< Tužaljke 3 >

1 Ja sam čovjek što upozna bijedu pod šibom gnjeva njegova.
Ako ay isang taong nakakita ng paghihirap sa ilalim ng pamalo ng matinding galit ni Yahweh.
2 Mene je odveo i natjerao da hodam u tmini i bez svjetlosti.
Itinaboy niya ako at pinalakad sa kadiliman sa halip na liwanag.
3 I upravo mene bije i udara bez prestanka njegova ruka.
Tunay siyang bumaling laban sa akin, buong araw niyang ibinabaling ang kamay niya laban sa akin.
4 Iscijedio je moje meso, kožu moju, polomio kosti moje.
Ang aking laman at balat ay ginutay niya, ang aking mga buto ay binali niya.
5 Načinio mi jaram, glavu obrubio tegobama.
Gumawa siya ng mga gawaing paglusob na sa akin ay laban, at pinaligiran ako ng kapaitan at kahirapan.
6 Pustio me da živim u tminama kao mrtvaci vječiti.
Sa mga madilim na lugar niya ako pinatira, tulad nilang mga patay na noon pa.
7 Zazidao me, i ja ne mogu izaći, otežao je moje okove.
Gumawa siya ng pader sa paligid ko at hindi ako makatakas. Pinabigat niya ang aking mga posas.
8 Kada sam vikao i zapomagao, molitvu je moju odbijao.
Kahit na tumawag at sumigaw ako ng tulong, aking mga panalangin ay kaniyang kinukulong.
9 Zazidao mi ceste tesanim kamenom, zakrčio je putove moje.
Hinarangan niya ang aking landas ng mga pader na gawa sa sinibak na bato, hindi tuwid ang bawat daanang aking tinatahak.
10 Meni on bijaše medvjed koji vreba, lav u zasjedi.
Tulad siya ng osong naghihintay upang tambangan ako, isang leon na nasa pagtatago.
11 U bespuća me vodio, razdirao, ostavljao me da umirem.
Inilihis niya ang mga landas ko. Ginugutay at pinapabayaan niya ako.
12 Napinjao je luk svoj i gađao me kao metu za svoje strelice.
Iniunat niya ang kaniyang pana at minarkahan ako bilang tudlaan ng palaso.
13 U slabine mi sasuo strelice, sinove svoga tobolca.
Ipinadala niya ang mga palaso mula sa kaniyang sisidlan upang pumasok sa aking mga bato.
14 Postao sam smiješan svome narodu, rugalica svakidašnja.
Ako ay naging katatawanan sa lahat ng aking mga kababayan, ang paksa sa mapanuyang awit nila sa araw-araw.
15 Gorčinom me hranio, pelinom me napajao.
Pinuno niya ako ng kapaitan at pinilit painumin ng ajenjo.
16 Puštao me da zube kršim kamen grizući, zakapao me u pepeo.
Dinurog niya ang aking mga ngipin ng bato, sa alikabok ay isinubsob niya ako.
17 Duši je mojoj oduzet mir i više ne znam što je sreća!
Sa aking buhay ay tinanggal mo ang kapayapaan, hindi ko na maalala pa ang alinmang kaligayahan.
18 Rekoh: Dotrajao je život moj i nada koja mi od Jahve dolazi.
Kaya sinabi ko, “Ang aking tatag ay nawala na at ang aking pag-asa kay Yahweh ay naubos na.”
19 Spomeni se bijede moje i stradanja, pelina i otrova!
Inaalala ko ang aking kahirapan at ang aking pagkaligaw sa ajenjo at kapaitan.
20 Bez prestanka na to misli i sahne duša u meni.
Tiyak na ito ay aking inaalala, at sa loob ko ay yumuyukod ako sa kawalan ng pag-asa.
21 To nosim u srcu i gojim nadu u sebi.
Ngunit ito ang aking inaalala, at ito ang dahilang ako ay may pag-asa:
22 Dobrota Jahvina nije nestala, milosrđe njegovo nije presušilo.
Ito ay sa pamamagitan ng katapatan sa kasunduan ni Yahweh kaya hindi tayo nalipol, sapagkat ang kaniyang mga kilos ng kahabagan ay hindi nagwakas.
