< ⲖⲞⲨⲔⲞⲚ 8 >
1 ⲁ̅ ⲁⲥϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲙⲛⲛⲥⲱⲥ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲛⲉϥⲙⲟⲟϣⲉ ⲕⲁⲧⲁⲡⲟⲗⲉⲓⲥ ⲁⲩⲱ ⲕⲁⲧⲁϯⲙⲉ ⲉϥⲕⲏⲣⲩⲥⲥⲉ ⲉϥⲉⲩⲁⲅⲅⲉⲗⲓⲍⲉ ⲛⲧⲙⲛⲧⲣⲣⲟ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲉⲣⲉⲡⲙⲛⲧⲥⲛⲟⲟⲩⲥ ⲛⲙⲙⲁϥ
Pagkatapos, nangyari agad na si Jesus ay nagsimulang maglakbay sa iba't ibang mga lungsod at mga nayon, nangangaral at nagpapahayag ng magandang balita tungkol sa kaharian ng Diyos at ang Labindalawa ay sumama sa kaniya,
2 ⲃ̅ ⲛⲙϩⲉⲛⲕⲉϩⲓⲟⲙⲉ ⲛⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁϥⲧⲁⲗϭⲟⲟⲩ ϩⲛ ⲛⲉⲩⲡⲛⲁ ⲙⲡⲟⲛⲏⲣⲟⲛ ⲙⲛ ⲛⲉⲩϣⲱⲛⲉ ⲙⲁⲣⲓⲁ ⲧⲉϣⲁⲩⲙⲟⲩⲧⲉ ⲉⲣⲟⲥ ϫⲉ ⲙⲁⲅⲇⲁⲗⲏⲛⲏ ⲧⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁⲥⲁϣϥ ⲛⲇⲁⲓⲙⲱⲛⲓⲟⲛ ⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϩⲏⲧⲥ
at gayundin ang mga ilang kababaihan na napagaling mula sa mga masasamang espiritu at mga karamdaman. Sila ay sina Maria na tinatawag na Magdalena, na mula sa kaniya ay pitong demonyo ang pinalayas,
3 ⲅ̅ ⲛⲙⲓⲱϩⲁⲛⲛⲁ ⲑⲓⲙⲉ ⲛⲭⲟⲩⲍⲁ ⲡⲉⲡⲓⲧⲣⲟⲡⲟⲥ ⲛϩⲏⲣⲱⲇⲏⲥ ⲛⲙⲥⲟⲩⲥⲁⲛⲛⲁ ⲁⲩⲱ ϩⲉⲛⲕⲟⲟⲩⲉ ⲉⲛⲁϣⲱⲟⲩ ⲛⲁⲓ ⲉⲛⲉⲩⲇⲓⲁⲕⲟⲛⲉⲓ ⲛⲁϥ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲛⲉⲩϩⲩⲡⲁⲣⲭⲟⲛⲧⲁ
si Juana ang asawa ni Cusa, na tagapangasiwa ni Herodes, si Susana at marami pang ibang mga kababaihan na nagbigay sa kanilang pangangailangan mula sa kanilang sariling mga pinagkukunan.
4 ⲇ̅ ⲉⲣⲉⲟⲩⲙⲏⲏϣⲉ ⲇⲉ ⲥⲱⲟⲩϩ ⲉⲛⲁϣⲱϥ ⲙⲛ ⲛⲉⲧⲛⲏⲟⲩ ϣⲁⲣⲟϥ ⲕⲁⲧⲁⲡⲟⲗⲉⲓⲥ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁⲩ ϩⲓⲧⲛ ⲟⲩⲡⲁⲣⲁⲃⲟⲗⲏ
Ngayon, nang ang napakaraming bilang ng tao ay nagtipun-tipon, kasama ang mga tao na pumupunta sa kaniya mula sa iba't-ibang mga lungsod, siya ay nagsalita sa kanila gamit ang isang talinghaga.
5 ⲉ̅ ϫⲉ ⲁϥⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϭⲓ ⲡⲉⲧϫⲟ ⲉⲧϫⲉⲡⲉϥϭⲣⲟϭ ⲁⲩⲱ ϩⲙ ⲡⲧⲣⲉϥϫⲟ ⲁϩⲟⲓⲛⲉ ϩⲉ ϩⲁⲧⲛⲧⲉϩⲓⲏ ⲁⲩϩⲟⲙⲟⲩ ⲁⲛϩⲁⲗⲁⲧⲉ ⲛⲧⲡⲉ ⲟⲩⲟⲙⲟⲩ
“May isang manghahasik na lumabas upang maghasik ng mga butil. Sa kaniyang paghahasik, ang ilang mga butil ay nahulog sa tabi ng daan at ang mga ito ay natapakan, at nilamon ang mga ibon sa langit ang mga ito.
6 ⲋ̅ ⲁϩⲉⲛⲕⲟⲟⲩⲉ ⲇⲉ ϩⲉ ⲉϫⲛ ⲙⲡⲉⲧⲣⲁ ⲁⲩⲱ ⲛⲧⲉⲣⲟⲩⲣⲱⲧ ⲁⲩϣⲟⲟⲩⲉ ϫⲉ ⲙⲙⲛⲁϭⲃⲉⲥ ϩⲁⲣⲟⲟⲩ
Ang ibang mga butil ay nahulog sa mabatong lupa, at agad sa kanilang pagtubo, ang mga ito ay nalanta dahil sa kawalan ng halumigmig.
7 ⲍ̅ ϩⲉⲛⲕⲟⲟⲩⲉ ⲇⲉ ⲁⲩϩⲉ ⲉⲧⲙⲏⲧⲉ ⲛⲛϣⲟⲛⲧⲉ ⲁⲩⲱ ⲛⲧⲉⲣⲉⲛϣⲟⲛⲧⲉ ⲣⲱⲧ ⲁⲩⲟϭⲧⲟⲩ
Ang ibang mga butil naman ay nahulog sa mga matitinik na halaman, at ang mga matitinik na halaman ay tumubo kasabay ng mga butil at sinakal ang mga ito.
