< Jevrejima 12 >
1 Zato i mi, okruženi tolikim oblakom svjedoka, odložimo svaki teret i grijeh koji nas sapinje te postojano trčimo u borbu koja je pred nama!
Samakatwid, sapagkat napapaligiran tayo ng napakaraming mga saksi, itapon nating lahat ang mga bagay na nagpapabigat sa atin at ang kasalanan na madaling makagapos sa atin. Dapat may katiyagaan tayong magpatuloy sa takbuhin na inilagay sa ating harapan.
2 Uprimo pogled u Početnika i Dovršitelja vjere, Isusa, koji umjesto radosti što je stajala pred njim podnese križ, prezrevši sramotu te sjedi zdesna prijestolja Božjega.
Dapat nating ituon ang ating mga mata kay Jesus, ang may-akda at nagpapaganap ng ating pananampalataya, dahil sa kagalakan na inilaan sa kaniya, na nagdala sa kaniya na nagtiis sa krus sa kabila ng kahihiyan, at umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos.
3 Doista pomno promotrite njega, koji podnese toliko protivljenje grešnika protiv sebe, da - premoreni - ne klonete duhom.
Kaya isinaalang-alang niya na tiisin ang mga masasakit na salita mula sa mga makasalan laban sa kaniya upang tayo ay hindi na mapapagod at manghihina.
4 Ta još se do krvi ne oduprijeste u borbi protiv grijeha.
Hindi niyo pa tinanggihan o nilabanan ang kasalanan na humantong sa pagkaubos ng dugo.
5 Pa zar ste zaboravili opomenu koja vam je kao sinovima upravljena: Sine moj, ne omalovažavaj stege Gospodnje i ne kloni kad te on ukori.
At nakalimutan na ninyo ang ibinigay na lakas at pag-asa na itinuro sa inyo bilang mga anak:” Aking anak, huwag mong babaliwalain ang pagdidisiplina ng Panginoon, ni ilayo ang iyong puso kung ikaw ay kanyang tinutuwid”
6 Jer koga Gospodin ljubi, onoga i stegom odgaja, šiba sina koga voli.
Sapagkat ang Panginoon ay nagdidisiplina sa sinumang minamahal niya, at pinarurusahan niya ang bawat anak na kanyang tinatanggap.
7 Poradi vašega odgajanja trpite. Bog s vama postupa kao sa sinovima: a ima li koji sin kojega otac stegom ne odgaja?
Tiisin ang pagsubok bilang pagdisiplina. Nakikitungo ang Diyos sa inyo bilang mga anak, sapagkat sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng kaniyang ama?
8 Pa ako niste pod stegom, na kojoj su svi imali udjela, onda ste kopilad, a ne djeca.
Ngunit kung kayo ay walang disiplina, kung saan lahat tayo ay dapat kabahagi, kung gayon hindi kayo mga tunay na anak at mga anak sa labas.
9 Zatim, tjelesne smo oce imali odgojiteljima i poštovali ih. Pa nećemo li se kudikamo više podlagati Ocu duhova te živjeti?
Bukod dito, mayroon tayong mga makamundong amang nagdidisiplina sa atin, at iginagalang natin sila. Hindi ba dapat nararapat na mas higit tayong sumunod sa Ama ng mga espiritu at mabuhay?
10 Oni su nas doista nešto malo dana stegom odgajali kako se njima činilo, a On - nama na korist, da postanemo sudionici njegove svetosti.
Sapagkat ang ating mga ama nga ay nagdidisplina sa atin ng ilang mga taon sa alam nilang tama para sa kanila, subalit tayo ay dinidisiplina ng Diyos upang tayo ay makibahagi sa kaniyang kabanalan.
11 Isprva se doduše čini da nijedno odgajanje nije radost, nego žalost, ali onima koji su njime uvježbani poslije donosi mironosni plod pravednosti.
Walang disiplina sa kasalukuyan na masaya kundi masakit. Gayunpaman, sa ibang pagkakataon ito ay magbibigay ng mapayapang bunga ng katuwiran para sa sinumang nagsanay sa pamamagitan nito.
12 Zato uspravite ruke klonule i koljena klecava,
Samakatuwid itaas ninyo ang inyong mga kamay na nakababa at palakasing muli ang nanghihinang mga tuhod;
13 poravnite staze za noge svoje da se hromo ne iščaši, nego, štoviše, da ozdravi.
gawin mong matuwid ang mga daan ng iyong mga paa, upang ang sinumang pilay ay hindi maliligaw sa halip ay gagaling.
14 Nastojte oko mira sa svima! I oko posvećenja bez kojega nitko neće vidjeti Gospodina!
Sikapin ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at gayundin ang kabanalan na kung wala ito walang makakakita sa Panginoon.
