< ⳘⲀⲦⲐⲈⲞⲚ 18 >
1 ⲁ̅ ϩⲛ ⲧⲉⲩⲛⲟⲩ ⲉⲧⲙⲙⲁⲩ ⲁⲙⲙⲁⲑⲏⲧⲏⲥ ϯⲡⲉⲩⲟⲩⲟⲓ ⲉⲓⲏⲥ ⲉⲩϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⲛⲓⲙ ⲁⲣⲁ ⲡⲉ ⲡⲛⲟϭ ϩⲛ ⲧⲙⲛⲧⲣⲣⲟ ⲛⲙⲡⲏⲩⲉ
Sa oras ding iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at sinabi, “Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?”
2 ⲃ̅ ⲁϥⲙⲟⲩⲧⲉ ⲇⲉ ⲛϭⲓ ⲓⲏⲥ ⲉⲩϣⲏⲣⲉ ϣⲏⲙ ⲁϥⲧⲁϩⲟϥ ⲉⲣⲁⲧϥ ϩⲛ ⲧⲉⲩⲙⲏⲧⲉ
Tinawag ni Jesus ang isang bata sa kaniya, at inilagay niya sa kanilang kalagitnaan,
3 ⲅ̅ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁⲩ ϫⲉ ϩⲁⲙⲏⲛ ϯϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲏⲧⲛ ϫⲉ ⲉⲓ ⲙⲏⲧⲓ ⲛⲧⲉⲧⲛⲕⲉⲧ ⲧⲏⲩⲧⲛ ⲛⲧⲉⲧⲛⲣ ⲑⲉ ⲛⲛⲉⲓϣⲏⲣⲉ ϣⲏⲙ ⲛⲛⲉⲧⲛⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲧⲙⲛⲧⲣⲣⲟ ⲛⲙⲡⲏⲩⲉ
at sinabi, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, maliban na lamang kung kayo ay magsisi at maging katulad ng mga maliliit na bata, hindi talaga kayo makapapasok sa kaharian ng langit.
4 ⲇ̅ ⲡⲉⲧⲛⲁⲑⲃⲃⲓⲟϥ ⲇⲉ ⲛⲑⲉ ⲙⲡⲓϣⲏⲣⲉ ϣⲏⲙ ⲡⲁⲓ ⲡⲉ ⲡⲛⲟϭ ϩⲛ ⲧⲙⲛⲧⲣⲣⲟ ⲛⲙⲡⲏⲩⲉ
Kaya kung sinuman ang nagpapakumbaba sa kaniyang sarili katulad ng maliit na batang ito, ang taong iyon ang pinakadakila sa kaharian ng langit.
5 ⲉ̅ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲧⲛⲁϣⲱⲡ ⲉⲣⲟϥ ⲛⲟⲩϣⲏⲣⲉ ϣⲏⲙ ⲛⲧⲉⲓϩⲉ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉϫⲙ ⲡⲁⲣⲁⲛ ⲉϥϣⲱⲡ ⲙⲙⲟⲓ ⲉⲣⲟϥ
At sinumang tumatanggap sa katulad ng maliit na batang ito alang-alang sa aking pangalan ay tinatanggap ako.
6 ⲋ̅ ⲡⲉⲧⲛⲁⲥⲕⲁⲛⲇⲁⲗⲓⲍⲉ ⲇⲉ ⲛⲟⲩⲁ ⲛⲛⲉⲓⲕⲟⲩⲓ ⲉⲧⲡⲓⲥⲧⲉⲩⲉ ⲉⲣⲟⲓ ⲥⲉⲣⲛⲟϥⲣⲉ ⲛⲁϥ ϫⲉⲕⲁⲥ ⲉⲩⲉⲙⲟⲩⲣ ⲛⲟⲩⲱⲛⲉ ⲛⲥⲓⲕⲉ ⲉⲡⲉϥⲙⲁⲕϩ ⲛⲥⲉⲟⲙⲥϥ ϩⲣⲁⲓ ϩⲙ ⲡⲡⲉⲗⲁⲅⲟⲥ ⲛⲧⲉⲑⲁⲗⲁⲥⲥⲁ
Ngunit ang sinuman ang magiging sanhi ng pagkakasala ng isa sa mga maliliit na bata na sumampalataya sa akin, mas mabuti para sa kaniya na talian ang leeg ng malaking batong gilingan, at dapat siyang ilubog sa kailaliman ng dagat.
