< Luka 18 >

1 Kaza im i prispodobu kako valja svagda moliti i nikada ne sustati:
Pagkatapos, sinabi niya ang isang talinghaga sa kanila tungkol sa kung paano sila dapat laging manalangin, at huwag panghinaan ng loob,
2 “U nekom gradu bio sudac. Boga se nije bojao, za ljude nije mario.
sinasabi, “Sa isang lungsod, may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at hindi niya iginagalang ang mga tao.
3 U tom gradu bijaše i neka udovica. Dolazila k njemu i molila: 'Obrani me od mog tužitelja!'
Ngayon may isang babaeng balo sa lungsod na iyon, at madalas itong pumupunta sa kaniya, sinasabi, 'Tulungan mo akong makamit ang katarungan laban sa aking kaaway.'
4 No on ne htjede zadugo. Napokon reče u sebi: 'Iako se Boga ne bojim nit za ljude marim, ipak,
Sa loob ng mahabang panahon hindi niya ito nais na tulungan, ngunit pagkatapos ng maikling panahon, sinabi niya sa kaniyang sarili, 'Bagaman hindi ako natatakot sa Diyos o hindi ko iginagalang ang tao,
5 jer mi udovica ova dodijava, obranit ću je da vječno ne dolazi mučiti me.'”
ngunit dahil ginagambala ako ng balong ito, tutulungan ko siyang makamit ang katarungan, upang hindi niya ako pagurin sa kaniyang palagiang pagpunta rito.”'
6 Nato reče Gospodin: “Čujte što govori nepravedni sudac!
Pagkatapos sinabi ng Panginoon, “Pakinggan ninyo ang sinabi ng hindi makatarungang hukom.
7 Neće li onda Bog obraniti svoje izabrane koji dan i noć vape k njemu sve ako i odgađa stvar njihovu?
Ngayon, hindi ba ibibigay din ng Diyos ang katarungan sa kaniyang mga hinirang na dumaraing sa kaniya araw at gabi? Hindi ba siya magiging matiyaga sa kanila?
8 Kažem vam, ustat će žurno na njihovu obranu. Ali kad Sin Čovječji dođe, hoće li naći vjere na zemlji?”
Sinasabi ko sa inyo na agad niyang dadalhin ang katarungan sa kanila. Ngunit kapag dumating ang Anak ng Tao, may matatagpuan ba siyang pananampalataya sa lupa?”
9 Nekima pak koji se pouzdavahu u sebe da su pravednici, a druge potcjenjivahu, reče zatim ovu prispodobu:
At sinabi din niya ang talinghagang ito sa mga taong nagsasabi sa kanilang mga sarili na sila ay matuwid at humahamak sa ibang tao,
10 “Dva čovjeka uziđoše u Hram pomoliti se: jedan farizej, drugi carinik.
“Dalawang lalaki ang pumunta sa templo upang manalangin—ang isa ay Pariseo at ang isa naman ay maniningil ng buwis.
11 Farizej se uspravan ovako u sebi molio: 'Bože, hvala ti što nisam kao ostali ljudi: grabežljivci, nepravednici, preljubnici ili - kao ovaj carinik.'
Tumayo ang Pariseo at ipinanalangin ang mga bagay na ito tungkol sa kaniyang sarili, 'Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo dahil hindi ako katulad ng ibang taong magnanakaw, mga hindi matuwid, mga mangangalunya, o tulad ng maniningil ng buwis na ito.
12 Postim dvaput u tjednu, dajem desetinu od svega što steknem.'
Nag-aayuno ako ng dalawang beses bawat linggo. Ibinibigay ko ang ikapu ng lahat ng aking nakukuha.'
13 A carinik, stojeći izdaleka, ne usudi se ni očiju podignuti k nebu, nego se udaraše u prsa govoreći: 'Bože milostiv budi meni grešniku!'
Ngunit ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa di-kalayuan, ayaw man lang tumingin sa langit, ngunit dinadagukan niya ang kaniyang dibdib, sinasabi, 'Diyos, kaawaan mo ako, na isang makasalanan.'
