< Rimljanima 9 >
1 Istinu govorim u Kristu, ne lažem; susvjedok mi je savjest moja u Duhu Svetom:
Sinasabi ko ang katotohanan sa pamamagitan ni Cristo. Hindi ako nagsisinungaling, at kasamang nagpapatunay ang aking konsiyensya sa Banal na Espiritu,
2 silna mi je tuga i neprekidna bol u srcu.
na sa akin ay may labis na kalungkutan at walang tigil na kirot sa aking puso.
3 Da, htio bih ja sam proklet biti, odvojen od Krista, za braću svoju, sunarodnjake svoje po tijelu.
Sapagkat nanaisin kong ako na lamang ang maisumpa at maihiwalay kay Cristo para sa kapakanan ng aking mga kapatid, silang aking mga kalahi ayon sa laman.
4 Oni su Izraelci, njihovo je posinstvo, i Slava, i Savezi, i zakonodavstvo, i bogoštovlje, i obećanja;
Sila ay mga Israelita. Nasa kanila ang pagkupkop, ang kaluwalhatian, ang mga kasunduan, ang kaloob ng batas, ang pagsamba sa Diyos, at ang mga pangako.
5 njihovi su i oci, od njih je, po tijelu, i Krist, koji je iznad svega, Bog blagoslovljen u vjekove. Amen. (aiōn )
Sa kanilang mga ninuno nagmula si Cristo ayon sa laman—na siyang Diyos sa lahat. Nawa purihin siya magpakailanman. Amen. (aiōn )
6 Ali ne kao da se izjalovila riječ Božja. Jer nisu Izrael svi koji potječu od Izraela;
Ngunit hindi sa nabigo ang mga pangako ng Diyos. Sapagkat hindi lahat ng nasa Israel ang tunay na kabilang sa Israel.
7 i nisu svi djeca Abrahamova zato što su njegovo potomstvo, nego po Izaku će ti se nazivati potomstvo;
Hindi rin lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham ay tunay niyang mga anak. Ngunit, “Sa pamamagitan ni Isaac tatawagin ang iyong mga kaapu-apuhan.”
8 to jest: djeca tijela nisu i djeca Božja, nego - djeca obećanja računaju se u potomstvo.
Iyan ay, ang mga anak sa laman ay hindi mga anak ng Diyos. Ngunit ang mga anak ng pangako ay itinuturing na kaapu-apuhan.
9 Evo doista riječi obećanja: U ovo ću doba doći i Sara će imati sina.
Sapagkat ito ang salita ng pangako, “Sa panahong ito ay darating ako, at isang anak na lalaki ang maibibigay kay Sarah.”
10 Ali ne samo to! I Rebeka je s jednim, s Izakom, ocem našim, zanijela.
Hindi lamang ito, ngunit pagkatapos ring magbuntis ni Rebecca sa pamamagitan ng isang lalaki, na ating amang si Isaac—
11 Pa kad još blizanci ne bijahu rođeni niti učiniše što dobro ili zlo - da bi trajnom ostala odluka Božja o izabranju:
sapagkat ang mga anak ay hindi pa isinisilang at walang pang nagagawang mabuti o masama, upang ang layunin ng Diyos ayon sa pagpili ang manatili, hindi dahil sa mga gawa, kung hindi ay dahil sa kaniya na tumatawag—
12 ne po djelima, nego po onome tko poziva - rečeno joj je: Stariji će služiti mlađemu,
sinabi sa kaniya, “Ang mas matanda ay maglilingkod sa mas bata.”
13 kako je pisano: Jakova sam zavolio, a Ezav mi omrznu.
Tulad ng nasusulat: “Inibig ko si Jacob, ngunit kinamuhian ko si Isau.”
14 Što ćemo dakle reći? Možda da u Boga ima nepravde? Nipošto!
Kung gayon, ano ang sasabihin natin? Mayroon bang kawalan ng katarungan sa Diyos? Huwag nawang mangyari.
15 Ta Mojsiju veli: Smilovat ću se komu hoću da se smilujem; sažalit ću se nad kim hoću da se sažalim.
Sapagkat sinabi niya kay Moises, “Kaaawaan ko ang sinumang kaaawan ko, at kahahabagan ko ang sinumang kahahabagan ko.”
16 Nije dakle do onoga koji hoće ni do onoga koji trči, nego do Boga koji se smiluje.
Kaya nga, hindi dahil sa kaniya na nagnanais, hindi rin dahil sa kaniya na tumatakbo, kundi dahil sa Diyos, na nagpapakita ng awa.
17 Jer Pismo veli faraonu: Zato te upravo podigoh da na tebi pokažem svoju moć i da se razglasi ime moje po svoj zemlji.
Sapagkat sinasabi ng kasulatan kay Paraon, “Dahil sa layuning ito kaya itinaas kita, upang maipakita ko ang aking kapangyarihan sa pamamagitan mo, at upang maipahayag ang pangalan ko sa buong mundo.”
