< 1 Petrova 3 >
1 Tako i vi, žene, pokoravajte se svojim muževima: ako su neki od njih možda neposlušni Riječi, da i bez riječi budu pridobiveni življenjem vas žena,
Sa ganitong paraan, kayong mga asawang babae ay dapat magpasakop sa inyong mga asawa, sa gayon, kahit may ilang hindi sumusunod sa salita, sa pamamagitan ng pag-uugali ng kanilang asawang babae, mahikayat sila nang walang salita,
2 pošto promotre vaše bogoljubno i čisto življenje.
dahil makikita nila ang inyong dalisay na pag-uugali na may karangalan sa kanilang sarili.
3 Vaš nakit neka ne bude izvanjski - pletenje kose, kićenje zlatom ili oblačenje haljina.
Huwag ninyo itong gawin sa pamamagitan ng panlabas na paggayak—pagtitirintas ng buhok, pagsusuot ng alahas, o magagarang damit.
4 Nego: čovjek skrovita srca, neprolazne ljepote, blaga i smirena duha. To je pred Bogom dragocjeno.
Sa halip, gawin niyo ito sa pamamagitan ng panloob na pagkatao na nasa puso, at nang walang kupas na kagandahan ng isang mahinahon at mapayapang espiritu na natatangi sa paningin ng Diyos.
5 Tako su se doista i nekoć svete žene, zaufane u Boga, resile: pokoravale su se muževima.
Sapagkat ang banal na mga kababaihan noon ay minsang naggayak ng kanilang mga sarili sa ganitong paraan. Nagtiwala sila sa Diyos at nagpasakop sila sa kanilang mga asawa.
6 Sara se tako pokori Abrahamu te ga nazva gospodarom. Njezina ste djeca ako činite dobro ne bojeći se nikakva zastrašivanja.
Sa ganitong paraan sumunod si Sara kay Abraham at tinawag siyang kaniyang “panginoon.” Kayo ngayon ay kaniyang mga anak kung ginagawa ninyo ang mabuti at kung hindi kayo natatakot sa kaguluhan.
7 Tako i vi, muževi, obazrivo živite sa svojim ženama, kao sa slabijim spolom, te im iskazujte čast kao subaštinicima milosti Života da ne spriječite svojih molitava.
Gayun din, kayong mga asawang lalaki ay dapat mamuhay kasama ang inyong asawa nang nalalaman na sila ay mas mahinang kabiyak, kinikilala sila na kapwa ninyong tatanggap ng kaloob ng buhay. Gawin ninyo ito upang ang inyong mga panalangin ay hindi mahadlangan.
8 Napokon, budite svi jednodušni, puni suosjećanja i bratske ljubavi, milosrdni, ponizni!
Panghuli, lahat kayo, magkaisa kayo sa pag-iisip, mahabagin, mapagmahal bilang magkakapatid, maging maawain, at mapagpakumbaba.
9 Ne vraćajte zlo za zlo ni uvredu za uvredu! Naprotiv, blagoslivljajte jer ste na to i pozvani da baštinite blagoslov!
Huwag ninyong suklian ang masama ng masama o ang panlalait ng panlalait. Sa halip, patuloy kayong magpala, sapagkat dahil dito, kayo ay tinawag nang sa gayun magmana kayo ng pagpapala.
10 Doista, tko želi ljubiti život i naužit se dana sretnih, nek suspregne jezik oda zla i usne od riječi prijevarnih;
“Ang may gustong magmahal sa buhay at makakakita ng mabubuting araw ay kailangang pigilin ang kaniyang dila sa masama at ang kaniyang bibig sa pagsasabi ng kasinungalingan.
11 zla nek se kloni, a čini dobro, mir neka traži i za njim ide:
Talikuran niya ang masama at gawin ang mabuti. Hanapin niya ang kapayapaan at ito'y sundan.
12 jer oči Gospodnje gledaju pravedne, uši mu slušaju vapaje njihove, a lice se Gospodnje okreće protiv zločinaca.
Ang mga mata ng Panginoon ay nakikita ang matuwid at naririnig ng kaniyang tainga ang kanilang mga kahilingan. Pero ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama.”
13 Pa tko da vam naudi ako revnujete za dobro?
Sino ang mananakit sa inyo kung hinahangad ninyo ang mabuti?
14 Nego, morali i trpjeti zbog svoje pravednosti, blago vama! No ne bojte se njihova zastrašivanja i ne plašite se!
Pero kung naghihirap kayo dahil sa katuwiran, kayo ay pinagpala. Huwag niyong katakutan ang kanilang kinatatakutan. Huwag kayong mabahala.
15 Naprotiv, Gospodin - Krist neka vam bude svet, u srcima vašim, te budite uvijek spremni na odgovor svakomu koji od vas zatraži obrazloženje nade koja je u vama,
Sa halip, ibukod-tangi niyo ang Panginoong Cristo sa inyong mga puso bilang banal. Lagi kayong maging handa na sagutin ang bawat nagtatanong sa inyo kung bakit mayroon kayong pagtitiwala sa Diyos. Gawin ninyo ito nang may kahinahunan at paggalang.
16 ali blago i s poštovanjem, dobre savjesti da oni koji ozloglašuju vaš dobar život u Kristu, upravo onim budu postiđeni za što vas potvaraju.
Magkaroon kayo ng malinis na budhi upang ang mga taong umaalipusta sa inyong magandang buhay kay Cristo ay mapahiya dahil nagsasalita sila laban sa inyo na tila kayo ay masasamang tao.
17 Ta uspješnije je trpjeti, ako je to Božja volja, čineći dobro, nego čineći zlo.
Mas mainam, kung nais ng Diyos, na kayo ay maghirap sa paggawa ng kabutihan kaysa sa paggawa ng kasamaan.
18 Doista, i Krist jednom za grijehe umrije, pravedan za nepravedne, da vas privede k Bogu - ubijen doduše u tijelu, ali oživljen u duhu.
Nagdusa rin si Cristo para sa mga kasalanan. Siya na matuwid ay nagdusa para sa atin, na mga hindi matuwid, upang tayo ay madala niya sa Diyos. Pinatay siya sa laman, pero muling binuhay sa espiritu.
19 U njemu otiđe i propovijedati duhovima u tamnici
Sa espiritu, nagpunta siya at nangaral sa mga espiritu na ngayon ay naka-bilanggo.
20 koji bijahu nekoć nepokorni, kad ih ono Božja strpljivost iščekivaše, u vrijeme Noino, dok se gradila korablja u kojoj nekolicina, to jest osam duša, bi spašena vodom.
Sila ay ayaw sumunod noong ang Diyos ay matiyagang naghihintay sa panahon ni Noe, sa mga araw ng ginagawa ang arko, at nagligtas ang Diyos ng iilang tao—walong kaluluwa—sa baha.
21 Njezin protulik, krštenje - ne odlaganje tjelesne nečistoće, nego molitva za dobru savjest upravljena Bogu - i vas sada spasava po uskrsnuću Isusa Krista
Ito ay sumisimbolo ng pagbabautismo na nagliligtas sa inyo ngayon, hindi bilang paglilinis ng karumihan mula sa katawan, pero bilang panawagan ng mabuting budhi sa Diyos, sa pamamagitan ng pagkabuhay muli ni Jesu-Cristo.
22 koji, uzašavši na nebo, jest zdesna Bogu, pošto mu bijahu pokoreni anđeli, vlasti i sile.
Siya ay nasa kanang kamay ng Diyos. Nagpunta siya sa langit. Ang mga anghel, mga pamahalaanan, at ang mga kapangyarihan ay dapat magpasakop sa kaniya.