8 ⲏ̅ ϩⲉⲛⲕⲟⲟⲩⲉ ⲇⲉ ⲁⲩϩⲉ ⲉϫⲙⲡⲕⲁϩ ⲉⲧⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲁⲩⲱ ⲛⲧⲉⲣⲟⲩⲣⲱⲧ ⲁⲩⲧⲁⲩⲉⲕⲁⲣⲡⲟⲥ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϣⲉ ⲛⲕⲱⲃ ⲛⲁⲉⲓ ⲇⲉ ⲉϥϫⲱ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲛⲉϥⲙⲟⲩⲧⲉ ⲡⲉ ϫⲉ ⲡⲉⲧⲉⲩⲛⲧϥⲙⲁⲁϫⲉ ⲙⲙⲁⲩ ⲉⲥⲱⲧⲙ ⲙⲁⲣⲉϥⲥⲱⲧⲙ
Ngunit ang ilang mga butil ay nahulog sa mabuting lupa at namunga ng higit pa sa isandaan.” Pagkatapos na sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito, siya ay nangusap, “Sinuman ang may taingang pandinig, makinig siya.”
9 ⲑ̅ ⲁⲛⲉϥⲙⲁⲑⲏⲧⲏⲥ ⲇⲉ ϫⲛⲟⲩϥ ϫⲉ ⲟⲩ ⲧⲉ ⲧⲉⲓⲡⲁⲣⲁⲃⲟⲗⲏ
Pagkatapos, ang kaniyang mga alagad ay nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng talinghagang ito.
10 ⲓ̅ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁⲩ ϫⲉ ⲛⲧⲁⲩⲧⲁⲁⲥ ⲛⲏⲧⲛ ⲉⲉⲓⲙⲉ ⲉⲡⲙⲩⲥⲧⲏⲣⲓⲟⲛ ⲛⲧⲙⲛⲧⲣⲣⲟ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲉⲓϣⲁϫⲉ ⲇⲉ ⲛⲙⲡⲕⲉⲥⲉⲉⲡⲉ ϩⲛ ϩⲉⲛⲡⲁⲣⲁⲃⲟⲗⲏ ϫⲉⲕⲁⲥ ⲉⲩⲉⲛⲁⲩ ⲛⲛⲉⲩⲓⲱⲣϩ ⲁⲩⲱ ⲉⲩⲥⲱⲧⲙ ⲛⲛⲉⲩⲓⲙⲉ
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang mga hiwaga sa kaharian ng Diyos, ngunit ang ibang mga tao ay tuturuan lamang sa mga talinghaga, kaya tumingin man sila ay hindi talaga sila makakakita, at makinig man sila ay hindi talaga sila makakaunawa.
11 ⲓ̅ⲁ̅ ⲧⲁⲓ ⲇⲉ ⲧⲉ ⲧⲡⲁⲣⲁⲃⲟⲗⲏ ⲡⲉϭⲣⲟϭ ⲡⲉ ⲡϣⲁϫⲉ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Ngayon, ito ang ibig sabihin ng talinghaga. Ang butil ay ang salita ng Diyos.
12 ⲓ̅ⲃ̅ ⲛⲉⲧϩⲁⲧⲛ ⲧⲉϩⲓⲏ ⲇⲉ ⲛⲉ ⲛⲉⲛⲧⲁⲩⲥⲱⲧⲙ ⲙⲛⲛⲥⲱⲥ ⲉϣⲁⲣⲉ ⲡⲡⲟⲛⲏⲣⲟⲥ ⲉⲓ ⲛϥϥⲓ ⲙⲡϣⲁϫⲉ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲉⲩϩⲏⲧ ϫⲉ ⲛⲛⲉⲩⲡⲓⲥⲧⲉⲩⲉ ⲛⲥⲉⲟⲩϫⲁⲓ
Ang mga butil na nahulog sa tabi ng daan ay ang mga taong nakarinig ng salita ngunit ang diyablo ay dumating at kinuha ang salita mula sa kanilang puso upang sila ay hindi manampalataya at mailigtas.
13 ⲓ̅ⲅ̅ ⲛⲉⲧϩⲓϫⲛ ⲧⲡⲉⲧⲣⲁ ⲇⲉ ⲛⲉ ⲛⲁⲉⲓ ⲉϣⲁⲩⲥⲱⲧⲙ ⲛⲥⲉϣⲉⲡⲡϣⲁϫⲉ ⲉⲣⲟⲟⲩ ϩⲛ ⲟⲩⲣⲁϣⲉ ⲛⲁⲉⲓ ⲇⲉ ⲙⲙⲛⲧⲟⲩⲛⲟⲩⲛⲉ ⲙⲙⲁⲩ ⲉϣⲁⲩⲡⲓⲥⲧⲉⲩⲉ ⲡⲣⲟⲥⲟⲩⲟⲉⲓϣ ϩⲛ ⲟⲩⲟⲉⲓϣ ⲇⲉ ⲙⲡⲉⲓⲣⲁⲥⲙⲟⲥ ϣⲁⲩⲕⲟⲧⲟⲩ ⲉⲃⲟⲗ
At ang mga nahulog sa mabatong lupa ay ang mga tao na, nang marinig nila ang salita, tinanggap nila ito nang may galak, ngunit sila ay walang anumang mga ugat; sila ay maniniwala nang panandalian at pagkatapos, sa panahon ng pagsubok, sila ay tumiwalag.
14 ⲓ̅ⲇ̅ ⲛⲉⲛⲧⲁⲩϩⲉ ⲇⲉ ⲉϫⲛ ⲛϣⲟⲛⲧⲉ ⲛⲉ ⲛⲁⲓ ⲉⲧⲥⲱⲧⲙ ⲉⲡϣⲁϫⲉ ⲉⲧⲙⲟⲟϣⲉ ϩⲛ ⲛⲣⲟⲟⲩϣ ⲛⲙ ⲧⲙⲛⲧⲣⲙⲙⲁⲟ ⲛⲙⲛϩⲏⲇⲟⲛⲏ ⲛⲧⲉⲡⲃⲓⲟⲥ ⲉⲩⲱϭⲧ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲁⲩⲱ ⲉⲛⲥⲉϫⲱⲕ ⲉⲃⲟⲗ ⲁⲛ
Ang mga butil na nahulog sa mga matitinik na halaman ay ang mga taong nakarinig ng salita ngunit sa kanilang pagtahak ng daan, sila ay nasakal ng kanilang mga alalahanin at mga kayamanan at mga kaligayahan sa buhay na ito, kaya wala silang bungang madala sa paglago.
