< ⳘⲀⲦⲐⲈⲞⲚ 10 >
1 ⲁ̅ ⲁϥⲙⲟⲩⲧⲉ ⲇⲉ ⲉⲡⲉϥⲙⲛⲧⲥⲛⲟⲟⲩⲥ ⲙⲙⲁⲑⲏⲧⲏⲥ ⲁϥϯ ⲛⲁⲩ ⲛⲧⲉⲝⲟⲩⲥⲓⲁ ⲛⲛⲉⲡⲛⲁ ⲛⲁⲕⲁⲑⲁⲣⲧⲟⲛ ⲉⲛⲟⲩϫ ⲉⲃⲟⲗ ⲁⲩⲱ ⲉⲣⲡⲁϩⲣⲉ ⲉϣⲱⲛⲉ ⲛⲓⲙ ϩⲓⲗⲟϫⲗⲉϫ ⲛⲓⲙ
Tinawag ni Jesus ang kaniyang labindalawang alagad nang magkakasama at binigyan sila ng kapangyarihan laban sa mga masasamang espiritu, upang palayasin ang mga ito, at upang pagalingin ang lahat ng uri ng karamdaman at lahat ng uri ng sakit.
2 ⲃ̅ ⲛⲁⲓ ⲇⲉ ⲛⲉ ⲛⲣⲁⲛ ⲙⲡⲙⲛⲧⲥⲛⲟⲟⲩⲥ ⲛⲁⲡⲟⲥⲧⲟⲗⲟⲥ ⲡϣⲟⲣⲡ ⲡⲉ ⲥⲓⲙⲱⲛ ⲡⲉⲧⲉϣⲁⲩⲙⲟⲩⲧⲉ ⲉⲣⲟϥ ϫⲉ ⲡⲉⲧⲣⲟⲥ ⲙⲛ ⲁⲛⲇⲣⲉⲁⲥ ⲡⲉϥⲥⲟⲛ ⲓⲁⲕⲱⲃⲟⲥ ⲡϣⲏⲣⲉ ⲛⲍⲉⲃⲉⲇⲁⲓⲟⲥ ⲙⲛ ⲓⲱϩⲁⲛⲛⲏⲥ ⲡⲉϥⲥⲟⲛ
Ngayon ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: Ang una, si Simon (na siya ring tinatawag niyang Pedro), at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid;
3 ⲅ̅ ⲫⲓⲗⲓⲡⲡⲟⲥ ⲙⲛ ⲃⲁⲣⲑⲟⲗⲟⲙⲁⲓⲟⲥ ⲑⲱⲙⲁⲥ ⲙⲛ ⲙⲁⲑⲑⲁⲓⲟⲥ ⲡⲧⲉⲗⲱⲛⲏⲥ ⲓⲁⲕⲱⲃⲟⲥ ⲡϣⲏⲣⲉ ⲛⲁⲗⲫⲁⲓⲟⲥ ⲙⲛ ⲑⲁⲇⲇⲁⲓⲟⲥ
si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alpeo, at si Tadeo;
4 ⲇ̅ ⲥⲓⲙⲱⲛ ⲡⲕⲁⲛⲁⲛⲓⲧⲏⲥ ⲙⲛ ⲓⲟⲩⲇⲁⲥ ⲡⲓⲥⲕⲁⲣⲓⲱⲧⲏⲥ ⲡⲉⲛⲧⲁϥⲡⲁⲣⲁⲇⲓⲇⲟⲩ ⲙⲙⲟϥ
si Simon na Makabayan, at si Judas Escariote na siyang magkakanulo sa kaniya.
5 ⲉ̅ ⲡⲉⲓⲙⲛⲧⲥⲛⲟⲟⲩⲥ ⲁϥϫⲟⲟⲩⲥⲉ ⲛϭⲓ ⲓⲏⲥ ⲁϥⲡⲁⲣⲁⲅⲅⲉⲓⲗⲉ ⲛⲁⲩ ⲉϥϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⲙⲡⲣⲃⲱⲕ ⲉϩⲓⲏ ⲛϩⲉⲑⲛⲟⲥ ⲁⲩⲱ ⲙⲡⲣⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲡⲟⲗⲓⲥ ⲛⲥⲁⲙⲁⲣⲓⲧⲏⲥ
Ipinadala ni Jesus ang labindalawang ito. Tinagubilinan niya ang mga ito at sinabi, “Huwag kayong pumunta sa alin mang lugar na tinitirhan ng mga Gentil, at huwag kayong papasok sa alin mang bayan ng mga Samaritano.
