< Matej 4 >
1 Duh tada odvede Isusa u pustinju da ga đavao iskuša.
Pagkatapos, pinangunahan ng Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.
2 I propostivši četrdeset dana i četrdeset noći, napokon ogladnje.
Noong nag-ayuno siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom.
3 Tada mu pristupi napasnik i reče: “Ako si Sin Božji, reci da ovo kamenje postane kruhom.”
Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.”
4 A on odgovori: “Pisano je: Ne živi čovjek samo o kruhu, nego o svakoj riječi što izlazi iz Božjih usta.”
Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.”'
5 Ðavao ga tada povede u Sveti grad, postavi ga na vrh Hrama
Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod at dinala siya sa pinakamataas na bahagi ng gusali ng templo
6 i reče mu: “Ako si Sin Božji, baci se dolje! Ta pisano je: Anđelima će svojim zapovjediti za tebe i na rukama će te nositi da se gdje nogom ne spotakneš o kamen.”
at sinabi sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sa baba, sapagkat nasusulat, 'Uutusan niya ang kaniyang mga anghel upang pangalagaan ka,' at 'Itataas ka nila sa kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato.”'
7 Isus mu kaza: “Pisano je također: Ne iskušavaj Gospodina, Boga svojega!”
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “At nasusulat din, 'Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.'”
8 Ðavao ga onda povede na goru vrlo visoku i pokaza mu sva kraljevstva svijeta i slavu njihovu
Muli, dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar at ipinakita ang lahat ng mga kaharian ng mundo pat na ang kanilang karingalan.
9 pa mu reče: “Sve ću ti to dati ako mi se ničice pokloniš.”
Sinabi niya sa kaniya, “Ang lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay yuyukod at sasambahin ako.”
10 Tada mu reče Isus: “Odlazi, Sotono! Ta pisano je: Gospodinu, Bogu svom se klanjaj i njemu jedinom služi!”
At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Umalis ka dito Satanas! Sapagkat nasusulat, 'Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglingkuran.”
11 Tada ga pusti đavao. I gle, anđeli pristupili i služili mu.
At iniwan siya ng diyablo at masdan ito, dumating ang mga anghel at naglingkod sa kaniya.
12 A čuvši da je Ivan predan, povuče se u Galileju.
Ngayon, nang marinig ni Jesus na nadakip si Juan, umalis siya patungong Galilea.
13 Ostavi Nazaret te ode i nastani se u Kafarnaumu, uz more, na području Zebulunovu i Naftalijevu
Umalis siya sa Nazaret at nagpunta at nanirahan sa Capernaum, na nasa Dagat ng Galilea, sa mga teritoryo ng Zebulun at Neftali.
14 da se ispuni što je rečeno po proroku Izaiji:
Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias,
15 Zemlja Zebulunova i zemlja Naftalijeva, Put uz more, s one strane Jordana, Galileja poganska -
“Ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, sa gawing dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Gentil!
16 narod što je sjedio u tmini svjetlost vidje veliku; onima što mrkli kraj smrti obitavahu svjetlost jarka osvanu.
Ang mga taong nakaupo sa kadiliman ay nakakita ng matinding liwanag at sumikat ang liwanag sa mga taong nakaupo sa rehiyon at anino ng kamatayan. “
17 Otada je Isus počeo propovijedati: “Obratite se jer približilo se kraljevstvo nebesko!”
Mula nang panahong iyon, nagsimulang mangaral si Jesus at sinasabi, “Magsisi na kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.”
18 Prolazeći uz Galilejsko more, ugleda dva brata, Šimuna zvanog Petar i brata mu Andriju, gdje bacaju mrežu u more; bijahu ribari.
Habang naglalakad si Jesus sa Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro at ang kapatid niyang si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat sapagkat sila ay mga mangingisda.
19 I kaže im: “Hajdete za mnom, učinit ću vas ribarima ljudi!”
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.”
20 Oni brzo ostave mreže i pođu za njim.
Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.
21 Pošavši odande, ugleda druga dva brata, Jakova Zebedejeva i brata mu Ivana: u lađi su sa Zebedejem, ocem svojim, krpali mreže. Pozva i njih.
Habang naglalakad si Jesus mula doon, nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak na lalaki ni Zebedeo at si Juan na kaniyang kapatid. Kasama nila si Zebedeo na kanilang ama sa bangka na nagkukumpuni ng kanilang mga lambat. Tinawag niya ang mga ito,
22 Oni brzo ostave lađu i oca te pođu za njim.
at agad nilang iniwan ang kanilang ama at ang bangka at sumunod sa kaniya.
23 I obilazio je Isus svom Galilejom naučavajući po njihovim sinagogama, propovijedajući Evanđelje o Kraljevstvu i liječeći svaku bolest i svaku nemoć u narodu.
Nilibot ni Jesus ang buong Galilea, nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, ipinangaral niya ang ebanghelyo ng kaharian, pinapagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao.
24 I glas se o njemu pronese svom Sirijom. I donosili su mu sve koji bolovahu od najrazličitijih bolesti i patnja - opsjednute, mjesečare, uzete - i on ih ozdravljaše.
Kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa buong Siria at dinala ng mga tao sa kaniya ang lahat ng mga may sakit, may iba't ibang uri ng karamdaman at sakit, ang mga sinaniban ng mga demonyo, lahat ng epileptiko at paralisado, pinagaling sila ni Jesus.
25 Za njim je pohrlio silan svijet iz Galileje, Dekapola, Jeruzalema, Judeje i Transjordanije.
Maraming tao ang sumunod kay Jesus mula sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem at Judea at maging sa ibayo ng Jordan.