< Ezekiel 13 >
1 I opet mi dođe riječ Jahvina:
Muling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
2 “Sine čovječji! Prorokuj protiv onih koji se grade prorocima u Izraelu!
“Anak ng tao, magpahayag ka laban sa mga propetang nagpapahayag sa Israel at sabihin mo sa mga nagpapahayag mula sa kanilang mga sariling isipan, 'Makinig kayo sa salita ni Yahweh!
3 Reci tim prorocima koji prorokuju po svojoj glavi: 'Čujte riječ Jahvinu! Ovako govori Jahve Gospod: Jao prorocima bezumnim koji duh svoj slijede a ništa ne vide!
Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh, 'Kaawa-awa ang mga hangal na propeta na sinusunod ang kanilang sariling diwa, ngunit wala namang nakita!
4 Ti su tvoji proroci, Izraele, kao lisice usred ruševina.
Israel, parang naging mga asong gubat sa mga kaparangan ang inyong mga propeta.
5 Vi se ne popeste na proboje i ne zidaste zida oko doma Izraelova da se održi u boju u dan Jahvin.
Hindi ninyo pinuntahan ang mga bitak sa pader sa palibot ng sambahayan ng Israel para ayusin ito upang makalaban sa digmaan sa araw ni Yahweh.
6 Viđenja su njihova isprazna, i lažna su njihova proricanja. Govore 'Riječ Jahvina!' - a Jahve ih nije poslao. I još očekuju da će im se riječi ispuniti.
May mga pangitaing hindi totoo ang mga tao at gumagawa ng mga panghuhulang hindi totoo, ang mga nagsasabi, “Ito ang mga pahayag ni Yahweh.” Hindi sila isinugo ni Yahweh, ngunit gayon pa man, pinapaasa nila ang mga tao na magkakatotoo ang kanilang mga mensahe.
7 Zar ne vidite da su vam viđenja isprazna i da su vam lažna proricanja kad govorite 'Riječ Jahvina!' - a ja nisam govorio.'
Hindi ba may mga pangitain kayo na hindi totoo at gumagawa kayo ng mga panghuhulang hindi totoo, kayo na mga nagsasabi, “Ito ang mga pahayag ni Yahweh” kahit hindi ko naman ito sinabi?'
8 Stoga ovako govori Jahve Gospod: 'Zato što govorite isprazno i laž vidite, evo me protiv vas' - riječ je Jahve Gospoda!
Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Dahil nagkaroon kayo ng mga pangitaing hindi totoo at nagsabi ng mga kasinungalingan—kaya ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh laban sa inyo:
9 Evo, ruka moja bit će protiv proroka koji vide isprazno i laž proriču: neće više biti u zboru mojega naroda, neće biti upisani u knjigu doma Izraelova, nikad više neće stupiti na tlo Izraelovo! I znat će da sam ja Jahve Gospod!
Magiging kalaban ng aking kamay ang mga propetang may mga pangitaing kasinungalingan at gumagawa ng mga panghuhulang hindi totoo. Hindi sila mapapabilang sa pagtitipon ng aking mga tao o maitatala sa talaan ng sambahayan ng Israel, hindi sila dapat makapunta sa lupain ng Israel. Sapagkat malalaman ninyo na Ako ang Panginoong Yahweh!
10 Jer narod moj obmanjuju govoreći 'Mir' kad mira nema. I dok jedni hoće da se zid utvrdi, oni hoće da se samo ožbuka.
Dahil dito at dahil pinangunahan nila ang aking mga tao upang mailigaw at sinabi, “Kapayapaan! kahit walan namang kapayapaan, nagpapatayo sila ng mga pader na kanilang pipintahan ng kalburong pampinta.'
11 Reci onima koji hoće da se samo ožbuka: 'Past će!' Udarit će silan pljusak, oborit ću na nj grÓad kao kamenje, bjesnjet će olujni vihori.
Sabihin mo sa mga nagpipinta ng kalburong pampinta sa pader, “Guguho ito, magkakaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan at magpapadala ako ng mga ulan na may kasamang yelo upang pabagsakin ito at isang napakalakas na hangin upang masira ito.
12 Evo, zid će pasti! Neće li vas tada pitati: 'Gdje vam je sada žbuka kojom ste ga ožbukali?'
Tingnan ninyo, babagsak ang pader. Hindi ba sinabi ng iba sa inyo, “Nasaan na ang kalburong pampinta na inyong itinapal dito?”'
13 Zato ovako govori Jahve Gospod: 'U svojoj jarosti razbjesnit ću olujne vihore, u srdžbi ću svojoj udariti silnim pljuskom da ga zatrem, u gnjevu ću na nj oboriti grÓad kao kamenje.
Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, “Magpapadala ako ng napakalakas na hangin dahil sa aking galit at magkakaroon ng pagbaha ng ulan dahil sa aking poot! Ganap na sisirain ito ng ulan na may kasamang yelo dahil sa aking galit!