6 ⲋ̅ ⲃⲱⲕ ⲇⲉ ⲛϩⲟⲩⲟ ϣⲁⲛⲉⲥⲟⲟⲩ ⲛⲧⲁⲩⲥⲱⲣⲙ ⲛⲧⲉⲡⲏⲓ ⲙⲡⲓⲥⲣⲁⲏⲗ
Sa halip, pumunta kayo sa mga nawawalang tupa sa sambahayan ng Israel.
7 ⲍ̅ ⲉⲧⲉⲧⲛⲁⲃⲱⲕ ⲇⲉ ⲧⲁϣⲉⲟⲉⲓϣ ⲉⲧⲉⲧⲛϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⲙⲉⲧⲁⲛⲟⲓ ⲁⲥϩⲱⲛ ⲅⲁⲣ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲛϭⲓ ⲧⲙⲛⲧⲣⲣⲟ ⲛⲙⲡⲏⲩⲉ
At sa pagpunta ninyo, ipangaral ninyo at sabihing, 'Ang kaharian ng langit ay nalalapit na.'
8 ⲏ̅ ⲛⲉⲧϣⲱⲛⲉ ⲁⲣⲓⲡⲁϩⲣⲉ ⲉⲣⲟⲟⲩ ⲛⲉⲧⲥⲟⲃϩ ⲧⲃⲃⲟⲟⲩ ⲛⲇⲁⲓⲙⲱⲛⲓⲟⲛ ⲛⲟϫⲟⲩ ⲉⲃⲟⲗ ⲁⲧⲉⲧⲛϫⲓ ⲛϫⲓⲛϫⲏ ϯⲛϫⲓⲛϫⲏ
Pagalingin ninyo ang may sakit, buhayin ang patay, linisin ang mga ketongin, at palayasin ang mga demonyo. Tumanggap kayo nang walang bayad, ipamigay ninyo nang walang bayad.
9 ⲑ̅ ⲙⲡⲣϫⲡⲟ ⲛⲏⲧⲛ ⲛⲟⲩⲛⲟⲩⲃ ⲟⲩⲧⲉ ⲟⲩϩⲁⲧ ⲟⲩⲇⲉ ϩⲟⲙⲛⲧ ϩⲛ ⲛⲉⲧⲛⲙⲟϫϩ
Huwag kayong magdala ng anumang ginto, pilak o tanso sa inyong mga pitaka.
10 ⲓ̅ ⲟⲩⲧⲉ ⲡⲏⲣⲁ ⲉⲧⲉϩⲓⲏ ⲟⲩⲧⲉ ϣⲧⲏⲛ ⲥⲛⲧⲉ ⲟⲩⲧⲉ ⲟⲩⲧⲟⲟⲩⲉ ⲟⲩⲧⲉ ⲟⲩϭⲉⲣⲱⲃ ϥⲉⲙⲡϣⲁ ⲅⲁⲣ ⲛϭⲓ ⲡⲉⲣⲅⲁⲧⲏⲥ ⲛⲧⲉϥϩⲣⲉ
Huwag kayong magdala ng panglakbay na lalagyan, o dagdag na tunika, ni sandalyas, o di kaya'y tungkod, sapagkat nararapat sa manggagawa ang kaniyang pagkain.
