< Otkrivenje 17 >
1 I dođe jedan od sedam anđela što nose sedam čaša i prozbori mi: “Dođi pokazat ću ti sud nad Bludnicom velikom što sjedi nad vodama velikim,
Dumating ang isa sa pitong anghel na mayroong pitong mangkok at sinabi sa akin, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang kaparusahan ng pinakamasamang babae na nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig,
2 s kojom su bludničili kraljevi zemlje i pozemljari se opiše vinom bluda njezina.”
na nakasama ng mga hari ng mundo sa paggawa ng sekswal na imoralidad, at sa kaniyang sekswal na imoralidad ang mga naninirahan sa mundo ay nalasing.
3 I odnese me u duhu u pustinju. Tu vidjeh Ženu koja sjede na skrletnu Zvijer, punu bogohulnih imena, sa sedam glava i deset rogova.
Dinala ako ng anghel sa Espiritu sa isang ilang, at nakita ko ang babaeng nakaupo sa pulang halimaw na puno ng paglalapastangan sa mga pangalan. Ang halimaw ay may pitong ulo at sampung sungay.
4 Žena bijaše odjevena u grimiz i skrlet, sva u zlatu, dragom kamenju i biserju. U ruci joj zlatna čaša puna gnusobe i nečisti bluda njezina.
Nakasuot ng kulay lila at matingkad na pulang damit at pinaganda ng ginto, mamahaling mga bato, at mga perlas. Sa kaniyang kamay hawak niya ang gintong baso na puno ng kasuklam-suklam na mga bagay at ang mga karumihan ng kaniyang sekswal na imoralidad.
5 Na čelo joj napisano ime - tajna: “Babilon veliki, mati bludnica i gnusoba zemljinih.”
Sa kaniyang noo nakasulat ang isang pangalan na mayroong lihim na kahulugan: “ANG DAKILANG BABYLONIA, ANG INA NG LAHAT NG MGA MASASAMANG BABAE AT NANG KASUKLAM-SUKLAM NA MGA BAGAY SA LUPA.”
6 I vidjeh: Žena je pijana od krvi svetih i od krvi svjedoka Isusovih. Kad je vidjeh, čudom se silnim začudih.
Nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga mananampalataya at sa dugo ng mga martir kay Jesus. Nang makita ko siya, labis akong namangha.
7 Nato će mi anđeo: “Što se čudiš? Ja ću ti kazati tajnu te žene i Zvijeri koja je nosi, Zvijeri sa sedam glava i deset rogova.”
Pero sinabi sa akin ng anghel, “Bakit ka namangha? Ipapaliwanag ko sa iyo ang kahulugan ng babae at ng halimaw na pumapasan sa kaniya (ang halimaw na mayroong pitong ulo at sampung sungay).
8 “Zvijer koju vidje bijaše i više nije; zamalo izlazi iz Bezdana i ide u propast. I zapanjit će se pozemljari - oni kojima ime, od postanka svijeta, nije zapisano u knjigu života - kad vide da Zvijer bijaše i više nije, a opet je tu. (Abyssos )
Ang nakita mong halimaw, ay hindi pa nabubuhay sa ngayon, pero malapit nang umahon mula sa kailaliman hukay. At pupunta siya para manira. Sa mga naninirahan sa lupa, silang mga hindi naisulat ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay simula pa noong itinatag ang mundo — mamamangha sila kapag nakita nila na nabuhay ang halimaw, na hindi pa nabubuhay ngayon, pero malapit nang dumating. (Abyssos )
9 Tu se hoće mudre pameti! Sedam glava sedam je bregova na kojima žena sjedi. A i sedam kraljeva:
Nagpapaalala ito sa kaisipang may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong burol na kung saan ang babae ay nakaupo.
10 pet ih već pade, jedan jest, a jedan još ne dođe: kada dođe, ostati mu je zamalo.
Sila rin ang pitong hari. Limang haring ang bumagsak, isa ang nanatili, at ang isa ay hindi pa dumarating; kapag siya ay dumating, sandali lamang siyang mananatili.
11 I Zvijer koja bijaše i više nije, osma je, a iz broja je njih sedmero, i ide u propast.
Ang halimaw na nabuhay, pero hindi pa nabubuhay ngayon, ay siya rin ang ika-walong hari; pero isa rin siya sa kanilang pitong hari, at siya ay mapupunta sa pagkawasak.
12 Deset rogova što ih vidje deset je kraljeva; oni još ne primiše kraljevstva, ali će - samo za jedan sat - primiti vlast kao kraljevi zajedno sa Zvijeri.
Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung hari na hindi pa nakakatanggap ng kaharian, pero sila ay makakatanggap ng pamumuno bilang mga hari sa isang oras kasama ang halimaw.
13 Jedne su misli: svu svoju silu i vlast predati Zvijeri.
Ang mga ito ay nagkakaisa sa isip, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa halimaw.
14 Ratovat će protiv Jaganjca, ali će ih pobijediti Jaganjac - i njegovi pozvanici, izabranici, vjernici - jer on je Gospodar gospodara i Kralj kraljeva.”
Makikipag-digma sila laban sa Kordero. Pero lulupigin sila ng Kordero dahil siya ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari — at kasama niya ang mga tinawag, ang mga pinili, ang mga matapat.”
15 I reče mi anđeo: “Vode što ih vidje, na kojima Bludnica sjedi, to su puci i mnoštva i narodi i jezici.
Sinabi sa akin ng anghel, “Ang mga tubig na nakita mo, kung saan nakaupo ang bayarang babae, ay bayan, maraming tao, mga bansa, at mga wika.
16 I onih deset rogova što ih vidje i Zvijer - oni će zamrziti Bludnicu, opustošiti je i ogoliti, najesti se mesa njezina i ognjem je spaliti.
Ang sampung sungay na nakita mo — sila at ang halimaw ay masusuklam sa bayarang babae. Gagawin nila siyang ulila at hubad, lalamunin nila ang kaniyang laman, at siya ay susunugin nila ng buo sa apoy.
17 Jer Bog im u srce stavi izvršiti naum njegov: da jednodušno predadu kraljevstvo svoje Zvijeri dok se ne ispune riječi Božje.
Dahil inilagay ito ng Diyos sa kanilang mga puso para tuparin ang kaniyang layunin sa pamamagitan ng pagsang-ayon na ibigay ang kanilang kapangyarihan sa halimaw hanggang sa matupad ang mga salita ng Diyos.
18 Žena koju vidje grad je veliki što kraljuje nad kraljevima zemaljskim.”
Ang babaeng nakita mo ay ang dakilang lungsod na namumuno sa mga hari ng mundo.