< Ezechiel 40 >
1 Dvadcátého pátého léta od zajetí našeho, na počátku roku, desátého dne měsíce, čtrnáctého léta po dobytí města, právě v tentýž den byla nade mnou ruka Hospodinova, a uvedl mne tam.
Sa ikadalawampu't limang taon ng ating pagkabihag sa simula ng taon sa ika-sampung araw ng buwan, sa ikalabing-apat na taon matapos mabihag ang lungsod. Sa araw ding iyon, nasa akin ang kamay ni Yahweh at dinala ako roon.
2 U viděních Božích přivedl mne do země Izraelské, a postavil mne na hoře velmi vysoké, při níž bylo jako stavení města, ku poledni.
Dinala ako ng Diyos sa lupain ng Israel sa pamamagitan ng mga pangitain. Dinala niya ako upang tumuntong sa isang napakataas na bundok; sa timog ay ang mga tulad ng gusali ng isang lungsod.
3 I uvedl mne tam, a aj, muž, kterýž na pohledění byl jako měď, maje šňůru lněnou v ruce své, a prut k rozměřování, a ten stál v bráně.
At dinala niya ako roon. Masdan mo, may lumitaw na isang lalaki na tulad ng tanso. May linong panali at isang patpat na panukat sa kaniyang kamay at nakatayo siya sa tarangkahan ng lungsod.
4 I mluvil ke mně ten muž: Synu člověčí, viz očima svýma, a ušima svýma slyš, a přilož srdce své ke všemu, což já ukáži tobě; nebo proto aťbych ukazoval, přiveden jsi sem. Ty pak oznámíš všecko domu Izraelskému, což vidíš.
Sinabi sa akin ng lalaki, “Anak ng tao, tumingin ka sa pamamagitan ng iyong mga mata at makinig ka sa pamamagitan ng iyong mga tainga at ituon mo ang iyong isipan sa lahat ng inihahayag ko sa iyo sapagkat dinala ka rito upang ihayag ko sa iyo ang mga ito. Ipamalita mo sa sambahayan ng Israel ang lahat ng makikita mo.”
5 A aj, zed zevnitř při domu vůkol a vůkol, a v ruce muže toho prut míry, šesti loket, (loket o dlaň delší než obecní ). Změřil šířku toho stavení jednoho prutu, a výšku jednoho prutu.
Mayroong pader sa palibot ng templo at may isang panukat na patpat sa kamay ng lalaki, anim na siko ang haba—ang bawat “mahabang” siko ay katumbas ng isang siko at isang dangkal. Sinukat ng lalaki ang lawak ng pader, isang patpat ang lawak at isang patpat ang taas.
6 A všed do brány, kteráž byla naproti východu, šel na horu po stupních jejích, i změřil prah brány jednoho prutu zšíří, a prah druhý jednoho prutu zšíří.
At pumunta siya sa tarangkahan ng templo na nakaharap sa silangan at umakyat sa mga baitang nito. Sinukat niya ang pasukan ng tarangkahan, isang patpat ang lalim.
7 A pokojíky jednoho prutu zdélí, a jednoho prutu zšíří, mezi pokojíky pak pět loket, a prah brány podlé síňce brány vnitř prutu jednoho.
Isang patpat ang haba at isang patpat ang lapad ng mga silid ng mga tagapagbantay, limang siko ang pagitan ng dalawang silid ng mga tagapagbantay. At isang patpat ang lalim ng pasukan ng templo patungo sa portiko ng templo.
8 I změřil síňci brány vnitř na jeden prut.
Sinukat niya ang portiko ng tarangkahan, isang patpat ang haba nito.
9 Změřil také síňci brány osmi loket, a veřeje její dvou loket, totiž síňce brány vnitř.
Sinukat niya ang portiko ng tarangkahan, isang patpat ang lalim nito. At dalawang siko ang lawak ng mga haligi ng pinto. Ito ang portiko ng tarangkahan na nakaharap sa templo.
10 I pokojíky brány východní, tři s jedné a tři s druhé strany. Jedné míry byly všecky tři, a míra jednostejná veřejí po obou stranách.
Tatlo ang bilang ng mga silid ng mga tagapagbantay sa magkabilang bahagi ng tarangkahan at pareho ang sukat ng mga ito at pareho rin ang sukat ng pader na naghihiwalay sa lahat ng mga ito mula sa isa't isa.