11 ⲓ̅ⲁ̅ ⲧⲡⲟⲗⲓⲥ ⲇⲉ ⲉⲧⲉⲧⲛⲁⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲣⲟⲥ ⲏ ⲡϯⲙⲉ ϣⲓⲛⲉ ϩⲣⲁⲓ ⲛϩⲏⲧⲥ ϫⲉ ⲛⲓⲙ ⲡⲉⲧⲙⲡϣⲁ ⲛⲧⲉⲧⲛϭⲱ ϩⲙ ⲡⲙⲁ ⲉⲧⲙⲙⲁⲩ ϣⲁⲛⲧⲉⲧⲛⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ
Anumang lungsod o nayon ang inyong mapuntahan, hanapin ninyo ang karapat-dapat at manatili kayo doon hanggang sa kayo ay aalis.
12 ⲓ̅ⲃ̅ ⲉⲧⲉⲧⲛⲃⲏⲕ ⲇⲉ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲡⲏⲓ ⲁⲥⲡⲁⲍⲉ ⲙⲙⲟϥ
Pagpasok ninyo sa bahay, batiin ninyo ang mga nandoon.
13 ⲓ̅ⲅ̅ ⲁⲩⲱ ⲉϣⲱⲡⲉ ⲡⲏⲓ ⲙⲡϣⲁ ⲙⲁⲣⲉⲧⲉⲧⲛⲉⲓⲣⲏⲛⲏ ⲉⲓ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉϫⲱϥ ⲉϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲛϥⲙⲡϣⲁ ⲁⲛ ⲙⲁⲣⲉⲧⲉⲧⲛⲉⲓⲣⲏⲛⲏ ⲕⲟⲧⲥ ⲉⲣⲱⲧⲛ
Kung ang bahay ay karapat-dapat, pumaroon ang inyong kapayapaan. Ngunit kung ito ay hindi karapat-dapat, hayaan ninyong bumalik ang inyong kapayapaan sa inyo.
14 ⲓ̅ⲇ̅ ⲡⲉⲧⲉⲛϥⲛⲁϫⲓⲧⲏⲩⲧⲛ ⲇⲉ ⲁⲛ ⲁⲩⲱ ⲛϥⲧⲙⲥⲱⲧⲙ ⲉⲛⲉⲧⲛϣⲁϫⲉ ⲉⲧⲉⲧⲛⲛⲏⲩ ⲇⲉ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲏⲓ ⲏ ⲧⲡⲟⲗⲓⲥ ⲉⲧⲙⲙⲁⲩ ⲏ ⲡϯⲙⲉ ⲛⲟⲩϩⲉ ⲉⲃⲟⲗ ⲙⲡϣⲟⲉⲓϣ ⲛⲛⲉⲧⲛⲟⲩⲉⲣⲏⲧⲉ
Sa mga hindi naman tumatanggap sa inyo o nakikinig sa inyong mga salita, kapag kayo ay umalis sa bahay o lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang mga alikabok mula sa inyong mga paa.
15 ⲓ̅ⲉ̅ ϩⲁⲙⲏⲛ ϯϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲏⲧⲛ ϫⲉ ⲟⲩⲛⲟⲩⲙⲧⲟⲛ ⲛⲁϣⲱⲡⲉ ϩⲙ ⲡⲕⲁϩ ⲛⲥⲟⲇⲟⲙⲁ ⲙⲛ ⲅⲟⲙⲟⲣⲣⲁ ϩⲙ ⲡⲉϩⲟⲟⲩ ⲛⲧⲉⲕⲣⲓⲥⲓⲥ ⲉϩⲟⲩⲉⲧⲡⲟⲗⲓⲥ ⲉⲧⲙⲙⲁⲩ
Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mas mapagtitiisan pa ang lupain ng Sodoma at Gomorra sa araw ng paghuhukom kaysa sa lungsod na iyon.
16 ⲓ̅ⲋ̅ ⲉⲓⲥ ϩⲏⲏⲧⲉ ⲁⲛⲟⲕ ϯϫⲟⲟⲩ ⲙⲙⲱⲧⲛ ⲛⲑⲉ ⲛϩⲉⲛⲉⲥⲟⲟⲩ ϩⲛ ⲧⲙⲏⲧⲉ ⲛϩⲉⲛⲟⲩⲱⲛϣ ϣⲱⲡⲉ ϭⲉ ⲛⲥⲁⲃⲉ ⲛⲑⲉ ⲛⲛϩⲟϥ ⲁⲩⲱ ⲛⲁⲕⲉⲣⲁⲓⲟⲥ ⲛⲑⲉ ⲛⲛⲓϭⲣⲟⲟⲙⲡⲉ
Tingnan ninyo, ipadadala ko kayo na parang mga tupa sa kalagitnaan ng mga asong lobo, kaya maging marunong kayo tulad ng mga ahas at hindi mapanakit tulad ng mga kalapati.