7 ⲍ̅ ⲟⲩⲟⲓ ⲙⲡⲕⲟⲥⲙⲟⲥ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲛⲉⲥⲕⲁⲛⲇⲁⲗⲟⲛ ⲁⲛⲁⲅⲕⲏ ⲅⲁⲣ ⲉⲧⲣⲉⲛⲉⲥⲕⲁⲛⲇⲁⲗⲟⲛ ⲉⲓ ⲡⲗⲏⲛ ⲟⲩⲟⲓ ⲙⲡⲣⲱⲙⲉ ⲉⲧⲙⲙⲁⲩ ⲡⲉⲧⲉⲣⲉ ⲡⲉⲥⲕⲁⲛⲇⲁⲗⲟⲛ ⲛⲏⲩ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲟⲟⲧϥ
Sa aba sa sanlibutan dahil sa panahon ng pagkatisod! Sapagkat kinakailangang dumating ang mga panahong iyon, ngunit sa aba sa taong sanhi ng pinanggalingan nito!
8 ⲏ̅ ⲉϣϫⲉ ⲧⲉⲕϭⲓϫ ⲏ ⲧⲉⲕⲟⲩⲉⲣⲏⲧⲉ ⲥⲕⲁⲛⲇⲁⲗⲓⲍⲉ ⲙⲙⲟⲕ ϣⲁⲁⲧⲥ ⲛⲅⲛⲟϫⲥ ⲛⲥⲁⲃⲟⲗ ⲙⲙⲟⲕ ⲛⲁⲛⲟⲩⲥ ⲅⲁⲣ ⲛⲁⲕ ⲉⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲡⲱⲛϩ ⲉⲕⲟ ⲛϭⲁⲗⲉ ⲏ ⲉⲕⲟ ⲛϭⲁⲛⲁϩ ⲏ ⲉⲣⲉⲧⲉⲕϭⲓϫ ⲥⲛⲧⲉ ⲙⲙⲟⲕ ⲏ ⲟⲩⲉⲣⲏⲧⲉ ⲥⲛⲧⲉ ⲛⲥⲉⲛⲟϫⲕ ⲉⲧⲥⲁⲧⲉ ⲛϣⲁ ⲉⲛⲉϩ (aiōnios )
Kung ang iyong kamay o mga paa ay nagiging sanhi ng inyong pagkatisod, putulin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may kapansanan o lumpo, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang kamay o dalawang paa. (aiōnios )
9 ⲑ̅ ⲁⲩⲱ ⲉϣϫⲉ ⲡⲉⲕⲃⲁⲗ ⲥⲕⲁⲛⲇⲁⲗⲓⲍⲉ ⲙⲙⲟⲕ ⲡⲟⲣⲕϥ ⲛⲅⲛⲟϫϥ ⲛⲥⲁⲃⲟⲗ ⲙⲙⲟⲕ ⲛⲁⲛⲟⲩⲥ ⲅⲁⲣ ⲛⲁⲕ ⲉⲣⲉⲟⲩⲃⲁⲗ ⲛⲟⲩⲱⲧ ⲙⲙⲟⲕ ⲉⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲡⲱⲛϩ ⲉϩⲟⲩⲉⲉⲣⲉⲃⲁⲗ ⲥⲛⲁⲩ ⲙⲙⲟⲕ ⲛⲥⲉⲛⲟϫⲕ ⲉⲧⲅⲉϩⲉⲛⲛⲁ ⲛⲥⲁⲧⲉ (Geenna )
Kung ang inyong mga mata ay maging dahilan ng inyong pagkatisod, dukutin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang mata. (Geenna )
10 ⲓ̅ ϭⲱϣⲧ ⲙⲡⲣⲕⲁⲧⲁⲫⲣⲟⲛⲉⲓ ⲛⲟⲩⲁ ⲛⲛⲉⲓⲕⲟⲩⲓ ϯϫⲱ ⲅⲁⲣ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲏⲧⲛ ϫⲉ ⲛⲉⲩⲁⲅⲅⲉⲗⲟⲥ ϭⲱϣⲧ ⲛⲟⲩⲟⲉⲓϣ ⲛⲓⲙ ϩⲛ ⲙⲡⲏⲩⲉ ⲉⲡϩⲟ ⲙⲡⲁⲉⲓⲱⲧ ⲉⲧϩⲛ ⲙⲡⲏⲩⲉ
Tingnan ninyo na huwag ninyong hahamakin kahit na isa sa mga maliliit na bata. Sapagkat sasabihin ko sa inyo na sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nakatingin sa mukha ng aking Amang nasa langit. (
Sapagkat pumarito ang Anak ng Tao upang maligtas ang mga nawawala.)