15 Pripazite da se tko ne sustegne od milosti Božje, da kakav gorki korijen ne proklija pa ne unese zabunu i ne zarazi mnoge,
Maging maingat upang walang sinuman ang hindi maisama mula sa biyaya ng Diyos, at walang ugat ng kapaitan ang tumubo upang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan at mahawa ang marami.
16 da tko ne postane bludnik ili svetogrdnik kao Ezav, koji za jedan jedini obrok proda svoje prvorodstvo.
Maging maingat na walang maki-apid sa inyo, o hindi maka-diyos na tao kagaya ni Esau na ipinagpalit sa isang pagkain ang karapatan bilang panganay.
17 Ta znate da je i poslije, kad je htio baštiniti blagoslov, odbačen jer nije našao mogućnosti promjene premda ju je sa suzama tražio.
Sapagkat alam ninyo na pagkatapos, nang kaniyang naising makamit ang biyaya, siya ay tinanggihan dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magsisisi sa kaniyang ama, kahit na pilit niya itong hinangad nang may mga luha.
18 Jer niste pristupili opipljivoj gori i usplamtjelu ognju, ni mraku, tami i vihoru,
Sapagkat hindi kayo lumapit sa isang bundok na nahahawakan, isang bundok na nag-aalab ng apoy, kadiliman, kalungkutan at bagyo.
19 ni ječanju trublje i tutnjavi riječi. - Koji su je slušali, zamoliše da im se više ne govori
Hindi kayo pumarito dahil sa ingay ng trumpeta, o sa mga salitang galing sa isang tinig na ang mga nakarinig nito ay nagmamaka-awang wala ng salitang sasabihin sa kanila.
20 jer nisu podnosili naredbe: Ako se ma i živinče dotakne brda, neka se kamenuje!
Sapagkat hindi nila kayang tanggapin kung ano man ang iniutos: na kahit may isang hayop na hahawak sa bundok, dapat itong batuhin,”
21 I prizor bijaše tako strašan da Mojsije reče: “Strah me je i dršćem!” -
Kaya nakakatakot ang tanawin na sinabi ni Moises,” Ako ay sobrang nasindak na ako ay nanginginig.
22 Nego, vi ste pristupili gori Sionu i gradu Boga živoga, Jeruzalemu nebeskom, nebrojenim tisućama anđela, svečanom skupu,
Sa halip, kayo ay lumapit sa Bundok ng Zion at sa lungsod ng Diyos na buhay, ang makalangit na Jerusalem, at sa hindi mabilang na hukbo ng mga anghel na nagdiriwang.
23 Crkvi prvorođenaca zapisanih na nebu, Bogu, sucu sviju, dusima savršenih pravednika
Kayo ay lumalapit sa kapulungan ng mga unang ipinanganak na inilista sa langit, sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng katuwiran na naging ganap.
24 i Posredniku novog Saveza - Isusu - i krvi škropljeničkoj što snažnije govori od Abelove.
Kayo ay lumapit kay Jesus na tagapamagitan ng isang bagong tipan, at sa dugong naikalat na higit na nagsasalita ng mabuti kaysa sa dugo ni Abel.
25 Pazite da ne odbijete Onoga koji vam govori! Jer ako ne umakoše oni što su odbili onoga koji je na zemlji davao upute, kudikamo ćemo manje mi ako se okrenemo od Onoga koji ih daje s nebesa.
Tiyakin ninyo na hindi ninyo tinanggihan ang nagsasalita. Sapagkat kung hindi sila nakatakas ng sila ay tumanggi sa isang nagbigay babala sa kanila dito sa lupa, tiyak na hindi tayo makakatakas, kung tatalikod tayo mula sa nagbabala mula sa langit.
26 Njegov glas tada zemlju uzdrma, sada pak obećava: Još jednom ja ću potresti ne samo zemlju nego i nebo.
At sa mga oras na iyon ang kaniyang tinig ang yayanig sa lupa. Subalit ngayon nangako siya at sinabi, “Minsan ko pang yayanigin hindi lamang ang lupa ngunit maging ang kalangitan.”
27 Ono “još jednom” pokazuje da će, kao stvoreno, uminuti ono uzdrmano da ostane ono neuzdrmljivo.
Ang mga salitang ito na,” Ngunit minsan pa,” ay nagpapahiwatig sa pagtanggal ng mga bagay na nayayanig, iyon ay ang mga bagay na nilikha, upang ang mga bagay na hindi nayayanig ay mananatili.
28 Zato jer smo primili kraljevstvo neuzdrmljivo, iskazujmo zahvalnost iz koje služimo Bogu kako je njemu milo, s predanjem i strahopoštovanjem.
Samakatuwid, magpapasalamat tayo sa pagtanggap ng isang kahariang hindi nayayanig, at sa ganitong pagpupuri sa Diyos sa paraang katanggaptanggap na may paggalang at paghanga
29 Jer Bog je naš oganj što proždire.
sapagkat ang ating Diyos ay parang apoy na nakakatupok