17 ⲓ̅ⲍ̅ ϯϩⲧⲏⲧⲛ ⲇⲉ ⲉⲣⲱⲧⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲛⲉⲣⲱⲙⲉ ⲥⲉⲛⲁⲡⲁⲣⲁⲇⲓⲇⲟⲩ ⲅⲁⲣ ⲙⲙⲱⲧⲛ ⲉⲛⲥⲩⲛϩⲉⲇⲣⲓⲟⲛ ⲁⲩⲱ ϩⲣⲁⲓ ϩⲛ ⲛⲉⲩⲥⲩⲛⲁⲅⲱⲅⲏ ⲥⲉⲛⲁⲙⲁⲥⲧⲓⲅⲟⲩ ⲙⲙⲱⲧⲛ
Mag-ingat kayo sa mga tao! Dadalhin nila kayo sa mga konseho, at hahagupitin nila kayo sa kanilang mga sinagoga.
18 ⲓ̅ⲏ̅ ⲛⲥⲉϫⲓⲧⲏⲩⲧⲛ ⲛⲛϩⲏⲅⲉⲙⲱⲛ ⲙⲛ ⲛⲣⲣⲱⲟⲩ ⲉⲧⲃⲏⲏⲧ ⲉⲩⲙⲛⲧⲙⲛⲧⲣⲉ ⲛⲁⲩ ⲙⲛ ⲛϩⲉⲑⲛⲟⲥ
At kayo ay dadalhin at ihaharap sa mga gobernador at mga hari dahil sa akin, bilang patotoo sa kanila at sa mga Gentil.
19 ⲓ̅ⲑ̅ ϩⲟⲧⲁⲛ ⲇⲉ ⲉⲩϣⲁⲛⲡⲁⲣⲁⲇⲓⲇⲟⲩ ⲙⲙⲱⲧⲛ ⲙⲡⲣϥⲓⲣⲟⲟⲩϣ ϫⲉ ⲛⲁϣ ⲛϩⲉ ⲏ ⲉⲧⲉⲧⲛⲁϫⲟⲟⲥ ϫⲉ ⲟⲩ ⲥⲉⲛⲁϯ ⲅⲁⲣ ⲛⲏⲧⲛ ϩⲛ ⲧⲉⲩⲛⲟⲩ ⲉⲧⲙⲙⲁⲩ ϫⲉ ⲟⲩ ⲡⲉⲧⲉⲧⲛⲛⲁϫⲟⲟϥ
Kapag dinala nila kayo, huwag kayong mabahala kung paano o kung ano ang inyong sasabihin, sapagkat ibibigay sa inyo ang mga dapat ninyong sabihin sa oras na iyon.
20 ⲕ̅ ⲛⲧⲱⲧⲛ ⲅⲁⲣ ⲁⲛ ⲡⲉⲧϣⲁϫⲉ ⲁⲗⲗⲁ ⲡⲉⲡⲛⲁ ⲙⲡⲉⲧⲛⲉⲓⲱⲧ ⲡⲉⲧϣⲁϫⲉ ⲛϩⲏⲧⲧⲏⲩⲧⲛ
Sapagkat hindi kayo ang magsasalita subalit ang Espiritu ng inyong Ama ang siyang magsasalita sa inyo.