12 ⲓ̅ⲃ̅ ⲟⲩ ⲡⲉⲧⲥⲇⲟⲕⲉⲓ ⲛⲏⲧⲛ ⲉϣⲱⲡⲉ ⲟⲩⲣⲱⲙⲉ ⲉϥϣⲁⲛⲕⲱ ⲛⲁϥ ⲛϣⲉ ⲛⲉⲥⲟⲟⲩ ⲛⲧⲉⲟⲩⲁ ⲥⲱⲣⲙ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϩⲏⲧⲟⲩ ⲙⲏ ⲛϥⲛⲁⲕⲱ ⲁⲛ ⲙⲡⲉⲓⲡⲥⲧⲁⲓⲟⲩⲯⲓⲥ ⲛⲉⲥⲟⲟⲩ ϩⲓϫⲛ ⲛⲧⲟⲟⲩ ⲛϥⲃⲱⲕ ⲛϥϣⲓⲛⲉ ⲛⲥⲁⲡⲉⲧⲥⲱⲣⲙ
Ano sa palagay ninyo? Kung may isang taong mayroong isandaang tupa, at ang isa ay naligaw, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa burol at maghahanap sa isang naliligaw?
13 ⲓ̅ⲅ̅ ⲁⲩⲱ ⲉⲥϣⲁⲛϣⲱⲡⲉ ⲛϥϩⲉ ⲉⲣⲟϥ ϩⲁⲙⲏⲛ ϯϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲏⲧⲛ ϫⲉ ϣⲁϥⲣⲁϣⲉ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉϫⲱϥ ⲉϩⲟⲩⲉⲡⲉⲓⲡⲥⲧⲁⲓⲟⲩⲯⲓⲥ ⲉⲧⲙⲡⲟⲩⲥⲱⲣⲙ
At kung matagpuan niya ito, totoo itong sinasabi ko sa inyo, ikagagalak niya ito higit sa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.
14 ⲓ̅ⲇ̅ ⲧⲁⲓ ⲧⲉ ⲑⲉ ⲙⲡⲟⲩⲱϣ ⲁⲛ ⲡⲉ ⲙⲡⲉⲙⲧⲟ ⲉⲃⲟⲗ ⲙⲡⲁⲉⲓⲱⲧ ⲉⲧϩⲛ ⲙⲡⲏⲩⲉ ϫⲉⲕⲁⲥ ⲉϥⲉϩⲉ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϭⲓ ⲟⲩⲁ ⲛⲛⲉⲓⲕⲟⲩⲓ
Sa gayon ding paraan, hindi ito ang kalooban ng inyong Ama na nasa langit na ang isa sa mga maliliit na batang ito ay mapahamak.