11 Změřil též i širokost dveří té brány desíti loket, a dlouhost též brány třinácti loket,
At sinukat ng lalaki ang lapad ng pasukan ng tarangkahan—sampung siko at sinukat niya ang haba ng pasukan ng tarangkahan—labintatlong siko.
12 A přístřeší před pokojíky jednoho lokte, a na jeden loket přístřeší s této strany, pokojíky pak šesti loket s jedné, a šesti loket s druhé strany.
Sinukat niya ang pader na nakapalibot sa harapan ng mga silid, isang siko ang taas. At ang mga silid, anim na siko sa bawat bahagi.
13 A tak změřil bránu od střechy pokojíka do střechy druhého, širokost pětmecítma loket, dvéře naproti dveřím.
Pagkatapos, sinukat niya ang pasukan ng tarangkahan, mula sa bubong ng isang silid hanggang sa kasunod na silid—dalawampu't-limang siko, mula sa pasukan ng unang silid hanggang sa pangalawa.
14 A udělal veřeje šedesáti loket, a každé veřeje síně i brány vůkol a vůkol jedna míra.
At sinukat niya ang pader na patungo sa pagitan ng mga silid ng tagapagbantay, animnapung siko ang haba. Sinukat niya hanggang sa portiko ng tarangkahan.
15 Od předku pak brány, kudyž se vchází do předku síňce brány vnitřní, bylo padesáte loket.
Limampung siko ang pasukan mula sa harapan ng tarangkahan hanggang sa kabilang dulo ng portiko ng tarangkahan.
16 A byla okna possoužená v pokojících i nad veřejemi jejich, do vnitřku brány vůkol a vůkol, takž i při klenutí, a na okních vůkol a vůkol do vnitřku, a na veřejích byly palmy.
Mayroong masisikip na bintana sa mga silid at sa mga pader na naghihiwalay sa mga ito, gayundin sa portiko at nasa panloob na bahagi ang lahat ng mga bintana. Mayroong mga nakaukit na puno ng palma sa mga pader.
17 Potom mne uvedl do síně zevnitřní, a aj, komůrky a půda udělaná při síni vůkol a vůkol. Třidceti komůrek na té půdě bylo.
Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa panlabas na patyo ng templo. Masdan mo, mayroong mga silid at mayroong latag na bato sa patyo, may tatlumpung silid kasunod ng latag na bato.
18 Ta pak půda po straně těch bran, naproti dlouhosti bran, půda nižší byla.
Pataas ang latag na bato patungo sa bahagi ng mga tarangkahan at pareho ang lapad nito sa haba ng mga tarangkahan. Ito ang pang-ibabang latag na bato.
19 Změřil také šířku od předku brány dolejší až k předku síně vnitřní, zevnitř na sto loket k východu a půlnoci.
At sinukat ng lalaki ang layo mula sa harapan ng pang-ibabang tarangkahan hanggang sa harapan ng panloob na tarangkahan; isandaang siko ito sa silangang bahagi at gayundin naman sa hilagang bahagi.
20 Též bránu, kteráž byla na půlnoci při síni zevnitřní, změřil na dél i na šíř.
At sinukat niya ang haba at lapad ng tarangkahan na nasa hilaga ng panlabas na patyo.
21 (Jejíž pokojíkové tři s jedné a tři s druhé strany, i veřeje její i síňce její byly podlé míry brány prvnější.) Padesáti loket dlouhost její, širokost pak pětmecítma loket.
Mayroong tatlong silid sa bawat bahagi ng tarangkahan na iyon at pareho ang sukat ng tarangkahan at ng portiko nito sa pangunahing tarangkahan, limampung siko ang kabuuang haba at dalawampu't limang siko ang lapad.
22 Okna také její i síňce její i palmy její byly podlé míry brány té, kteráž byla k východu, a vstupovalo se k ní po sedmi stupních, před nimiž síňce její byly.
Halos katumbas ng nasa tarangkahan na nakaharap sa silangan ang mga bintana nito, portico, mga silid at ang mga puno ng palma nito. Pitong baitang paakyat dito at sa portico nito.
23 A byla ta brána u síně vnitřní naproti bráně půlnoční a východní; i odměřil od brány k bráně sto loket.
May isang tarangkahan patungo sa panloob na patyo sa harap ng tarangkahan na nakaharap sa hilaga gaya rin ng tarangkahan sa silangan. Sinukat ng lalaki mula sa isang tarangkahan hanggang sa isa pang tarangkahan, isandaang siko ang layo.
