< 1 Kronická 14 >
1 Potom poslal Chíram král Tyrský posly k Davidovi, a dříví cedrového a zedníky i tesaře, aby stavěli jemu dům.
Pagkatapos, nagpadala si Hiram na hari ng Tiro ng mga mensahero kay David at cedar na kahoy, mga karpintero at mga mason. Nagtayo sila ng bahay para sa kaniya.
2 I poznal David, že ho potvrdil Hospodin za krále nad Izraelem, a že zvýšil království jeho pro lid svůj Izraelský.
Alam ni David na hinirang siya ni Yahweh bilang hari sa buong Israel at naitaas ang kaniyang kaharian para sa kapakanan ng kaniyang bayang Israel.
3 Pojal pak David ještě ženy v Jeruzalémě, a zplodil David více synů a dcer.
Nag-asawa pa ng marami si David sa Jerusalem, at siya ay naging ama ng maraming anak na lalaki at babae.
4 A tato jsou jména těch, kteříž se jemu zrodili v Jeruzalémě: Sammua, Sobab, Nátan a Šalomoun,
Ito ang pangalan ng kaniyang mga anak na isinilang sa Jerusalem: Sina Samua, Sobab, Natan, Solomon,
5 Též Ibchar, Elisua, Elfelet,
Ibhar, Elisua, Elpelet,
6 Za tím Noga, Nefeg, Jafia,
Noga, Nefeg, Jafia,
7 Elisama, Beeliada a Elifelet.
Elisama, Beeliada, at Elifelet.
8 V tom uslyšavše Filistinští, že by pomazán byl David za krále nade vším Izraelem, vytáhli všickni Filistinští hledati Davida. O čemž uslyšav David, vytáhl proti nim.
Nang mabalitaan ng mga Filisteo na hinirang si David bilang hari sa buong Israel, umalis silang lahat upang hanapin siya. Ngunit nabalitaan ni David ang tungkol dito at umalis upang labanan sila.
9 Nebo když Filistinští přišli, a rozprostřeli se v údolí Refaim,
Dumating ang mga Filisteo at nilusob ang lambak ng Refaim.
10 Radil se David s Bohem, řka: Potáhnu-li proti Filistinským, a dáš-li je v ruku mou? Odpověděl jemu Hospodin: Táhni, a dám je v ruku tvou.
Pagkatapos, humingi si David ng tulong mula sa Diyos. Sinabi niya, “Dapat ko bang lusubin ang mga Filisteo? Pagtatagumpayin mo ba ako laban sa kanila?” Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Lusubin mo sila, sapagkat tiyak na ibibigay ko sila sa iyo.”
11 Tedy vtrhli do Balperazim. I porazil je tam David a řekl: Protrhlť jest Bůh nepřátely mé rukou mou, jako vody protrhují břehy. A protož nazváno jméno místa toho Balperazim.
Kaya, pumunta sila sa Baal-perazim at tinalo ang mga Filisteo doon. Sinabi niya, “Nilupig ni Yahweh ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng aking mga kamay tulad ng rumaragasang tubig baha.” Kaya ang pangalan ng lugar na iyon ay Baal-perazim.
12 Nebo nechali tam bohů svých. I přikázal David, aby je spálili.
Iniwan ng mga Filisteo ang kanilang mga diyus-diyosan doon at nagbigay si David ng utos na dapat sunugin ang mga iyon.
13 Ale Filistinští sebravše se znovu, rozprostřeli se v tom údolí.
Pagkatapos, muling nilusob ng mga Filisteo ang lambak.
14 Pročež David radil se opět s Bohem. I řekl jemu Bůh: Nepřistupuj k nim po zadu; odvrať se od nich, abys na ně trefil naproti moruším.
Kaya muling humingi si David ng tulong sa Diyos. Sinabi ng Diyos sa kaniya, “Huwag mong lusubin ang kanilang harapan, sa halip umikot ka at lusubin mo sila sa likuran sa tapat ng mga puno ng balsam.
15 A když uslyšíš, že šustí vrchové moruší, tedy vytáhneš k bitvě; nebo vyšel Bůh před tebou, aby porazil vojska Filistinská.
Kapag narinig mo ang tunog ng martsa sa hangin na umiihip sa itaas ng mga puno ng balsam, lumusob ka nang buong lakas. Gawin mo ito dahil ang Diyos ay mauuna sa iyo upang lusubin ang hukbo ng mga Filisteo.”
16 I učinil David tak, jakž mu byl přikázal Bůh, a porazili vojska Filistinská od Gabaon až do Gázera.
Kaya ginawa ni David ang inutos ng Diyos sa kaniya. Tinalo niya ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer.
17 A tak rozešla se pověst o Davidovi do všech zemí, a způsobil Hospodin to, že se ho báli všickni národové.
Pagkatapos, naipamalita ang katanyagan ni David sa lahat ng lupain at ginawa ni Yahweh na matakot ang lahat ng bansa kay David.