15 ⲓ̅ⲉ̅ ⲉϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲉⲣϣⲁⲛⲡⲉⲕⲥⲟⲛ ⲣⲛⲟⲃⲉ ⲃⲱⲕ ⲛⲅϫⲡⲉⲓⲟϥ ⲟⲩⲧⲱⲕ ⲟⲩⲧⲱϥ ⲙⲁⲩⲁⲁⲕ ⲉϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲉϥϣⲁⲛⲥⲱⲧⲙ ⲛⲥⲱⲕ ⲁⲕϯϩⲏⲩ ⲙⲡⲉⲕⲥⲟⲛ
Kung ang iyong kapatid ay nagkasala laban sa iyo, pumuntahan mo, ipakita mo ang kaniyang pagkakamali na ikaw at siya lamang. Kung makikinig siya sa iyo, mapapanumbalik mo ang iyong kapatid.
16 ⲓ̅ⲋ̅ ⲉϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲉϥϣⲁⲛⲧⲙⲥⲱⲧⲙ ⲛⲥⲱⲕ ϫⲓ ⲛⲕⲉⲟⲩⲁ ⲛⲙⲙⲁⲕ ⲏ ⲥⲛⲁⲩ ϫⲉⲕⲁⲥ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲛ ⲧⲧⲁⲡⲣⲟ ⲙⲙⲛⲧⲣⲉ ⲥⲛⲁⲩ ⲏ ϣⲟⲙⲛⲧ ⲉⲣⲉϣⲁϫⲉ ⲛⲓⲙ ⲁϩⲉⲣⲁⲧϥ
Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, isama mo sa iyo ang isa o dalawa pang mga kapatid, upang sa pamamamagitan ng bibig ng dalawa o tatlong mga saksi ang bawat salita ay maaaring mapatunayan.
17 ⲓ̅ⲍ̅ ⲉϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲉϥϣⲁⲛⲧⲙⲥⲱⲧⲙ ⲛⲥⲱⲟⲩ ⲁϫⲓⲥ ⲛⲧⲉⲕⲕⲗⲏⲥⲓⲁ ⲉϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲉϥϣⲁⲛⲣⲁⲧⲥⲱⲧⲙ ⲛⲥⲁⲧⲕⲉⲉⲕⲕⲗⲏⲥⲓⲁ ⲙⲁⲣⲉϥϣⲱⲡⲉ ⲛⲁⲕ ⲛⲑⲉ ⲛⲟⲩϩⲉⲑⲛⲓⲕⲟⲥ ⲙⲛⲟⲩⲧⲉⲗⲱⲛⲏⲥ
At kung tumanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa iglesiya. Kung siya ay tumanggi na makinig sa iglesiya, ituring ninyo siyang gaya ng isang Gentil at maniningil ng buwis.
18 ⲓ̅ⲏ̅ ϩⲁⲙⲏⲛ ϯϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲏⲧⲛ ϫⲉ ⲛⲉⲧⲉⲧⲛⲁⲙⲟⲣⲟⲩ ϩⲓϫⲙ ⲡⲕⲁϩ ⲥⲉⲛⲁϣⲱⲡⲉ ⲉⲩⲙⲏⲣ ϩⲛ ⲙⲡⲏⲩⲉ ⲁⲩⲱ ⲛⲉⲧⲉⲧⲛⲁⲃⲟⲗ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓ ϫⲙⲡⲕⲁϩ ⲥⲉⲛⲁϣⲱⲡⲉ ⲉⲩⲃⲏⲗ ϩⲛ ⲙⲡⲏⲩⲉ
Totoo itong sinasabi ko sa inyo, anumang mga bagay ang igapos ninyo sa lupa ay igagapos din sa langit. At anumang mga bagay ang inyong kalagan sa lupa ay kakalagan din sa langit.
19 ⲓ̅ⲑ̅ ϩⲁⲙⲏⲛ ⲟⲛ ϯϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲏⲧⲛ ϫⲉ ⲉⲣϣⲁⲛⲥⲛⲁⲩ ⲛϩⲏⲧⲧⲏⲩⲧⲛ ϥⲓ ⲙⲛ ⲛⲉⲩⲉⲣⲏⲩ ϩⲣⲁⲓ ϩⲓϫⲙ ⲡⲕⲁϩ ϩⲱⲃ ⲛⲓⲙ ⲉⲧⲟⲩⲛⲁⲁⲓⲧⲉⲓ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲥⲉⲛⲁϣⲱⲡⲉ ⲛⲁⲩ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓ ⲧⲟⲟⲧϥ ⲙⲡⲁⲉⲓⲱⲧ ⲉⲧϩⲛ ⲙⲡⲏⲩⲉ
Dagdag pa nito, sinasabi ko sa inyo, na kung ang dalawa sa inyo ay sumang-ayon sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling, mangyayari ito sa kanila sa pamamagitan ng aking Amang nasa langit.
