< Luka 22 >
1 Bližio se Blagdan beskvasnih kruhova zvan Pasha.
Ngayon, papalapit na ang Pista ng Tinapay na walang Pampaalsa, na tinatawag na Paskwa.
2 Glavari svećenički i pismoznanci tražili su kako da Isusa smaknu jer se bojahu naroda.
Pinag-usapan ng mga punong pari at mga eskriba kung paano nila ipapapatay si Jesus, sapagkat natatakot sila sa mga tao.
3 A Sotona uđe u Judu zvanog Iškariotski koji bijaše iz broja dvanaestorice.
Pumasok si Satanas kay Judas Iscariote, isa sa Labindalawa.
4 On ode i ugovori s glavarima svećeničkim i zapovjednicima kako da im ga preda.
Nagpunta si Judas at nakipag-usap sa mga punong pari at mga kapitan tungkol sa kung paano niya maidadala si Jesus sa kanila.
5 Oni se povesele i ugovore da će mu dati novca.
Nagalak sila, at nakipagkasundong bibigyan siya ng pera.
6 On pristade. Otada je tražio priliku da im ga preda mimo naroda.
Sumang-ayon siya, at naghanap ng pagkakataon upang madala niya si Jesus sa kanila malayo sa maraming mga tao.
7 Kada dođe Dan beskvasnih kruhova, u koji je trebalo žrtvovati pashu,
Dumating ang araw ng tinapay na walang pampaalsa, na kung saan kailangang ialay ang kordero ng Paskwa.
8 posla Isus Petra i Ivana i reče: “Hajdete, pripravite nam da blagujemo pashu.”
Isinugo ni Jesus sina Pedro at Juan, at sinabi, “Pumunta kayo at maghanda ng hapunang Pampaskua upang ito ay ating kainin.”
9 Rekoše mu: “Gdje hoćeš da pripravimo?”
Tinanong nila sa kaniya, “Saan mo kami gustong gumawa ng mga paghahanda?”
10 On im reče: “Evo, čim uđete u grad, namjerit ćete se na čovjeka koji nosi krčag vode. Pođite za njim u kuću u koju uniđe
Sinagot niya sila, “Makinig kayo, kapag nakapasok na kayo sa lungsod, may isang lalaking sasalubong sa inyo na may isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay kung saan siya papasok.
11 i recite domaćinu te kuće: 'Učitelj veli: Gdje je svratište u kojem bih blagovao pashu sa svojim učenicima?'
Pagkatapos, sabihin ninyo sa panginoon ng bahay 'Ipinapatanong ng Guro sa iyo, “Nasaan ang silid pampanauhin, kung saan kami kakain ng aking mga alagad sa araw ng Paskwa?'”
12 I on će vam pokazati na katu veliko blagovalište prostrto: ondje pripravite.”
Ipapakita niya sa inyo ang malaki at maayos na silid sa itaas. Doon ninyo gawin ang mga paghahanda.
13 Oni odu, nađu kako im je rekao i priprave pashu.
Kaya pumunta sila, at nakita ang lahat ayon sa sinabi niya sa kanila. At inihanda nila ang hapunang Pampaskwa.
14 Kada dođe čas, sjede Isus za stol i apostoli s njim.
Nang dumating ang panahon, umupo siya kasama ang mga apostol.
15 I reče im: “Svom sam dušom čeznuo ovu pashu blagovati s vama prije svoje muke.
Pagkatapos sinabi niya sa kanila, “Labis kong ninais na makasalo kayo sa Pista ng Paskwang ito bago ako magdusa.
16 Jer kažem vam, neću je više blagovati dok se ona ne završi u kraljevstvu Božjem.”
Sapagkat sinasabi ko sa inyo, hindi ko na ito kakaining muli, hanggang sa matupad ito sa kaharian ng Diyos.”
17 I uze čašu, zahvali i reče: “Uzmite je i razdijelite među sobom.
Pagkatapos, kumuha si Jesus ng isang kopa, at nang makapagpasalamat, sinabi niya, “Kunin ninyo ito at ibahagi ito sa isa't isa.
18 Jer kažem vam, ne, neću više piti od roda trsova dok kraljevstvo Božje ne dođe.”
Sapagkat sinasabi ko sa inyo, hindi na ako muling iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Diyos.”
19 I uze kruh, zahvali, razlomi i dade im govoreći: “Ovo je tijelo moje koje se za vas predaje. Ovo činite meni na spomen.”
