< Galačanima 4 >

1 Hoću reći: sve dok je baštinik maloljetan, ništa se ne razlikuje od roba premda je gospodar svega:
Sinasabi ko na hanggang ang tagapagmana ay bata pa, wala siyang pinagkaiba sa isang alipin, kahit na siya pa ang nagmamay-ari ng buong lupain.
2 pod skrbnicima je i upraviteljima sve do dana koji je odredio otac.
Sa halip, nasa ilalim pa siya ng kaniyang mga tagapangalaga at mga katiwala hanggang sa dumating ang panahon na itinakda ng kaniyang ama.
3 Tako i mi: dok bijasmo maloljetni, robovasmo počelima svijeta.
Kaya ganoon din tayo, noong tayo ay mga bata pa, sakop tayo ng pagkaalipin sa mga alituntunin ng daigdig.
4 A kada dođe punina vremena, odasla Bog Sina svoga: od žene bi rođen, Zakonu podložan
Ngunit nang dumating ang takdang panahon, ipinadala ng Diyos ang kaniyang Anak, ipinanganak ng isang babae, ipinanganak sa ilalim ng kautusan.
5 da podložnike Zakona otkupi te primimo posinstvo.
Ginawa niya ito upang tubusin ang mga nasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop bilang mga anak.
6 A budući da ste sinovi, odasla Bog u srca vaša Duha Sina svoga koji kliče: “Abba! Oče!”
Dahil kayo ay mga anak, ipinadala ng Diyos ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, ang Espiritu na tumatawag ng, “Abba, Ama.”
7 Tako više nisi rob nego sin; ako pak sin, onda i baštinik po Bogu.
Sa kadahilanang ito, hindi na kayo mga alipin kundi mga anak. Kung kayo ay mga anak, kaya kayo rin ay tagapagmana sa pamamagitan ng Diyos.
8 Onda dok još niste poznavali Boga, služili ste bogovima koji po naravi to nisu.
Bago pa, nang hindi pa ninyo kilala ang Diyos, kayo ay mga alipin sa mga bagay na likas na hindi talaga diyos.
9 Ali sada kad ste spoznali Boga - zapravo, kad je Bog spoznao vas - kako se sad opet vraćate k nemoćnim i bijednim počelima i opet im, ponovno, hoćete robovati?
Ngunit ngayon na kilala na ninyo ang Diyos, o higit na mabuting sabihin, ngayon na kilala na kayo ng Diyos, bakit kayo muling bumabalik sa mahina at walang silbing mga pasimulang tuntunin? Gusto niyo bang maging mga alipi muli?
10 Dane pomno opslužujete, i mjesece, i vremena, i godine!
Mahigpit ninyo ipinagdiriwang ang mga natatanging araw, mga bagong buwan, mga panahon, at mga taon.
11 Sve se bojim za vas! Da se možda nisam uzalud trudio oko vas!
Natatakot ako para sa inyo. Natatakot ako na anumang paraan ay naghirap ako sa inyo ng walang kabuluhan.
12 Postanite, braćo, molim vas, kao ja jer i ja postadoh kao vi. Ničim me niste povrijedili.
Nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, maging katulad ninyo ako, sapagkat ako ay naging katulad rin ninyo. Wala kayong ginawang mali sa akin.
13 Znate: prvi sam vam put za bolesti navješćivao evanđelje.
Ngunit alam ninyo na dahil sa sakit na pisikal kaya ko ipinahayag ang ebanghelyo sa inyo sa unang pagkakataon.
14 Svoju kušnju, moje tijelo, niste ni prezreli ni odbacili, nego ste me primili kao anđela Božjega, kao Krista Isusa.
Kahit na inilagay kayo ng aking pisikal na kalagayan sa pagsubok, hindi ninyo ako hinamak o tinanggihan. Sa halip tinanggap ninyo ako tulad ng anghel ng Diyos, na para bang ako mismo si Cristo Jesus.
15 Gdje je sada ono vaše blaženstvo? Svjedočim vam doista: kad bi bilo moguće, oči biste svoje bili iskopali i dali mi ih.
Saan, samakatuwid, na ngayon ang inyong kaligayahan? Sapagkat aking pinatotohanan sa inyo na, kung maaari, dinukot na ninyo ang inyong mga sariling mga mata at ibinigay ang mga ito sa akin.
16 Tako? Postadoh li vam neprijateljem propovijedajući vam istinu?
Kaya noon, naging kaaway na ba ninyo ako dahil sinasabi ko ang katotohanan sa inyo?
