< ⲚⲒⲢⲰⳘⲈⲞⲤ 5 >
1 ⲁ̅ ⲉⲁⲛⲧⲙⲁⲉⲓⲟ ϭⲉ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲧⲡⲓⲥⲧⲓⲥ ⲟⲩⲛⲧⲁⲛ ⲙⲙⲁⲩ ⲛⲟⲩⲉⲓⲣⲏⲛⲏ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ϩⲓⲧⲛ ⲡⲉⲛϫⲟⲉⲓⲥ ⲓⲏⲥ ⲡⲉⲭⲥ
Yamang napawalang-sala tayo sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
2 ⲃ̅ ⲡⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁⲛϫⲓ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲟⲟⲧϥ ⲙⲡϩⲱⲛ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲡⲉⲉⲓϩⲙⲟⲧ ⲉⲧⲛⲁϩⲉⲣⲁⲧⲛ ⲛϩⲏⲧϥ ⲁⲩⲱ ⲉⲛϣⲟⲩϣⲟⲩ ⲙⲙⲟⲛ ⲉϫⲛ ⲑⲉⲗⲡⲓⲥ ⲙⲡⲉⲟⲟⲩ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Sa pamamagitan niya nagkaroon din tayo ng daan sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na kung saan tayo ay tumatayo. Nagagalak tayo sa pananalig na ibinibigay sa atin ng Diyos para sa hinaharap, ang pananalig na makikibahagi tayo sa kaluwalhatian ng Diyos.
3 ⲅ̅ ⲟⲩ ⲙⲟⲛⲟⲛ ⲇⲉ ⲁⲗⲗⲁ ⲉⲛⲣⲡⲕⲉϣⲟⲩϣⲟⲩ ⲙⲙⲟⲛ ϩⲛ ⲛⲉⲛⲑⲗⲓⲯⲓⲥ ⲉⲛⲥⲟⲟⲩⲛ ϫⲉ ⲧⲉⲑⲗⲓⲯⲓⲥ ⲉⲥⲣϩⲱⲃ ⲉⲩϩⲩⲡⲟⲙⲟⲛⲏ
Hindi lamang ito, ngunit nagagalak din tayo sa ating mga pagdurusa. Alam natin na ang pagdurusa ay nagbubunga ng pagtitiis.
4 ⲇ̅ ⲑⲩⲡⲟⲙⲟⲛⲏ ⲇⲉ ⲉⲩⲇⲟⲕⲓⲙⲏ ⲧⲇⲟⲕⲓⲙⲏ ⲇⲉ ⲉⲩϩⲉⲗⲡⲓⲥ
Ang pagtitiis ay nagbubunga ng pagsang-ayon, at ang pagsang-ayon ay nagbubunga ng katiyakan para sa hinaharap.
5 ⲉ̅ ⲑⲉⲗⲡⲓⲥ ⲇⲉ ⲙⲉⲥϫⲓϣⲓⲡⲉ ϫⲉ ⲧⲁⲅⲁⲡⲏ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲡⲁϩⲧ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲛⲉⲛϩⲏⲧ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲉⲡⲛⲁ ⲉⲧⲟⲩⲁⲁⲃ ⲡⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁⲩⲧⲁⲁϥ ⲛⲁⲛ
Hindi mangbibigo ang pananalig na ito, dahil ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na siyang ibinigay sa atin.
6 ⲋ̅ ⲉϣϫⲉ ⲡⲉⲭⲥ ⲉⲧⲉⲓ ⲉⲛⲟ ⲛϭⲱⲃ ⲕⲁⲧⲁ ⲡⲓⲟⲩⲟⲓϣ ⲁϥⲙⲟⲩ ϩⲁ ⲛⲁⲥⲉⲃⲏⲥ
Sapagkat habang mahina pa lamang tayo, namatay si Cristo sa tamang panahon para sa mga hindi maka-diyos.
7 ⲍ̅ ⲙⲟⲅⲓⲥ ⲅⲁⲣ ⲛⲧⲉ ⲟⲩⲁ ⲙⲟⲩ ϩⲁ ⲟⲩⲇⲓⲕⲁⲓⲟⲥ ⲙⲉϣⲁⲕ ⲅⲁⲣ ⲛⲧⲉ ⲟⲩⲁ ⲧⲟⲗⲙⲁ ⲉⲙⲟⲩ ϩⲁ ⲟⲩⲁⲅⲁⲑⲟⲥ
Sapagkat mahirap para sa isang tao na mamatay para sa isang matuwid na tao. Iyan ay, marahil kung may isang maglalakas-loob na mamatay para sa mabuting tao.
