< Djela apostolska 3 >
1 Petar i Ivan uzlazili su u Hram na devetu molitvenu uru.
Ngayon papunta sina Pedro at Juan sa templo sa oras ng pananalangin, alas tres ng hapon.
2 Upravo su donosili nekog čovjeka, hroma od majčine utrobe; njega bi svaki dan postavljali kod hramskih vrata, zvanih Divna, da prosi milostinju od onih koji ulaze u Hram.
May isang lalaking pilay mula pa nang isinilang ang dinadala doon araw-araw at ipinapahiga sa harapan ng templo na tinawag na Pintuang Maganda, upang mamalimos sa mga taong pumupunta sa templo.
3 On ugleda Petra i Ivana upravo kad zakoračiše u Hram te zamoli milostinju.
Nang makita niya sina Pedro at Juan na papasok sa templo, humingi siya ng limos.
4 Petar ga zajedno s Ivanom prodorno pogleda i reče: “Pogledaj u nas!”
Tinitigan siya ni Pedro, kasama si Juan na nagsabi, “Tumingin ka sa amin.”
5 Dok ih je molećivo motrio očekujući od njih nešto dobiti,
Tumingin sa kanila ang lalaking pilay, na umaasang makatatangap ng anuman mula sa kanila.
6 reče mu Petar: “Srebra i zlata nema u mene, ali što imam - to ti dajem: u ime Isusa Krista Nazarećanina hodaj!”
Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak at ginto, ngunit ibibigay ko sa iyo kung ano ang mayroon ako. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka.”
7 I uhvativši ga za desnu ruku, pridiže ga: umah mu omoćaše noge i gležnjevi
Hinawakan siya ni Pedro sa kanang kamay, at itinayo: kaagad na lumakas ang kaniyang mga paa at ang mga buto sa kaniyang bukung-bukong.
8 pa skoči, uspravi se, stane hodati te uđe s njima u Hram hodajući, poskakujući i hvaleći Boga.
Paluksong tumayo ang lalaki at nagsimulang maglakad, pumasok siya na kasama sina Pedro at Juan sa templo, lumalakad, lumulundag, at nagpupuri sa Diyos.
9 Sav ga narod vidje kako hoda i hvali Boga.
Nakita siya ng lahat ng mga tao na naglalakad at nagpupuri sa Diyos.
10 Razabraše da je to on - onaj koji je na Divnim vratima Hrama prosio milostinju - i ostadoše zapanjeni i izvan sebe zbog onoga što se s njim dogodilo.
Nakilala nila na ito ang lalaking nakaupo at tumatanggap ng limos sa may Magandang Pintuan ng templo, at labis silang nagtaka at namangha dahil sa nangyari sa kaniya.
11 Kako se pak on držao Petra i Ivana, sav se narod zapanjen strča k njima u trijem zvani Salomonov.
Habang nakahawak siya kina Pedro at Juan, tumakbong magkakasama papunta sa kanila ang lahat ng mga tao sa tinatawag na portiko ni Solomon, na labis na nagtataka.
12 Kada to vidje Petar, obrati se narodu: “Izraelci, što se ovomu čudite? Ili što nas gledate kao da smo svojom snagom ili pobožnošću postigli da ovaj prohoda?
Nang makita ito ni Pedro, sumagot siya sa mga tao, “Kayong mga Israelita, bakit kayo nagtataka? Bakit kayo nakatitig sa amin, na parang kami ang nakapagpalakad sa kaniya sa pamamagitan ng aming sariling kapangyarihan o pagiging makadiyos?
13 Bog Abrahamov, Izakov i Jakovljev, Bog otaca naših, proslavi slugu svoga, Isusa kojega vi predadoste i kojega se odrekoste pred Pilatom kad već bijaše odlučio pustiti ga.
Ang Diyos ni Abraham, Isaac, at ni Jacob. Ang Diyos ng ating mga ninuno ay niluwalhati ang kaniyang lingkod na si Jesus. Siya na inyong dinala at itinakwil sa harapan ni Pilato, nang ipinasya niyang palayain siya.