21 ⲕ̅ⲁ̅ ⲟⲩⲛⲟⲩⲥⲟⲛ ⲇⲉ ⲛⲁⲡⲁⲣⲁⲇⲓⲇⲟⲩ ⲙⲡⲉϥⲥⲟⲛ ⲉⲡⲙⲟⲩ ⲁⲩⲱ ⲟⲩⲉⲓⲱⲧ ⲙⲡⲉϥϣⲏⲣⲉ ⲛⲧⲉⲛϣⲏⲣⲉ ⲧⲱⲟⲩⲛ ⲉϫⲛ ⲛⲉⲩⲉⲓⲟⲧⲉ ⲛⲥⲉⲙⲟⲩⲟⲩⲧ ⲙⲙⲟⲟⲩ
Dadalhin ng kapatid ang kaniyang kapatid sa kamatayan, at ang ama sa kaniyang anak. Sasalungat ang mga anak laban sa kanilang mga magulang at ipapapatay nila sila.
22 ⲕ̅ⲃ̅ ⲛⲧⲉⲧⲛϣⲱⲡⲉ ⲉⲩⲙⲟⲥⲧⲉ ⲙⲙⲱⲧⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲛ ⲣⲱⲙⲉ ⲛⲓⲙ ⲉⲧⲃⲉ ⲡⲁⲣⲁⲛ ⲡⲉⲧⲛⲁϩⲩⲡⲟⲙⲉⲓⲛⲉ ⲇⲉ ϣⲁⲃⲟⲗ ⲡⲁⲓ ⲡⲉⲧⲛⲁⲟⲩϫⲁⲓ
Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit sinuman ang makapagtitiis hanggang huli, ang taong iyon ay maliligtas.
23 ⲕ̅ⲅ̅ ϩⲟⲧⲁⲛ ⲇⲉ ⲉⲩϣⲁⲛⲡⲱⲧ ⲛⲥⲱⲧⲛ ϩⲛ ⲧⲉⲓⲡⲟⲗⲓⲥ ⲡⲱⲧ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉⲕⲉⲟⲩⲉⲓ ϩⲁⲙⲏⲛ ⲅⲁⲣ ϯϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲏⲧⲛ ϫⲉ ⲛⲛⲉⲧⲛϫⲱⲕ ⲉⲃⲟⲗ ⲛⲙⲡⲟⲗⲓⲥ ⲙⲡⲓⲥⲣⲁⲏⲗ ⲙⲡⲉⲡϣⲏⲣⲉ ⲙⲡⲣⲱⲙⲉ ⲉⲓ
Kapag inusig nila kayo sa lungsod na ito, tumakas kayo sa kabila, sapagkat totoo itong sinasabi ko sa inyo, hindi ninyo matatapos na puntahan ang mga lungsod ng Israel bago dumating ang Anak ng Tao.
24 ⲕ̅ⲇ̅ ⲙⲛⲥⲃⲟⲩⲓ ⲅⲁⲣ ⲉϥⲟ ⲛⲛⲟϭ ⲉⲡⲉϥⲥⲁϩ ⲟⲩⲧⲉ ⲙⲛ ϩⲙϩⲁⲗ ⲉϥϫⲟⲥⲉ ⲉϩⲟⲩⲉⲡⲉϥϫⲟⲉⲓⲥ
Ang alagad ay hindi nakahihigit sa kaniyang guro, ni mas mataas ang lingkod sa kaniyang amo.
25 ⲕ̅ⲉ̅ ϩⲱ ⲉⲡⲉⲥⲃⲟⲩⲓ ϫⲉ ⲉϥⲉϣⲱⲡⲉ ⲛⲑⲉ ⲙⲡⲉϥⲥⲁϩ ⲁⲩⲱ ⲡϩⲙϩⲁⲗ ϫⲉ ⲉϥⲉϣⲱⲡⲉ ⲛⲑⲉ ⲙⲡⲉϥϫⲟⲉⲓⲥ ⲉϣϫⲉ ⲁⲩⲙⲟⲩⲧⲉ ⲉⲡϫⲟⲉⲓⲥ ϫⲉ ⲃⲉⲉⲗⲍⲉⲃⲟⲩⲗ ⲡⲟⲥⲟ ⲙⲁⲗⲗⲟⲛ ⲛⲉϥⲣⲙⲛⲏⲓ
Sapat na ang alagad ay maging katulad ng kaniyang guro, at ang lingkod na katulad ng kaniyang amo. Kung tinawag nilang Beelzebub ang amo ng bahay, gaano pa kaya nila ipapahiya ang buo niyang sambahayan!
