< ⲚⲒⲢⲰⳘⲈⲞⲤ 2 >
1 ⲁ̅ ⲉⲧⲃⲉ ⲡⲁⲓ ⲙⲛⲧⲕϣⲁϫⲉ ⲙⲙⲁⲩ ⲉϫⲱ ⲱ ⲡⲣⲱⲙⲉ ⲟⲩⲟⲛ ⲛⲓⲙ ⲉⲧⲕⲕⲣⲓⲛⲉ ϩⲙ ⲡϩⲁⲡ ⲅⲁⲣ ⲉⲕⲕⲣⲓⲛⲉ ⲛⲕⲉⲟⲩⲁ ⲛϩⲏⲧϥ ⲕϭⲁⲓⲟ ⲙⲙⲟⲕ ⲟⲩⲁⲁⲕ ⲕⲉⲓⲣⲉ ⲅⲁⲣ ϩⲱⲱⲕ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲡⲉⲧⲕⲕⲣⲓⲛⲉ
Kaya wala kang maidadahilan, ikaw tao, ikaw na humahatol, sapagkat kung ano ang hatol mo sa iba, iyon ang hatol mo sa iyong sarili. Sapagkat ikaw na humahatol ay gumagawa din ng ganoong mga bagay.
2 ⲃ̅ ⲧⲛⲥⲟⲟⲩⲛ ⲅⲁⲣ ϫⲉ ⲡϩⲁⲡ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ϣⲟⲟⲡ ⲙⲙⲉ ⲉϫⲛ ⲛⲉⲧⲉⲓⲣⲉ ⲛⲛⲁⲓ ⲛⲧⲉⲉⲓⲙⲓⲛⲉ
Ngunit alam natin na ang hatol ng Diyos ay ayon sa katotohanan kapag ito ay bumaba sa mga gumagawa ng ganoong mga bagay.
3 ⲅ̅ ⲉⲕⲙⲉⲉⲩⲉ ⲇⲉ ⲉⲡⲁⲓ ⲱ ⲡⲣⲱⲙⲉ ⲡⲉⲧⲕⲕⲣⲓⲛⲉ ⲛⲛⲉⲧⲉⲓⲣⲉ ⲛⲧⲉⲉⲓϩⲉ ⲁⲩⲱ ⲉⲕⲉⲓⲣⲉ ⲙⲙⲟⲟⲩ ϫⲉ ⲕⲛⲁⲣⲃⲟⲗ ⲛⲧⲟⲕ ⲉⲡϩⲁⲡ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Ngunit isipin mo ito, ikaw tao, ikaw na humahatol sa mga gumagawa ng mga bagay na ganoon, kahit na ginagawa mo rin ang ganoong mga bagay. Makatatakas ka ba sa hatol ng Diyos?
4 ⲇ̅ ϫⲛ ⲙⲙⲟⲛ ⲉⲕⲕⲁⲧⲁⲫⲣⲟⲛⲓ ⲛⲧⲙⲛⲧⲣⲙⲙⲁⲟ ⲛⲧⲉϥⲙⲛⲧⲭⲣⲏⲥⲧⲟⲥ ⲙⲛ ⲧⲉϥⲁⲛⲟⲭⲏ ⲁⲩⲱ ⲧⲉϥⲙⲛⲧϩⲁⲣϣϩⲏⲧ ⲉⲕⲟ ⲛⲁⲧⲥⲟⲟⲩⲛ ϫⲉ ⲉⲣⲉⲧⲙⲛⲧⲭⲣⲏⲥⲧⲟⲥ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲉⲓⲛⲉ ⲙⲙⲟⲕ ⲉⲩⲙⲉⲧⲁⲛⲟⲓⲁ
O hinahamak mo ang yaman ng kaniyang kabutihan, ang mga naantala niyang parusa, at ang kaniyang pagtitiyaga? Hindi mo ba alam na ang kaniyang kabutihan ay siyang aakay sa iyo sa pagsisisi?
