< Psalmi 91 >

1 Ti što prebivaš pod zaštitom Višnjega, što počivaš u sjeni Svemogućega,
Siya na nananahan sa kanlungan ng Kataas-taasan ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
2 reci Jahvi: “Zaklone moj! Utvrdo moja! Bože moj u koga se uzdam!”
Aking sasabihin kay Yahweh, “Siya ang aking kanlungan at aking tanggulan, aking Diyos, na aking pinagkakatiwalaan.”
3 Jer on će te osloboditi od zamke ptičarske, od kuge pogubne.
Dahil sasagipin ka niya mula sa patibong ng mangangaso at mula sa nakamamatay na salot.
4 Svojim će te krilima zaštititi i pod njegova ćeš se krila skloniti: Vjernost je njegova štit i obrana!
Tatakpan ka niya ng kaniyang mga pakpak, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay makakatagpo ka ng kanlungan. Ang kanyang pagiging mapagkakatiwalaan ay isang kalasag at proteksyon.
5 Nećeš se bojati strašila noćnoga ni strelice što leti danju,
Hindi ka matatakot sa kilabot ng gabi, o sa palaso na lumilipad sa araw,
6 ni kuge što se šulja kroz tmine, ni pošasti što hara o podne.
o ang salot na gumagala sa kadiliman, o ang sakit na nanggagaling sa katanghalian.
7 Pa nek' padaju tisuće kraj tebe, deseci tisuća s desne tvoje, tebi se neće primaći!
Libo ang maaaring mabuwal sa iyong tabi, at sampung libo sa iyong kanang kamay, pero hindi ito makakaabot sa iyo.
8 Tek što okom pogledaš, već ćeš vidjeti plaću grešnika.
Mamamasdan mo lamang at makikita ang mga kaparusahan ng masasama.
9 Jer Jahve je zaklon tvoj, Višnjega odabra sebi za okrilje.
Dahil si Yahweh ang aking kanlungan! Gawin mo ring kanlungan ang Kataas-taasan.
10 Neće te snaći nesreća, nevolja se neće prikučiti šatoru tvojemu.
Walang kasamaang makakaabot sa iyo; walang paghihirap ang makakalapit sa iyong tahanan.
11 Jer anđelima svojim zapovjedi da te čuvaju na svim putima tvojim.
Dahil uutusan niya ang kaniyang mga anghel na protektahan ka, para ingatan ka sa lahat ng iyong mga kaparaanan.
12 Na rukama će te nositi da se ne spotakneš o kamen.
Itataas ka nila gamit ang kanilang mga kamay para hindi ka madulas at mahulog sa bato.
13 Nogom ćeš gaziti lava i ljuticu, zgazit ćeš lavića i zmiju.
Dudurugin mo ang mga leon at ulupong sa iyong mga paa; iyong yuyurakan ang mga batang leon at mga ahas.
14 Izbavit ću ga jer me ljubi, zakrilit ga jer poznaje ime moje.
Dahil matapat siya sa akin, ililigtas ko siya. Poproktetahan ko siya dahil matapat siya sa akin.
15 Zazvat će me, a ja ću ga uslišiti, s njim ću biti u nevolji, spasit ću ga i proslaviti.
Kapag tumatawag siya sa akin, ako ay tutugon sa kaniya. Makakasama niya ako sa kaguluhan; bibigyan ko siya ng katagumpayan at pararangalan siya.
16 Nasitit ću ga danima mnogim, pokazat' mu spasenje svoje.”
Bibigyan ko siya ng kasiyahan sa mahabang buhay at ipapakita ko sa kaniya ang aking kaligtasan.

< Psalmi 91 >