ni Abraham at kanyang mga kasamahang lalaki.
60 Požehnali Rebeky a mluvili jí: Sestro naše, ty buď v tisíce tisíců, a símě tvé dědičně obdrž brány nepřátel svých.
Pinagpala nila si Rebeca, at sinabi sa kanya, “Aming kapatid, nawa maging ina ka ng mga libu-libo ng sampung libo, at nawa ang iyong mga kaapu-apuhan ay angkinin ang tarangkahan ng mga galit sa kanila.”
61 Tedy vstala Rebeka a děvečky její, a vsedše na velbloudy, jely za mužem tím. A tak vzal služebník ten Rebeku, a odjel.
Pagkatapos tumayo si Rebeca, at siya at ang kanyang mga lingkod na babae ay sumakay sa mga kamelyo, at sumunod sa lalaki. Kaya kinuha ng lingkod si Rebeca, at lumakad na sa kanyang landas.
62 Izák pak šel, navracuje se od studnice Živého vidoucího mne; nebo bydlil v zemi polední.
Ngayon naninirahan si Isaac sa Negev, at kababalik lang galing Beerhalohai.
63 A vyšel Izák k přemyšlování na pole, když se chýlilo k večerou; a pozdvih očí svých, uzřel, an velbloudové jdou.
Lumabas si Isaac upang magnilaynilay sa bukid sa gabi. Nang tumingala siya at nakita, masdan, mayroong mga kamelyong parating!
64 Pozdvihla také Rebeka očí svých, a uzřevši Izáka, ssedla s velblouda.
Tumingin si Rebeca, at nang nakita niya si Isaac, tumalon siya pababa mula sa kamelyo.
65 (Nebo řekla byla služebníku: Kdo jest ten muž, kterýž jde po poli proti nám? Odpověděl služebník: To jest pán můj.) I vzala rouchu, a přistřela se.
Sinabi niya sa lingkod, sino iyong lalaking naglalakad sa bukid upang salubungin tayo?” Sinabi ng lingkod, “Iyon ang aking amo.” Kaya kinuha niya ang kanyang belo, at tinakpan ang sarili.
66 Tedy vypravoval služebník Izákovi vše, což působil.
Isinalaysay ng lingkod kay Isaac ang lahat ng mga bagay na kanyang ginawa.
67 I uvedl ji Izák do stanu Sáry matky své, a vzal Rebeku, a měl ji za manželku, a miloval ji. I potěšil se Izák po smrti matky své.
Pagkatapos dinala ni Isaac si Rebeca sa loob tolda ng kanyang inang si Sara at kinuha si Rebeca, at siya ay naging kanyang asawa, at siya ay minahal niya. Kaya naginhawahan si Isaac matapos ang kamatayan ng kanyang ina.

< 1 Mojžišova 24 >