< 2 Kraljevima 21 >
1 Manašeu je bilo dvanaest godina kad se zakraljio. Pedeset i pet godina kraljevao je u Jeruzalemu. Njegova se majka zvala Hefsi-Bah.
Si Manases ay may labing dalawang taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't limang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Hepsi-ba.
2 Činio je što je zlo u Jahvinim očima, povodeći se za gnusobama naroda što ih je Jahve protjerao pred Izraelovim sinovima.
At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.
3 Obnovio je uzvišice što ih bijaše oborio otac mu Ezekija, podigao je žrtvenik Baalu, načinio ašere kako bijaše učinio izraelski kralj Ahab; i stao se klanjati svoj vojsci nebeskoj i služiti joj.
Sapagka't kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama; at kaniyang ipinagtayo ng mga dambana si Baal, at gumawa ng Asera, gaya ng ginawa ni Achab na hari sa Israel, at sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit, at naglingkod sa kanila.
4 Podigao je žrtvenike i u Domu Jahvinu, za koji bijaše rekao Jahve: “U Jeruzalemu će prebivati moje Ime zauvijek.”
At siya'y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, Sa Jerusalem ay ilalagay ko ang aking pangalan.
5 Sagradio je žrtvenike svoj nebeskoj vojsci u oba predvorja Doma Jahvina.
At kaniyang ipinagtayo ng mga dambana ang lahat na natatanaw sa langit sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon.
6 I sinove je svoje proveo kroz oganj. Vračao je, gatao, stvorio bajače i opsjenare, učinio je premnogo zla u očima Jahve i razjarivao ga.
At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, at nagpamahiin, at nagsanay ng panghuhula, at nakipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit.
7 Dao je načiniti lik Ašere i posadio ga u Domu, za koji Jahve bijaše rekao Davidu i njegovu sinu Salomonu: “U ovom Domu i u Jeruzalemu, koji sam izabrao među svim izraelskim plemenima, postavit ću svoje Ime zauvijek.
At siya'y naglagay ng larawang inanyuan na Asera, na kaniyang ginawa, sa bahay na pinagsabihan ng Panginoon kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa bahay na ito, at sa Jerusalem, na aking pinili sa lahat na lipi ng Israel, aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man.
8 Neću više dati da noga Izraelaca uzmakne iz zemlje koju sam dao u baštinu njihovim očevima, samo ako budu držali i provodili u djelo sve što sam im zapovjedio: Zakon što im ga je objavio moj sluga Mojsije.”
At hindi ko na pagagalain pa ang mga paa ng Israel sa labas ng lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, kung kanila lamang tutuparing gawin ang ayon sa lahat na aking iniutos sa kanila, at ayon sa buong kautusan na iniutos sa kanila ng aking lingkod na si Moises.
9 Ali oni nisu poslušali, Manaše ih je zaveo te su radili još gore nego narodi što ih je Jahve iskorijenio pred Izraelovim sinovima.
Nguni't hindi nila dininig: at hinikayat sila ni Manases na gumawa ng lalong masama kay sa ginawa ng mga bansa, na pinaglipol ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.
10 Tada je Jahve ovako govorio preko slugu svojih proroka:
At ang Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta, na nagsasabi,
11 “Zato što je judejski kralj Manaše činio te gnusobe, zato što je učinio više zla nego što su prije njega radili Amorejci i što je zaveo Judejce svojim idolima,
Sapagka't ginawa ni Manases na hari sa Juda ang mga karumaldumal na ito, at gumawa ng kasamaan na higit kay sa lahat na ginawa ng mga Amorrheo, na una sa kaniya, at ipinapagkasala sa Juda naman sa pamamagitan ng kaniyang mga diosdiosan:
12 ovako veli Jahve, Bog Izraelov: 'Evo, učinit ću da dođe nevolja na Jeruzalem i Judeju, takva da će zazujati oba uha onima koji o njoj čuju.
Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin ang ganiyang kasamaan sa Jerusalem at sa Juda, na sinomang makabalita ay magpapanting ang dalawang tainga.
