< Marko 3 >

1 Uđe ponovno u sinagogu. Bio je ondje čovjek usahle ruke.
At muli siyang naglakad papasok sa loob ng sinagoga at doon may isang lalaki na tuyot ang kamay.
2 A oni vrebahu hoće li ga Isus u subotu izliječiti, da ga optuže.
Ilan sa mga tao ay nagmamatyag ng mabuti kung papagalingin siya ni Jesus sa Araw ng Pamamahinga upang maparatangan nila siya.
3 On kaže čovjeku usahle ruke: “Stani na sredinu!”
Sinabi ni Jesus sa lalaki na tuyot ang kamay, “Tumindig ka at tumayo sa gitna ng lahat.”
4 A njima će: “Je li subotom dopušteno činiti dobro ili činiti zlo, život spasiti ili pogubiti?” No oni su šutjeli.
At sinabi niya sa mga tao, “Naaayon ba sa batas ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga o ang manakit; ang sumagip ng buhay o ang pumatay?” Ngunit tahimik ang mga tao.
5 A on, ražalošćen okorjelošću srca njihova, srdito ih ošinu pogledom pa reče tom čovjeku: “Ispruži ruku!” On ispruži - i ruka mu zdrava!
Tiningnan niya sila ng may galit, labis siyang nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, at sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat niya ang kaniyang kamay at pinagaling ito ni Jesus.
6 Farizeji iziđu i dadnu se odmah s herodovcima na vijećanje protiv njega kako da ga pogube.
Lumabas ang mga Pariseo at agad bumuo ng sabwatan kasama ng mga taga-sunod ni Herodias laban sa kaniya upang ipapatay siya.
7 Isus se s učenicima povuče k moru. Za njim je išao silan svijet iz Galileje. I iz Judeje,
Pagkatapos, pumunta si Jesus sa dagat kasama ng kaniyang mga alagad at napakaraming tao ang sumunod sa kanila mula sa Galilea, at Judea,
8 iz Jeruzalema, iz Idumeje, iz Transjordanije i iz okolice Tira i Sidona - silno je mnoštvo čulo što čini i nagrnulo k njemu.
Jerusalem at mula sa Idumea at ibayo ng Jordan at sa palibot ng Tiro at Sidon, napakaraming tao ang pumunta sa kaniya nang marinig nila ang lahat ng mga ginagawa niya.
9 Stoga reče učenicima neka mu se zbog mnoštva pripravi lađica da ga ne bi zgnjeli.
Hiniling niya sa kaniyang mga alagad na ipaghanda siya ng isang bangka upang hindi siya maipit ng mga tao.
10 Jer mnoge je ozdravio pa su se svi koji bijahu pogođeni kakvim zlom bacali na nj da bi ga se dotakli.
Dahil sa marami na siyang napagaling, lahat ng may mga malulubhang karamdaman ay gustong makalapit sa kaniya upang mahawakan siya.
11 A nečisti duhovi, čim bi ga spazili, padali bi preda nj i vikali: “Ti si Sin Božji!”
Sa tuwing makikita siya ng mga maruming espiritu, nagpapatirapa sila at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos.”
12 A on im se oštro prijetio da ga ne prokazuju.
Mahigpit niyang iniutos sa mga ito na huwag nilang ipapaalam kung sino siya.
13 Uziđe na goru i pozove koje sam htjede. I dođoše k njemu.
Umakyat siya sa bundok at tinawag niya ang mga gusto niya at pumunta sila sa kaniya.
14 I ustanovi dvanaestoricu da budu s njime i da ih šalje propovijedati
Itinalaga niya ang Labindalawa (na tinawag niyang mga apostol) para sila ay makasama niya at maaari niya silang isugo upang mangaral,
15 s vlašću da izgone đavle.
at upang magkaroon sila ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.
16 Ustanovi dakle dvanaestoricu: Šimuna, kojemu nadjenu ime Petar,
Itinalaga niya ang Labindalawang apostol: Si Simon na pinangalanan niyang Pedro,
17 i Jakova Zebedejeva i Ivana, brata Jakovljeva, kojima nadjenu ime Boanerges, to jest Sinovi groma,
si Santiago na anak ni Zebedeo, si Juan na kapatid ni Santiago, na mga pinangalanan niyang Boanerges na ang ibig sabihin ay mga anak ng kulog,
18 i Andriju i Filipa i Bartolomeja i Mateja i Tomu i Jakova Alfejeva i Tadeja i Šimuna Kananajca
at sila Andres, Felipe, Bartolomeo, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Tadeo, Simon na makabayan,
19 i Judu Iškariotskoga, koji ga izda.
at si Judas Iskaryote, na magkakanulo sa kaniya.