8 ⲏ̅ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲇⲉ ⲥⲩⲛϩⲓⲥⲧⲁ ⲛⲧⲉϥⲁⲅⲁⲡⲏ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲣⲟⲛ ϫⲉ ⲉⲧⲓ ⲉⲛⲟ ⲛⲣⲉϥⲣⲛⲟⲃⲉ ⲁⲡⲉⲭⲥ ⲙⲟⲩ ϩⲁⲣⲟⲛ
Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin, dahil noong makasalanan pa tayo, namatay si Cristo para sa atin.
9 ⲑ̅ ⲛⲁϣⲱⲥ ϭⲉ ⲛϩⲟⲩⲟ ⲉⲁⲛⲧⲙⲁⲉⲓⲟ ⲧⲉⲛⲟⲩ ϩⲙ ⲡⲉϥⲥⲛⲟϥ ⲧⲛⲛⲁⲟⲩϫⲁⲓ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲟⲟⲧϥ ⲉⲧⲟⲣⲅⲏ
Mas higit pa sa ngayong napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kaniyang dugo, maililigtas tayo sa pamamagitan nito mula sa poot ng Diyos.
10 ⲓ̅ ⲉϣϫⲉ ⲉⲛⲟ ⲛϫⲁϫⲉ ⲁⲛϩⲱⲧⲡ ⲉⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲙⲟⲩ ⲙⲡⲉϥϣⲏⲣⲉ ⲛⲁϣⲱⲥ ⲛϩⲟⲩⲟ ⲉⲁⲛϩⲱⲧⲡ ⲧⲛⲛⲁⲟⲩϫⲁⲓ ϩⲙ ⲡⲉϥⲱⲛϩ
Sapagkat kung, noong tayo ay mga kaaway, ipinagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, higit pa ngayon na pagkatapos tayong ipinagkasundo, maililigtas tayo sa pamamagitan ng kaniyang buhay.
11 ⲓ̅ⲁ̅ ⲟⲩ ⲙⲟⲛⲟⲛ ⲇⲉ ⲁⲗⲗⲁ ⲉⲛⲣⲡⲕⲉϣⲟⲩϣⲟⲩ ⲙⲙⲟⲛ ϩⲙ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲉⲛϫⲟⲉⲓⲥ ⲓⲏⲥ ⲡⲉⲭⲥ ⲡⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁⲛϫⲓ ⲧⲉⲛⲟⲩ ⲙⲡϩⲱⲧⲡ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲟⲟⲧϥ
Hindi lamang ito, ngunit nagagalak din tayo sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ay natanggap natin ang pagkakasundong ito.
12 ⲓ̅ⲃ̅ ⲉⲧⲃⲉ ⲡⲁⲓ ⲛⲑⲉ ⲉⲛⲧⲁ ⲡⲛⲟⲃⲉ ⲉⲓ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲡⲕⲟⲥⲙⲟⲥ ϩⲓⲧⲛ ⲟⲩⲣⲱⲙⲉ ⲛⲟⲩⲱⲧ ⲁⲩⲱ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲛⲟⲃⲉ ⲡⲙⲟⲩ ⲁⲩⲱ ⲧⲁⲓ ⲧⲉ ⲑⲉ ⲉⲛⲧⲁ ⲡⲙⲟⲩ ⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ ⲉϫⲛ ⲣⲱⲙⲉ ⲛⲓⲙ ⲉⲁⲩⲣⲛⲟⲃⲉ ϩⲓⲱⲱϥ ⲧⲏⲣⲟⲩ ⲧⲁⲓ ⲟⲛ ⲧⲉ ⲑⲉ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲛ ⲟⲩⲣⲱⲙⲉ ⲛⲟⲩⲱⲧ ⲛⲧⲁⲡⲱⲛϩ ⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ
Kung gayon, sa pamamagitan ng isang tao pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, sa ganitong kapamaraanan pumasok ang kamatayan dahil sa kasalanan. At lumaganap ang kamatayan sa sangkatauhan, dahil nagkasala ang lahat.
13 ⲓ̅ⲅ̅ ϣⲁ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲅⲁⲣ ⲛⲉⲣⲉⲡⲛⲟⲃⲉ ϩⲙ ⲡⲕⲟⲥⲙⲟⲥ ⲡⲉ ⲉϥⲙⲟⲟⲩⲧ ⲡⲛⲟⲃⲉ ⲇⲉ ⲛⲉⲩⲱⲡ ⲙⲙⲟϥ ⲁⲛ ⲡⲉ ⲉⲙⲛ ⲛⲟⲙⲟⲥ
Sapagkat bago ang kautusan, ang kasalanan ay nasa sanlibutan na, ngunit walang pananagutan para sa kasalanan kung walang kautusan.
