< Rimljanima 15 >
1 Mi jaki treba da nosimo slabosti slabih, a ne da sebi ugađamo.
Ngayon tayong mga malalakas ang nararapat na pumasan sa mga kahinaan ng mga mahihina, at hindi natin dapat bigyang-lugod ang ating mga sarili.
2 Svaki od nas neka ugađa bližnjemu na dobro, na izgrađivanje.
Bigyang-lugod ng bawat isa sa atin ang kaniyang kapwa dahil mabuti iyon, upang pagtibayin siya.
3 Ta ni Krist nije sebi ugađao, nego kao što je pisano: Poruge onih koji se rugaju tebi padoše na me.
Sapagkat kahit si Cristo ay hindi nagbigay-lugod sa kaniyang sarili. Sa halip, gaya ng nasusulat, “Ang mga panlalait ng mga nanlait sa iyo ay sa akin bumabagsak”.
4 Uistinu, što je nekoć napisano, nama je za pouku napisano da po postojanosti i utjesi Pisama imamo nadu.
Dahil anuman ang isinulat noong una ay para sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pamamangitan ng pagpapalakas ng loob ng mga kasulatan ay magkakaroon tayo ng pag-asa.
5 A Bog postojanosti i utjehe dao vam da međusobno budete složni po Kristu Isusu
Ngayon, nawa ang Diyos ng pagtitiis at ng lakas ng loob ay pagkalooban kayo ng iisang pag-iisip ayon kay Cristo Jesus.
6 te jednodušno, iz jednoga grla, slavite Boga i Oca Gospodina našega Isusa Krista.
Nawa ay gawin niya ito upang kayo na may iisang pag-iisip ay magpuri ng may iisang bibig sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
7 Prigrljujte jedni druge kao što je Krist prigrlio vas na slavu Božju.
Kaya tanggapin ninyo ang isa't isa, gaya ng pagtanggap din sa inyo ni Cristo, sa ikapupuri ng Diyos.
8 Krist je, velim, postao poslužitelj obrezanika za istinu Božju da ispuni obećanja dana ocima,
Sapagkat sinasabi ko na si Cristo ay ginawang lingkod ng pagtutuli sa ngalan ng katotohanan ng Diyos. Ginawa niya ito upang patotohanan niya ang mga pangakong ibinigay sa mga ninuno,
9 a pogani da za milosrđe proslave Boga, kao što je pisano: Zato ću te slaviti među pucima i psalam pjevati tvome imenu.
at para sa mga Gentil upang papurihan nila ang Diyos sa kaniyang awa. Ito ay gaya ng nasusulat, “Kaya pupurihin kita kasama ng mga Gentil, at aawit ng papuri sa pangalan mo.”
10 I još veli: Kličite, puci, s njegovim narodom.
Muling nitong sinasabi, “Magalak kayo, kayong mga Gentil, kasama ang kaniyang mga tao.”
11 I još: Hvalite, svi puci, Gospodina, slavili ga svi narodi!
At muli, “Purihin ang Panginoon, lahat kayong mga Gentil at hayaan ninyong ang lahat na mga tao ay purihin siya.”
12 Izaija opet veli: Pojavit će se Jišajev izdanak, dignut da vlada narodima, u njemu je nada narodima.
Sinasabi rin ni Isaias, “Magkakaroon ng ugat mula kay Jesse, at siya ang lilitaw upang mamuno sa mga Gentil. Magtitiwala ang mga Gentil sa kaniya.”
13 A Bog nade napunio vas svakom radošću i mirom u vjeri da izobilujete u nadi snagom Duha Svetoga.
Ngayon nawa ang Diyos ng pagtitiwala ay punuin kayo ng buong kagalakan at kapayapaan sa inyong paniniwala, upang kayo ay managana sa pagtitiwala sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
14 Ja sam, braćo moja, uvjeren: vi ste i sami puni čestitosti, ispunjeni svakim znanjem, sposobni jedni druge urazumljivati.
Ako man sa aking sarili ay naniniwala tungkol sa inyo, aking mga kapatid. Naniniwala din ako na kayo mismo ay puno ng kabutihan, puno ng lahat ng kaalaman. Naniniwala ako na kayo ay may kakayahan ding payuhan ang isa't isa.
15 Ipak vam djelomično smionije napisah da vas na poznato nekako podsjetim poradi milosti koja mi je dana od Boga -
Ngunit mas matapang akong sumusulat sa inyo tungkol sa ilang mga bagay upang paalalahanan kayong muli, dahil sa kaloob na ibinigay sa akin ng Diyos.
16 da budem bogoslužnik Krista Isusa među poganima, svećenik evanđelja Božjega te prinos pogana postane ugodan, posvećen Duhom Svetim.
Itong kaloob na dapat akong maging lingkod ni Cristo Jesus na isinugo sa mga Gentil, upang ihandog bilang isang pari ang ebanghelyo ng Diyos. Kailangan kong gawin ito upang ang handog ng mga Gentil ay maging katanggap-tanggap, nakalaan sa Diyos sa pamamangitan ng Banal na Espiritu.