23 Oni se obnavljaju svako jutro: tvoja je vjernost velika!
Ang mga kilos ng kahabagan niya ay muling nagaganap sa bawat umaga, katapatan mo ay dakila!
24 “Jahve je dio moj”, veli mi duša, “i zato se u nj pouzdajem.”
“Si Yahweh ay aking mana,” sinabi ko sa aking sarili, kaya aasa ako sa kaniya.
25 Dobar je Jahve onom koji se u nj pouzdaje, duši koja ga traži.
Si Yahweh ay mabuti sa sinumang naghihintay sa kaniya, sa buhay na naghahanap sa kaniya.
26 Dobro je u miru čekati spasenje Jahvino!
Mabuti ang maghintay sa pagliligtas ni Yahweh nang tahimik.
27 Dobro je čovjeku da nosi jaram za svoje mladosti.
Mabuti sa isang tao na ang pamatok sa kaniyang kabataan ay kaniyang natitiis.
28 Neka sjedi u samoći i šuti, jer mu On to nametnu;
Hayaan siyang manahimik at umupong mag-isa, dahil inilagay ito ni Yahweh sa kaniya.
29 neka usne priljubi uz prašinu, možda još ima nade!
Hayaang ilagay niya sa alikabok ang bibig niya, at marahil mayroong pag-asa.
30 Neka pruži obraz onome koji ga bije, neka se zasiti porugom.
Hayaang ang kaniyang pisngi ay ibigay niya sa sinumang humahampas sa kaniya. Hayaang mapuno siya ng kahihiyan,
31 Jer Gospod ne odbacuje nikoga zauvijek:
sapagkat hindi siya tatanggihan ng Panginoon magpakailanman!
32 jer ako i rastuži, on se smiluje po svojoj velikoj ljubavi.
Sapagkat kahit na nagdadala siya ng kalungkutan, nagpapakita rin siya ng kahabagan na lumalabas mula sa kaniyang kadakilaan ng kaniyang katapatan sa kasunduan.
33 Jer samo nerado on ponižava i rascvili sinove čovjeka.
Sapagkat hindi siya nagmamalupit mula sa kaniyang puso, o nagpapahirap sa mga anak ng mga tao.
34 Kad se gaze nogama svi zemaljski sužnjevi,
Sa pagdurog sa lahat ng mga bihag sa lupa sa ilalim ng kaniyang paa,
35 kad se izvrće pravica čovjeku pred licem Svevišnjeg,
sa paglihis sa katarungan ng mga tao sa harapan ng mukha ng Kataas-taasan,
36 kad se krivica nanosi čovjeku u parnici, zar Gospod ne vidi?
sa paghadlang sa isang tao sa kaniyang katwiran—hindi ba nakikita ng Panginoon?
37 Tko je rekao nešto i zbilo se? Nije li Gospod to zapovjedio?
Sino ang nagsasalita at nangyayari kapag hindi ito iniutos ng Panginoon?
38 Ne dolazi li iz usta Svevišnjega i dobro i zlo?
Hindi ba parehong kapahamakan at katagumpayan ay nagmumula sa bibig ng Kataas-taasan?
39 Na što se tuže živi ljudi? Svatko na svoj grijeh.
Paano makakadaing ang sinumang taong nabubuhay? Paaano makakadaing ang sinumang tao tungkol sa kaparusahan ng kaniyang mga kasalanan?
40 Ispitajmo, pretražimo pute svoje i vratimo se Jahvi.
Siyasatin at suriin natin ang ating mga pamamaraan, at muling manumbalik kay Yahweh.
41 Dignimo svoje srce i ruke svoje k Bogu koji je na nebesima.
Itaas natin ang ating mga puso at mga kamay sa Diyos sa kalangitan at manalangin:
42 Da, mi smo se odmetali, bili nepokorni, a ti, ti nisi praštao!
“Laban sa iyo kami ay nagkasala at naghimagsik, kaya kami ay hindi mo pinatawad.
43 Obastrt gnjevom svojim, gonio si nas, ubijao i nisi štedio.
Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol kami. Pinagpapatay mo kami, at hindi mo kami kinahabagan.
44 Oblakom si se obastro da molitva ne prodre do tebe.
Tinakpan mo ang iyong sarili ng ulap, upang walang panalangin ang makakalampas.
45 Načinio si od nas smeće i odmet među narodima.
Ginawa mo kaming mga taong itinakwil at dumi sa iba't ibang mga lahi.
