< Ámos 2 >
1 Takto praví Hospodin: Pro troji nešlechetnost Moábovu, ovšem pro čtveru neodpustím jemu, proto že spálil kosti krále Idumejského na vápno.
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Dahil sa tatlong kasalanan ng Moab, kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, dahil sinunog niya ang mga buto ng hari ng Edom hanggang sa naging apog.
2 Ale pošli oheň na Moába, kterýžto zžíře paláce Kariot, i umře s hlukem Moáb, s křikem a s hlasem trouby.
Magpapadala ako ng apoy sa Moab at tutupukin nito ang mga tanggulan ng Keriot. Mamamatay ang mga taga-Moab sa isang kaguluhan, na may sigaw at may tunog ng trumpeta.
3 A vypléním soudce jeho, i všecka knížata jeho zmorduji s ním, praví Hospodin.
Sisirain ko ang hukom sa kaniya, at papatayin ko ang lahat ng mga prinsipeng kasama niya,” sabi ni Yahweh.
4 Takto praví Hospodin: Pro troji nešlechetnost Judovu, ovšem pro čtveru neslituji se nad ním, proto že oni pohrdají zákonem Hospodinovým, a ustanovení jeho neostříhají, a svodí se lžmi svými, jichž následovali otcové jejich.
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Dahil sa tatlong kasalanan ng Juda, kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, dahil hindi nila sinunod ang kautusan ni Yahweh at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan. Ang kanilang kasinungalingan ang naging sanhi ng kanilang pagkakasala, katulad ng tinahak ng kanilang mga ama.
5 Ale pošli oheň na Judu, kterýžto zžíře paláce Jeruzalémské.
Magpapadala ako ng apoy sa Juda at tutupukin nito ang mga tanggulan ng Jerusalem.”
6 Takto praví Hospodin: Pro troji nešlechetnost Izraelovu, ovšem pro čtveru neodpustím jemu, proto že prodávají spravedlivého za peníze, a nuzného za pár střevíců.
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Dahil sa tatlong kasalanan ng Israel, kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, dahil ibinenta nila ang mga walang kasalanan para sa pilak at ang nangangailangan ay para sa pares ng sandalyas.
7 Kteříž dychtí, aby chudé s prstí smísili, a cestu tichých převracejí; nadto syn i otec vcházejí k jedné a též mladici, aby poškvrnili jména svatosti mé.
Tinatapakan nila ang ulo ng mga mahihirap gaya nang pagtapak ng mga tao sa alikabok sa lupa; palayo nilang ipinagtutulakan ang naapi. Ang mag-ama ay sumisiping sa iisang babae at nilalapastangan ang aking banal na pangalan.
8 A na oděvu zastaveném klanějí se při každém oltáři, a víno pokutovaných pijí v domě bohů svých,
Nahiga sila sa tabi ng bawat altar sa ibabaw ng kasuotang kinuha bilang mga panunumpa, at sa tahanan ng Diyos ay ininom nila ang alak na multa.
9 Ješto jsem já vyhladil Amorejského od tváři jejich, jehož vysokost byla jako vysokost cedrů. Ačkoli pevně stál jako dub, však jsem zkazil svrchu ovoce jeho, pospodu pak kořeny jeho.
Kaya winasak ko ang mga Amoreo sa harap nila, na kasingtaas ng puno ng sedar; siya ay kasinglakas ng ensina. Ngunit winasak ko ang kaniyang bunga sa taas at kaniyang mga ugat sa ilalim.
10 A vás já jsem vyvedl z země Egyptské, a vyvedl jsem vás po poušti čtyřidceti let, abyste dědičně vládli zemí Amorejského.
Gayundin, inilabas ko kayo sa lupaing Egipto at pinangunahan ko kayo sa ilang ng apatnapung taon upang maangkin ninyo ang lupain ng mga Amoreo.
11 A vzbuzoval jsem z synů vašich proroky, a z mládenců vašich Nazarejské. Zdaliž není tak, ó synové Izraelští? praví Hospodin.
Pumili ako ng mga propetang mula sa inyong mga anak na lalaki at mga Nazareo mula sa inyong mga nakababatang kalalakihan. Hindi ba tama iyon, mga Israelita? —ito ang pahayag ni Yahweh.”
12 Ale vy jste napájeli Nazarejské vínem, a prorokům jste zapovídali, řkouce: Neprorokujte.
“Ngunit hinimok ninyo ang mga Nazareo upang inumin ang alak at inutusan ang mga propetang huwag magpropesiya.
13 Aj, já tlačiti budu zemi vaši tak, jako vůz těžký tlačí snopy.
Tingnan ninyo, dudurugin ko kayo gaya ng pagdurog ng kariton na puno ng butil na maaaring durugin ang sinuman.
14 I zahyne utíkání od rychlého, silný též neužive síly své, a udatný nevysvobodí života svého.
Ang mabilis na tao ay hindi makakatakas; ang malakas ay hindi na madadagdagan pa ang kaniyang kalakasan; maging ang magiting ay hindi niya maililigtas ang kaniyang sarili.
15 A ten, kterýž se chápá lučiště, neostojí, a čerstvý na nohy své neuteče, a ten, kterýž jezdí na koni, nevysvobodí života svého.
Ang mamamana ay hindi makatatayo; ang pinakamabilis tumakbo ay hindi makakatakas; ang mangangabayo ay hindi niya maililigtas ang kaniyang sarili.
16 Ale i zmužilého srdce mezi nejudatnějšími nahý utíkati bude v ten den, praví Hospodin.
Kahit na ang mga pinakamatapang na mandirigma ay tatakas na hubad sa araw na iyon—ito ang pahayag ni Yahweh.”