17 Imam se dakle čime dičiti u Kristu Isusu s obzirom na ono što je Božje.
Kaya ang aking kagalakan ay kay Cristo Jesus at sa mga bagay na mula sa Diyos.
18 Jer ne bih se usudio govoriti o nečemu što Krist riječju i djelom,
Sapagkat hindi ako mangangahas na magsalita ng kahit na ano maliban sa mga bagay na ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko para sa pagsunod ng mga Gentil. Ito ay mga bagay ng ginawa sa pamamagitan ng salita at gawa,
19 snagom znamenja i čudesa, snagom Duha nije po meni učinio da k poslušnosti privede pogane. Tako sam od Jeruzalema pa uokolo sve do Ilirika pronio evanđelje Kristovo,
sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga tanda at mga kahanga-hangang gawa, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ito ay nangyari mula sa Jerusalem, at sa palibot hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko nang lubos ang ebanghelyo ni Cristo.
20 i to tako da sam se trsio navješćivati evanđelje ne gdje se već spominjao Krist - da ne bih gradio na temeljima drugih -
Sa ganitong paraan, ang aking hangarin ay ang maipahayag ang ebanghelyo, ngunit hindi kung saan kilala ang pangalan ni Cristo, upang hindi ako makapagtayo sa pundasyon ng ibang tao.
21 nego, kako je pisano: Vidjet će ga oni kojima nije naviješten, shvatiti oni koji za nj nisu čuli.
Katulad ng nasusulat: “Makikita siya ng mga hindi dinatnan ng balita tungkol sa kaniya, at maiintindihan ng mga hindi nakarinig.”
22 Time sam ponajčešće i bio spriječen doći k vama.
Kaya maraming beses din akong hinadlangan na tumungo sa inyo.
23 Sad mi pak više nema mjesta u ovim krajevima, a živa mi je želja, ima već mnogo godina, doći k vama
Ngunit ngayon, wala na akong iba pang lugar sa mga lupaing ito, at inaasam ko ng maraming taon na makapunta ako sa inyo.
24 kad pođem u Španjolsku. Nadam se doista da ću vas na proputovanju posjetiti i da ćete me onamo otpraviti pošto mi se najprije bar donekle ispuni želja biti s vama.
Kaya sa tuwing pumupunta ako sa Espanya, umaasa akong makita kayo sa aking pagdaan, at inasahan ko din na kayo ang tutulong sa aking pag-alis pagkatapos akong magsaya kasama kayo kahit panandalian lang.
25 Ali sad idem u Jeruzalem da poslužim svetima.
Ngunit ngayon ay pupunta ako sa Jerusalem upang maglingkod sa mga mananampalataya.
26 Makedonija i Ahaja odlučiše očitovati neko zajedništvo prema siromašnim svetima u Jeruzalemu.
Sapagkat ito ay kasiyahan ng mga taga-Macedonia at ng mga taga-Acaya na magambag-ambag para sa mga mahihirap na mananampalataya na nasa Jerusalem.
27 Da, odlučiše, a i dužnici su im. Jer ako su pogani postali sudionicima njihovih duhovnih dobara, dužni su im u tjelesnima poslužiti.
Oo, ito ay kanilang kasiyahan, at sa katunayan, sila ang mga may utang sa kanila. Sapagkat kung ang mga Gentil ay nakibahagi sa kanilang mga espirituwal na bagay, dapat lang silang maglingkod sa kanila sa mga materyal na bagay.
28 Pošto dakle to obavim - ovaj im plod zapečaćen uručim - uputit ću se u Španjolsku i usput k vama.
Kaya, kapag natapos kong gawin ito at mapatunayan ang bungang ito sa kanila, dadaan ako diyan sa inyo pagpunta ko sa Espanya.
29 A kada dođem k vama, doći ću, znam, s puninom blagoslova Kristova.
Alam ko, na kapag pumunta ako sa inyo, pupunta ako ng may buong pagpapala ni Cristo.
30 Ali zaklinjem vas, braćo, Gospodinom Isusom Kristom i ljubavlju Duha: suborci mi budite u molitvama Bogu upravljenima za me,
Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng pag-ibig ng Banal na Espirito, na magsumikap kayo kasama ko sa inyong mga panalangin sa Diyos patungkol sa akin.
31 da umaknem onim nevjernima u Judeji i da moja pomoć Jeruzalemu bude po volji svetima
Ipanalangin ninyo na ako ay maligtas sa mga hindi sumusunod na nasa Judea at ang aking paglilingkod sa Jerusalem ay maging katanggap-tanggap sa mga mananampalataya.
32 te s Božjom voljom radosno dođem k vama i s vama zajedno odahnem.
Ipanalangin ninyo na ako ay makapunta sa inyo ng may galak sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at ako nawa ay makasumpong ng kapahingahan ka kasama ninyo.
33 Bog mira sa svima vama! Amen.
Nawa ay sumainyong lahat ang Diyos ng kapayapaan. Amen.