< Ezekiel 46 >

1 Ovako govori Jahve Gospod: 'Vrata unutrašnjega predvorja, koja gledaju na istok, neka budu zatvorena šest radnih dana, a neka se otvaraju u dan subotnji; i u dan mlađaka neka se otvaraju.
Sinabi ito ng Panginoong Yahweh: Isasara sa loob ng anim na araw ng pagtatrabaho ang tarangkahan ng panloob na patyo na nakaharap sa silangan, ngunit bubuksan ito sa Araw ng Pamamahinga at sa araw ng Bagong Buwan.
2 Knez neka ulazi kroz njihov trijem i neka stane kod dovratnika; svećenici će tada prinijeti njegovu paljenicu i pričesnicu, a on će se pokloniti na pragu vrata i izaći. Neka se vrata ne zatvaraju do večeri.
Papasok ang prinsipe sa panlabas na patyo sa pamamagitan ng daan sa tarangkahan at sa portiko nito mula sa labas, at tatayo siya sa harapan ng mga haligi ng pintuan ng panloob na tarangkahan habang isinasagawa ng mga pari ang kaniyang handog na susunugin at handog pangkapayapaan. Pagkatapos, sasamba siya sa pasukan ng panloob na tarangkahan at lalabas siya, ngunit hindi isasara ang tarangkahan hanggang gabi.
3 Na ulazu istih vrata subotom i na mlađake klanjat će se Jahvi puk zemlje.
Sasamba rin ang mga tao ng lupain sa harapan ni Yahweh sa pasukan ng tarangkahang ito sa mga Araw ng Pamamahinga at mga Bagong Buwan.
4 Paljenica koju će knez subotom prinositi Jahvi neka bude: šest jaganjaca bez mane, ovan bez mane.
Ang handog na susunugin na iaalay ng prinsipe kay Yahweh sa Araw ng Pamamahinga ay anim na walang kapintasang mga kordero at isang walang kapintasang lalaking tupa.
5 A prinosnica neka bude efa po ovnu, a po jaganjcu koliko i kako tko može i hin ulja po efi.
Ang handog na butil kasama ng lalaking tupa ay magiging isang efa at ang handog na butil na kasama ng mga kordero ay kung ano lamang ang naisin niyang ibigay at isang hin ng langis sa bawat efa ng butil.
6 Na dan mlađaka neka se prinese june bez mane, šest jaganjaca i ovan bez mane.
Sa araw ng Bagong Buwan, dapat mag-alay kayo ng isang walang kapintasang toro mula sa isang kawan, anim na kordero, at isang walang kapintasang lalaking tupa.
7 A za prinosnicu neka se prinese efa po junetu, efa po ovnu, a po jaganjcu koliko tko može i hin ulja po efi.
Dapat siyang gumawa ng handog na butil ng isang efa sa toro at isang efa sa lalaking tupa, at kung anuman ang naisin niyang ibigay sa mga kordero at isang hin ng langis para sa bawat efa ng butil.
8 Kad knez bude ulazio, neka ulazi kroz trijem vrata i istim putem neka izlazi.
Kapag pumasok ang prinsipe sa pamamagitan ng daan sa tarangkahan at sa portiko nito, dapat siyang lumabas sa daanan din na iyon.
9 A kad puk zemlje o blagdanima dolazi pred Jahvu, onaj koji na sjeverna vrata uđe da se pokloni neka izađe na južna, a tko uđe na južna neka izađe na sjeverna: neka se ne vraća na vrata na koja je ušao, nego neka izađe na suprotna.
Ngunit kapag pumunta ang mga tao ng lupain sa harapan ni Yahweh sa mga itinalagang pagdiriwang, ang sinumang papasok sa tarangkahang nasa hilaga upang sumamba ay dapat umalis sa pamamagitan ng tarangkahang nasa timog; at ang sinumang papasok sa tarangkahang nasa timog ay dapat umalis sa pamamagitan ng tarangkahang nasa hilaga. Walang sinuman ang maaaring bumalik sa tarangkahan kung saan siya pumasok sapagkat dapat siyang lumabas nang tuwiran.
10 I knez neka bude s njima: kad oni ulaze, neka i on uđe i neka izađe kad oni izlaze.
At dapat nasa kalagitnaan nila ang prinsipe. Kapag pumasok sila, dapat din siyang pumasok at kapag umalis sila, dapat din siyang umalis.
11 O blagdanima i svetkovinama neka se kao prinosnica prinese efa po juncu i efa po ovnu, a po jaganjcu koliko tko može i hin ulja po efi.
At sa mga pagdiriwang, ang handog na butil ay dapat isang efa ng butil para sa toro at isang efa sa lalaking tupa at anumang naisin niyang ibigay sa mga kordero, at isang hin ng langis para sa bawat efa.
12 Kad knez želi prinijeti dobrovoljnu paljenicu ili dobrovoljnu pričesnicu Jahvi, neka mu se otvore vrata koja gledaju na istok, pa neka prinese paljenicu i svoju pričesnicu kao na dan subotnji; potom neka iziđe, a kad iziđe, neka se zatvore vrata.