5 ⲉ̅ ⲕⲁⲧⲁ ⲡⲉⲕⲛϣⲟⲧ ⲇⲉ ⲙⲛ ⲡⲉⲕϩⲏⲧ ⲉⲧⲉⲛϥⲙⲉⲧⲁⲛⲟⲓ ⲁⲛ ⲉⲕⲥⲱⲟⲩϩ ⲛⲁⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲛⲟⲩⲟⲣⲅⲏ ϩⲙ ⲡⲉϩⲟⲟⲩ ⲛⲧⲟⲣⲅⲏ ⲙⲛ ⲡϭⲱⲗⲡ ⲉⲃⲟⲗ ⲙⲡϩⲁⲡ ⲙⲙⲉ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Ngunit ayon sa lawak ng iyong katigasan at iyong pusong walang pagsisisi ay nag-iimbak ka para sa iyong sarili ng poot sa araw ng poot, iyon ay, ang araw ng paghahayag ng matuwid na paghatol ng Diyos.
6 ⲋ̅ ⲡⲁⲓ ⲉⲧⲛⲁⲧⲱⲱⲃⲉ ⲙⲡⲟⲩⲁ ⲡⲟⲩⲁ ⲕⲁⲧⲁ ⲛⲉϥϩⲃⲏⲩⲉ
Magbibigay siya sa bawat tao ayon sa kaniyang ginawa:
7 ⲍ̅ ⲛⲉⲧϣⲟⲟⲡ ⲙⲉⲛ ⲕⲁⲧⲁ ⲑⲩⲡⲟⲙⲟⲛⲏ ⲙⲡϩⲱⲃ ⲉⲧⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲉⲧϣⲓⲛⲉ ⲛⲥⲁ ⲡⲉⲟⲟⲩ ⲙⲛ ⲡⲧⲁⲉⲓⲟ ⲙⲛⲧⲙⲛⲧⲁⲧⲧⲁⲕⲟ ⲛⲟⲩⲱⲛϩ ϣⲁ ⲉⲛⲉϩ (aiōnios )
sa mga patuloy na gumagawa ng mga mabubuting bagay na naghangad ng papuri, karangalan at ng hindi pagkasira, bibigyan niya ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
8 ⲏ̅ ⲛⲉⲃⲟⲗ ⲇⲉ ϩⲛ ⲟⲩϯⲧⲱⲛ ⲉⲧⲟ ⲛⲁⲧⲥⲱⲧⲙ ⲛⲥⲁ ⲧⲙⲉ ⲉⲧⲡⲓⲑⲉ ⲇⲉ ⲉⲡϫⲓ ⲛϭⲟⲛⲥ ⲟⲩⲟⲣⲅⲏ ⲙⲛ ⲟⲩϭⲱⲛⲧ
Ngunit para sa mga makasarili, mga taong hindi sumusunod sa katotohanan ngunit sumusunod sa kalikuan, darating ang matinding galit at poot.
9 ⲑ̅ ⲙⲛ ⲟⲩⲑⲗⲓⲯⲓⲥ ⲙⲛ ⲟⲩⲗⲱϫϩ ⲉϫⲛ ⲯⲩⲭⲏ ⲛⲓⲙ ⲛⲣⲱⲙⲉ ⲉⲧⲣϩⲱⲃ ⲉⲡⲡⲉⲑⲟⲟⲩ ⲧⲁ ⲡⲓⲟⲩⲇⲁⲓ ⲛϣⲟⲣⲡ ⲙⲛ ⲡⲟⲩⲉⲓⲉⲛⲓⲛ
Magdadala ang Diyos ng pagdurusa at paghihirap sa bawat kaluluwa ng taong gumagawa ng masama, una sa mga Judio at gayon din sa mga Griyego.
10 ⲓ̅ ⲡⲉⲟⲟⲩ ⲇⲉ ⲙⲛ ⲡⲧⲁⲉⲓⲟ ⲙⲛ ϯⲣⲏⲛⲏ ⲛⲟⲩⲟⲛ ⲛⲓⲙ ⲉⲧⲣϩⲱⲃ ⲉⲡⲡⲉⲧⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲙⲡⲓⲟⲩⲇⲁⲓ ⲛϣⲟⲣⲡ ⲙⲛ ⲡⲟⲩⲉⲓⲉⲛⲓⲛ
Subalit kapurihan, karangalan at kapayapaan ang darating sa mga taong gumagawa ng mabuti, una sa mga Judio at gayon din sa mga Griyego.
11 ⲓ̅ⲁ̅ ⲙⲛϫⲓϩⲟ ⲅⲁⲣ ϩⲁⲧⲙ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Sapagkat walang pinapanigan ang Diyos.