20 ⲕ̅ ⲡⲙⲁ ⲅⲁⲣ ⲉⲧⲉⲣⲉⲥⲛⲁⲩ ⲏ ϣⲟⲙⲛⲧ ⲥⲟⲟⲩϩ ⲛϩⲏⲧϥ ϩⲙ ⲡⲁⲣⲁⲛ ⲁⲛⲟⲕ ϯϣⲟⲟⲡ ⲛⲙⲙⲁⲩ ϩⲛ ⲧⲉⲩⲙⲏⲧⲉ
Sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ang nagkatipon dahil sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan.”
21 ⲕ̅ⲁ̅ ⲧⲟⲧⲉ ⲁⲡⲉⲧⲣⲟⲥ ϯ ⲡⲉϥⲟⲩⲟⲓ ⲉⲣⲟϥ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁϥ ϫⲉ ⲡϫⲟⲉⲓⲥ ⲉⲣϣⲁⲛⲡⲁⲥⲟⲛ ⲣⲛⲟⲃⲉ ⲉⲣⲟⲓ ⲧⲁⲕⲱ ⲛⲁϥ ⲉⲃⲟⲗ ϣⲁⲟⲩⲏⲣ ⲛⲥⲟⲡ ϣⲁⲥⲁϣϥ ⲛⲥⲟⲡ
Pagkatapos, lumapit si Pedro at sinabi kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ba na magkakasala ang aking kapatid laban sa akin at akin siyang patatawarin? Hanggang pitong beses?”
22 ⲕ̅ⲃ̅ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁϥ ⲛϭⲓ ⲓⲏⲥ ϫⲉ ⲛϯϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲁⲕ ⲁⲛ ϫⲉ ϣⲁⲥⲁϣϥ ⲛⲥⲟⲡ ⲁⲗⲗⲁ ϣⲁⲥⲁϣϥ ⲛϣϥⲉ ⲛⲥⲟⲡ
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hindi ko sasabihin sa inyo na pitong beses, kundi hanggang pitumpung ulit at pito.
23 ⲕ̅ⲅ̅ ⲉⲧⲃⲉ ⲡⲁⲓ ⲉⲥⲧⲛⲧⲱⲛ ⲛϭⲓ ⲧⲙⲛⲧⲣⲣⲟ ⲛⲙⲡⲏⲩⲉ ⲉⲩⲣⲱⲙⲉ ⲛⲣⲣⲟ ⲡⲁⲓ ⲛⲧⲁϥⲟⲩⲱϣ ⲉϥⲓⲱⲡ ⲙⲛ ⲛⲉϥϩⲙϩⲁⲗ
Samakatuwid, ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa isang hari na nais makipagsulit sa kaniyang mga utusan.
24 ⲕ̅ⲇ̅ ⲛⲧⲉⲣⲉϥⲁⲣⲭⲉⲓ ⲇⲉ ⲛϥⲓⲱⲡ ⲁⲩⲉⲓⲛⲉ ⲛⲁϥ ⲛⲟⲩⲁ ⲉⲣⲉϩⲁϩ ⲛϭⲓ ⲛϭⲱⲣ ⲉⲣⲟϥ
Habang inuumpisahan ang pagsusulit, isang utusan ang dinala sa kaniya na nagkautang ng sampung libong mga talento.