24 Potom mne vedl ku poledni, a aj, brána ku poledni; i změřil veřeje její, i síňce její podlé těch měr,
Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa tarangkahan ng timog na pasukan, pareho sa panlabas na tarangkahan ang sukat ng mga pader at ng portico.
25 (A okna v ní i síňce její vůkol a vůkol podobná oknům oněm), padesáti loket zdélí a pětmecítma loket zšíří.
Mayroong mga masisikip na bintana sa pasukan ng tarangkahan at sa portiko nito gaya ng nasa tarangkahang iyon. Limampung siko ang haba at dalawapu't limang siko ang lapad ng tarangkahan sa timog at ng portiko nito.
26 A k vstupování k ní stupňů sedm, a síňce její před nimi; též palmy při ní, jedna s jedné a druhá s druhé strany při veřejích jejích.
Mayroong pitong baitang pataas patungo sa tarangkahan at sa portico nito at may mga nakaukit na puno ng palma sa magkabilang bahagi ng mga pader.
27 Též bránu síně vnitřní ku poledni změřil od brány k bráně, na poledne, sto loket.
Mayroong tarangkahan patungo sa panloob na patyo sa bahaging timog at sinukat ng lalaki mula sa tarangkahang iyon hanggang sa tarangkahan ng pasukan sa timog, isandaang siko ang layo.
28 I uvedl mne do síně vnitřní branou polední, a změřil tu bránu polední podlé týchž měr,
At dinala ako ng lalaki sa panloob na patyo sa pamamagitan ng daanan sa tarangkahan sa timog na pareho ang sukat sa iba pang mga tarangkahan.
29 I pokojíky její i veřeje její, i síňce její podlé týchž měr, i okna její i síňce její vůkol a vůkol, padesáti loket na dél, a na šíř pětmecítma loket.
Pareho ang sukat ng mga silid, mga pader at mga portiko nito sa iba pang mga tarangkahan; mayroong mga bintana sa buong palibot ng portiko. Limampung siko ang haba at dalawampu't limang siko ang lawak ng panloob na tarangkahan at ng portiko nito.
30 A síňce vůkol a vůkol zšíří pětmecítma loket, a zdélí padesáti loket.
May mga portiko rin sa buong palibot ng panloob na pader. Dalawampu't lima ang haba ng mga ito at limang siko ang lawak.
31 A síňce její jako síň zevnitřní, i palmy při veřejích jejích, též stupňů osm k vstupování k ní.
Nakaharap sa panlabas na patyo ang portiko na ito na may nakaukit na mga puno ng palma sa mga pader nito at walong baitang patungo sa itaas nito.
32 Uvedl mne také do síně vnitřní k východu, i změřil bránu tu podlé týchž měr,
At dinala ako ng lalaki sa panloob na patyo sa pamamagitan ng silangang daanan at sinukat ang tarangkahan na pareho ang sukat sa iba pang mga tarangkahan.
33 Též pokojíky její i veřeje její, i síňce její, podlé týchž měr, i okna její i síňce její vůkol a vůkol, zdélí padesáti loket, zšíří pak pětmecítma loket.
Pareho ang sukat ng mga silid, mga pader at portiko nito sa iba pang mga tarangkahan at mayroong mga bintana sa buong palibot. Limampung siko ang haba at dalawampu't limang siko ang lawak ng panloob na tarangkahan at ng portiko nito.
34 Též síňce její při síni zevnitřní, a palmy při veřejích s obou stran, a osm stupňů k vstupování k ní.
Nakaharap sa panlabas na patyo ang portiko nito. Mayroong mga puno ng palma sa magkabilang bahagi nito at walong baitang patungo sa itaas nito.
35 Přivedl mne též k bráně půlnoční, a změřil ji podlé týchž měr,
Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa tarangkahan sa hilaga at sinukat ito, pareho ang sukat nito sa iba pang mga tarangkahan.
36 Pokojíky její, veřeje její i síňce její i okna její vůkol a vůkol, zdélí padesáti loket, a zšíří pětmecítma loket.
Pareho ang sukat ng mga silid, mga pader at portiko nito sa iba pang mga tarangkahan at may mga bintana sa buong palibot. Limampung siko ang haba at dalawampu't limang siko ang lawak ng daanan sa tarangkahan at ng portico nito.
37 I veřeje její při síni zevnitřní a palmy při veřejích s obou stran, též osm stupňů k vstupování k ní,
Nakaharap ang portiko nito sa panlabas na patyo, mayroong mga puno ng palma sa magkabilaang bahagi nito at walong baitang patungo sa itaas nito.