12 ⲓ̅ⲃ̅ ⲛⲉⲛⲧⲁⲩⲣⲛⲟⲃⲉ ⲅⲁⲣ ⲁϫⲛ ⲛⲟⲙⲟⲥ ⲉⲩⲛⲁϩⲉ ⲟⲛ ⲉⲃⲟⲗ ⲁϫⲛ ⲛⲟⲙⲟⲥ ⲁⲩⲱ ⲛⲉⲛⲧⲁⲩⲣⲛⲟⲃⲉ ϩⲙ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲉⲩⲛⲁⲕⲣⲓⲛⲉ ⲙⲙⲟⲟⲩ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ
Sapagkat ang lahat ng nagkasala na wala ang kautusan ay mamamatay rin ng wala ang kautusan, at ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng kautusan ay hahatulan ayon sa kautusan.
13 ⲓ̅ⲅ̅ ⲛⲉⲧⲥⲱⲧⲙ ⲅⲁⲣ ⲁⲛ ⲉⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲛⲉ ⲛⲇⲓⲕⲁⲓⲟⲥ ⲛⲛⲁϩⲣⲙ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲁⲗⲗⲁ ⲛⲉⲧⲉⲓⲣⲉ ⲙⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲛⲉⲧⲟⲩⲛⲁⲧⲙⲁⲉⲓⲟⲟⲩ
Sapagkat hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang matuwid sa harapan ng Diyos, kundi ang mga gumagawa ng kautusan ang mapapawalang-sala.
14 ⲓ̅ⲇ̅ ϩⲟⲧⲁⲛ ⲅⲁⲣ ⲛϩⲉⲑⲛⲟⲥ ⲉⲧⲉⲙⲛⲧⲟⲩ ⲛⲟⲙⲟⲥ ⲫⲩⲥⲉⲓ ⲥⲉⲉⲓⲣⲉ ⲛⲛⲁ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲛⲁⲓ ⲉⲧⲉⲙⲛⲧⲟⲩ ⲛⲟⲙⲟⲥ ⲥⲉϣⲟⲟⲡ ⲛⲁⲩ ⲛⲛⲟⲙⲟⲥ ⲙⲁⲩⲁⲁⲩ
Sapagkat kapag ang mga Gentil na walang kautusan ay likas na ginagawa ang mga bagay ng kautusan, sila, ay kautusan sa kanilang mga sarili, kahit na wala sa kanila ang kautusan.
15 ⲓ̅ⲉ̅ ⲛⲁⲓ ⲉⲩⲧⲟⲩⲟ ⲙⲙⲟⲕ ⲉⲡϩⲱⲃ ⲙⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲉϥⲥⲏϩ ϩⲙ ⲡⲉⲩϩⲏⲧ ⲉⲣⲉⲧⲉⲩⲥⲩⲛⲓⲇⲏⲥⲓⲥ ⲣⲙⲛⲧⲣⲉ ⲛⲙⲙⲁⲩ ⲁⲩⲱ ⲛⲧⲙⲏⲧⲉ ⲛⲛⲉⲩⲙⲟⲕⲙⲉⲕ ϩⲓ ⲟⲩⲥⲟⲡ ⲉⲩⲅⲁⲧⲏⲅⲟⲣⲓ ⲏ ⲟⲛ ⲉⲩⲟⲩⲱϩⲙ
Sa pamamagitan nito, ipinapakita nila na ang mga gawang hinihingi ng kautusan ay nakasulat sa kanilang mga puso. Pinatotohanan din ito ng kanilang mga budhi, at pinararatangan o ipinagtatanggol sila ng kanilang isipan sa kanilang sarili
16 ⲓ̅ⲋ̅ ϩⲙ ⲡⲉϩⲟⲟⲩ ⲉⲧⲉⲣⲉⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲛⲁⲕⲣⲓⲛⲉ ⲙⲛ ⲡⲉⲑⲏⲡ ⲛⲛⲣⲱⲙⲉ ⲕⲁⲧⲁ ⲡⲁⲉⲩⲁⲅⲅⲉⲗⲓⲟⲛ ϩⲓⲧⲛ ⲓⲏⲥ ⲡⲉⲭⲥ
at pati na rin sa Diyos. Mangyayari iyan sa araw na hahatulan ng Diyos ang mga lihim ng lahat ng tao, ayon sa aking ebanghelyo, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
17 ⲓ̅ⲍ̅ ⲉϣϫⲉ ⲛⲧⲟⲕ ⲇⲉ ⲉⲩⲙⲟⲩⲧⲉ ⲉⲣⲟⲕ ϫⲉ ⲡⲓⲟⲩⲇⲁⲓ ⲁⲩⲱ ⲕⲙⲧⲟⲛ ⲙⲙⲟⲕ ϩⲙ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲕϣⲟⲩϣⲟⲩ ⲙⲙⲟⲕ ϩⲙ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Ipagpalagay na tinatawag mong Judio ang iyong sarili, nananalig sa kautusan, nagagalak nang may pagmamalaki sa Diyos,
18 ⲓ̅ⲏ̅ ⲁⲩⲱ ⲕⲥⲟⲟⲩⲛ ⲙⲡⲉϥⲟⲩⲱϣ ⲕⲇⲟⲕⲓⲙⲁⲍⲉ ⲛⲛⲉⲧⲣⲛⲟϥⲣⲉ ⲉⲩⲧⲥⲁⲃⲟ ⲙⲙⲟⲕ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ
nalalaman ang kaniyang kalooban at sinusubok ang mga bagay na hindi sang-ayon dito sapagkat tinuruan ka ng kautusan.