13 Nategnut ću nad Jeruzalemom isto uže kao nad Samarijom, isto mjerilo kao nad kućom Ahabovom; zbrisat ću Jeruzalem kao što se briše zdjela pa se tad izvrne.
At aking paaabutin sa Jerusalem ang pising panukat ng Samaria, at ang pabato ng bahay ni Achab: at aking lilinisin ang Jerusalem gaya ng paglilinis ng isang tao ng isang pinggan, na nililinis at itinataob.
14 Odbacit ću ostatke svoje baštine, predat ću ih u ruke njihovih neprijatelja; služit će za plijen i grabež svim svojim neprijateljima
At aking ihihiwalay ang nalabi sa aking mana, at aking ibibigay sa kamay ng kanilang mga kaaway: at sila'y magiging bihag at samsam sa lahat nilang kaaway.
15 jer su činili što je zlo u mojim očima jer su izazivali moj gnjev od dana kada su njihovi oci izišli iz Egipta pa sve do danas.'”
Sapagka't gumawa sila ng masama sa aking paningin at minungkahi nila ako sa galit, mula nang araw na ang kanilang mga magulang ay magsilabas sa Egipto, hanggang nga sa araw na ito.
16 I mnogo je nedužne krvi prolio Manaše, tako da se njome napunio Jeruzalem od jednoga kraja do drugoga, da se i ne spominje njegov grijeh kojim je zaveo Judu da čini što je zlo u očima Jahvinim.
Bukod dito'y nagbubong mainam si Manases ng dugong walang sala, hanggang sa kaniyang napuno ang Jerusalem mula sa isang dulo hanggang sa kabila; bukod sa kaniyang sala na kaniyang ipinapagkasala sa Juda, sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon.
17 Ostala povijest Manašeova, njegova djela i grijesi koje je počinio, zar sve to nije zapisano u knjizi Ljetopisa judejskih kraljeva?
Ang iba nga sa mga gawa ni Manases, at ang lahat niyang ginawa, at ang sala na kaniyang ipinagkasala, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
18 Manaše je počinuo kraj svojih otaca i sahranjen je u vrtu svojeg dvora, u vrtu Uzinu. Sin mu Amon zakralji se mjesto njega.
At si Manases ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa halamanan ng kaniyang sariling bahay, sa halamanan ng Uzza: at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
19 Amonu bijahu dvadeset i dvije godine kad je zavladao, a kraljevao je dvije godine u Jeruzalemu. Njegova se majka zvala Mešulemet, kći Harusova, i bila je iz Jotbe.
Si Amon ay may dalawang pu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Mesalemeth na anak ni Harus na taga Jotba.
20 On je činio što je zlo u očima Jahvinim, kao što je činio njegov otac Manaše.
At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama.
21 U svemu je slijedio put svoga oca, služio je idolima kojima je služio i njegov otac i klanjao im se.
At siya'y lumakad ng buong lakad na inilakad ng kaniyang ama, at naglingkod sa mga diosdiosan na pinaglingkuran ng kaniyang ama, at sinamba niya ang mga yaon:
22 On je ostavio Jahvu, Boga svojih praotaca, i nije hodio putem Jahvinim.
At binayaan ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang, at hindi lumakad sa daan ng Panginoon.
23 Amonovi se časnici urotiše protiv njega i ubiše kralja u dvoru.
At ang mga lingkod ni Amon ay nagsipagbanta laban sa kaniya, at pinatay ang hari sa kaniyang sariling bahay.
24 Ali je prosti puk pobio sve one koji se bijahu urotili protiv kralja Amona i na njegovo mjesto zakraljio sina mu Jošiju.
Nguni't pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipagbanta laban sa haring Amon; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya.
25 Ostala povijest Amonova i sve što je činio, zar sve to nije zapisano u knjizi Ljetopisa judejskih kraljeva?
Ang iba nga sa mga gawa ni Amon na kaniyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
26 Pokopali su ga u grobnicu njegova oca, u vrtu Uzinu, a njegov sin Jošija zakralji se mjesto njega.
At siya'y nalibing sa kaniyang libingan sa halamanan ng Uzza; at si Josias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.