Pagkatapos, kinuha niya ang tinapay at nang makapagpasalamat, hinati-hati niya ito, at ibinigay sa kanila, sinasabi, “Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”
20 Tako i čašu, pošto večeraše, govoreći: “Ova čaša novi je Savez u mojoj krvi koja se za vas prolijeva.”
Kinuha niya ang tasa sa parehong paraan pagkatapos ng hapunan, sinasabi, “Ang tasang ito ang bagong tipan sa aking dugo, na ibinuhos para sa inyo.
21 “A evo, ruka mog izdajice sa mnom je na stolu.
Ngunit makinig kayo. Ang taong magkakanulo sa akin ay kasama ko ngayon sa hapag.
22 Sin Čovječji, istina, ide kako je određeno, ali jao čovjeku onomu koji ga predaje.”
Sapagkat ang Anak ng Tao ay mamamatay ayon sa itinakda. Ngunit sa aba sa taong iyon na magkakanulo sa kaniya!”
23 I oni se počeše ispitivati tko bi od njih mogao takvo što učiniti.
At nagsimula silang magtanong sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.
24 Uto nasta među njima prepirka tko bi od njih bio najveći.
At nagkaroon din ng pagtatalo sa kanila tungkol sa kung sino sa kanila ang itinuturing na pinakadakila.
25 A on im reče: “Kraljevi gospoduju svojim narodima i vlastodršci nazivaju sebe dobrotvorima.
Sinabi niya sa kanila, “Ang mga hari ng mga Gentil ay may kapangyarihang pamunuan sila, at ang mga may kapangyarihan sa kanila ay tinawag na mga pinunong kagalang-galang.
26 Vi nemojte tako! Naprotiv, najveći među vama neka bude kao najmlađi; i predstojnik kao poslužitelj.
Ngunit sa inyo ay hindi dapat maging tulad nito. Sa halip, ang pinakadakila sa inyo ay maging katulad ng pinakabata. At ang pinakamahalaga sa inyo ay maging katulad ng isang naglilingkod.
27 Ta tko je veći? Koji je za stolom ili koji poslužuje? Zar ne onaj koji je za stolom? A ja sam posred vas kao onaj koji poslužuje.”
Sapagkat sino ang mas dakila, ang taong nakaupo sa may hapag o ang siyang naglilingkod? Hindi ba ang taong nakaupo sa may hapag? Bagaman kasama ninyo ako bilang isang naglilingkod.
28 “Da, vi ste sa mnom ustrajali u mojim kušnjama.
Ngunit kayo ang mga nagpatuloy na kasama ko sa aking mga pagsubok.
29 Ja vam stoga u baštinu predajem kraljevstvo što ga je meni predao moj Otac:
Ibibigay ko sa inyo ang kaharian, katulad ng aking Ama na nagbigay sa akin ng kaharian,
30 da jedete i pijete za mojim stolom u kraljevstvu mojemu i sjedite na prijestoljima sudeći dvanaest plemena Izraelovih.”
upang kayo ay kumain at uminom sa aking mesa sa aking kaharian. At uupo kayo sa mga trono na hahatol sa labindalawang lipi ng Israel.
31 “Šimune, Šimune, evo Sotona zaiska da vas prorešeta kao pšenicu.
Simon, Simon, mag-ingat kayo, sapagkat hinihingi kayo ni Satanas upang salain kayo tulad ng trigo.
32 Ali ja sam molio za tebe da ne malakše tvoja vjera. Pa kad k sebi dođeš, učvrsti svoju braću.”
Ngunit ipinanalangin kita, upang hindi humina ang iyong pananampalataya. At pagkatapos mong muling manumbalik, palakasin mo ang iyong mga kapatid.”
33 Petar mu reče: “Gospodine, s tobom sam spreman i u tamnicu i u smrt.”
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, handa akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan.”
34 A Isus će mu: “Kažem ti, Petre, neće se danas oglasiti pijetao dok triput ne zatajiš da me poznaš.”
Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, Pedro, hindi titilaok ang tandang sa araw na ito, bago mo ikaila ng tatlong beses na kilala mo ako.”
35 I reče: “Kad sam vas poslao bez kese i bez torbe i bez sandala, je li vam što nedostajalo?” Oni odgovore: “Ništa.”
At sinabi ni Jesus sa kanila. “Nang ipinadala ko kayo na walang pitaka, supot ng mga kakailanganin, o sapatos, nagkulang ba kayo ng kahit na ano?” At sumagot sila, “Hindi.”
36 Nato će im: “No sada tko ima kesu, neka je uzme! Isto tako i torbu! A koji nema, neka proda svoju haljinu i neka kupi sebi mač
Kaya sinabi niya sa kanila, “Ngunit ngayon, siya na may pitaka, kunin niya ito, at maging ang supot ng pagkain. Ang walang espada ay dapat ipagbili niya ang kaniyang balabal at bumili ng isa.