14 Kažem vam: ovaj siđe opravdan kući svojoj, a ne onaj! Svaki koji se uzvisuje, bit će ponižen; a koji se ponizuje, bit će uzvišen.”
Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong ito sa kaniyang bahay na napawalang-sala kaysa sa isa, dahil maibababa ang bawat taong nagmamataas ng kaniyang sarili at maitataas ang bawat taong nagpapakababa ng kaniyang sarili.”
15 A donosili mu i dojenčad da ih se dotakne. Vidjevši to, učenici im branili.
Dinadala rin ng mga tao kay Jesus ang kanilang mga sanggol, upang sila ay kaniyang mahawakan, ngunit nang makita ito ng mga alagad, sinaway nila ang mga ito,
16 A Isus ih dozva i reče: “Pustite dječicu neka dolaze k meni i ne priječite im jer takvih je kraljevstvo Božje.”
Ngunit pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, sinasabi, “Payagan ninyo ang mga maliliit na bata na lumapit sa akin at huwag ninyo silang pagbawalan. Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nauukol sa mga gaya nila.
17 “Zaista, kažem vam, tko ne primi kraljevstva Božjega kao dijete, ne, u nj neće ući.”
Totoo, sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang bata ay tiyak na hindi makapapasok doon.”
18 I upita ga neki uglednik: “Učitelju dobri, što mi je činiti da baštinim život vječni?” (aiōnios g166)
Isang pinuno ang nagtanong sa kaniya, sinasabi, “Mabuting guro, ano ang kailangan kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?” (aiōnios g166)
19 Reče mu Isus: “Što me zoveš dobrim? Nitko nije dobar, doli Bog jedini.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti, kundi ang Diyos lamang.
20 Zapovijedi znaš: Ne čini preljuba! Ne ubij! Ne ukradi! Ne svjedoči lažno! Poštuj oca svoga i majku!”
Alam mo ang mga kautusan—huwag kang mangalunya, huwag kang pumatay, huwag kang magnakaw, huwag kang magpatotoo ng kasinungalingan, igalang mo ang iyong ama at ina.”
21 A onaj će: “Sve sam to čuvao od mladosti.”
Sinabi ng pinuno, “Sinunod ko ang lahat ng bagay na ito mula pa sa aking pagkabata.”
22 Čuvši to, Isus mu reče: “Još ti jedno preostaje: sve što imaš prodaj i razdaj siromasima pa ćeš imati blago na nebu. A onda dođi i idi za mnom.”
Nang marinig iyon ni Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Dapat mong ipagbili ang lahat ng mayroon ka at ipamahagi mo ito sa mga mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit—at halika, sumunod ka sa akin.”
23 Kad je on to čuo, ražalosti se jer bijaše silno bogat.
Ngunit nang marinig ng mayamang lalaki ang mga bagay na ito, labis siyang nalungkot, sapagkat napakayaman niya.
24 Vidjevši ga, reče Isus: “Kako li je teško imućnicima u kraljevstvo Božje!
Habang tinitingnan siya ni Jesus, lubha siyang nalungkot at sinabi, “Gaano na lamang kahirap para sa mga mayayaman na pumasok sa kaharian ng Diyos!
25 Lakše je devi kroz uši iglene nego bogatašu u kraljevstvo Božje.”
Sapagkat mas madali para sa isang kamelyo na pumasok sa butas ng isang karayom, kaysa sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Diyos.”
26 Koji su to čuli, rekoše: “Pa tko se onda može spasiti?”
Sinabi ng mga nakarinig nito, “Kung ganoon sino ang maliligtas?”
27 A on će: “Što je nemoguće ljudima, moguće je Bogu.”
Sumagot si Jesus, “Ang mga bagay na hindi magagawa ng mga tao ay magagawa ng Diyos.”