15 ⲓ̅ⲉ̅ ⲛⲉⲧϩⲓϫⲙⲡⲕⲁϩ ⲇⲉ ⲉⲧⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲛⲉ ⲛⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁⲩⲥⲱⲧⲙ ⲉⲡϣⲁϫⲉ ϩⲛ ⲟⲩϩⲏⲧ ⲉⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲛⲁⲅⲁⲑⲟⲥ ⲁⲩⲁⲙⲁϩⲧⲉ ⲙⲙⲟϥ ⲁⲩϯ ⲕⲁⲣⲡⲟⲥ ϩⲛ ⲟⲩϩⲩⲡⲟⲙⲟⲛⲏ
Ngunit ang mga butil na nahulog sa mabuting lupa, ito ay ang mga tao na may tapat at mabuting puso, pagkatapos nilang marinig ang salita, ito ay kanilang pinanghawakan nang mabuti at nagbunga nang may pagtitiyaga.
16 ⲓ̅ⲋ̅ ⲙⲉⲣⲉⲗⲁⲁⲩ ϫⲉⲣⲉⲟⲩϩⲏⲃⲥ ⲛϥϩⲟⲃⲥϥ ⲛⲟⲩϩⲛⲁⲁⲩ ⲏ ⲛϥⲕⲁⲁϥ ϩⲁ ⲟⲩϭⲗⲟϭ ⲁⲗⲗⲁ ⲉϣⲁϥⲕⲁⲁϥ ⲉϫⲛ ⲧⲗⲩⲭⲛⲓⲁ ϫⲉ ⲉⲣⲉⲛⲉⲧⲃⲏⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲛⲁⲩ ⲉⲡⲟⲩⲟⲉⲓⲛ
Ngayon, walang sinuman, na kung kaniyang sisindihan ang ilawan ay tatakpan ito ng mangkok o ilalagay ito sa ilalim ng kama. Sa halip ito ay kaniyang ilalagay sa patungan ng ilawan, upang ang lahat ng papasok ay makikita ang liwanag.
17 ⲓ̅ⲍ̅ ⲙⲙⲛⲗⲁⲁⲩ ⲅⲁⲣ ⲉϥϩⲏⲡ ⲉⲛϥⲛⲁⲟⲩⲱⲛϩ ⲉⲃⲟⲗ ⲁⲛ ⲁⲩⲱ ⲙⲙⲛⲗⲁⲁⲩ ⲉϥϩⲟⲃⲥ ⲉⲛⲥⲉⲛⲁⲉⲓⲙⲉ ⲉⲣⲟϥ ⲁⲛ ⲛϥⲉⲓ ⲉⲡⲟⲩⲟⲓⲛ
Sapagkat walang nakatago na hindi malalaman, ni anumang lihim na hindi malalaman at mabubunyag sa liwanag.
18 ⲓ̅ⲏ̅ ϯϩⲧⲏⲧⲛ ϭⲉ ϫⲉ ⲉⲧⲉⲧⲛⲥⲱⲧⲙ ⲛⲁϣ ⲛϩⲉ ⲡⲉⲧⲉ ⲟⲩⲛⲧⲁϥ ⲅⲁⲣ ⲥⲉⲛⲁϯ ⲛⲁϥ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲧⲉⲙⲛⲧⲁϥ ⲡⲉⲧϥϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⲟⲩⲛⲧⲁⲓ ⲥϥ ⲥⲉⲛⲁϥⲓⲧϥ ⲛⲧⲟⲟⲧϥ
Kaya mag-ingat kung paano kayo makinig, dahil kung sinuman ang mayroon, siya ay bibigyan pa ng mas marami, at kung sinuman ang wala ay kukunin kahit na ang inaakala niyang mayroon siya.”
19 ⲓ̅ⲑ̅ ⲁⲧⲉϥⲙⲁⲁⲩ ⲇⲉ ⲉⲓ ϣⲁⲣⲟϥ ⲙⲛ ⲛⲉϥⲥⲛⲏⲩ ⲙⲡⲟⲩⲉϣϭⲙϭⲟⲙ ⲉⲧⲱⲙⲛⲧ ⲉⲣⲟϥ ⲉⲧⲃⲉ ⲡⲙⲏⲏϣⲉ
Pagkatapos, ang ina at mga kapatid na lalaki ni Jesus ay lumapit sa kaniya, ngunit sila ay hindi makalapit dahil sa napakaraming tao.
20 ⲕ̅ ⲁⲩϫⲓⲡⲟⲩⲱ ⲇⲉ ⲛⲁϥ ϫⲉ ⲧⲉⲕⲙⲁⲁⲩ ⲙⲛ ⲛⲉⲕⲥⲛⲏⲟⲩ ⲁϩⲉⲣⲁⲧⲟⲩ ϩⲓⲡⲥⲁ ⲃⲃⲟⲗ ⲉⲩⲟⲩⲉϣ ⲛⲁⲩ ⲉⲣⲟⲕ
At ito ay sinabi sa kaniya, “Ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas, ninanais kang makita.”
21 ⲕ̅ⲁ̅ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲁϥⲟⲩⲱϣⲃ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁⲩ ϫⲉ ⲧⲁⲙⲁⲁⲩ ⲙⲛ ⲛⲁⲥⲛⲏⲩ ⲛⲉ ⲛⲁⲓ ⲉⲧⲥⲱⲧⲙ ⲉⲡϣⲁϫⲉ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲉϯⲣⲉ ⲙⲙⲟϥ
Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Ang aking ina at ang aking mga kapatid na lalaki ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at sinusunod ito.”