38 I komůrky a dvéře její při veřejích bran, kdež obmývali oběti zápalné.
May isang silid na may pinto patungo sa bawat panloob na daanan ng tarangkahan. Dito nila nililinis ang mga alay na susunugin.
39 A v síňci brány byli dva štokové s jedné strany, a dva štokové s druhé strany, aby na nich zabíjeli oběti zápalné, a za hřích i vinu.
May dalawang hapag sa magkabilang bahagi ng portiko kung saan kinakatay ang alay na susunugin at gayundin ang alay para sa kasalanan at ang alay para sa pagkakasala.
40 A po boku, kudyž se tam vstupuje při dveřích brány půlnoční, dva štokové; tolikéž po boku druhém síňce též brány dva štokové.
May dalawang hapag sa tabi ng pader ng patyo, pataas patungo sa tarangkahan sa hilaga. Mayroon ding dalawang hapag sa kabilang bahagi, sa portico ng tarangkahan.
41 Čtyři štokové s jedné, a čtyři štokové s druhé strany po boku brány, osm štoků, na nichž zabíjeli.
Mayroong apat na hapag sa magkabilang bahagi ng tarangkahan. Kinakatay nila ang mga hayop sa walong hapag.
42 Čtyři pak štokové k zápalu byli z kamení tesaného, zdélí půldruhého lokte, a zšíří půldruhého lokte, a zvýší lokte jednoho, na nichž nechávali nádobí, kterýmž zabíjeli k zápalům a obětem.
Mayroong apat na hapag na tinapyas na bato para sa mga handog na susunugin, isa at kalahating siko ang haba, isa at kalahating siko ang lawak at isang siko ang taas. Inilatag nila sa mga ito ang mga kagamitan kung saan nila sinusunog ang mga alay na susunugin para sa mga handog.
43 A kotliska ztlouští na jednu dlaň připravená v domě vůkol a vůkol, na štocích pak maso věcí obětovaných.
Nakalagay sa palibot ng portiko ang kalawit na may dalawang ngipin na isang dangkal ang haba at ilalagay sa mga hapag ang laman ng mga alay.
44 Potom zevnitř, při bráně vnitřní, komůrky zpěváků v síni vnitřní, kteráž byla po boku brány půlnoční, a ty byly na poledne; jedna při boku brány východní byla na půlnoci.
Malapit sa panloob na tarangkahan, sa panloob na patyo ay mayroong mga silid ng mga mang-aawit. Nasa dakong hilaga ang isa sa mga silid na ito at nasa timog ang isa.
45 I mluvil ke mně: Tyto komůrky na poledne jsou kněží stráž držících nad domem;
At sinabi sa akin ng lalaki, “Para sa mga pari na naglilingkod sa templo ang silid na ito na nakaharap sa timog.
46 Ty pak komůrky na půlnoci jsou kněží stráž držících nad oltářem, totiž synů Sádochových, kteříž přistupují z synů Léví k Hospodinu, aby sloužili jemu.
At para naman sa mga pari na naglilingkod sa altar ang silid na nakaharap sa hilaga. Ito ang mga anak ni Zadok na lumapit kay Yahweh upang paglingkuran siya; kabilang sila sa mga anak ni Levi.”
47 I změřil tu síň čtverhranou zdélí sto loket, a zšíří sto loket, i oltář před domem.
Pagkatapos, sinukat niya ang patyo, isandaang siko ang haba at isandaang siko ang lawak sa isang kuwadrado na may altar sa harapan ng tahanan.
48 I přivedl mne k síňci domu, a změřil veřeje té síňce, pěti loket s jedné a pěti loket s druhé strany, širokost pak brány byla tří loket s jedné a tří loket s druhé strany.
At dinala ako ng lalaki sa portiko ng tahanan at sinukat niya ang mga haligi ng pinto, limang siko ang kapal sa magkabilang bahagi. Ang pasukan mismo ay labing-apat na siko ang lawak, at tatlong siko ang lawak ng mga pader sa bawat bahagi nito.
49 Dlouhost síňce dvadcíti loket, širokost pak jedenácti loket i s stupni, po nichž se vstupovalo k ní; sloupové pak byli při veřejích, jeden s jedné, a druhý s druhé strany.
Dalawampung siko ang haba at labing-isang siko ang lalim ng portiko ng santuwaryo. May mga baitang patungo sa itaas nito at mga haligi na nakatayo sa magkabilang bahagi nito.