20 I dođe Isus u kuću. Opet se skupi toliko mnoštvo da nisu mogli ni jesti.
Pagkatapos ay umuwi na siya at muling nagtipon-tipon ang maraming tao, kung kaya hindi man lang sila makakain ng tinapay.
21 Čuvši to, dođoše njegovi da ga obuzdaju jer se govorilo: “Izvan sebe je!”
Nang marinig ng kaniyang pamilya ang balitang ito, agad silang lumabas upang pilit siyang kunin, dahil sinasabi nilang, “Nahihibang na siya.”
22 I pismoznanci što siđoše iz Jeruzalema govorahu: “Beelzebula ima, po poglavici đavolskom izgoni đavle.”
Sinabi ng mga eskribang nanggaling sa Jerusalem, “Sinaniban siya ni Beelzebul,” at, “Sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo, pinapaalis niya ang mga demonyo.”
23 A on ih dozva pa im u prispodobama govoraše: “Kako može Sotona Sotonu izgoniti?
Tinawag sila ni Jesus at nagsalita sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, “Paano maitataboy ni Satanas si Satanas?”
24 Ako se kraljevstvo u sebi razdijeli, ono ne može opstati.
Kung nahahati ang isang kaharian laban sa kaniyang sarili, ang kahariang ito ay hindi maaaring manatili.
25 Ili: ako se kuća u sebi razdijeli, ona ne može opstati.
Kung ang isang tahanan ay nahahati laban sa kaniyang sarili, ang tahanang ito ay hindi maaaring manatili.
26 Ako je dakle Sotona sam na sebe ustao i razdijelio se, ne može opstati, nego mu je kraj.
Kung naghimagsik si Satanas laban sa kaniyang sarili at magkabahabahagi, hindi siya maaaring manatili, subalit siya ay magwawakas.
27 Nitko, dakako, ne može u kuću jakoga ući i oplijeniti mu pokućstvo ako prije jakoga ne sveže. Tada će mu kuću oplijeniti!”
Ngunit walang sinuman ang makapapasok sa bahay ng isang malakas na tao at magnakaw ng kaniyang mga kagamitan nang hindi niya ito gagapusin muna, saka pa lang niya mananakawan ang bahay nito.
28 Doista, kažem vam, sve će se oprostiti sinovima ljudskima, koliki god bili grijesi i hule kojima pohule.
Totoo itong sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng mga kasalanan ng mga anak ng tao ay mapapatawad, maging ang lahat ng mga kalapastanganang sinasabi nila,
29 No pohuli li tko na Duha Svetoga, nema oproštenja dovijeka; krivac je grijeha vječnoga.” (aiōn g165, aiōnios g166)
ngunit ang sinumang lumalapastangan laban sa Banal na Espiritu ay hindi kailanman magkakaroon ng kapatawaran, ngunit mayroong walang hanggang kasalanan.” (aiōn g165, aiōnios g166)
30 Jer govorahu: “Duha nečistoga ima.”
Sinabi ito ni Jesus dahil sinasabi nilang, “Mayroon siyang maruming espiritu.”
31 I dođu majka njegova i braća njegova. Ostanu vani, a k njemu pošalju neka ga pozovu.
Pagkatapos ay dumating ang kaniyang ina at mga kapatid na lalaki at tumayo sila sa labas. Pinasundo nila siya at pinatawag.
32 Oko njega je sjedjelo mnoštvo. I reknu mu: “Eno vani majke tvoje i braće tvoje, traže te!”
Umupo ang napakaraming tao sa palibot niya at sinabi sa kaniya, “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid, hinahanap ka nila.”
33 On im odgovori: “Tko je majka moja i braća moja?”
Sinagot niya sila, “Sino ang ina at mga kapatid ko?”
34 I okruži pogledom po onima što su sjedjeli oko njega u krugu i kaže: “Evo majke moje, evo braće moje!
Tiningnan niya ang mga taong nakaupo sa palibot niya at sinabi, “Tingnan ninyo, ito ang aking ina at mga kapatid!
35 Tko god vrši volju Božju, on mi je brat i sestra i majka.”
Dahil kung sino man ang tumutupad sa kalooban ng Diyos, ang taong iyon ay ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina.”

< Marko 3 >