19 ⲓ̅ⲑ̅ ⲉⲕⲛⲁϩⲧⲉ ⲉⲣⲟⲕ ϫⲉ ⲉⲕⲟ ⲛϫⲁⲩⲙⲟⲉⲓⲧ ⲛⲛⲃⲗⲗⲉ ⲛⲟⲩⲟⲉⲓⲛ ⲛⲛⲉⲧϩⲙ ⲡⲕⲁⲕⲉ
At ipagpalagay na ikaw ay nakatitiyak na ikaw mismo ay taga-akay ng mga bulag, isang ilaw sa mga nasa kadiliman,
20 ⲕ̅ ⲛⲣⲉϥϯ ⲥⲃⲱ ⲛⲁⲑⲏⲧ ⲛⲥⲁϩ ⲛⲛϣⲏⲣⲉ ϣⲏⲙ ⲉⲩⲛⲧⲁⲕ ⲙⲙⲁⲩ ⲙⲡϩⲣⲃ ⲙⲡⲥⲟⲟⲩⲛ ⲛⲧⲙⲉ ϩⲙ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ
tagapagturo ng mga mangmang, guro ng mga sanggol, at sa kautusan ay mayroon kang anyo ng kaalaman at ng katotohanan.
21 ⲕ̅ⲁ̅ ⲡⲉⲧϯ ⲥⲃⲱ ϭⲉ ⲛⲕⲉⲟⲩⲁ ⲉⲧⲃⲉ ⲟⲩ ⲛⲅϯ ⲥⲃⲱ ⲛⲁⲕ ⲁⲛ ⲡⲉⲧⲧⲁϣⲉⲟⲉⲓϣ ϫⲉ ⲙⲡⲣϫⲓ ⲟⲩⲉ ⲕϫⲓⲟⲩⲉ
Ikaw, kung gayon, na nagtuturo sa iba, hindi mo ba tinuturuan ang iyong sarili? Ikaw na nangangaral na huwag magnakaw, nagnanakaw ka ba?
22 ⲕ̅ⲃ̅ ⲡⲉⲧϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⲙⲡⲣⲣⲛⲟⲉⲓⲕ ⲕⲟ ⲛⲛⲟⲉⲓⲕ ⲡⲉⲧϥⲱⲧⲉ ⲛⲛⲉⲓⲇⲱⲗⲟⲛ ⲕϣⲱⲗ ⲛⲛⲉⲣⲡⲏⲩⲉ
Ikaw na nagsasabing huwag mangangalunya, nangangalunya ka ba? Ikaw na namumuhi sa mga diyus-diyosan, ninanakawan mo ba ang mga templo?
23 ⲕ̅ⲅ̅ ⲉⲕϣⲟⲩϣⲟⲩ ⲙⲙⲟⲕ ϩⲙ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲧⲣⲉⲕⲡⲁⲣⲁⲃⲁ ⲙⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲕⲥⲱϣ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Ikaw na nagagalak na may pagmamataas sa kautusan, nilalapastangan mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng iyong paglabag sa kautusan?
24 ⲕ̅ⲇ̅ ⲡⲣⲁⲛ ⲅⲁⲣ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲉⲩϫⲓⲟⲩⲁ ⲉⲣⲟϥ ϩⲛ ⲛϩⲉⲑⲛⲟⲥ ⲉⲧⲃⲉ ⲧⲏⲩⲧⲛ ⲕⲁⲧⲁ ⲑⲉ ⲉⲧⲥⲏϩ
Sapagkat “ang pangalan ng Diyos ay nilalapastangan sa mga Gentil dahil sa iyo,” tulad ng nasusulat.