18 Tako dakle: smiluje se komu hoće, a otvrdnjuje koga hoće.
Kaya nga, may awa ang Diyos sa sinumang nais niyang kaawaan, at pinapatigas niya ang kalooban ng sinumang naisin niya.
19 Da, reći ćeš mi: Što se onda još tuži? Ta tko se to volji njegovoj odupro?
Sasabihin mo sa akin, “Bakit pa siya humahanap ng kamalian? Sapagkat sino ang nakapigil sa kaniyang kalooban ni minsan?”
20 Čovječe, tko si ti zapravo da se pravdaš s Bogom? Zar da djelo rekne tvorcu: “Što si me ovakvim načinio?”
Sa kabilang banda, tao, sino kang sumasagot laban sa Diyos? Sasabihin ba ng hinulma sa humulma nito, “Bakit mo ako ginawang ganito?”
21 Ili zar lončar nema vlasti nad glinom da od istoga tijesta načini posudu sad časnu, sad nečasnu.
Wala bang karapatan sa putik ang magpapalayok, upang gawin sa iisang tumpok ng putik ang isang sisidlan para sa natatanging paggagamitan, at ang isa pang sisidlan para sa pangaraw-araw na paggagamitan?
22 A što ako je Bog, hoteći očitovati gnjev i obznaniti svoju moć u silnoj strpljivosti podnosio posude gnjeva, dozrele za propast,
Paano kung ang Diyos, na nagnanais ipakita ang kaniyang galit at ipahayag ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiyaga ng may labis na pagtitiis sa mga sisidlan ng galit na naihanda para sa pagkawasak?
23 da obznani bogatstvo slave svoje na posudama milosrđa, koje unaprijed pripravi za slavu,
Paano kung ginawa niya ito upang mahayag ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na noon pa ay inihanda na niya para sa kaluwalhatian?
24 na nama koje pozva ne samo između Židova nego i između pogana?
Paano kung ginawa niya rin ito para sa atin, na tinawag din niya, hindi lamang mula sa mga Judio, ngunit mula rin sa mga Gentil?
25 Tako i u Hošeji veli: Ne-narod moj prozvat ću narodom mojim i Neljubljenu ljubljenom.
Gaya rin ng sinasabi niya sa Hosea: “Tatawagin kong mga tao ko ang hindi ko dating mga tao, at minamahal na hindi dating minamahal.”
26 Na mjestu gdje im je rečeno: Vi niste moj narod prozvat će se sinovi Boga živoga.
At sa lugar na pinagsabihan sa kanila, 'Hindi ko kayo mga tao,' doon ay tatawagin silang “mga anak ng Diyos na buhay.'”
27 Izaija pak proglasuje o Izraelu: Zaista, sinova će Izraelovih brojem biti kao pijeska morskog - Ostatak će se spasiti;
Isinisigaw ni Isaias ang tungkol sa Israel, “Kung ang bilang ng mga anak ng Israel ay sindami ng buhangin sa dagat, mangyayari na ang nalalabi lamang ang maliligtas.
28 jer riječ će ispuniti i uskoro izvršiti Gospodin na zemlji.
Sapagkat hindi magtatagal, lubusan ng tutuparin ng Panginoon ang kaniyang salita sa daigdig.”
29 Tako je Izaija i prorekao: Da nam Gospodin nad Vojskama ne ostavi sjeme, ko Sodoma bismo bili i Gomori nalik.
At ito ay gaya ng sinabi ni Isaias noon, “Kung hindi nagtira ng mga lahi ang Panginoon ng mga hukbo para sa atin, tayo ay naging katulad sana ng Sodoma, at naging katulad ng Gomorra.
30 Što ćemo dakle reći? Da pogani koji nisu tražili pravednosti stekoše pravednost, pravednost po vjeri.
Kung gayon, ano sasabihin natin? Na ang mga Gentil na hindi nagsisikap para sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya.
31 Izrael pak koji je tražio neki zakon pravednosti, nije do zakona dopro.
Ngunit ang Israel, na nagsikap ng katuwiran sa kautusan ay hindi nagkamit nito.
32 Zašto? Jer nije tražio po vjeri, nego kao po djelima. Spotakoše se o kamen spoticanja,
Bakit hindi? Dahil hindi nila ito sinikap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi sa pamamagitan ng mga gawa. Natisod sila sa batong katitisuran,
33 kao što je pisano: Evo postavljam na Sionu kamen spoticanja i stijenu posrtanja. Ali tko u nj vjeruje, neće se postidjeti.
gaya ng nasusulat, “Tingnan ninyo, naglagay ako sa Sion ng batong katitisuran at malaking batong kadadapaan. Ang sinumang manampalataya rito ay hindi mapapahiya.”