14 Obalit ću zid što ga vi žbukom ožbukaste, na zemlju ću ga oboriti da mu se razgole temelji. Past će zid, i vi ćete pod njim izginuti! Tada ćete znati da sam ja Jahve!
Sapagkat pababagsakin ko ang pader na pinintahan ng kalburong pampinta at pababagsakin ko ito sa lupa at mabubuwal hanggang sa pundasyon nito. Kaya babagsak ito at malilipol kayong lahat sa kalagitnaan nito. At malalaman ninyo na Ako si Yahweh!
15 Tako ću iskaliti gnjev nad zidom i nad onima koji ga žbukom ožbukaše. A vama ću reći: Nema više zida! Nema onih koji ga žbukom ožbukaše.
Sapagkat lilipulin ko sa aking matinding galit ang pader at ang mga nagpinta nito ng kalburong pampinta. Sasabihin ko sa inyo, “Mawawala na ang pader maging ang mga taong nagpinta nito ng kalburong pampinta—
16 Nema izraelskih proroka koji Jeruzalemu proricahu i koji mu mir vidješe kad mira ne bijaše.' Tako govori Jahve Gospod.”
ang mga propeta ng Israel na nagpahayag tungkol sa Jerusalem at ang mga may pangitain ng kapayapaan para sa kaniya. Ngunit walang kapayapaan! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”'
17 “Sine čovječji, okreni lice protiv kćeri svojega naroda koje prorokuju po svojoj glavi! Prorokuj protiv njih:
Kaya ikaw, anak ng tao, humarap ka laban sa mga babaeng anak ng iyong mga tao na nagpapahayag mula sa kanilang mga sariling isipan at magpahayag ka laban sa kanila.
18 Ovako govori Jahve Gospod: 'Jao onima koje vezu poveze za svačije ruke i koje prave prijevjese za glave svake veličine da ulove duše! Mislite li uloviti sve duše mojega naroda a svoje duše sačuvati žive?
Sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: “Kaawa-awa ang mga kababaihang gumagawa ng mga agimat sa lahat ng bahagi ng kanilang mga kamay at gumagawa ng mga talukbong na may iba't ibang sukat para sa kanilang mga ulo na ginagamit upang makabihag ng mga tao. Bibihagin ba ninyo ang aking mga tao ngunit ililigtas ang inyong mga sariling buhay?
19 Obeščašćujete me pred mojim narodom za šaku ječma, za zalogaj kruha, ubijajući duše koje ne bi trebale da umru, a spasavajući one koje ne bi trebale da žive; i obmanjujete tako narod moj koji rado sluša vaše laži.'
Nilapastangan ninyo ako sa harap ng aking mga tao para lamang sa sandakot na sebada at mga durog na tinapay upang patayin ang mga tao na hindi naman dapat mamatay at upang pangalagaan ang buhay ng mga hindi dapat manatiling buhay, dahil sa mga kasinungalingan ninyo sa aking mga tao na nakarinig sa inyo.
20 Zato ovako govori Jahve Gospod: 'Evo me protiv vaših poveza kojima lovite duše kao ptice! Rastrgat ću sve to na vašim rukama i oslobodit ću duše koje time hvatate kao ptice!
Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, “Tutol ako sa mga agimat na inyong ginamit upang mabitag ang buhay ng mga tao na parang mga ibon. Sa katunayan, hahablutin ko ang mga ito mula sa inyong mga braso at hahayaan kong lumaya ang mga taong nabihag ninyo na parang mga ibon—pakakawalan ko sila.
21 Poderat ću vaše prijevjese i oslobodit ću svoj narod da ne bude više plijen vaših ruku. I znat ćete da sam ja Jahve!
Pupunitin ko ang inyong mga talukbong at ililigtas ko ang aking mga tao mula sa inyong kamay upang hindi na sila muling mabihag sa inyong mga kamay. At malalaman ninyo na Ako si Yahweh!
22 Jer vi lažju ražalostiste srce pravednika, koje ja ražalostiti ne htjedoh, a okrijepiste ruke bezbožnika da se ne obrati od zla puta bezbožničkog pa da život spasi.
Dahil pinahina ninyo ang puso ng matuwid na tao sa pamamagitan ng mga kasinungalingan, kahit na hindi ko ninais ang kaniyang kawalan ng pag-asa, at sa halip, hinimok ninyo ang gawain ng masasamang tao upang hindi siya tumalikod mula sa kaniyang kaparaanan upang mailigtas ang kaniyang buhay—
23 Zato nećete više vidjeti isprazno niti ćete laž proricati: ja ću osloboditi narod svoj iz vaših ruku. I znat ćete da sam ja Jahve!'”
kaya hindi na kayo magkakaroon pa ng mga pangitang hindi totoo o magpatuloy na gumawa ng mga panghuhulang hindi totoo sapagkat ililigtas ko ang aking mga tao mula sa inyong kamay. At malalaman ninyo na Ako si Yahweh!”'