17 Oni revnuju za vas, ne časno, nego - odvojiti vas hoće da onda vi za njih revnujete.
Nagmamalasakit sila inyo, ngunit hindi sa ikabubuti. Gusto nila kayong ihiwalay sa akin para sumunod kayo sa kanila.
18 Dobro je da se za vas revnuje u dobru uvijek, a ne samo kad sam nazočan kod vas,
Laging mabuti ang magmalasakit para sa mga mabubuting dahilan, at hindi lang kung ako ay nariyan na kasama ninyo.
19 dječice moja, koju ponovno u trudovima rađam dok se Krist ne oblikuje u vama.
Maliliit kong mga Anak, ako ay nagdaranas muli ng sakit tulad ng babaing nanganganak para sa inyo hanggang si Cristo ay mabuo sa inyo.
20 Htio bih sada biti kod vas, pa i jezik promijeniti, jer ne znam što bih s vama.
Gusto kong nariyan ako ngayon kasama ninyo at baguhin ang aking tono, dahil ako ay naguguluhan tungkol sa inyo.
21 Recite mi vi, koji želite biti pod Zakonom, zar ne čujete Zakona?
Sabihin ninyo sa akin, kayo na gustong magpasailalim sa kautusan, hindi ba ninyo narinig kung ano ang sinasabi ng kautusan?
22 Ta pisano je da je Abraham imao dva sina, jednoga od ropkinje i jednoga od slobodne.
Sapagkat nasusulat na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, ang isa ay sa aliping babae at ang isa ay sa malayang babae.
23 Ali onaj od ropkinje rođen je po tijelu, a onaj od slobodne snagom obećanja.
Gayunpaman, ang anak ng alipin ay ipinanganak sa laman, ngunit ang ipinanganak ng malayang babae ay ipinanganak sa pamamagitan ng isang pangako.
24 To je slika. Doista, te žene dva su Saveza: jedan s brda Sinaja, koji rađa za ropstvo - to je Hagara.
Ang mga bagay na ito ay maipapaliwanag gamit ang talinghaga, sapagkat ang dalawang babaeng ito ay katulad ng dalawang kasunduan. Ang isa sa kanila ay mula sa Bundok ng Sinai. Ipinanganak niya ang kaniyang mga anak na mga alipin. Ito ay si Hagar.
25 Jer Hagara znači brdo Sinaj u Arabiji i odgovara sadašnjem Jeruzalemu jer robuje zajedno sa svojom djecom.
Ngayon ang Hagar ay Bundok ng Sinai sa Arabia. Isinisimbolo niya ang kasalukuyang Jerusalem, sapagkat siya ay nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.
26 Onaj pak Jeruzalem gore slobodan je; on je majka naša.
Ngunit ang Jerusalem na nasa taas ay malaya, iyon ay, ang ating ina.
27 Pisano je doista: Kliči, nerotkinjo, koja ne rađaš, podvikuj od radosti, ti što ne znaš za trudove! Jer osamljena više djece ima negoli udana.
Sapagkat nasusulat, “Magalak ka, ikaw na babaeng baog, ikaw na hindi nanganganak. Humiyaw ka at sumigaw sa kagalakan, ikaw na hindi pa nakakaranas ng panganganak. Sapagkat marami ang mga anak ng baog na babae, higit pa sa kaniya na may asawa.”
28 Vi ste, braćo, kao Izak, djeca obećanja.
Ngayon, mga kapatid, katulad ni Isaac, ay mga anak ng pangako.
29 I kao što je onda onaj po tijelu rođeni progonio onoga po duhu rođenoga, tako je i sada.
Sa panahong iyon, siyang ipinanganak ayon sa laman ay inuusig siyang ipinanganak ayon sa Espiritu. Ganoon din ito ngayon.
30 Nego, što veli Pismo? Otjeraj sluškinju i sina njezina jer sin sluškinje ne smije biti baštinik sa sinom slobodne.
Ano ang sinasabi ng kasulatan? “Palayasin mo ang aliping babae at ang kaniyang anak. Sapagkat ang anak ng aliping babae ay hindi kasamang magmamana sa anak ng malayang babae.”
31 Zato, braćo, nismo djeca ropkinje nego slobodne.
Samakatuwid, mga kapatid, tayo ay hindi mga anak ng isang aliping babae, ngunit, sa halip ng isang malayang babae.

< Galačanima 4 >