26 ⲕ̅ⲋ̅ ⲙⲡⲣⲣ ϩⲟⲧⲉ ϭⲉ ϩⲏⲧⲟⲩ ⲙⲛ ⲗⲁⲁⲩ ⲅⲁⲣ ⲉϥϩⲟⲃⲥ ⲛⲥⲉⲛⲁϭⲟⲗⲡϥ ⲁⲛ ⲉⲃⲟⲗ ⲁⲩⲱ ⲉϥϩⲏⲡ ⲉⲛϥⲛⲁⲟⲩⲱⲛϩ ⲁⲛ ⲉⲃⲟⲗ
Samakatwid huwag ninyo silang katakutan, sapagkat walang lihim ang hindi nabubunyag, at walang natatago na hindi malalaman.
27 ⲕ̅ⲍ̅ ⲡⲉϯϫⲱ ⲙⲙⲟϥ ⲛⲏⲧⲛ ϩⲙ ⲡⲕⲁⲕⲉ ⲁϫⲓϥ ϩⲙ ⲡⲟⲩⲟⲉⲓⲛ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲧⲉⲧⲛⲥⲱⲧⲙ ⲉⲣⲟϥ ϩⲙ ⲡⲉⲧⲛⲙⲁⲁϫⲉ ⲧⲁϣⲉⲟⲉⲓϣ ⲙⲙⲟϥ ϩⲓϫⲛ ⲛϫⲉⲛⲉⲡⲱⲣ
Ang sinabi ko sa inyo sa kadiliman ay sabihin sa liwanag, at kung anong narinig ninyo ng mahina sa inyong tainga, ipahayag sa ibabaw ng mga bubungan.
28 ⲕ̅ⲏ̅ ⲙⲡⲣⲣ ϩⲟⲧⲉ ϩⲏⲧⲟⲩ ⲛⲛⲉⲧⲛⲁⲙⲟⲩⲟⲩⲧ ⲙⲡⲉⲧⲛⲥⲱⲙⲁ ⲉⲙⲛϭⲟⲙ ⲇⲉ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲉⲙⲟⲩⲟⲩⲧ ⲛⲧⲉⲧⲛⲯⲩⲭⲏ ⲁⲣⲓϩⲟⲧⲉ ⲇⲉ ⲛϩⲟⲩⲟ ϩⲏⲧϥ ⲙⲡⲉⲧⲉⲟⲩⲛϭⲟⲙ ⲙⲙⲟϥ ⲉⲧⲁⲕⲟ ⲛⲧⲉⲧⲛⲯⲩⲭⲏ ⲙⲛ ⲡⲉⲧⲛⲥⲱⲙⲁ ϩⲣⲁⲓ ϩⲛ ⲧⲅⲉϩⲉⲛⲛⲁ (Geenna )
Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na kayang makapupuksa ng kaluluwa at katawan sa impyerno. (Geenna )
29 ⲕ̅ⲑ̅ ⲙⲏ ϫⲁϫ ⲥⲛⲁⲩ ⲛⲥⲉϯ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲁⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲁ ⲟⲩϩⲟⲃⲟⲗⲟⲥ ⲁⲩⲱ ⲟⲩⲁ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϩⲏⲧⲟⲩ ⲛⲛⲉϥϩⲉ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉϫⲙ ⲡⲕⲁϩ ⲁϫⲙⲡⲉⲧⲛⲉⲓⲱⲧ ⲉⲧϩⲛ ⲙⲡⲏⲩⲉ
Hindi ba ang dalawang maya ay ibinenta sa isang baryang maliit ang halaga? Ngunit wala ni isa sa kanila ang nalaglag sa lupa na hindi nalalaman ng Ama.
30 ⲗ̅ ⲛⲕⲉⲃⲱ ⲇⲉ ⲛⲧⲉⲧⲛⲁⲡⲉ ⲏⲡ ⲧⲏⲣⲟⲩ
At kahit na ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang lahat.
