< Rimljanima 11 >

1 Pitam dakle: Zar je Bog odbacio narod svoj? Nipošto? Ta i ja sam Izraelac, iz potomstva Abrahamova, plemena Benjaminova.
Kung gayon sinasabi ko, itinakwil ba ng Diyos ang kaniyang mga tao? Nawa ay hindi kailanman. Sapagkat ako rin ay isang Israelita, kaapu-apuhan ni Abraham, mula sa tribu ni Benjamin.
2 Nije Bog odbacio naroda svojega koga predvidje. Ili zar ne znate što veli Pismo, ono o Iliji - kako se tuži Bogu na Izraela:
Hindi itinakwil ng Diyos ang kaniyang mga tao, na kilala na niya noon pa man. Hindi ba ninyo alam kung ano ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias, kung paano siya nakiusap sa Diyos laban sa Israel?
3 Gospode, proroke tvoje pobiše, žrtvenike tvoje porušiše; ja ostadoh sam i još mi o glavi rade.
“Panginoon, pinatay nila ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga altar. Ako na lamang ang naiwan, at gusto nila ang akong patayin.”
4 Pa što mu veli Božji glas? Ostavih sebi sedam tisuća ljudi koji ne prignuše koljena pred Baalom.
Ngunit ano ang sagot sa kaniya ng Diyos? “May inilaan ako para sa aking sarili na pitong libong lalaking hindi lumuhod kay Baal.”
5 Tako dakle i u sadašnje vrijeme postoji Ostatak po milosnom izboru.
Ganoon din nga, sa panahong ito, mayroon pang nalalabi dahil sa pagpili ng biyaya.
6 Ako pak po milosti, nije po djelima; inače milost nije više milost!
Ngunit kung ito ay sa pamamagitan ng biyaya, hindi na ito sa pamamagitan ng mga gawa. Kung hindi, ang biyaya ay hindi na biyaya.
7 Što dakle? Što Izrael ište, to nije postigao, ali izabrani postigoše. Ostali pak otvrdnuše,
Ano kung gayon? Ang bagay na hinahanap ng Israel, ay hindi nito nakamit, ngunit ang napili ang nagkamit nito, at ang iba ay pinagmatigas.
8 kao što je pisano: Dade im Bog duh obamrlosti, oči da ne vide, uši da ne čuju sve do dana današnjega.
Gaya ng nasusulat: “Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng kapurulan, ng mga mata upang hindi nila makita, at ng mga tainga upang hindi nila marinig, hanggang sa araw na ito.”
9 I David veli: Nek im stol pred njima bude zamkom, i mrežom, i stupicom, i plaćom.
At sinasabi ni David, “Hayaang ang kanilang mga lamesa ay maging isang lambat, bitag, katitisuran, at ganti laban sa kanila.
10 Nek im potamne oči da ne vide i leđa im zauvijek pogni!
Hayaang ang kanilang mga mata ay dumilim upang hindi sila makakita. Lagi mong panatilihing baluktot ang kanilang mga likod.”
11 Pitam dakle: jesu li posrnuli da propadnu? Nipošto! Naprotiv: po njihovu posrtaju spasenje poganima da se tako oni, Židovi, izazovu na ljubomor.
Kung gayon, sinasabi ko, “Natisod ba sila nang sa gayon ay bumagsak?” Nawa ay hindi kailanman. Sa halip, sa pamamagitan ng kanilang pagkabigo, dumating ang kaligtasan sa mga Gentil, upang sila ay inggitin.
12 Pa ako je njihov posrtaj bogatstvo za svijet, i njihovo smanjenje bogatstvo za pogane, koliko li će više to biti njihov puni broj?
Ngayon kung ang kanilang pagkabigo ay ang kayamanan ng mundo, at kung ang kanilang pagkalugi ay ang kayamanan ng mga Gentil, gaano pa mas dakila ang kanilang kapunuan?
13 Vama pak, poganima, velim: ja kao apostol pogana službu svoju proslavljam
At ngayon kinakausap ko kayong mga Gentil. Habang ako ay isang apostol sa mga Gentil, ipinagmamalaki ko ang aking ministeryo.
14 ne bih li na ljubomor izazvao njih, tijelo svoje, i spasio neke od njih.
Marahil mainggit ko sila na aking kalaman. Marahil maliligtas natin ang ilan sa kanila.
15 Jer ako je njihovo odbačenje izmirenje svijeta, što li će biti njihovo prihvaćanje ako ne oživljenje od mrtvih?
Sapagkat kung ang pagkatakwil sa kanila ay ang pakikipagkasundo ng mundo, ano ang magiging pagtanggap sa kanila kundi buhay mula sa mga patay?
16 Ako li su prvine svete, sveto je i tijesto; ako li je korijen svet, svete su i grane.
Kung ang mga unang bunga ay nailaan, gayon din ang buong masa. Kung ang mga ugat ay nailaan, gayon din ang mga sanga.
17 Pa ako su neke grane odlomljene, a ti, divlja maslina, pricijepljen umjesto njih, postao suzajedničar korijena, sočnosti masline,
Ngunit kung ang ilan sa mga sanga ay binali, kung ikaw, na isang ligaw na sanga ng olibo, ay naidugtung sa kanila, at kung nakibahagi ka sa kanila sa kasaganaan ng ugat ng puno ng olibo,
18 ne uznosi se nad grane. Ako li se hoćeš uznositi - ne nosiš ti korijena, nego korijen tebe.
huwag kang magmayabang sa mga sanga. Ngunit kung ikaw ay nagmamayabang, hindi ikaw ang bumubuhay sa ugat, ngunit ang ugat ang bumubuhay sa iyo.
