< 1 Ivanova 3 >

1 Gledajte koliku nam je ljubav darovao Otac: djeca se Božja zovemo, i jesmo. A svijet nas ne poznaje zato što ne poznaje njega.
Masdan kung anong uri ng pag-ibig ng Ama ang ibinigay sa atin, na tayo ay nararapat tawaging mga anak ng Diyos, at ito ang kung ano tayo. Sa dahilang ito, hindi tayo kilala ng mundo dahil hindi siya kilala nito.
2 Ljubljeni, sad smo djeca Božja i još se ne očitova što ćemo biti. Znamo: kad se očituje, bit ćemo njemu slični, jer vidjet ćemo ga kao što jest.
Mga minamahal, ngayon tayo ay mga anak ng Diyos, at hindi pa naipahayag kung magiging ano tayo. Alam natin na kapag magpakita si Cristo, tayo ay magiging katulad niya, dahil makikita natin siya bilang siya.
3 I tko god ima tu nadu u njemu, čisti se kao što je on čist.
At bawat isa na may ganitong pagtitiwala tungkol sa hinaharap na nakatuon sa kanya ay dinadalisay ang kanyang sarili tulad ng siya ay dalisay.
4 Tko god čini grijeh, čini i bezakonje; ta grijeh je bezakonje.
Ang lahat ng patuloy na nagkakasala ay gumagawa ng kung ano ang labag sa batas. Dahil ang kasalanan ay ang paglabag sa batas.
5 I znate: on se pojavi da odnese grijehe i grijeha nema u njemu.
Alam niyo na nahayag si Cristo upang sa gayon ay alisin ang mga kasalanan. At sa kanya ay walang kasalanan.
6 Tko god u njemu ostaje, ne griješi. Tko god griješi, nije ga vidio nit upoznao.
Walang sinumang nananatili sa kanya na patuloy na nagkakasala. Walang sinumang patuloy sa pagkakasala ang nakakita sa kanya o nakakila sa kanya.
7 Dječice, nitko neka vas ne zavede! Tko čini pravdu, pravedan je kao što je On pravedan.
Minamahal kong mga anak, huwag ninyong hayaan ang sinuman na akayin kayo sa ligaw na landas. Siya na gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya ni Cristo na matuwid.
8 Tko čini grijeh, od đavla je jer đavao griješi od početka. Zato se pojavi Sin Božji: da razori djela đavolska.
Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.
9 Tko god je rođen od Boga, ne čini grijeha jer njegovo sjeme ostaje u njemu; ne može griješiti jer je rođen od Boga.
Ang sinumang isinilang sa Diyos ay hindi nagkasala dahil ang binhi ng Diyos ay nananatili sa kanya. Hindi siya makapagpatuloy na magkasala dahil isinilang siya sa Diyos.
10 Po ovom se raspoznaju djeca Božja i djeca đavolska: tko god ne čini pravde i tko ne ljubi brata, nije od Boga.
Dito ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diablo ay nahayag. Ang sinumang hindi gumagawa kung ano ang matuwid ay hindi sa Diyos, ni ang sinumang hindi nagmamahal ng kanyang kapatid.
11 Jer ovo je navještaj koji čuste od početka: da ljubimo jedni druge.
Sapagkat ito ang mensaheng narinig na ninyo mula pa sa simula, na dapat mahalin natin ang bawat isa,
12 Ne kao Kajin, koji bijaše od Zloga i ubi brata svog. A zašto ga ubi? Jer mu djela bijahu zla, a bratova pravedna.
hindi katulad ni Cain na siyang nasa kasamaan at pinatay ang kanyang kapatid. At bakit niya nagawang siya ay patayin? Dahil masama ang kanyang mga gawa, at ang kanyang kapatid ay matuwid.
13 Ne čudite se, braćo ako vas svijet mrzi.
Huwag kayong magtaka mga kapatid, kapag ang mundo ay napopoot sa inyo.
14 Mi znamo da smo iz smrti prešli u život jer ljubimo braću; tko ne ljubi, ostaje u smrti.
Alam natin na tayo ay lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay, dahil mahal natin ang mga kapatid. Ang sinumang hindi umiibig ay nanatili sa kamatayan.
15 Tko god mrzi brata svoga, ubojica je. A znate da nijedan ubojica nema u sebi trajnoga, vječnoga života. (aiōnios g166)
Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mamamatay tao. At alam ninyo na ang buhay na walang hanggan ay hindi nanatili sa isang mamamatay tao. (aiōnios g166)
16 Po ovom smo upoznali Ljubav: on je za nas položio život svoj. I mi smo dužni živote položiti za braću.
Sa pamamagitan nito alam natin ang pag-ibig, sapagkat inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Nararapat din nating ialay ang ating mga buhay para sa mga kapatid.
17 Tko ima dobra ovoga svijeta i vidi brata svoga u potrebi pa zatvori pred njim srce - kako ljubav Božja ostaje u njemu?
Pero ang sinumang mayroong mga mabubuting bagay sa mundo, nakitang nangangailangan ang kapatid, at isinara ang kanyang maawaing puso sa kanya, papaano mananatili sa kanya ang pag-ibig ng Diyos?
18 Dječice, ne ljubimo riječju i jezikom, već djelom i istinom.
Mga minamahal kong mga anak, huwag tayong magmahal sa salita o sa dila, pero sa mga gawa at katotohanan.
19 Po tom ćemo znati da smo od istine. I umirit ćemo pred njim srce svoje
Sa pamamagitan nito alam natin na tayo ay nasa katotohanan at tinitiyak natin ang ating mga puso sa kanyang harapan.
20 ako nas ono bilo u čem osuđuje. Jer Bog je veći od našega srca i znade sve.
Sapagkat kapag sinusumpa tayo ng ating mga puso, mas dakila ang Diyos kaysa sa ating mga puso, at alam niya ang lahat ng mga bagay.
21 Ljubljeni, ako nas srce ne osuđuje, možemo zaufano k Bogu.
Mga minamahal, kapag hindi tayo isinisumpa ng mga puso natin, may kapanatagan tayo sa Diyos.
22 I što god ištemo, primamo od njega jer zapovijedi njegove čuvamo i činimo što je njemu drago.
At anuman ang hihilingin natin, matatanggap natin mula sa kanya, dahil pinanatili natin ang kanyang mga kautusan at ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kanyang paningin.
23 I ovo je zapovijed njegova: da vjerujemo u ime Sina njegova Isusa Krista i da ljubimo jedni druge kao što nam je dao zapovijed.
At ito ang kanyang kautusan - na tayo ay dapat maniwala sa pangalan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo at mahalin ang bawat isa - gaya ng ibinigay niyang kautusan sa atin.
24 I tko čuva zapovijedi njegove, u njemu ostaje, i On u njemu. I po ovom znamo da on ostaje u nama: po Duhu kojeg nam je dao.
Siya na pinapanatili ang kautusan ng Diyos ay nananatili sa kanya, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. At sa pamamagitan nito alam natin na siya ay nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.

< 1 Ivanova 3 >