31 ⲗ̅ⲁ̅ ⲙⲡⲣⲣ ϩⲟⲧⲉ ϭⲉ ϩⲏⲧⲟⲩ ⲛⲧⲱⲧⲛ ⲧⲉⲧⲛϣⲟⲃⲉ ⲉϩⲁϩ ⲛϫⲁϫ
Huwag kayong matakot. Mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.
32 ⲗ̅ⲃ̅ ⲟⲩⲟⲛ ϭⲉ ⲛⲓⲙ ⲉⲧⲛⲁϩⲟⲙⲟⲗⲟⲅⲉⲓ ⲛϩⲏⲧ ⲙⲡⲉⲙⲧⲟ ⲉⲃⲟⲗ ⲛⲛⲉⲣⲱⲙⲉ ϯⲛⲁϩⲟⲙⲟⲗⲟⲅⲉⲓ ϩⲱ ⲛϩⲏⲧϥ ⲙⲡⲉⲙⲧⲟ ⲉⲃⲟⲗ ⲙⲡⲁⲉⲓⲱⲧ ⲉⲧϩⲛ ⲙⲡⲏⲩⲉ
Samakatwid ang lahat na kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko din sa harap ng Ama na nasa langit.
33 ⲗ̅ⲅ̅ ⲡⲉⲧⲛⲁⲁⲡⲁⲣⲛⲁ ⲇⲉ ⲙⲙⲟⲓ ⲙⲡⲉⲙⲧⲟ ⲉⲃⲟⲗ ⲛⲛⲉⲣⲱⲙⲉ ϯⲛⲁⲁⲡⲁⲣⲛⲁ ϩⲱ ⲙⲙⲟϥ ⲙⲡⲉⲙⲧⲟ ⲉⲃⲟⲗ ⲙⲡⲁⲉⲓⲱⲧ ⲉⲧϩⲛ ⲙⲡⲏⲩⲉ
Ngunit ang magtanggi sa akin sa harap ng mga tao ay itatanggi ko din sa harap ng aking Ama na nasa langit.
34 ⲗ̅ⲇ̅ ⲙⲡⲣⲱϣ ϫⲉ ⲛⲧⲁⲓⲉⲓ ⲉⲛⲟⲩϫⲉ ⲛⲟⲩⲉⲓⲣⲏⲛⲏ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉϫⲙ ⲡⲕⲁϩ ⲛⲧⲁⲓⲉⲓ ⲁⲛ ⲉⲛⲟⲩϫⲉ ⲛⲟⲩⲉⲓⲣⲏⲛⲏ ⲁⲗⲗⲁ ⲉⲛⲟⲩϫⲉ ⲛⲟⲩⲥⲏϥⲉ
Huwag ninyong isipin na pumarito ako sa lupa upang magbigay ng kapayapaan. Hindi ako dumating upang magbigay ng kapayapaan, kundi isang espada.
35 ⲗ̅ⲉ̅ ⲛⲧⲁⲓⲉⲓ ⲅⲁⲣ ⲉⲡⲱⲣϫ ⲛⲟⲩⲣⲱⲙⲉ ⲉⲡⲉϥⲉⲓⲱⲧ ⲁⲩⲱ ⲟⲩϣⲉⲉⲣⲉ ⲉⲧⲉⲥⲙⲁⲁⲩ ⲁⲩⲱ ⲟⲩϣⲉⲗⲉⲉⲧ ⲉⲧⲉⲥϣⲱⲙⲉ
Sapagkat naparito ako upang paglabanin ang isang lalaki sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenan na babae.
36 ⲗ̅ⲋ̅ ⲛϫⲁϫⲉ ⲙⲡⲣⲱⲙⲉ ⲛⲉ ⲛⲉϥⲣⲙⲛⲏⲓ
Ang magiging kaaway ng tao ay kaniyang sariling sambahayan.