25 ⲕ̅ⲉ̅ ⲉⲙⲛⲧⲁϥⲥⲉ ⲇⲉ ⲉⲧⲁⲁⲩ ⲁϥⲟⲩⲉϩⲥⲁϩⲛⲉ ⲇⲉ ⲛϭⲓ ⲡⲉϥϫⲟⲉⲓⲥ ⲉⲧⲣⲉⲩⲧⲁⲁϥ ⲉⲃⲟⲗ ⲙⲛ ⲧⲉϥⲥϩⲓⲙⲉ ⲙⲛ ⲛⲉϥϣⲏⲣⲉ ⲙⲛ ⲛⲕⲁ ⲛⲓⲙ ⲉⲧⲛⲧⲁϥ ⲛϥⲧⲁⲁⲩ
Ngunit dahil sa wala siyang kakayanan na magbayad, inutusan siya ng kaniyang amo na ipagbili, kasama ng kaniyang asawa at mga anak at lahat na mayroon siya, at nang makabayad.
26 ⲕ̅ⲋ̅ ⲁϥⲡⲁϩⲧϥ ⲇⲉ ⲛϭⲓ ⲡϩⲙϩⲁⲗ ⲁϥⲟⲩⲱϣⲧ ⲛⲁϥ ⲉϥϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⲡϫⲟⲉⲓⲥ ϩⲣⲟϣ ⲛϩⲏⲧ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉϫⲱⲓ ⲧⲁⲧⲁⲁⲩ ⲛⲁⲕ ⲧⲏⲣⲟⲩ
Kaya lumuhod ang utusan, yumuko sa kaniyang harapan, at sinabi, 'Amo, pagtiisan mo ako, at babayaran ko ang lahat.'
27 ⲕ̅ⲍ̅ ⲁϥϣⲛϩⲧⲏϥ ⲇⲉ ⲛϭⲓ ⲡϫⲟⲉⲓⲥ ⲙⲡϩⲙϩⲁⲗ ⲁϥⲕⲱ ⲙⲙⲟϥ ⲉⲃⲟⲗ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲧⲉⲣⲟϥ ⲧⲏⲣϥ ⲁϥⲕⲁⲁϥ ⲛⲁϥ ⲉⲃⲟⲗ
Kaya nahabag ang amo sa kaniyang utusan, pinakawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
28 ⲕ̅ⲏ̅ ⲁϥⲉⲓ ⲇⲉ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϭⲓ ⲡϩⲙϩⲁⲗ ⲉⲧⲙⲙⲁⲩ ⲁϥϩⲉ ⲉⲟⲩⲁ ⲛⲛⲉϥϣⲃⲏⲣϩⲙϩⲁⲗ ⲡⲁⲓ ⲉⲛⲉⲩⲛⲧⲁϥ ⲉⲣⲟϥ ⲛϣⲉ ⲛⲥⲁⲧⲉⲉⲣⲉ ⲁϥⲁⲙⲁϩⲧⲉ ⲙⲙⲟϥ ⲁϥⲱϭⲧ ⲙⲙⲟϥ ⲉϥϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⲁⲩⲡⲉⲧⲉⲣⲟⲕ
Ngunit lumabas ang utusan at nakita ang isa sa kaniyang kapwa utusan na nagkautang sa kaniya ng isang daang denario. Sinunggaban niya ito, sinakal at sinabi, 'Bayaran mo ako sa iyong inutang.'
29 ⲕ̅ⲑ̅ ⲁϥⲡⲁϩⲧϥ ⲇⲉ ⲛϭⲓ ⲡⲉϥϣⲃⲏⲣϩⲙϩⲁⲗ ⲁϥⲡⲁⲣⲁⲕⲁⲗⲉⲓ ⲙⲙⲟϥ ⲉϥϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ϩⲣⲟϣ ⲛϩⲏⲧ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉϫⲱⲓ ⲧⲁⲧⲁⲁⲩ ⲛⲁⲕ ⲧⲏⲣⲟⲩ
Ngunit lumuhod ang kaniyang kapwa utusan at nakiusap sa kaniya na nagsasabi, “Pagtiisan mo ako, at babayaran rin kita.'
30 ⲗ̅ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲙⲡⲉϥⲟⲩⲱϣ ⲁⲗⲗⲁ ⲁϥⲃⲱⲕ ⲁϥⲛⲟϫϥ ⲉⲡⲉϣⲧⲉⲕⲟ ϣⲁⲛⲧⲉϥϯ ⲙⲡⲉⲧⲉⲣⲟϥ
Ngunit tumanggi ang naunang utusan. Sa halip, pumunta siya at itinapon siya sa kulungan, hanggang sa mabayaran niya ang kaniyang inutang.
