< Ivan 2 >
1 Trećeg dana bijaše svadba u Kani Galilejskoj. Bila ondje Isusova majka.
Matapos ang tatlong araw, may kasalan sa Cana ng Galilea, at ang ina ni Jesus ay naroon.
2 Na svadbu bijaše pozvan i Isus i njegovi učenici.
Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay naanyayahan sa kasalan.
3 Kad ponesta vina, Isusu će njegova majka: “Vina nemaju.”
Nang maubos ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya, “Wala silang alak.”
4 Kaže joj Isus: “Ženo, što ja imam s tobom? Još nije došao moj čas!”
Sumagot si Jesus, “Babae, ano ang kinalaman niyan sa akin? Ang oras ko ay hindi pa dumarating.”
5 Nato će njegova mati poslužiteljima: “Što god vam rekne, učinite!”
Sinabi nang kaniyang ina sa mga lingkod, “Anumang sabihin niya sa inyo, gawin ninyo.”
6 A bijaše ondje Židovima za čišćenje šest kamenih posuda od po dvije do tri mjere.
Ngayon mayroon doong anim na mga banga ng tubig na ginagamit sa seremonya ng paghuhugas ng mga Judio, na ang bawa't isa ay naglalaman ng may dalawa hanggang tatlong metretes.
7 Kaže Isus poslužiteljima: “Napunite posude vodom!” I napune ih do vrha.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Punuin ninyo ang banga ng tubig.” Kaya pinuno nila ang mga ito hanggang labi.
8 Tada im reče: “Zagrabite sada i nosite ravnatelju stola.” Oni odnesu.
Pagkatapos ay sinabi niya sa mga lingkod, “Kumuha kayo ng kaunti at ibigay sa punong tagapag-silbi.” Kaya ginawa nga nila.
9 Kad okusi vodu što posta vinom, a nije znao odakle je - znale su sluge koje zagrabiše vodu - ravnatelj stola pozove zaručnika
Tinikman ng punong tagapag-silbi ang tubig na naging alak, ngunit hindi niya alam kung saan ito nanggaling (ngunit alam ito ng mga lingkod na kumuha ng tubig). Pagkatapos ay tinawag niya ang lalaking bagong kasal
10 i kaže mu: “Svaki čovjek stavlja na stol najprije dobro vino, a kad se ponapiju, gore. Ti si čuvao dobro vino sve do sada.”
at sinabi sa kaniya, “Ang unang hinahain ng bawa't isa ay ang mainam na alak at pagkatapos ay ang murang alak kapag ang mga tao ay lasing na. Ngunit itinira mo ang napakainam na alak hanggang ngayon.”
11 Tako, u Kani Galilejskoj, učini Isus prvo znamenje i objavi svoju slavu te povjerovaše u njega njegovi učenici.
Ang himalang ito sa Cana ng Galilea ay ang simula ng mga mahimalang tanda na ginawa ni Jesus, ipinapahayag ang kaniyang kaluwalhatian, kaya ang mga alagad ay nananampalataya sa kaniya.
12 Nakon toga siđe sa svojom majkom, s braćom i sa svojim učenicima u Kafarnaum. Ondje ostadoše nekoliko dana.
Pagkatapos nito, si Jesus, ang kaniyang ina, ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga alagad ay pumunta pababa ng Capernaum, at duon nanatili sila ng mga ilang araw.
13 Blizu bijaše židovska Pasha. Stoga Isus uziđe u Jeruzalem.
Ngayon malapit na ang Paskwa ng mga Judio, kaya si Jesus ay umakyat sa Jerusalem.
14 U Hramu nađe prodavače volova, ovaca i golubova i mjenjače gdje sjede.
Natagpuan niya sa templo ang mga nagbebenta ng mga baka, tupa at mga kalapati. Ang mga tagapagpalit ng pera ay naroroon din at nakaupo.
15 I načini bič od užeta te ih sve istjera iz Hrama zajedno s ovcama i volovima. Mjenjačima rasu novac i stolove isprevrta,
Kaya gumawa siya nang isang panghagupit na lubid at pinaalis silang lahat palabas ng templo, pati na ang mga tupa at baka. Itinapon niya ang pera ng tagapagpalit ng salapi at itinaob ang kanilang mga mesa.
16 a prodavačima golubova reče: “Nosite to odavde i ne činite od kuće Oca mojega kuću trgovačku.”
Sinabi niya sa mga taga-benta nang kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Tigilan ninyong gawing palengke ang tahanan ng aking Ama.”
17 Prisjetiše se njegovi učenici da je pisano: Izjeda me revnost za Dom tvoj.
Naalala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, “Ang sigasig para sa iyong tahanan ay tutupok sa akin.”
18 Nato se umiješaju Židovi i upitaju ga: “Koje nam znamenje možeš pokazati da to smiješ činiti?”
Pagkatapos ay tumugon ang mga may katungkulang Judio, sinasabi sa kaniya, “Anong tanda ang ipapakita mo sa amin dahil ginagawa mo ang mga bagay na ito?”
19 Odgovori im Isus: “Razvalite ovaj hram i ja ću ga u tri dana podići.”
Sumagot si Jesus, “Wasakin ang templong ito, at sa tatlong araw aking itatayo ito.”
20 Rekoše mu nato Židovi: “Četrdeset i šest godina gradio se ovaj Hram, a ti da ćeš ga u tri dana podići?”
At sinabi ng mga may katungkulang Judio, “Umabot nang apatnapu't anim na taon para magawa ang templong ito, at itatayo mo ito sa tatlong araw?”
21 No on je govorio o hramu svoga tijela.
Subalit, siya ay nagsasalita tungkol sa templo ng kaniyang katawan.
22 Pošto uskrsnu od mrtvih, prisjetiše se njegovi učenici da je to htio reći te povjerovaše Pismu i besjedi koju Isus reče.
Kaya't pagkatapos noon nang siya ay ibangon mula sa kamatayan, naalala ng kaniyang mga alagad na sinabi niya ito, at sila ay nanalig sa kasulatan at sa pahayag na sinabi ni Jesus.
23 Dok je boravio u Jeruzalemu o blagdanu Pashe, mnogi povjerovaše u njegovo ime promatrajući znamenja koja je činio.
Ngayon nang siya ay nasa Jerusalem, habang pista ng Paskwa, marami ang naniwala sa kaniyang pangalan, nang nakita nila ang ginawa niyang mapaghimalang tanda.
24 No sam se Isus njima nije povjeravao jer ih je sve dobro poznavao
Ngunit walang tiwala si Jesus sa kanila dahil kilala niya lahat ng sangkatauhan.
25 i nije trebalo da mu tko daje svjedočanstvo o čovjeku: ta sam je dobro znao što je u čovjeku.
Hindi niya kailangan ang sinuman para magpatotoo sa kaniya tungkol sa kung ano ang klase ng mga tao, sapagkat alam niya kung anong nasa sa kanila.