37 ⲗ̅ⲍ̅ ⲡⲉⲧⲙⲉ ⲛⲉⲓⲱⲧ ⲏ ⲙⲁⲁⲩ ⲉϩⲟⲩⲉⲉⲣⲟⲓ ⲛϥⲙⲡϣⲁ ⲙⲙⲟⲓ ⲁⲛ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲧⲙⲉ ⲛϣⲏⲣⲉ ϩⲓϣⲉⲉⲣⲉ ⲉϩⲟⲩⲉⲉⲣⲟⲓ ⲛϥⲙⲡϣⲁ ⲙⲙⲟⲓ ⲁⲛ
Ang nagmamahal sa kaniyang ama at ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagmamahal sa kaniyang anak na lalaki at babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
38 ⲗ̅ⲏ̅ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲧⲉⲛϥⲛⲁϥⲓ ⲁⲛ ⲙⲡⲉϥⲥⲧⲁⲩⲣⲟⲥ ⲛϥⲟⲩⲁϩϥ ⲛⲥⲱⲓ ⲛϥⲙⲡϣⲁ ⲙⲙⲟⲓ ⲁⲛ
Ang hindi nagbubuhat ng kaniyang krus at sumunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
39 ⲗ̅ⲑ̅ ⲡⲉⲛⲧⲁϥϩⲉ ⲉⲧⲉϥⲯⲩⲭⲏ ϥⲛⲁⲥⲟⲣⲙⲉⲥ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲛⲧⲁϥⲥⲱⲣⲙ ⲛⲧⲉϥⲯⲩⲭⲏ ⲉⲧⲃⲏⲏⲧ ϥⲛⲁϩⲉ ⲉⲣⲟⲥ
Ang naghahanap ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang mawawalan ng buhay nang dahil sa akin ay makahahanap nito.
40 ⲙ̅ ⲡⲉⲧϣⲱⲡ ⲙⲙⲱⲧⲛ ⲉⲣⲟϥ ⲉϥϣⲱⲡ ⲙⲙⲟⲓ ⲉⲣⲟϥ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲧϣⲱⲡ ⲙⲙⲟⲓ ⲉⲣⲟϥ ⲉϥϣⲱⲡ ⲉⲣⲟϥ ⲙⲡⲉⲛⲧⲁϥⲧⲛⲛⲟⲟⲩⲧ
Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa kaniya na nagsugo sa akin.
41 ⲙ̅ⲁ̅ ⲡⲉⲧϣⲱⲡ ⲉⲣⲟϥ ⲛⲟⲩⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ ⲉⲡⲣⲁⲛ ⲛⲟⲩⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ ϥⲛⲁϫⲓ ⲙⲡⲃⲉⲕⲉ ⲛⲟⲩⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲧϣⲱⲡ ⲉⲣⲟϥ ⲛⲟⲩⲇⲓⲕⲁⲓⲟⲥ ⲉⲡⲣⲁⲛ ⲛⲟⲩⲇⲓⲕⲁⲓⲟⲥ ϥⲛⲁϫⲓ ⲙⲡⲃⲉⲕⲉ ⲙⲡⲇⲓⲕⲁⲓⲟⲥ
Ang tumatanggap sa isang propeta dahil isang propeta siya ay makatatanggap ng gantimpalan ng isang propeta. At siya na tumatanggap sa isang matuwid na tao dahil matuwid na tao siya ay makatatanggap ng gantimpala ng isang matuwid na tao.
42 ⲙ̅ⲃ̅ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲧⲛⲁⲧⲥⲉⲟⲩⲁ ⲛⲛⲉⲓⲕⲟⲩⲓ ⲛⲟⲩϫⲱ ⲙⲙⲟⲩ ⲛⲱⲣϣ ⲙⲙⲁⲧⲉ ⲉⲡⲣⲁⲛ ⲛⲟⲩⲙⲁⲑⲏⲧⲏⲥ ϩⲁⲙⲏⲛ ϯϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲏⲧⲛ ϫⲉ ⲛⲛⲉϥⲥⲱⲣⲙ ⲙⲡⲉϥⲃⲉⲕⲉ
Sinuman ang magbibigay sa isa sa mga hamak na mga ito, kahit na isang basong malamig na tubig upang inumin, dahil isa siyang alagad, totoo itong sasabihin ko sa inyo, hindi maaring mawala sa kaniya ang kaniyang gantimpala.”