28 Nato reče Petar: “Evo, mi ostavismo svoje i pođosmo za tobom.”
Sinabi ni Pedro, “Tingnan mo, iniwan namin ang lahat ng aming pag-aari at sumunod sa iyo.”
29 Isus će im: “Zaista, kažem vam, nema ga tko bi ostavio kuću, ili ženu, ili braću, ili roditelje, ili djecu poradi kraljevstva Božjega,
Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo, sinasabi ko sa inyo na walang sinumang nag-iwan ng kaniyang bahay, o asawang babae, o mga kapatid na lalaki, o mga magulang, o mga anak, para sa kapakanan ng kaharian ng Diyos,
30 a da ne bi primio mnogostruko već u ovom vremenu, i u budućem vijeku život vječni.” (aiōn g165, aiōnios g166)
ang hindi makatatanggap ng mas marami sa mundong ito at sa mundong darating, ng buhay na walang hanggan.” (aiōn g165, aiōnios g166)
31 I uzevši sa sobom dvanaestoricu, reče im: “Evo uzlazimo u Jeruzalem i na Sinu Čovječjem ispunit će se sve što su napisali proroci:
Pagkatapos niyang tipunin ang Labindalawa, sinabi niya sa kanila, “Masdan ninyo, paakyat tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng bagay na isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao ay matutupad.
32 doista, bit će predan poganima, izrugan, zlostavljan i popljuvan;
Sapagkat ibibigay siya sa mga Gentil, at kukutyain, at ipapahiya, at duduraan.
33 i pošto ga izbičuju, ubit će ga, ali on će treći dan ustati.”
Pagkatapos siyang hagupitin, siya ay papatayin nila at sa ikatlong araw muli siyang mabubuhay.”
34 No oni ništa od toga ne razumješe. Te im riječi bijahu skrivene i ne shvaćahu što bijaše rečeno.
Wala silang naunawaan sa mga bagay na ito, at ang salitang ito ay lingid sa kanila, at hindi nila naunawaan ang mga bagay na nasabi.
35 A kad se približavao Jerihonu, neki slijepac sjedio kraj puta i prosio.
At nangyari, nang palapit si Jesus sa Jerico, may isang bulag na lalaking nakaupo sa tabi ng kalsada na namamalimos,
36 Čuvši gdje mnoštvo prolazi, raspitivao se što je to.
at nang narinig niya ang maraming tao na dumaraan, tinanong niya kung ano ang nangyayari.
37 Rekoše mu: “Isus Nazarećanin prolazi.”
Sinabi nila sa kaniya na dumaraan si Jesus na taga-Nazaret.
38 Tada povika: “Isuse, Sine Davidov, smiluj mi se!”
Kaya sumigaw ang bulag na lalaki, sinasabi, “Jesus, anak ni David, maawa ka sa akin.”
39 Oni ga sprijeda ušutkivali, ali on je još jače vikao: “Sine Davidov, smiluj mi se!”
Sinaway ng mga naunang naglalakad ang bulag na lalaki, sinasabi sa kaniya na manahimik. Ngunit lalo pa siyang sumigaw, “Anak ni David, maawa ka sa akin.”
40 Isus se zaustavi i zapovjedi da ga dovedu k njemu. Kad se on približi, upita ga:
Huminto si Jesus at iniutos na dalhin sa kaniya ang lalaki. At nang malapit na ang bulag na lalaki, tinanong siya ni Jesus,
41 “Što hoćeš da ti učinim?” A on će: “Gospodine, da progledam.”
“Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?” Sinabi niya, “Panginoon, gusto kong makakita.”
42 Isus će mu: “Progledaj! Vjera te tvoja spasila.”
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tanggapin mo ang iyong paningin. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”
43 I umah progleda i uputi se za njim slaveći Boga. I sav narod koji to vidje dade hvalu Bogu.
Kaagad niyang natanggap ang kaniyang paningin, at sumunod sa kainya na niluluwalhati ang Diyos. Pagkakita nito, nagbigay ng papuri ang lahat ng tao sa Diyos.

< Luka 18 >