22 ⲕ̅ⲃ̅ ⲁⲥϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲛⲟⲩϩⲟⲟⲩ ⲉⲁϥⲧⲁⲗⲉ ⲉⲩϫⲟⲓ ⲙⲛ ⲛⲉϥⲙⲁⲑⲏⲧⲏⲥ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁⲩ ϫⲉ ⲙⲁⲣⲟⲛ ⲉⲡⲉⲕⲣⲟ ⲛⲧⲗⲓⲙⲛⲏ ⲁⲩⲱ ⲁⲩⲣϩⲱⲧ
Ngayon, nangyari isa sa mga araw na iyon na si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay sumakay sa isang bangka, at sinabi niya sa kanila, “Pumunta tayo sa kabilang dako ng lawa.” At sila ay naglayag.
23 ⲕ̅ⲅ̅ ⲉⲩⲣϩⲱⲧ ⲇⲉ ⲁϥⲱⲃϣ ⲁⲩⲧⲣⲱⲙ ⲛⲧⲏⲩ ⲉⲓ ⲉⲡⲉⲥⲏⲧ ⲉⲧⲗⲓⲙⲛⲏ ⲁⲩϣⲧⲟⲣⲧⲣ ⲇⲉ ⲁⲩⲱ ⲁⲩϭⲓⲛⲇⲩⲛⲉⲩⲉ
Ngunit sa kanilang paglalayag, si Jesus ay nakatulog, at isang bagyo na may napakalakas na hangin ang dumating sa buong lawa, at ang kanilang bangka ay nagsimulang mapuno ng tubig, at sila ay nasa matinding panganib.
24 ⲕ̅ⲇ̅ ⲁⲩϯⲡⲉⲩⲟⲩⲟⲓ ⲇⲉ ⲉⲣⲟϥ ⲁⲩⲧⲟⲩⲛⲟⲥϥ ⲉⲩϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⲡⲥⲁϩ ⲡⲥⲁϩ ⲧⲛⲛⲁⲧⲁⲕⲟ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲁϥⲧⲱⲟⲩⲛ ⲁϥⲉⲡⲓⲧⲓⲙⲁ ⲙⲡⲧⲏⲟⲩ ⲛⲙⲫⲟⲉⲓⲙ ⲙⲡⲙⲟⲟⲩ ⲁϥⲗⲟ ⲁⲩϫⲁⲙⲏ ϣⲱⲡⲉ
At lumapit ang mga alagad ni Jesus sa kaniya at siya ay ginising, nagsasabi, “Panginoon! Panginoon! Tayo ay nasa bingit ng kamatayan!” Siya ay gumising at sinaway ang hangin at ang nagngangalit na tubig at ang mga ito ay humupa, at nagkaroon ng kapanatagan.
25 ⲕ̅ⲉ̅ ⲡⲉϫⲁϥ ⲇⲉ ⲛⲁⲩ ϫⲉ ⲉⲥⲧⲱⲛ ⲧⲉⲧⲛⲡⲓⲥⲧⲓⲥ ⲉⲩⲣ ϩⲟⲧⲉ ⲇⲉ ⲁⲩⲱ ⲉⲩⲣϣⲡⲏⲣⲉ ⲉⲩϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲛⲉⲩⲉⲣⲏⲩ ϫⲉ ⲛⲓⲙ ϭⲉ ⲛⲧⲟϥ ⲡⲉ ⲡⲁⲓ ϫⲉ ϥⲟⲩⲉϩⲥⲁϩⲛⲉ ⲛⲛⲧⲏⲩ ⲛⲙⲡⲙⲟⲟⲩ ⲥⲉⲥⲱⲧⲙ ⲛⲥⲱϥ
Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Sa pagkatakot, sila ay lubos na namangha, at sinabi sa isa't isa. “Sino nga kaya ito, na kaniyang nauutusan kahit na ang mga hangin at tubig at ang mga ito ay sumusunod sa kaniya?”
26 ⲕ̅ⲋ̅ ⲁⲩⲥϭⲏⲣ ⲇⲉ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉⲧⲉⲭⲱⲣⲁ ⲛⲛⲅⲉⲣⲁⲍⲏⲛⲟⲥ ⲉⲧⲉⲧⲁⲓ ⲧⲉⲉⲧⲙⲡⲉⲙⲧⲟ ⲉⲃⲟⲗ ⲛⲧⲅⲁⲗⲓⲗⲁⲓⲁ
Dumating sila sa rehiyon ng Geraseno, na katapat ng Galilea.
27 ⲕ̅ⲍ̅ ⲛⲧⲉⲣⲉϥⲉⲓ ⲇⲉ ⲉⲡⲉⲕⲣⲟ ⲁⲩⲣⲱⲙⲉ ⲧⲱⲙⲛⲧ ⲉⲣⲟϥ ⲉϥⲛⲏⲟⲩ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲧⲡⲟⲗⲉⲓⲥ ⲉⲩⲛ ϩⲉⲛⲇⲁⲓⲙⲱⲛⲓⲟⲛ ϩⲓⲱⲱϥ ⲉⲁϥⲣⲟⲩⲛⲟϭ ⲛⲟⲩⲟⲉⲓϣ ⲉⲙⲡϥϯϩⲟⲓⲧⲉ ϩⲓⲱⲱϥ ⲁⲩⲱ ⲉⲙⲡϥⲟⲩⲱϩ ϩⲛ ⲏ ⲉⲓ ⲁⲗⲗⲁ ⲉϥϩⲛ ⲛⲉⲙϩⲁⲟⲩ
Nang nakababa si Jesus sa lupa, may isang lalaki mula sa lungsod ang sumalubong sa kaniya at ang lalaking ito ay may mga demonyo. Sa matagal na panahon, siya ay walang suot na damit at hindi tumira sa isang bahay, sa halip, ay sa mga libingan.