25 ⲕ̅ⲉ̅ ⲡⲥⲃⲃⲉ ⲅⲁⲣ ⲣⲛⲟϥⲣⲉ ⲉⲕϣⲁⲛⲣ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲉϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲛⲧⲕ ⲟⲩⲡⲁⲣⲁⲃⲁⲧⲏⲥ ⲛⲧⲉ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲁⲡⲉⲕⲥⲃⲃⲉ ϣⲱⲡⲉ ⲙⲙⲛⲧⲁⲧⲥⲃⲃⲉ
Sapagkat tunay na pinakikinabangan mo ang pagtutuli kung sinusunod mo ang kautusan, ngunit kung ikaw ay tagalabag ng kautusan, ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli.
26 ⲕ̅ⲋ̅ ⲉϣⲱⲡⲉ ϭⲉ ⲉⲣϣⲁⲛⲧⲙⲛⲧⲁⲧⲥⲃⲃⲉ ϩⲁⲣⲉϩ ⲉⲛⲇⲓⲕⲁⲓⲱⲙⲁ ⲙⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲉⲛⲥⲉⲛⲁⲉⲡ ⲧⲉϥⲙⲛⲧⲁⲧⲥⲃⲃⲉ ⲁⲛ ⲡⲉ ⲉⲩⲥⲃⲃⲉ
Kung sinusunod ng taong hindi tuli ang mga hinihingi ng kautusan, hindi ba maituturing na pagtutuli ang kaniyang hindi pagtutuli?
27 ⲕ̅ⲍ̅ ⲛⲧⲉⲧⲙⲛⲧⲁⲧⲥⲃⲃⲉ ⲧⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲧⲉⲫⲩⲥⲓⲥ ⲉⲁⲥϫⲉⲕ ⲡⲛⲟⲙⲟⲥ ⲉⲃⲟⲗ ⲛⲥⲕⲣⲓⲛⲉ ⲙⲙⲟⲕ ⲡⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲉⲥϩⲁⲓ ⲙⲛ ⲡⲥⲃⲃⲉ ⲉⲧⲟ ⲙⲡⲁⲣⲁⲃⲁⲧⲏⲥ ⲙⲡⲛⲟⲙⲟⲥ
At hindi ka ba hahatulan ng taong likas na hindi tuli kung tutuparin niya ang kautusan? Sapagkat nasa iyo ang mga kasulatang nasusulat at ang pagtutuli subalit tagalabag kayo ng kautusan!
28 ⲕ̅ⲏ̅ ⲙⲡⲓⲟⲩⲇⲁⲓ ⲅⲁⲣ ⲉⲧⲟⲩⲟⲛϩ ⲉⲃⲟⲗ ⲡⲉ ⲡⲓⲟⲩⲇⲁⲓ ⲟⲩⲇⲉ ⲙⲡⲥⲃⲃⲉ ⲁⲛ ⲉⲧⲟⲩⲟⲛϩ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲧⲥⲁⲣⲝ ⲡⲉ ⲡⲥⲃⲃⲉ
Sapagkat hindi siya isang Judio, siya na sa panlabas lamang; hindi rin sa pagtutuli na panlabas lamang sa laman.
29 ⲕ̅ⲑ̅ ⲁⲗⲗⲁ ⲡⲓⲟⲩⲇⲁⲓ ⲉⲑⲏⲡ ⲡⲉ ⲡⲓⲟⲩⲇⲁⲓ ⲁⲩⲱ ⲡⲥⲃⲃⲉ ⲡⲉ ⲡⲥⲃⲃⲉ ⲙⲡϩⲏⲧ ϩⲛ ⲟⲩⲡⲛⲁ ϩⲛ ⲟⲩⲥϩⲁⲓ ⲁⲛ ⲡⲁⲓ ⲉⲧⲉⲣⲉⲡⲉϥⲧⲁⲉⲓⲟ ϣⲟⲟⲡ ⲁⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲛⲣⲱⲙⲉ ⲁⲗⲗⲁ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Ngunit siya ay Judio, siya na isang Judio sa panloob, at ang pagtutuli ay sa puso, sa espiritu at hindi sa titik. Ang kapurihan ng ganoong tao ay nagmumula hindi sa mga tao kundi sa Diyos.