37 jer kažem vam, ono što je napisano treba se ispuniti na meni: Među zlikovce bi ubrojen. Uistinu, sve što se odnosi na mene ispunja se.”
Sapagkat sinasabi ko sa inyo, kinakailangang matupad ang nasusulat tungkol sa akin, 'At itinuring siyang isa sa mga lumalabag sa batas.' Sapagkat natutupad na ang pahayag tungkol sa akin.”
38 Oni mu rekoše: “Gospodine, evo ovdje dva mača!” Reče im: “Dosta je!”
Kaya sinabi nila, “Panginoon, tingnan mo! Narito ang dalawang espada.” At sinabi niya sa kanila, “Tama na iyan.”
39 Tada iziđe te se po običaju zaputi na Maslinsku goru. Za njim pođoše i njegovi učenici.
Pagkatapos ng hapunan, pumunta si Jesus sa Bundok ng mga Olibo gaya ng madalas niyang ginagawa, at sumunod ang mga alagad sa kaniya.
40 Kada dođe onamo, reče im: “Molite da ne padnete u napast!”
Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, “Ipanalangin ninyo na hindi kayo matukso.”
41 I otrgnu se od njih koliko bi se kamenom dobacilo, pade na koljena pa se molio:
Lumayo siya sa kanila sa di-kalayuan, at lumuhod siya at nanalangin,
42 “Oče! Ako hoćeš, otkloni ovu čašu od mene. Ali ne moja volja, nego tvoja neka bude!”
sinasabi, “Ama, kung nais mo, alisin mo sa akin ang tasang ito. Gayunman, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo ang mangyari.”
43 A ukaza mu se anđeo s neba koji ga ohrabri. A kad je bio u smrtnoj muci, usrdnije se molio.
Pagkatapos, isang anghel mula sa langit ang nagpakita sa kaniya, pinapalakas siya.
44 I bijaše znoj njegov kao kaplje krvi koje su padale na zemlju.
Sa matinding paghihirap, nanalangin siya nang lalong taimtim, at ang kaniyang pawis ay naging tulad ng malalaking tulo ng dugo na nahuhulog sa lupa.
45 Usta od molitve, dođe učenicima i nađe ih snene od žalosti
Nang tumayo siya mula sa kaniyang pananalangin, pumunta siya sa kaniyang mga alagad, at nakita niyang natutulog ang mga ito dahil sa kanilang pagdadalamhati,
46 pa im reče: “Što spavate? Ustanite! Molite da ne padnete u napast!”
at tinanong sila, “Bakit kayo natutulog?” Bumangon kayo at manalangin, nang hindi kayo pumasok sa tukso.”
47 Dok je on još govorio, eto svjetine, a pred njom jedan od dvanaestorice, zvani Juda. On se približi Isusu da ga poljubi.
Habang siya ay nagsasalita, masdan ito, dumating ang maraming tao, kasama si Judas na isa sa Labindalawa na pinangungunahan sila. Lumapit siya kay Jesus upang siya ay halikan,
48 Isus mu reče: “Juda, poljupcem Sina Čovječjeg predaješ?”
ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Judas, ipinagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?”
49 A oni oko njega, vidjevši što se zbiva, rekoše: “Gospodine, da udarimo mačem?”
Nang makita ng mga nakapalibot kay Jesus ang nangyayari, sinabi nila, “Panginoon, lulusob na ba kami gamit ang tabak?”
50 I jedan od njih udari slugu velikoga svećenika i odsiječe mu desno uho.
At isa sa kanila ang lumusob sa lingkod ng pinakapunong pari, at tinaga ang kaniyang kanang tainga.
51 Isus odgovori: “Pustite! Dosta!” Onda se dotače uha i zacijeli ga.
Sinabi ni Jesus, “Tigilan na ninyo ito.” At hinawakan ni Jesus ang kaniyang tainga at pinagaling siya.
52 Nato Isus reče onima koji se digoše na nj, glavarima svećeničkim, zapovjednicima hramskim i starješinama: “Kao na razbojnika iziđoste s mačevima i toljagama!
Sinabi ni Jesus sa mga punong pari, sa mga kapitan ng templo, at sa mga nakatatanda na dumating laban sa kaniya. “Nagpunta kayo na tila laban sa isang magnanakaw, na may dalang mga espada at mga pamalo?
53 Danomice bijah s vama u Hramu i ne digoste ruke na me. No ovo je vaš čas i vlast Tmina.”
Nang kasama ko kayo araw-araw sa templo, hindi ninyo ako dinakip. Ngunit ito ang inyong oras, at ang kapangyarihan ng kadiliman.”