14 ⲓ̅ⲇ̅ ⲁⲗⲗⲁ ⲁⲡⲙⲟⲩ ⲣⲣⲣⲟ ϫⲓⲛ ⲁⲇⲁⲙ ϣⲁ ⲙⲱⲩⲥⲏⲥ ⲉϫⲛ ⲛⲕⲟⲟⲩⲉ ⲉⲧⲉ ⲙⲡⲟⲩⲣⲛⲟⲃⲉ ϩⲙ ⲡⲉⲓⲛⲉ ⲛⲧⲡⲁⲣⲁⲃⲁⲥⲓⲥ ⲛⲁⲇⲁⲙ ⲉⲧⲉ ⲡⲁⲓ ⲡⲉ ⲡⲧⲩⲡⲟⲥ ⲙⲡⲉⲧⲛⲁϣⲱⲡⲉ
Gayunpaman, naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, at kahit pa sa mga hindi nagkasala na katulad ng pagsuway ni Adan na siyang huwaran ng paparating.
15 ⲓ̅ⲉ̅ ⲁⲗⲗⲁ ⲛⲑⲉ ⲁⲛ ⲙⲡⲡⲁⲣⲁⲡⲧⲱⲙⲁ ⲧⲁⲓ ⲧⲉ ⲑⲉ ⲙⲡⲉϩⲙⲟⲧ ⲉϣϫⲉ ϩⲣⲁⲓ ⲅⲁⲣ ϩⲙ ⲡⲡⲁⲣⲁⲡⲧⲱⲙⲁ ⲙⲡⲓⲟⲩⲁ ⲛⲟⲩⲱⲧ ⲁϩⲁϩ ⲙⲟⲩ ⲛϩⲟⲩⲟ ϭⲉ ⲉⲙⲁⲧⲉ ⲧⲉⲭⲁⲣⲓⲥ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲙⲛ ⲧⲇⲱⲣⲉⲁ ϩⲛ ⲧⲉⲭⲁⲣⲓⲥ ⲙⲡⲓⲣⲱⲙⲉ ⲛⲟⲩⲱⲧ ⲓⲏⲥ ⲡⲉⲭⲥ ⲁⲥⲁϣⲁⲓ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉϩⲁϩ
Ngunit gayunpaman, ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagkakasala. Sapagkat kung sa pamamagitan ng pagkakasala ng isa ay namatay ang marami, mas higit pa na sumagana para sa marami ang biyaya ng Diyos at ang kaloob sa pamamagitan ng biyaya ng isang tao na si Jesu-Cristo.
16 ⲓ̅ⲋ̅ ⲁⲩⲱ ⲛⲑⲉ ⲁⲛ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲓⲟⲩⲁ ⲛⲟⲩⲱⲧ ⲉⲛⲧⲁϥⲣⲛⲟⲃⲉ ⲡⲉ ⲡⲉⲧⲙⲁⲉⲓⲟ ⲛⲧⲁⲡϩⲁⲡ ⲅⲁⲣ ϣⲱⲡⲉ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲟⲩⲁ ⲉⲩⲧϭⲁⲉⲓⲟ ⲡⲉⲭⲁⲣⲓⲥⲙⲁ ⲇⲉ ⲛⲧⲟϥ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ϩⲁϩ ⲛⲛⲟⲃⲉ ⲡⲉ ⲉⲩⲧⲙⲁⲓⲟ
Sapagkat ang kaloob ay hindi tulad ng kinahantungan ng nagkasala. Sa isang banda, dumating ang paghatol ng kaparusahan dahil sa pagkakasala ng isang tao. Ngunit sa kabilang banda, ang kaloob na nagbubunga ng pagpapawalang-sala ay dumating pagkatapos ng maraming pagkakasala.
