< ⲖⲞⲨⲔⲞⲚ 6 >

1 ⲁ̅ ⲁⲥϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲙⲡⲥⲁⲃⲃⲁⲧⲟⲛ ⲉⲧⲣⲉϥⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲛ ⲙⲙⲁ ⲉⲧϫⲏⲩ ⲁⲛⲉϥⲙⲁⲑⲏⲧⲏⲥ ϭⲱⲛϭ ⲛⲛϩⲙⲥ ⲁⲩⲥⲉϩⲥⲱϩⲟⲩ ⲛⲛⲉⲩϭⲓϫ ⲁⲩⲟⲩⲱⲙ
Ngayon ay nangyari na sa Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay naglalakad sa triguhan at ang kaniyang mga alagad ay nangunguha ng mga uhay, ang mga ito ay kinikiskis sa kanilang mga palad at kinakain ang mga butil.
2 ⲃ̅ ⲡⲉϫⲉϩⲟⲓⲛⲉ ⲛⲛⲉⲫⲁⲣⲓⲥⲥⲁⲓⲟⲥ ϫⲉ ⲉⲧⲃⲉ ⲟⲩ ⲧⲉⲧⲛⲓⲣⲉ ⲙⲡⲉⲧⲉⲙⲉϣϣⲉ ϩⲙ ⲡⲥⲁⲃⲃⲁⲧⲟⲛ
Ngunit sinabi ng ibang mga Pariseo, “Bakit kayo gumagawa ng isang bagay na labag sa kautusan na gawin sa Araw ng Pamamahinga?”
3 ⲅ̅ ⲁⲓⲏⲥ ⲇⲉ ⲟⲩⲱϣⲃ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁⲩ ϫⲉ ⲙⲡⲉⲧⲛⲉϣ ⲡⲁⲓ ⲉⲁⲇⲁⲩⲉⲓⲇ ⲁⲁϥ ⲛⲧⲉⲣⲉϥϩⲕⲟ ⲛⲧⲟϥ ⲙⲛ ⲛⲉⲧⲛⲙⲙⲁϥ
Sumagot si Jesus sa kanila na sinabi, “Hindi man lamang ba ninyo nabasa ang tungkol sa ginawa ni David nang siya ay magutom, siya at ang kaniyang mga kasamang kalalakihan?
4 ⲇ̅ ϫⲉ ⲛⲛⲁϣ ⲛϩⲉ ⲁϥⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲡⲏⲓ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲁϥϫⲓ ⲛⲛⲛⲟⲉⲓⲕ ⲛⲧⲉⲡⲣⲟⲑⲉⲥⲓⲥ ⲁϥⲟⲩⲟⲙⲟⲩ ⲁⲩⲱ ⲁϥϯ ⲛⲛⲉⲧⲛⲙⲙⲁϥ ⲛⲁⲓ ⲉⲧⲉⲙⲉϣϣⲉ ⲉⲣⲟⲟⲩ ⲉⲩⲟⲙⲟⲩ ⲉⲓⲙⲏⲧⲓ ⲟⲩⲏⲏⲃ ⲙⲁⲩⲁⲁⲩ
Pumasok siya sa bahay ng Diyos, at kinuha ang tinapay na handog at kumain ng ilan sa mga ito, at ibinigay din ang ilan sa kaniyang mga kasamang kalalakihan para kainin, kahit na ayon sa batas mga pari lamang ang pwedeng kumain.”
5 ⲉ̅ ⲡⲉϫⲁϥ ⲇⲉ ⲛⲁⲩ ϫⲉ ⲡϫⲟⲉⲓⲥ ⲙⲡⲕⲉⲥⲁⲃⲃⲁⲧⲟⲛ ⲡⲉ ⲡϣⲏⲣⲉ ⲙⲡⲣⲱⲙⲉ
Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
6 ⲋ̅ ⲁⲥϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ϩⲙ ⲡⲕⲉⲥⲁⲃⲃⲁⲧⲟⲛ ⲉⲧⲣⲉϥⲃⲱⲕ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲧⲥⲩⲛⲁⲅⲱⲅⲏ ⲛϥϯ ⲥⲃⲱ ⲁⲩⲱ ⲛⲉⲩⲛⲟⲩⲣⲱⲙⲉ ⲙⲙⲁⲩ ⲡⲉ ⲉⲣⲉⲧⲉϥϭⲓϫ ⲛⲟⲩⲛⲁⲙ ϣⲟⲩⲱⲟⲩ
Nangyari sa ibang Araw ng Pamamahinga na siya ay pumunta sa sinagoga at nagturo sa mga tao doon. Isang tao ang naroon na tuyot ang kanang kamay.
7 ⲍ̅ ⲛⲉⲩⲡⲁⲣⲁⲧⲏⲣⲓ ⲇⲉ ⲉⲣⲟϥ ⲡⲉ ⲛϭⲓ ⲛⲉⲅⲣⲁⲙⲙⲁⲧⲉⲩⲥ ⲙⲛ ