< Postanak 25 >

1 Abraham je sebi uzeo još jednu ženu; zvala se Ketura.
Kumuha ng isa pang asawa si Abraham; ang kanyang pangalan ay Keturah.
2 Ona mu je rodila Zimrana, Jokšana, Medana, Midjana, Jišbaka i Šuaha.
Isinilang niya sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak, at si Shuah.
3 A od Jokšana rodili se Šeba i Dedan. Dedanovi su potomci: Ašurci, Letušci i Leumci.
Si Jokshan ay naging ama nina Sheba at Dedan. Ang mga kaapu-apuhan ni Dedan ay ang lahi ng Assyria, ang lahi ng Letush at ang lahi ng Leum.
4 Sinovi su Midjanovi: Efa, Efer, Hanok, Abida i Eldaa. Sve su to potomci Keturini.
Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Ephah, Epher Hanoch, Abida at si Eldaah. Lahat ng mga ito ay mga kaapu-apuhan ni Keturah.
5 Abraham prenese sav svoj imutak na Izaka;
Ibinigay ni Abraham ang lahat ng kanyang pag-aari kay Isaac.
6 a sinovima od svojih suložnica dade Abraham samo darove i još ih za svoga života razašalje po istoku - daleko od svog sina Izaka - u Istočni kraj.
Subalit, habang siya ay nabubuhay pa, nagbigay siya ng mga regalo sa kanyang mga anak na lalaki sa kanyang mga kerida at pinadala sila sa lupain ng silangan, malayo mula sa kanyang anak na si Isaac.
7 Ovo je duljina Abrahamova života što ga je proživio: stotinu sedamdeset i pet godina.
Ito ang naging mga araw ng mga taon sa buhay ni Abraham na kanyang ibinuhay, 175 na mga taon.
8 Zatim Abraham preminu, umrije u sretnoj dobi - star i pun godina - te bi pridružen svojim precima.
Inihinga ni Abraham ang kanyang huli at namatay sa isang kalugud-lugud na katandaan, isang matandang lalaking puno ng buhay. At siya ay natipon sa kanyang bayan.
9 Njegovi sinovi, Izak i Jišmael, sahrane ga u spilji Makpeli, na poljani Efrona, sina Hetita Sohara, nasuprot Mamri:
Sina Isaac at Ismael, na kanyang mga anak, ay inilibing siya sa kuweba ng Macpela, sa lupain ni Epron na anak na lalaki ni Zohar na mga anak ni Heth, na malapit sa Mamre.
10 to je poljana što ju je Abraham kupio od Hetovih sinova. Ondje je sahranjen Abraham i njegova žena Sara.
Ang lupang ito ay binili ni Abraham mula sa mga anak na lalaki ni Heth. Si Abraham ay inilibing doon kasama ng kanyang asawang si Sara.
11 Poslije Abrahamove smrti Bog je blagoslivljao njegova sina Izaka. Izak je živio blizu Beer Lahaj Roja.
Pagkatapos ng kamatayan ni Abraham, pinagpala ng Diyos si Isaac na kanyang anak, at si Isaac ay nanirahan malapit sa Beer-lahai-roi.
12 Ovo je povijest Abrahamova sina Jišmaela, koga je Abrahamu rodila Sarina sluškinja, Egipćanka Hagara.
Ngayon ang mga ito ay ang mga kaapu-apuhan ni Ismael, na anak na lalaki ni Abraham, kay Hagar na taga Ehipto, na lingkod ni Sara, nagsilang mula kay Abraham.
13 A ovo su sinovi Jišmaelovi, svaki po svom imenu i po svom rođenju: Jišmaelov prvenac Nebajot, Kedar, Adbeel, Mibsam,
Ang mga ito ay ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Ismael, ayon sa pagkakasunud-sunud ng kapanganakan: Nebayot—ang panganay ni Ismael, Kedar, Abdeel, Mibsam,
14 Mišma, Duma, Masa,
Misma, Duma, Massa,
15 Hadad, Tema, Jetur, Nafiš i Kedma.
Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedama.
16 To su Jišmaelovi sinovi i to su njihova imena prema njihovim naseljima i taborištima: dvanaest poglavica od isto toliko plemena.
Ito ang mga anak na lalaki ni Ismael, at ang mga ito ay ang kanilang mga pangalan, ayon sa kanilang mga nayon, at sa kanilang mga kampo; labindalawang prinsipe ayon sa kanilang mga tribu.
17 A ovo je duljina Jišmaelova života: stotinu trideset i sedam godina. Zatim izdahnu; umrije i bi pridružen svojim precima.
Ang mga ito ay ang mga taon sa buhay ni Ismael, 137 na mga taon: inihinga niya ang kanyang huli at namatay, at natipon sa kanyang bayan.
18 Potomstvo mu se naselilo od Havile do Šura, koji je na istok Egiptu idući prema Ašuru. Nastaniše se nasuprot svojoj braći.
Sila ay nanirahan mula sa Havila hanggang Shur, na malapit sa Ehipto, nagkaisa sila na pumunta sa Assyria. Nanirahan silang may poot sa bawat isa.