Kapag nagbigay ang prinsipe ng isang kusang handog, maging isang handog na susunugin man o handog pangkapayapaan kay Yahweh, dapat niyang buksan ang tarangkahang nakaharap sa silangan para dito, at magsagawa ng kaniyang handog na susunugin at ng kaniyang handog pangkapayapaan gaya ng kaniyang ginagawa sa Araw ng Pamamahinga. Pagkatapos, dapat siyang lumabas at isara ang tarangkahan pagkatapos niyang makalabas.
13 Svaki dan prinijet ćeš Jahvi za paljenicu janje od godine, bez mane; prinijet ćeš ga svako jutro.
Magbibigay rin kayo araw-araw ng isang walang kapintasang kordero na isang taong gulang bilang handog na susunugin para kay Yahweh. Gagawin ninyo ito tuwing umaga.
14 A kao prinosnicu na nj prinesi svako jutro šestinu efe i trećinu hina ulja da se poškropi najfinije brašno; to neka bude svagdašnji prinos Jahvi po vječnoj uredbi.
At magbibigay kayo ng isang handog na butil kasama nito tuwing umaga, ikaanim na bahagi ng isang efa at ikatlong hin ng langis upang basain ang harina ng handog na butil para kay Yahweh, ayon sa panuntunang hindi maaaring baguhin.
15 Treba dakle prinijeti jagnje, prinosnicu i ulje svako jutro kao svagdašnju žrtvu paljenicu.'
Ihahanda nila ang kordero, ang handog na butil at ang langis tuwing umaga bilang isang permanenteng handog na susunugin.
16 Ovako govori Jahve Gospod: 'Dadne li knez dar komu svom sinu od svoje baštine, taj će dar pripasti njima u posjed kao baština.
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Kung magbibigay man ang prinsipe ng isang kaloob sa sinuman sa kaniyang mga anak na lalaki, ito ay kaniyang mana. Isang mana ito at magiging ari-arian ito ng kaniyang mga anak na lalaki.
17 Ako li od svoje baštine dade dar komu svom sluzi, tome će to pripadati do otpusne godine, a potom neka se vrati knezu; baština pripada samo kneževim sinovima.
Ngunit kung magbibigay siya ng isang kaloob sa isa sa kaniyang mga lingkod mula sa kaniyang mana, kung gayon, magiging pag-aari ito ng lingkod hanggang sa taon ng kaniyang kalayaan, at pagkatapos maibabalik ito sa prinsipe. Tiyak na para lamang sa kaniyang mga anak na lalaki ang kaniyang mana.
18 Knez ne smije prisvojiti ništa od baštine naroda, pljačkajući narodni posjed. Sinovima svojim neka dade baštinu od svojega posjeda, da se ne raspe narod potjeran sa svojega posjeda.'”
Hindi kukunin ng prinsipe ang mana ng mga tao mula sa kanilang mga sariling ari-arian; dapat siyang magbigay para sa kaniyang mga anak na lalaki mula sa kaniyang sariling ari-arian upang hindi magkahiwalay ang aking mga tao, ang bawat tao mula sa kaniyang sariling ari-arian.”'
19 Zatim me odvede kroz ulaz kraj vrata, u svećeničke prostorije Svetišta što gledaju na sjever. I gle: ondje, u dnu, prema zapadu, jedan prostor!
Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa pasukan ng tarangkahang patungo sa mga banal na silid para sa mga pari na nakaharap sa hilaga at pinagmasdan ko! May isang lugar sa gawing kanluran.
20 I reče mi: “Ovo je mjesto gdje će svećenici kuhati žrtve naknadnice i okajnice i žrtvu pomirnicu, gdje će peći prinosnice da ih ne iznose u vanjsko predvorje te ne posvete naroda.”
Sinabi niya sa akin, “Ito ang lugar kung saan dapat pakuluan ng mga pari ang handog sa pagkakasala, ang handog dahil sa kasalanan at kung saan nila dapat lutuin ang handog na butil. Hindi nila dapat ilabas ang mga ito sa panlabas na patyo upang ilaan ang mga tao kay Yahweh.”
21 Potom me izvede u vanjsko predvorje i provede kraj četiri ugla predvorja, i gle, u svakom uglu predvorja bijaše malo predvorje.
At dinala niya ako sa panlabas na patyo at sinamahan niya akong dumaan sa apat na sulok ng patyong iyon, at nakita ko na sa bawat sulok ng patyo, may iba pang mga patyo.
22 Ta mala predvorja u četiri ugla predvorja bijahu četrdeset lakata dugačka, trideset široka - sva četiri istih razmjera;
Sa apat na sulok ng panlabas na patyo, may apat na sulok na mga patyo na apatnapung siko ang haba at tatlumpu ang lawak. Magkakapareho ang mga sukat para sa lahat ng apat na sulok ng mga patyo.
23 sva četiri zidom opasana, a pod zidom sve uokolo bijahu sagrađena ognjišta.
Mayroong isang hilera sa buong paligid ng apat na ito na gawa sa bato, at nasa ilalim ng hilera ng bato ang mga lutuang sunungan.
24 I reče mi: “To su kuhinje gdje će sluge Doma kuhati puku žrtve.”
Sinabi sa akin ng lalaki, “Ito ang mga lugar kung saan pakukuluan ng mga lingkod ng templo ang alay ng mga tao.”

< Ezekiel 46 >