28 ⲕ̅ⲏ̅ ⲛⲧⲉⲣⲉϥⲛⲁⲩ ⲇⲉ ⲉⲓⲏⲥ ⲁϥϫⲓϣⲕⲁⲕ ⲉⲃⲟⲗ ⲁϥⲡⲁϩⲧϥ ϩⲁⲣⲁⲧϥ ⲡⲉϫⲁϥ ϩⲛ ⲟⲩⲛⲟϭ ⲛⲥⲙⲏ ϫⲉ ⲉⲕⲟⲩⲉϣⲟⲩ ⲛⲙⲙⲁⲛ ⲓⲏⲥ ⲡϣⲏⲣⲉ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲉⲧϫⲟⲥⲉ ϯⲥⲟⲡⲥ ⲙⲙⲟⲕ ⲙⲡⲣⲃⲁⲥⲁⲛⲓⲍⲉ ⲙⲙⲟⲓ
Nang makita niya si Jesus, sumigaw siya at lumuhod sa harap niya. Sa malakas na tinig kaniyang sinabing, “Ano ang kinalaman ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sayo, huwag mo akong pahirapan.”
29 ⲕ̅ⲑ̅ ⲁϥⲡⲁⲣⲁⲅⲅⲉⲓⲗⲉ ⲅⲁⲣ ⲛⲛⲉⲡⲛⲁ ⲛⲁⲕⲁⲑⲁⲣⲧⲟⲛ ⲉⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲣⲱⲙⲉ ⲛⲉⲁϥⲣ ϩⲉⲛⲛⲟϭ ⲅⲁⲣ ⲛⲟⲩⲟⲉⲓϣ ⲉϣⲁϥⲧⲟⲣⲡϥ ⲛⲉϣⲁⲩⲙⲟⲣϥ ⲇⲉ ⲡⲉ ϩⲛ ϩⲉⲛϩⲁⲗⲩⲥⲓⲥ ⲛⲙϩⲉⲛⲓⲛⲉ ⲛϩⲟⲙⲛⲧ ⲉⲩϩⲁⲣⲉϩ ⲉⲣⲟϥ ⲁⲩⲱ ϣⲁϥⲡⲱϩ ⲛⲙⲙⲣⲣⲉ ⲛⲥⲉϫⲓⲧϥ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲛ ⲡⲇⲁⲓⲙⲱⲛⲓⲟⲛ ⲉϩⲉⲛⲙⲁ ⲛϫⲁⲓⲉ
Sapagkat inuutusan ni Jesus ang maruming espiritu na umalis sa lalaking iyon, dahil maraming beses na siyang sinaniban nito. Kahit na siya ay nakagapos sa mga kadena at mga tanikala at binabantayan nang mabuti, napuputol niya ang mga gapos at dinadala ng demonyo sa ilang.
30 ⲗ̅ ⲁⲓⲏⲥ ⲇⲉ ϫⲛⲟⲩϥ ϫⲉ ⲛⲓⲙ ⲡⲉ ⲡⲉⲕⲣⲁⲛ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲡⲉϫⲁϥ ϫⲉ ⲗⲉⲅⲉⲱⲛ ϫⲉ ⲁϩⲁϩ ⲛⲇⲁⲓⲙⲱⲛⲓⲟⲛ ⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲣⲟϥ
At nagtanong sa kaniya si Jesus, “Ano ang iyong pangalan?” At siya ay sumagot, “Pulutong”, dahil maraming demonyo ang sumanib sa kaniya.
31 ⲗ̅ⲁ̅ ⲁⲩⲱ ⲁⲩⲥⲉⲡⲥⲱⲡϥ ϫⲉ ⲛⲛⲉϥⲟⲩⲉϩⲥⲁϩⲛⲉ ⲛⲁⲩ ⲉⲃⲱⲕ ⲉⲡⲛⲟⲩⲛ (Abyssos )
Patuloy silang nagsusumamo sa kaniya na huwag silang utusang itapon sa bangin na napakalalim. (Abyssos )
32 ⲗ̅ⲃ̅ ⲛⲉⲟⲩⲛ ⲟⲩⲁⲅⲉⲗⲏ ⲇⲉ ⲣⲣⲓⲣ ⲙⲙⲁⲩ ⲡⲉ ⲉⲛⲁϣⲱⲥ ⲉⲩⲙⲟⲟⲛⲉ ⲙⲙⲟⲥ ϩⲓⲡⲧⲟⲟⲩ ⲁⲩⲥⲉⲡⲥⲱⲡϥ ⲇⲉ ϫⲉ ⲉϥⲉⲟⲩⲉϩⲥⲁϩⲛⲉ ⲛⲁⲩ ⲉⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲛⲉⲧⲙⲙⲁⲩ ⲁⲩⲱ ⲁϥⲕⲁⲁⲩ
Ngayon, may kawan ng mga baboy na kumakain sa burol, at nakiusap ang mga demonyo na payagan silang pasukin ang mga baboy. Pinahintulutan niya silang gawin ito.
33 ⲗ̅ⲅ̅ ⲁⲛⲇⲁⲓⲙⲱⲛⲓⲟⲛ ⲇⲉ ⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲣⲱⲙⲉ ⲁⲩⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲛⲣⲓⲣ ⲁⲥϯⲡⲉⲥⲟⲩⲟⲓ ⲇⲉ ⲛϭⲓ ⲧⲁⲅⲉⲗⲏ ⲉϫⲛ ⲧϣⲱⲙⲉ ⲉⲡⲉⲥⲏⲧ ⲉⲧⲗⲓⲙⲛⲏ ⲁⲩⲙⲟⲩ
Kaya ang mga demonyo ay lumabas sa lalaki at pumasok sa mga baboy, at ang kawan ng baboy ay tumakbo nang mabilis pababa ng matarik na burol papunta sa lawa at nalunod.