46 Razjapili usta na nas svi neprijatelji naši.
Ibinuka ng lahat ng aming mga kaaway ang kanilang bibig nang may pangungutya laban sa amin.
47 Užas i jama bila nam sudbina, propast i zator!
Dumating sa amin ang takot sa hukay, pagkasira at pagkaluray.”
48 Potoci suza teku iz očiju mojih zbog propasti Kćeri naroda mojega.
Umaagos ng daloy ng tubig ang mata ko dahil sa pagkaluray ng anak na babae ng mga kababayan ko.
49 Moje oči liju suze bez prestanka, jer prestanka nema
Umaagos ang mga mata ko, at hindi tumitigil ang mga ito, sapagkat wala itong katapusan
50 dok ne pogleda i ne vidi Jahve s nebesa.
hanggang sa tumunghay at tumingin si Yahweh mula sa kalangitan.
51 Moje mi oko bol zadaje zbog kćeri svih mojega grada.
Nagbibigay ng matinding sakit sa aking buhay ang mata ko dahil sa lahat ng mga anak na babae sa lungsod ko.
52 Uporno me k'o pticu progone svi što me mrze, a bez razloga.
Walang tigil akong tinutugis tulad ng isang ibon ng aking mga kaaway nang walang dahilan.
53 U jamu baciše moj život i zatrpaše je kamenjem.
Sinira nila sa balon ang buhay ko at sa ibabaw ko ay naglagay ng isang bato.
54 Voda mi dođe preko glave, rekoh sam sebi: “Pogiboh!”
Dumaloy ang tubig sa aking ulo, sinabi ko, “Nilagot ako!”
55 I tada zazvah ime tvoje, Jahve, iz najdublje jame.
Tinawag ko ang iyong pangalan, Yahweh, mula sa pinakamababang hukay.
56 Ti oču moj glas: “Ne začepljuj uši svoje na vapaje moje.”
Narinig mo ang aking tinig nang sinabi ko, “Huwag mong itago ang iyong tainga sa aking pagtawag ng tulong, sa aking pagsigaw ng saklolo!
57 Bliz meni bijaše u dan vapaja mog, govoraše: “Ne boj se!”
Lumapit ka sa araw na tinawag kita, sinabi mo sa akin, “Huwag kang mangamba!”
58 Ti si, Gospode, izborio pravdu za dušu moju, ti si život moj izbavio.
Panginoon, ipinagtanggol mo ako nang ako ay nasa paglilitis para sa buhay ko, iniligtas mo ang buhay ko!
59 Ti, Jahve, vidje kako me tlače, dosudi mi pravdu.
Yahweh, nakita mo ang kanilang pang-aapi sa akin. Hatulan mo nang makatarungan ang aking usapin.
60 Ti vidje svu osvetu njinu, sve podvale protiv mene.
Nakita mo ang lahat kanilang mga kilos ng paghihiganti, lahat ng kanilang binabalak laban sa akin.
61 Čuo si, Jahve, podrugivanje njihovo, sve podvale protiv mene.
Narinig mo ang panghahamak nila, Yahweh, at lahat ng kanilang mga balak tungkol sa akin.
62 Usne protivnika mojih i misli njine protiv mene su cio dan.
Narinig mo ang mga labi ng mga tumindig laban sa akin, narinig mo ang kanilang malalim na kaisipang laban sa akin sa buong araw.
63 Kad sjede, kad ustaju, pogledaj samo: ja sam im pjesma-rugalica.
Maging sa kanilang pag-upo o sa kanilang pagtayo, tingnan mo Yahweh! Ako ang paksa sa kanilang awit ng pangungutya.
64 Vrati im, Jahve, milo za drago, po djelu ruku njihovih.
Gumanti ka sa kanila, Yahweh, gaya ng pinsalang ginawa ng kanilang mga kamay.
65 Učini da srca im otvrdnu, udari ih prokletstvom svojim.
Lagyan mo ng takot ang kanilang mga puso, lagyan mo sila ng sumpa.
66 Goni ih gnjevno i sve ih istrijebi pod nebesima svojim, Jahve!
Habulin mo sila sa iyong galit at lipulin mo sila saanman sa ilalim ng kalangitan, Yahweh!

< Tužaljke 3 >