14 Vi se odrekoste Sveca i Pravednika, a izmoliste da vam se daruje ubojica.
Inyong itinakwil Ang Banal at Ang Matuwid, at sa halip hiniling ninyo na mapalaya ang isang mamamatay tao para sa inyo.
15 Začetnika života ubiste. Ali Bog ga uskrisi od mrtvih, čemu smo mi svjedoci.”
Pinatay ninyo ang Prinsipe ng buhay, na binuhay ng Diyos mula sa mga patay -at kami ang mga saksi ng mga ito.
16 “I po vjeri u njegovo ime, to je ime dalo snagu ovomu kojega gledate i poznate: vjera u Njega vratila je ovomu potpuno zdravlje naočigled vas sviju.”
Ngayon, sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan, pinalakas ang lalaking ito na inyong nakita at nakikilala. Ang pananampalataya sa pamamagitan ni Jesus ang nagbigay sa kaniya ng lubos na kagalingan, sa harapan ninyong lahat.
17 “I sada, braćo, znam da ste ono uradili iz neznanja kao i glavari vaši.
Ngayon, mga kapatid, alam ko na gumawa kayo ng kamangmangan, kagaya ng ginawa ng inyong mga pinuno.
18 Ali Bog tako ispuni što unaprijed navijesti po ustima svih proroka: da će njegov Pomazanik trpjeti.
Ngunit ang mga bagay na siyang ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta, na kinakailangang maghirap ang kaniyang Cristo ay tinupad niya na ngayon.
19 Pokajte se dakle i obratite da se izbrišu grijesi vaši
Kaya nga magsisi kayo at magbalik loob, upang mapawi ang inyong mga kasalanan, nang sa gayon mayroong dumating na panahon ng pagpapanibagong-lakas sa presensya ng Panginoon;
20 pa od Gospodina dođu vremena rashlade te on pošalje vama unaprijed namijenjenog Pomazanika, Isusa.”
at kaniyang isusugo si Jesus, ang hinirang na Cristo para sa inyo.
21 Njega treba da nebo pridrži do vremena uspostave svega što obeća Bog na usta svetih proroka svojih odvijeka.” (aiōn )
Ang Nag-iisa, na kinakailangan tanggapin sa langit, hanggang sa panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay, tungkol sa mga sinabi ng Diyos noon sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta. (aiōn )
22 “Mojsije tako reče: Proroka poput mene od vaše braće podignut će vam Gospodin, Bog vaš. Njega slušajte u svemu što vam god reče.
Sa katunayan sinabi ni Moises, 'Ang Panginoong Diyos ay magbabangon ng propeta tulad ko mula sa inyong mga kapatid. Makikinig kayo sa lahat ng kaniyang sasabihin sa inyo.
23 I svaka duša koja ne posluša toga proroka, neka se iskorijeni iz naroda.”
Mangyayari na ang lahat ng tao na hindi makikinig sa propetang ito ay tiyak na malilipol mula sa mga tao.'
24 “I svi Proroci koji su - od Samuela dalje - govorili, također su navijestili ove dane.”
Oo, at lahat ng mga propeta na mula kay Samuel at mga sumunod pagkatapos niya, nagsalita sila at nagpahayag sa mga araw na ito.
25 “Vi ste sinovi proroka i Saveza koji sklopi Bog s ocima vašim govoreći Abrahamu: Potomstvom će se tvojim blagoslivljati sva plemena zemlje.
Kayo ang mga anak ng mga propeta at ng kasunduan na ginawa ng Diyos kasama ng inyong mga ninuno, katulad ng sinabi niya kay Abraham, 'Sa iyong binhi pagpapalain ko ang lahat ng mga sambahayan sa buong mundo.'
26 Vama najprije podiže Bog Slugu svoga i posla ga blagoslivljati vas da se svatko obrati od opačina svojih.”
Pagkatapos itaas ng Diyos ang kaniyang lingkod, isinugo siyang una sa inyo upang pagpalain kayo sa pamamagitan ng pagtalikod ng bawat isa mula sa inyong mga kasamaan.”