34 ⲗ̅ⲇ̅ ⲁⲛⲉⲧⲙⲟⲟⲛⲉ ⲇⲉ ⲛⲁⲩ ⲉⲡⲉⲛⲧⲁϥϣⲱⲡⲉ ⲁⲩⲡⲱⲧ ⲁⲩϫⲓⲡⲟⲩⲱ ⲉⲧⲡⲟⲗⲉⲓⲥ ⲁⲩⲱ ⲉⲛⲥⲱϣⲉ
Nang makita ng mga lalaki na nagbabantay sa mga baboy ang nangyari, tumakbo sila at ibinalita ito sa lungsod at sa kabukiran.
35 ⲗ̅ⲉ̅ ⲁⲩⲉⲓ ⲇⲉ ⲉⲃⲟⲗ ⲉⲛⲁⲩ ⲉⲡⲉⲛⲧⲁϥϣⲱⲡⲉ ⲁⲩⲉⲓ ϣⲁⲓⲏⲥ ⲁⲩϩⲉ ⲉⲡⲣⲱⲙⲉ ⲉϥϩⲙⲟⲟⲥ ⲡⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁ ⲛⲇⲁⲓⲙⲱⲛⲓⲟⲛ ⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϩⲏⲧϥ ⲉⲣⲉⲛⲉϥϩⲟⲓⲧⲉ ϩⲓⲱⲱϥ ⲉⲣⲉⲡⲉϥϩⲏⲧ ⲥⲙⲟⲛⲧ ⲉϥϩⲙⲟⲟⲥ ϩⲁⲧⲛⲟⲩⲉⲣⲏⲧⲉ ⲛⲓⲥ ⲁⲩⲱ ⲁⲩⲣϩⲟⲧⲉ
Kaya ang mga taong nakarinig tungkol dito ay lumabas upang makita kung ano ang nangyari, at sila ay pumunta kay Jesus at nakita nila ang lalaki na pinalaya mula sa mga demonyo. Siya ay nakadamit at nasa matinong pag-iisip, nakaupo sa paanan ni Jesus at sila ay natakot.
36 ⲗ̅ⲋ̅ ⲁⲛⲉⲛⲧⲁⲩⲛⲁⲩ ⲇⲉ ⲧⲁⲙⲟⲟⲩ ⲉⲑⲉ ⲉⲛⲧⲁⲡⲉⲧⲟ ⲛⲇⲁⲓⲙⲱⲛⲓⲟⲛ ⲟⲩϫⲁⲓ ⲙⲙⲟⲥ
Pagkatapos, ang mga nakakita sa nangyari ay sinabi sa iba kung paanong ang lalaking dating nasasaniban ng mga demonyo ay nailigtas.
37 ⲗ̅ⲍ̅ ⲁⲩⲥⲉⲡⲥⲱⲡϥ ⲇⲉ ⲛϭⲓ ⲡⲙⲏⲏϣⲉ ⲧⲏⲣϥ ⲛⲧⲡⲉⲣⲓⲭⲱⲣⲟⲥ ⲛⲛⲅⲉⲣⲁⲍⲏⲛⲟⲥ ⲉⲃⲱⲕ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲟⲟⲧⲟⲩ ϫⲉ ⲁⲩⲛⲟϭ ⲛϩⲟⲧⲉ ⲧⲁϩⲟⲟⲩ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲁϥⲁⲗⲉ ⲉⲩϫⲟⲓ ⲁϥⲕⲧⲟϥ
Lahat ng taong nasa rehiyon ng Geraseno at sa palibot na mga lugar ay humiling kay Jesus na lumayo sa kanila, sapagkat sila ay nabalot ng matinding takot. Kaya siya ay sumakay sa bangka upang bumalik.
38 ⲗ̅ⲏ̅ ⲛⲉⲣⲉⲡⲣⲱⲙⲉ ⲇⲉ ⲉⲛⲧⲁ ⲛⲇⲁⲓⲙⲱⲛⲓⲟⲛ ⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϩⲏⲧϥ ⲧⲱⲃϩ ⲙⲙⲟϥ ⲉⲧⲣⲉϥⲙⲟⲟϣⲉ ⲛⲙⲙⲁϥ ⲁϥⲕⲁⲁϥ ⲇⲉ ⲉⲃⲟⲗ ⲉϥϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ
Ang lalaki na napalaya mula sa mga demonyo ay nagmakaawa kay Jesus na siya ay hayaang sumama kasama niya, ngunit siya ay pinaalis ni Jesus, na sinasabing,
39 ⲗ̅ⲑ̅ ϫⲉ ⲕⲟⲧⲕ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉⲡⲉⲕⲏⲉⲓ ⲛⲅϫⲱ ⲛⲛⲉⲛⲧⲁⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲁⲁⲩ ⲛⲁⲕ ⲁⲩⲱ ⲁϥⲃⲱⲕ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲧⲡⲟⲗⲉⲓⲥ ⲧⲏⲣⲥ ⲉϥⲧⲁϣⲉⲟⲓϣ ⲛⲛⲉⲛⲧⲁⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲁⲁⲩ ⲛⲁϥ
“Bumalik ka sa iyong bahay at sabihin ang lahat ng mga kahanga-hangang bagay na ginawa ng Diyos para sa iyo.” Ang lalaki ay umalis, ipinahayag sa buong lungsod ang lahat ng mga kamangha-manghang bagay na ginawa ni Jesus para sa kaniya.
40 ⲙ̅ ϩⲙ ⲡⲧⲣⲉ ⲓⲏⲥ ⲇⲉ ⲕⲟⲧϥ ⲁⲡⲙⲏⲏϣⲉ ϣⲟⲡϥ ⲉⲣⲟⲟⲩ ⲛⲉⲩϭⲱϣⲧ ⲅⲁⲣ ⲧⲏⲣⲟⲩ ⲡⲉ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲏⲧϥ
Sa pagbabalik ni Jesus, sinalubong siya ng napakaraming tao, dahil sa sila ay naghihintay sa kaniya.