31 ⲗ̅ⲁ̅ ⲁⲩⲛⲁⲩ ⲇⲉ ⲛϭⲓ ⲛⲉϥϣⲃⲏⲣϩⲙϩⲁⲗ ⲉⲡⲉⲛⲧⲁϥϣⲱⲡⲉ ⲁⲩⲗⲩⲡⲉⲓ ⲉⲙⲁⲧⲉ ⲁⲩⲉⲓ ⲁⲩϫⲱ ⲉⲡⲉⲩϫⲟⲉⲓⲥ ⲛϩⲱⲃ ⲛⲓⲙ ⲛⲧⲁⲩϣⲱⲡⲉ
Nang makita ng kapwa mga utusan kung ano ang nangyari, labis silang nagdamdam. Pumunta sila sa kanilang amo at sinabi ang lahat ng nangyari.
32 ⲗ̅ⲃ̅ ⲧⲟⲧⲉ ⲁϥⲙⲟⲩⲧⲉ ⲉⲣⲟϥ ⲛϭⲓ ⲡⲉϥϫⲟⲉⲓⲥ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁϥ ϫⲉ ⲡϩⲙϩⲁⲗ ⲙⲡⲟⲛⲏⲣⲟⲥ ⲛⲏ ⲧⲏⲣⲟⲩ ⲉⲧⲉⲣⲟⲕ ⲁⲓⲕⲁⲁⲩ ⲛⲁⲕ ⲉⲃⲟⲗ ⲉⲧⲃⲉ ϫⲉ ⲁⲕⲥⲡⲥⲱⲡⲧ
Pagkatapos nito, ipinatawag ng amo ang kaniyang utusan, at sinabi sa kaniya, 'Napakasama mong utusan, pinatawad kita sa lahat ng iyong inutang dahil ikaw ay nakiusap sa akin.
33 ⲗ̅ⲅ̅ ⲛⲉϣϣⲉ ⲛⲧⲟⲕ ⲁⲛ ⲉⲣⲟⲕ ⲡⲉ ⲉⲛⲁ ⲙⲡⲉⲕϣⲃⲏⲣϩⲙϩⲁⲗ ⲛⲑⲉ ϩⲱ ⲛⲧⲁⲓⲛⲁ ⲛⲁⲕ
Hindi ba dapat naawa ka din sa iyong kapwa utusan, gaya ng pagkahabag ko sa iyo?
34 ⲗ̅ⲇ̅ ⲁϥⲛⲟⲩϭⲥ ⲛϭⲓ ⲡⲉϥϫⲟⲉⲓⲥ ⲁϥϯ ⲙⲙⲟϥ ⲉⲧⲟⲟⲧⲟⲩ ⲛⲛⲃⲁⲍⲁⲛⲓⲥⲧⲏⲥ ϣⲁⲛⲧⲉϥϯ ⲙⲡⲉⲧⲉⲣⲟϥ ⲧⲏⲣϥ
Nagalit ang kaniyang amo at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang mga inutang.
35 ⲗ̅ⲉ̅ ⲧⲁⲓ ⲟⲛ ⲧⲉ ⲑⲉ ⲉⲧⲉϥⲛⲁⲁⲁⲥ ⲛⲏⲧⲛ ⲛϭⲓ ⲡⲁⲉⲓⲱⲧ ⲉⲧϩⲛ ⲙⲡⲏⲩⲉ ⲉⲣⲧⲙⲡⲟⲩⲁ ⲡⲟⲩⲁ ⲕⲱ ⲉⲃⲟⲗ ⲙⲡⲉϥⲥⲟⲛ ϩⲛ ⲛⲉⲧⲛϩⲏⲧ
Kaya ganoon din ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung ang bawat isa sa inyo ay hindi magpapatawad sa kaniyang kapatid na mula sa kaniyang puso.”