< Jevrejima 8 >
1 A glavno u ovom izlaganju jest: takva imamo Velikog svećenika koji sjede zdesna prijestolja Veličanstva na nebesima
Ngayon, ito ang paksa ng aming sinasabi, mayroon tayong isang pinaka-punong pari na nakaupo sa kanang kamay ng trono ng Kamahalan sa kalangitan.
2 kao bogoslužnik Svetinje i Šatora istinskoga što ga podiže Gospodin, a ne čovjek.
Isa siyang lingkod sa lugar na banal, ang tunay na tabernakulo na itinayo ng Panginoon, hindi ng sinumang tao.
3 Doista, svaki se veliki svećenik postavlja da prinosi darove i žrtve. Odatle je potrebno da i on ima što bi prinio.
Sapagkat itinalaga ang bawat pinaka-punong pari upang mag-alay ng mga kaloob at mga handog, kaya kinakailangan na may isang bagay na ialay.
4 Svakako, da je na zemlji, ne bi bio svećenik jer postoje oni koji po Zakonu prinose darove.
Ngayon kung si Cristo ay nasa lupa, hindi na siya magiging pari pa, yamang mayroon nang mga nag-aalay ng mga handog ayon sa kautusan.
5 Oni služe slici i sjeni onoga nebeskoga, kako je upućen Mojsije kad se spremao praviti šator: Pazi, veli doista, načini sve po praliku koji ti je pokazan na brdu.
Naglilingkod sila sa isang bagay na huwaran at anino ng mga bagay na makalangit, kagaya na lamang ng babala ng Diyos kay Moises noong itatayo na niya ang tabernakulo, “Tingnan mo,” sinabi ng Diyos, na gagawin mo ang lahat ayon sa batayan na ipinakita sa iyo doon sa bundok.”
6 Ovako mu pak dopalo uzvišenije bogosluženje koliko je Posrednik boljega Saveza, koji je uzakonjen na boljim obećanjima.
Ngunit ngayon tinanggap ni Cristo ang isang mas mataaas na paglilingkod dahil siya din ang tagapamagitan ng mas mainam na tipan, na itinatag sa mas mainam na mga pangako.
7 Da je, zbilja, onaj prvi bio besprijekoran, ne bi se drugome tražilo mjesto.
Sapagkat kung ang unang tipan ay walang pagkakamali, kung gayon hindi na kailangan pang humanap ng pangalawang tipan.
8 Doista, kudeći ih veli: Evo dolaze dani - govori Gospodin - kad ću s domom Izraelovim i s domom Judinim dovršiti novi Savez.
Sapagkat nang nakatagpo ang Diyos ng pagkakamali sa mga tao, sinabi niya,”'Tingnan ninyo, darating ang mga araw,' sabi ng Panginoon, 'na Ako ay gagawa ng bagong tipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.
9 Ne Savez kakav učinih s ocima njihovim u dan kad ih uzeh za ruku da ih izvedem iz zemlje egipatske jer oni ne ustrajaše u mom Savezu pa i ja zanemarih njih - govori Gospodin.
Hindi na ito katulad ng tipan na ginawa ko sa kanilang mga ninuno noong araw na kinuha ko sila sa pamamagitan ng kamay upang pangunahan silang lumabas sa lupain ng Egipto. Sapagkat hindi sila nagpatuloy sa aking tipan, at hindi ko na sila bibigyang pansin,' sabi ng Panginoon.
10 Nego, ovo je Savez kojim ću se svezati s domom Izraelovim nakon ovih dana - govori Gospodin: Zakone ću svoje staviti u dušu njihovu i upisati ih u njihova srca. I bit ću Bog njihov, a oni narod moj.
'Sapagkat ito ang tipan na aking gagawin sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon,' sabi ng Panginoon. 'Ilalagay ko sa kanilang mga isipan ang aking mga tipan, at isusulat ko rin ang mga ito sa kanilang mga puso. Ako ang magiging Diyos nila, at sila ay aking magiging mga tao.
11 I neće više nitko učiti sugrađanina i nitko brata svoga govoreći: “Spoznaj Gospodina”, ta svi će me poznavati, malo i veliko,
Hindi nila tuturuan ang bawat isa na kaniyang kapwa at ang bawat isa na kaniyang kapatid, na sabihing, “Kilalanin ninyo ang Diyos,” sapagkat ako ay makikilala ng lahat mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila.
12 jer ću se smilovati bezakonjima njihovim i grijeha se njihovih neću više spominjati.
Sapagkat magpapakita ako ng habag sa kanilang mga gawaing hindi matuwid at hindi ko na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan.'”
13 Kad veli novi, ostari onaj prvi. Što pak stÓari i dotrajava, blizu je nestanku.
Sinasabing “bago,” ginawa niyang luma ang unang tipan. At kaniya ngang inihayag na ang pagiging luma ay handa ng maglaho.