41 ⲙ̅ⲁ̅ ⲉⲓⲥ ϩⲏⲏⲧⲉ ⲇⲉ ⲁⲩⲣⲱⲙⲉ ⲉⲓ ⲉⲡⲉϥⲣⲁⲛ ⲡⲉ ⲉⲓⲁⲉⲓⲣⲟⲥ ⲉⲡⲁⲣⲭⲱⲛ ⲡⲉ ⲛⲧⲥⲩⲛⲁⲅⲱⲅⲏ ⲁϥⲡⲁϩⲧϥ ϩⲁⲛⲟⲩⲉⲣⲏⲧⲉ ⲛⲓⲏⲥ ⲁϥⲥⲉⲡⲥⲱⲡϥ ⲉⲧⲣⲉϥⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲡⲉϥⲏⲓ
Masdan ito, may isang lalaki na dumating na nagngangalang Jairo, at siya ay isa sa mga pinuno ng sinagoga. Si Jairo ay lumuhod sa paanan ni Jesus at nakiusap na pumunta sa kaniyang bahay,
42 ⲙ̅ⲃ̅ ϫⲉ ⲉⲛⲉⲟⲩⲛⲧϥ ⲟⲩϣⲉⲉⲣⲉ ⲟⲩⲱⲧ ⲉⲥⲛⲁⲣ ⲙⲛⲧⲥⲛⲟⲟⲩⲥ ⲣⲣⲟⲙⲡⲉ ⲧⲁⲓ ⲇⲉ ⲛⲉⲥⲛⲉⲥⲛⲁⲙⲟⲩ ⲉϥⲃⲏⲕ ⲇⲉ ⲁⲡⲙⲏⲏϣⲉ ϩⲉϫϩⲱϫϥ
dahil sa siya ay may kaisa-isang anak na babae, na nasa labindalawang taon ang edad, at siya ay nag-aagaw-buhay. Ngunit nang papunta siya kay Jesus, maraming tao ang nagsisiksikan sa kaniya.
43 ⲙ̅ⲅ̅ ⲉⲓⲥⲟⲩⲥϩⲓⲙⲉ ⲇⲉ ⲉⲣⲉⲡⲉⲥⲛⲟϥ ϩⲁⲣⲟⲥ ⲙⲙⲛⲧⲥⲛⲟⲟⲩⲥⲉ ⲣⲣⲟⲙⲡⲉ ⲧⲁⲓ ⲉⲙⲡⲉⲗⲁⲁⲩ ⲉϣϭⲙϭⲟⲙ ⲉⲧⲁⲗϭⲟⲥ
Isang babae ang naroroon na labindalawang taon nang dinudugo at ginugol ang lahat ng kaniyang pera sa mga manggagamot, ngunit hindi siya mapagaling ng kahit sinuman sa kanila.
44 ⲙ̅ⲇ̅ ⲁⲥϯⲡⲉⲥⲟⲩⲟⲓ ⲉⲡⲁϩⲟⲩ ⲙⲙⲟϥ ⲁⲥϫⲱϩ ⲉⲛⲧⲱⲧⲉ ⲛⲧⲉϥϣⲧⲏⲛ ⲁⲩⲱ ϩⲛ ⲧⲉⲩⲛⲟⲩ ⲁⲡⲉⲥⲛⲟϥ ϭⲱ ⲉϥϣⲟⲩⲟ
Siya ay pumunta sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit, at agad na huminto ang kaniyang pagdurugo.
45 ⲙ̅ⲉ̅ ⲡⲉϫⲉ ⲓⲏⲥ ϫⲉ ⲛⲓⲙ ⲡⲉ ⲛⲧⲁϥϫⲱϩ ⲉⲣⲟⲓ ⲛⲧⲉⲣⲟⲩϫⲟⲟⲥ ⲇⲉ ⲧⲏⲣⲟⲩ ϫⲉ ⲛⲁⲛⲟⲛ ⲁⲛ ⲛⲉ ⲡⲉϫⲉⲡⲉⲧⲣⲟⲥ ⲛⲁϥ ϫⲉ ⲡⲥⲁϩ ⲙⲙⲏⲏϣⲉ ⲛⲉⲧϩⲟϫϩⲉϫ ⲙⲙⲟⲕ ⲉⲧⲑⲗⲓⲃⲉ ⲙⲙⲟⲕ
Sinabi ni Jesus, “Sino ang humipo sa akin?” Nang ang lahat ay tumanggi, sinabi ni Pedro, “Panginoon, napakaraming tao ang nagsisiksikan sa inyo at sila ay nanggigitgit sa inyo.
46 ⲙ̅ⲋ̅ ⲓⲏⲥ ⲇⲉ ⲡⲉϫⲁϥ ϫⲉ ⲁⲩϫⲱϩ ⲉⲣⲟⲓ ⲁⲛⲟⲕ ⲅⲁⲣ ⲁⲓⲉⲓⲙⲉ ⲉⲩϭⲟⲙ ⲉⲁⲥⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϩⲏⲧ
Ngunit sinabi ni Jesus, “May isa ngang humipo sa akin, dahil alam ko na may kapangyarihang lumabas sa akin.”
47 ⲙ̅ⲍ̅ ⲁⲥⲛⲁⲩ ⲇⲉ ⲛϭⲓ ⲧⲉⲥϩⲓⲙⲉ ϫⲉ ⲙⲡⲉⲡϩⲱⲃ ϩⲱⲡ ⲁⲥⲉⲓ ⲉⲥⲥⲧⲱⲧ ⲁⲥⲡⲁϩⲧⲥ ⲛⲁϥ ⲁⲥⲧⲁⲙⲟϥ ϫⲉ ⲛⲧⲁⲥϫⲱϩ ⲉⲣⲟϥ ⲉⲧⲃⲉ ⲟⲩ ⲛϩⲱⲃ ⲙⲡⲉⲙⲧⲟ ⲉⲃⲟⲗ ⲙⲡⲙⲏⲏϣⲉ ⲧⲏⲣϥ ⲁⲩⲱ ⲉⲑⲉ ⲉⲛⲧⲁⲥⲗⲟ ⲛⲧⲉⲩⲛⲟⲩ
Nang makita ng babae na hindi niya maitago ang kaniyang ginawa, siya ay lumapit na nanginginig. Habang lumuluhod sa harap ni Jesus, ipinahayag niya sa harap ng lahat ng tao ang dahilan ng paghipo niya sa kaniya at kung paano siya gumaling agad.