19 Ovo je povijest Abrahamova sina Izaka: Izak se rodio od Abrahama.
Ang mga ito ay ang mga pangyayari patungkol kay Isaac, na anak na lalaki ni Abraham: Si Abraham ang naging ama ni Isaac.
20 Izaku je bilo četrdeset godina kad se oženio Rebekom, kćerkom Aramejca Betuela iz Padan Arama, a sestrom Aramejca Labana.
Si Isaac ay apatnapung taong gulang nang mapangasawa niya si Rebeca, na anak na babae ni Bethuel ang Arameo ng Padan-aram, ang kapatid na babae ni Laban na Arameo.
21 Izak se obrati Jahvi za svoju ženu jer je bila nerotkinja. Jahve ga usliša te njegova žena Rebeka zače.
Nagdasal si Isaac kay Yahweh para sa kanyang asawa dahil wala itong anak, at sinagot ni Yahweh ang kanyang dasal, at si Rebeca na kanyang asawa ay nabuntis.
22 No djeca se u njezinoj utrobi tako sudarala te ona uzviknu: “Ako je tako, zašto ću živjeti!” Ode, dakle, da se posavjetuje s Jahvom.
Ang mga bata ay magkasamang nagtunggali sa loob niya at sinabi niya, “Bakit ito nangyayari sa akin?” Tinanong niya si Yahweh tungkol dito.
23 I Jahve joj reče: “Dva su svijeta u utrobi tvojoj; dva će se naroda iz tvog krila odijeliti. Narod će nad narodom gospodovati, stariji će služiti mlađemu.”
Sinabi ni Yahweh sa kanya, “Dalawang bansa ang nasa iyong sinapupunan, at dalawang bayan ang mahihiwalay mula sa iyong loob. Isang bayan ang magiging mas malakas kaysa sa isa, at ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata.”
24 Došlo vrijeme da rodi, kad gle - blizanci u njezinoj utrobi.
Nang oras na para siya ay manganak, masdan mo, mayroong kambal sa kanyang sinapupunan.
25 Pojavi se prvi. Bio je crven; sav runjav kao ogrtač. Stoga mu nadjenuše ime Ezav.
At ang unang lumabas ay nababalutan ng pula gaya ng mabalahibong damit. Tinawag nila siya sa kanyang pangalan na Esau.
26 Potom se pojavi njegov brat. Rukom se držao Ezavu za petu. Zato mu nadjenuše ime Jakov. Izaku je bilo šezdeset godina kad su oni rođeni.
Pagkatapos noon, ang kanyang kapatid ay lumabas. Ang kanyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau. Siya ay tinawag na Jacob. Si Isaac ay animnapung taong gulang nang ang kanyang asawa ay nagsilang sa kanila.
27 Kad su dječaci odrasli, Ezav postane vješt lovac, čovjek pustare. Jakov je bio čovjek krotak i boravio je u šatorima.
Ang mga bata ay lumaki na, at si Esau ay naging mahusay na mangangaso, isang taong sanay sa gubat; subalit si Jacob ay isang tahimik na tao, na ginugugul ang kanyang oras sa mga tolda.
28 Izaku je Ezav bio draži jer je volio divljač, a Rebeka je više voljela Jakova.
Ngayon minahal ni Isaac si Esau dahil nakakain nya ang mga hayop na kanyang nahuli, subalit si Rebeca ay minahal si Jacob.
29 Jednom Jakov kuhaše jelo. Ezav stigne s polja, gladan.
Si Jacob ay nagluto ng nilaga. Dumating si Esau mula sa gubat, at siya ay nanghihina sa gutom.
30 Reče Ezav Jakovu: “Daj mi toga crvenog variva da pojedem jer sam izgladnio.” Stoga mu je ime Edom.
Sinabi ni Esau kay Jacob, “Pakainin mo ako niyang mapulang nilaga. Pakiusap, ako ay pagod!” Kaya iyon ang dahilan na ang kanyang pangalan ay tinawag na Edom.
31 A Jakov odgovori: “Ustupi mi prije svoje prvorodstvo!”
Sinabi ni Jacob, “Ipagbili mo muna sa akin ang iyong karapatan bilang panganay.”
32 Ezav reče: “Evo me skoro na smrti; što će mi prvorodstvo!”
Sabi ni Esau “Tingnan mo, ako ay halos mamamatay na. Ano ang kabutihan ng karapatan ng unang isinilang sa akin?”
33 Jakov nastavi: “Prije mi se zakuni!” On mu se zakune, i tako proda Jakovu svoje prvorodstvo.
Sinabi ni Jacob, “Manumpa ka muna sa akin.” Kaya sumumpa si Esau at sa ganung paraan ipinagbili niya kay Jacob ang kanyang karapatan ng unang pagkasilang.
34 Tada Jakov dade Ezavu kruha i čorbe od sočivice. Jeo je i pio, onda se digao i otišao. Tako Ezav pogazi svoje prvorodstvo.
Binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilagang mga lentil. Siya ay kumain at uminom, pagkatapos ay tumayo at nagpatuloy sa kanyang lakad. Sa ganitong paraan kinamuhian ni Esau ang kanyang karapatan ng unang isinilang.

< Postanak 25 >