54 Uhvatiše ga dakle, odvedoše i uvedoše u dom velikoga svećenika. Petar je išao za njim izdaleka.
Dinakip siya, itinaboy siya palayo, at dinala sa bahay ng pinakapunong pari. Ngunit sumunod si Pedro sa di-kalayuan.
55 A posred dvorišta naložiše vatru i posjedaše uokolo. Među njih sjedne Petar.
Pagkatapos nilang magpaningas ng apoy sa gitna ng patyo at sama-samang umupo, umupo si Pedro sa kanilang kalagitnaan.
56 Ugleda ga neka sluškinja gdje sjedi kraj vatre, oštro ga pogleda i reče: “I ovaj bijaše s njim!”
Nakita siya ng isang utusang babae habang nakaupo sa naiilawan ng apoy, at tinitigan siya nito at sinabi, “Kasama rin siya ng taong iyon.”
57 A on zanijeka: “Ne znam ga, ženo!”
Ngunit ikinaila ito ni Pedro, at sinabi, “Babae, hindi ko siya kilala.”
58 Malo zatim opazi ga netko drugi i reče: “I ti si od njih!” A Petar reče: “Čovječe, nisam!”
Pagkaraan ng ilang sandali, nakita uli siya ng iba pang tao, at sinabi, “Isa ka rin sa kanila.” Ngunit sinabi ni Pedro, “Lalaki, hindi.”
59 I nakon otprilike jedne ure drugi neki navaljivaše: “Doista, i ovaj bijaše s njim! Ta Galilejac je!”
Pagkatapos ng isang oras iginiit ng isa pang lalaki at sinabi, “Totoo na ang lalaking ito ay kasama niya, sapagkat siya ay taga-Galilea.”
60 A Petar će: “Čovječe, ne znam što govoriš!” I umah, dok je on još govorio, oglasi se pijetao.
Ngunit sinabi ni Pedro, “Lalaki, hindi ko alam ang sinasabi mo.” At agad-agad, habang nagsasalita pa siya, tumilaok ang tandang.
61 Gospodin se obazre i upre pogled u Petra, a Petar se spomenu riječi Gospodinove, kako mu ono reče: “Prije nego se danas pijetao oglasi, zatajit ćeš me tri puta.”
Lumingon ang Panginoon at tumingin kay Pedro. At naalala ni Pedro ang salita ng Panginoon, nang sabihin niya sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang sa araw na ito, tatlong ulit mo akong ikakaila.”
62 I iziđe te gorko zaplaka.
Siya ay lumabas, tumangis si Pedro ng labis.
63 A ljudi koji su Isusa čuvali udarajući ga poigravali se njime
Pagkatapos ay kinutya at hinampas si Jesus ng mga lalaking nagbabantay sa kaniya.
64 i zastirući mu lice, zapitkivali ga: “Proreci tko te udario!”
Pagkatapos siyang piringan, tinanong siya at sinabi, “Hulaan mo! Sino ang humampas sa iyo?”
65 I mnogim se drugim pogrdama nabacivali na nj.
Nagsalita pa sila ng maraming mga bagay laban kay Jesus, nilalapastangan siya.
66 A kad se razdanilo, sabra se starješinstvo narodno, glavari svećenički i pismoznanci te ga dovedoše pred svoje Vijeće
Kinaumagahan, nagtipun-tipon ang mga nakatatanda, ang mga punong pari at mga eskriba. Siya ay dinala nila sa Konseho,
67 i rekoše: “Ako si ti Krist, reci nam!” A on će im: “Ako vam reknem, nećete vjerovati;
sinasabi “Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kung sabihin ko sa inyo, hindi kayo maniniwala,
68 ako vas zapitam, nećete odgovoriti.
at kung tanungin ko kayo, hindi kayo sasagot.
69 No od sada će Sin Čovječji sjedjeti zdesna Sile Božje.”
Ngunit mula ngayon, ang Anak ng Tao ay mauupo sa kanang kamay ng kapangyarihan ng Diyos.”
70 Nato svi rekoše: “Ti si, dakle, Sin Božji!” On im reče: “Vi velite! Ja jesam!”
Sinabi nilang lahat, “Kung gayon ikaw ang Anak ng Diyos?” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinabi ninyo na ako nga.”
71 Nato će oni: “Što nam još svjedočanstvo treba? Ta sami smo čuli iz njegovih usta!”
Sinabi nila, “Bakit pa natin kailangan ng isang saksi? Sapagkat tayo na mismo ang nakarinig mula sa kaniyang bibig.”