48 ⲙ̅ⲏ̅ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁⲥ ϫⲉ ⲧⲁϣⲉⲉⲣⲉ ⲧⲟⲩⲡⲓⲥⲧⲓⲥ ⲧⲉⲛⲧⲁⲥⲛⲁϩⲙⲉ ⲃⲱⲕ ϩⲛ ⲟⲩⲉⲓⲣⲏⲛⲏ
Pagkatapos, sinabi niya sa kaniya, “Anak, ang iyong pananampalataya ang siyang nagpagaling sa iyo. Humayo ka nang may kapayapaan.”
49 ⲙ̅ⲑ̅ ⲉⲧⲓ ⲇⲉ ⲉϥϣⲁϫⲉ ⲁϥⲉⲓ ⲛϭⲓ ⲟⲩⲁ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲛ ⲛⲁⲡⲁⲣⲭⲓⲥⲩⲛⲁⲅⲱⲅⲟⲥ ⲉϥϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⲁⲧⲉⲕϣⲉⲉⲣⲉ ⲙⲟⲩ ⲙⲡⲣⲥⲕⲩⲗⲗⲉⲓ ϭⲉ ⲙⲡⲥⲁϩ
Habang siya ay patuloy pang nagsasalita, may isang lumapit mula sa bahay ng pinuno ng sinagoga, na nagsasabi, “Ang iyong anak na babae ay patay na. Huwag mong gambalain ang guro.”
50 ⲛ̅ ⲓⲏⲥ ⲇⲉ ⲁϥⲥⲱⲧⲙ ⲡⲉϫⲁϥ ϫⲉ ⲙⲡⲣⲣ ϩⲟⲧⲉ ⲙⲟⲛⲟⲛ ⲡⲓⲥⲧⲉⲩⲉ ⲁⲩⲱ ⲥⲛⲁⲱⲛϩ
Ngunit nang marinig iyon ni Jesus, siya ay sumagot sa kaniya, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang, at siya ay maliligtas.”
51 ⲛ̅ⲁ̅ ⲛⲧⲉⲣⲉϥⲉⲓ ⲇⲉ ⲉⲡⲏⲓ ⲙⲡϥⲕⲁⲗⲁⲁⲩ ⲉⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲛⲙⲙⲁϥ ⲛⲥⲁⲡⲉⲧⲣⲟⲥ ⲛⲙⲓⲱϩⲁⲛⲛⲏⲥ ⲛⲙⲓⲁⲕⲱⲃⲟⲥ ⲛⲙⲡⲓⲱⲧ ⲛⲧϣⲉⲉⲣⲉ ϣⲏⲙ ⲛⲙ ⲧⲉⲥⲙⲁⲁⲩ
Pagkatapos, nang siya ay dumating sa bahay, hindi niya pinayagan ang sinuman na pumasok kasama niya, maliban kina Pedro, Juan, at Santiago, ang ama ng batang babae, at ang kaniyang ina.
52 ⲛ̅ⲃ̅ ⲛⲉⲩⲣⲓⲙⲉ ⲇⲉ ⲧⲏⲣⲟⲩ ⲁⲩⲱ ⲛⲉⲩⲛⲉϩⲡⲉ ⲡⲉ ⲉⲣⲟⲥ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲡⲉϫⲁϥ ϫⲉ ⲙⲡⲣⲣⲓⲙⲉ ⲙⲡⲥⲙⲟⲩ ⲅⲁⲣ ⲁⲗⲗⲁ ⲉⲥⲛⲕⲟⲧⲕ
Ngayon, lahat ng taong naroroon ay nagluluksa at tumataghoy para sa kaniya, ngunit sinabi niya, “Huwag kayong tumaghoy. Hindi siya patay, ngunit natutulog lamang.”
53 ⲛ̅ⲅ̅ ⲁⲩⲥⲱⲃⲉ ⲇⲉ ⲛⲥⲱϥ ⲉⲩⲥⲟⲟⲩⲛ ϫⲉ ⲁⲥⲙⲟⲩ
Ngunit siya ay pinagtawanan nila nang may pangungutya, sa pagkakaalam na siya ay patay na.
54 ⲛ̅ⲇ̅ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲁϥⲛⲉϫⲟⲩⲟⲛ ⲛⲓⲙ ⲉⲃⲟⲗ ⲁϥⲁⲙⲁϩⲧⲉ ⲛⲧⲉⲥϭⲓϫ ⲁϥⲙⲟⲩⲧⲉ ⲉϥϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⲧϣⲉⲉⲣⲉ ϣⲏⲙ ⲧⲱⲟⲩⲛⲉ
Ngunit hinawakan niya ang batang babae sa kaniyang mga kamay, tumawag, na nagsasabing, “Bata, tumayo ka.”
55 ⲛ̅ⲉ̅ ⲁⲡⲉⲥⲡⲛⲁ ⲇⲉ ⲕⲟⲧϥ ⲉⲣⲟⲥ ⲁⲥⲧⲱⲟⲩⲛ ⲛⲧⲉⲩⲛⲟⲩ ⲁϥⲟⲩⲉϩⲥⲁϩⲛⲉ ⲉⲧⲣⲉⲩϯ ⲛⲁⲥ ⲉⲩⲱⲙ
Ang espiritu ng bata ay bumalik, at siya ay agad na bumangon. Nag-utos si Jesus na bigyan siya ng makakain.
56 ⲛ̅ⲋ̅ ⲁⲩⲣϣⲡⲏⲣⲉ ⲇⲉ ⲛϭⲓ ⲛⲉⲥⲓⲟⲧⲉ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲁϥⲡⲁⲣⲁⲅⲅⲉⲓⲗⲉ ⲛⲁⲩ ⲉⲧⲙϫⲉ ⲡⲉⲛⲧⲁϥϣⲱⲡⲉ ⲗⲗⲁⲁⲩ
Namangha ang mga magulang ng bata, ngunit inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin kanino man kung ano ang nangyari.