19 Reći ćeš na to: grane su odlomljene da se ja pricijepim.
Kung gayon, sasabihin mo, “Pinutol ang mga sanga upang maidugtong ako.”
20 Dobro! Oni su zbog nevjere odlomljeni, a ti po vjeri stojiš. Ne uznosi se, nego strahuj!
Totoo iyan. Dahil sa kanilang hindi pagsampalataya, pinutol sila, ngunit ikaw ay naging matatag dahil sa iyong pananampalataya. Huwag kang magmalaki, ngunit matakot ka.
21 Jer ako Bog ne poštedje prirodnih grana, ni tebe neće poštedjeti.
Sapagkat kung hindi pinatawad ng Diyos ang likas na mga sanga, hindi ka rin niya patatawarin.
22 Promotri dakle dobrotu i strogost Božju: strogost na palima, a dobrotu Božju na sebi ako ostaneš u toj dobroti, inače ćeš i ti biti odsječen.
Tingnan ninyo kung gayon, ang mga mabubuting gawa at ang kabagsikan ng Diyos. Sa isang dako, ang kalupitan ay dumating sa mga Judio na bumagsak. Ngunit sa kabilang dako, ang kabutihan ng Diyos ay dumarating sa inyo, kung magpapatuloy kayo sa kaniyang kabutihan. Kung hindi, mapuputol din kayo.
23 A i oni, ako ne ostanu u nevjeri, bit će pricijepljeni; ta moćan je Bog da ih opet pricijepi.
At isa pa, kung hindi sila magpatuloy sa kanilang kawalan ng pananampalataya, sila ay maidudugtong muli. Sapagkat maaari silang idugtong ulit ng Diyos.
24 Doista, ako si ti, po naravi divlja maslina, odsječen pa mimo narav pricijepljen na pitomu maslinu, koliko li će lakše oni po naravi biti pricijepljeni na vlastitu maslinu!
Sapagkat kung kayo ay pinutol sa likas na ligaw na puno ng olibo, at salungat sa kalikasan ay idinugtong kayo sa mabuting puno ng olibo, gaano pa kaya ang mga Judiong ito, na likas na mga sanga, na maidudugtong pabalik sa kanilang sariling punong olibo?
25 Jer ne bih htio, braćo, da budete sami po sebi pametni, a da ne znate ovo otajstvo: djelomično je otvrdnuće zadesilo Izraela dok punina pogana ne uđe.
Sapagkat hindi ko nais na hindi ninyo alam, mga kapatid, ang hiwagang ito, upang hindi kayo magmarunong sa inyong sariling isipan. Ang hiwagang ito ay nagkaroon sa Israel ng bahagyang katigasan, hanggang sa makapasok ang kabuuan ng mga Gentil.
26 I tako će se cio Izrael spasiti, kako je pisano: Doći će sa Siona Otkupitelj, odvratit će bezbožnost od Jakova.
Kaya ang lahat ng Israel ay maliligtas, gaya ito ng nasusulat: “Mula sa Sion manggagaling ang Tagapagligtas. Tatanggalin niya ang kasamaan mula kay Jacob.
27 I to će biti moj Savez s njima, kad uklonim grijehe njihove.
At ito ang magiging kasunduan ko sa kanila, kapag tinanggal ko ang kanilang mga kasalanan.”
28 U pogledu evanđelja oni su, istina, protivnici poradi vas, ali u pogledu izabranja oni su ljubimci poradi otaca.
Sa isang dako, patungkol sa ebanghelyo, sila ay kinamuhian dahil sa inyo. Sa kabilang dako ayon naman sa pagpili ng Diyos, sila ay minamahal dahil sa mga ninuno.
29 Ta neopozivi su dari i poziv Božji!
Sapagkat ang mga kaloob at ang tawag ng Diyos ay hindi mababago.
30 Doista, kao što vi nekoć bijaste neposlušni Bogu, a sada po njihovoj neposlušnosti zadobiste milosrđe
Sapagkat kayo ay dating hindi sumusunod sa Diyos, ngunit ngayon kayo ay nakatanggap ng awa dahil sa kanilang hindi pagsunod.
31 tako i oni sada po milosrđu vama iskazanu postadoše neposlušni da i oni sada zadobiju milosrđe.
Gayon din naman, ngayon ang mga Judiong ito ay naging suwail. Ang kinahinatnan nito, sa pamamagitan ng awa na ipinakita sa inyo, makatatanggap din sila ngayon ng awa.
32 Jer Bog je sve zatvorio u neposlušnost da se svima smiluje. (eleēsē g1653)
Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa kasuwayan, nang sa gayon maipakita niya ang awa sa lahat. (eleēsē g1653)
33 O dubino bogatstva, i mudrosti, i spoznanja Božjega! Kako li su nedokučivi sudovi i neistraživi putovi njegovi!
O, napakayaman ng Diyos sa karunungan at kaalaman! Hindi masuri ang kaniyang mga hatol, at ang kaniyang mga kaparaanan ay hindi kayang matuklasan!
34 Doista, tko spozna misao Gospodnju, tko li mu bi savjetnikom?
“Sapagkat sino ang nakakaalam ng isipan ng Panginoon? O sino ang naging tagapayo niya?
35 Ili: tko ga darom preteče da bi mu se uzvratiti moralo?
O sino ang nagbigay ng una sa Diyos, upang ito ay bayaran sa kaniya?”
36 Jer sve je od njega i po njemu i za njega! Njemu slava u vjekove! Amen. (aiōn g165)
Sapagkat mula sa kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn g165)

< Rimljanima 11 >