17 ⲓ̅ⲍ̅ ⲉϣϫⲉ ϩⲣⲁⲓ ⲅⲁⲣ ϩⲙ ⲡⲛⲟⲃⲉ ⲙⲡⲓⲟⲩⲁ ⲛⲟⲩⲱⲧ ⲁⲡⲙⲟⲩ ⲣⲣⲣⲟ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲓⲟⲩⲁ ⲛϩⲟⲩⲟ ϭⲉ ⲉⲙⲁⲧⲉ ⲛⲉⲧϫⲓ ⲙⲡⲉϩⲟⲩⲟ ⲛⲧⲉⲭⲁⲣⲓⲥ ⲙⲛ ⲧⲇⲓⲕⲁⲓⲟⲥⲩⲛⲏ ⲥⲉⲛⲁⲣⲣⲣⲟ ϩⲙ ⲡⲱⲛϩ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲓⲟⲩⲁ ⲡⲉⲭⲥ ⲓⲏⲥ
Sapagkat kung sa pamamagitan ng pagkakasala ng isa, ang kamatayan ay naghari sa pamamagitan ng isa, mas lalo nang maghahari ang mga tatanggap ng kasaganahan ng biyaya at ng kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng buhay ng isa na si Jesu-Cristo.
18 ⲓ̅ⲏ̅ ⲁⲣⲁ ϭⲉ ⲡⲡⲁⲣⲁⲡⲧⲱⲙⲁ ϩⲱⲥ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲛ ⲟⲩⲁ ⲡⲉ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲣⲱⲙⲉ ⲛⲓⲙ ⲉⲩⲧϭ ⲁⲉⲓⲟ ⲧⲁⲓ ⲟⲛ ⲧⲉ ⲑⲉ ⲙⲡⲉⲧⲙⲁⲓⲟ ⲉⲩⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲛ ⲟⲩⲁ ⲡⲉ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲣⲱⲙⲉ ⲛⲓⲙ ⲉⲩⲧⲙⲁⲉⲓⲟ ⲛⲱⲛϩ
Kung gayon, dahil sa pagkakasala ng isa, ang lahat ng tao ay dumating sa kaparusahan, gayon din sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran ay dumating ang pagpapawalang-sala ng buhay para sa lahat ng tao.
19 ⲓ̅ⲑ̅ ⲛⲑⲉ ⲅⲁⲣ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲛ ⲧⲙⲛⲧⲁⲧⲥⲱⲧⲙ ⲙⲡⲓⲣⲱⲙⲉ ⲛⲟⲩⲱⲧ ⲛⲧⲁϩⲁϩ ⲛⲣⲉϥⲣⲛⲟⲃⲉ ϣⲱⲡⲉ ⲧⲁⲓ ⲟⲛ ⲧⲉ ⲑⲉ ϩⲓⲧⲛ ⲧⲙⲛⲧⲥⲧⲙⲏⲧ ⲙⲡⲓⲟⲩⲁ ⲡⲉϩⲟⲩⲟ ⲛⲁϣⲱⲡⲉ ⲛⲇⲓⲕⲁⲓⲟⲥ
Dahil sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, ang lahat ay naging makasalanan, gayon din naman sa pamamagitan ng pagsunod ng isa, marami ang naging matuwid.
20 ⲕ̅ ⲛⲧⲁ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲇⲉ ⲉⲓ ⲉϩⲟⲩⲛ ϫⲉ ⲉⲣⲉⲡⲡⲁⲣⲁⲡⲧⲱⲙⲁ ⲣϩⲟⲩⲟ ⲡⲉⲛⲧⲁ ⲡⲉϥⲛⲟⲃⲉ ⲁϣⲁⲓ ⲁⲡⲉϩⲙⲟⲧ ⲣϩⲟⲩⲉ ⲁϣⲁⲓ ⲛⲁϥ
Ngunit dumating ang kautusan, upang sa gayon ang pagkakasala ay managana. Ngunit sa pananagana ng kasalanan, higit na nanagana ang biyaya.
21 ⲕ̅ⲁ̅ ϫⲉⲕⲁⲥ ⲕⲁⲧⲁ ⲑⲉ ⲉⲛⲧⲁ ⲡⲛⲟⲃⲉ ⲣⲣⲣⲟ ϩⲙ ⲡⲙⲟⲩ ⲉⲣⲉⲧⲉⲭⲁⲣⲓⲥ ⲟⲛ ⲣⲣⲣⲟ ⲛⲧⲉⲉⲓϩⲉ ϩⲓⲧⲛ ⲧⲇⲓⲕⲁⲓⲟⲥⲩⲛⲏ ⲉⲩⲱⲛϩ ϣⲁ ⲉⲛⲉϩ ϩⲓⲧⲛ ⲓⲏⲥ ⲡⲉⲭⲥ ⲡⲉⲛϫⲟⲉⲓⲥ (aiōnios )
Nangyari ito upang, gaya ng kamatayan na naghahari sa kamatayan, gayon din naman ang biyaya ay maghari sa pamamagitan ng katuwiran para sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon. (aiōnios )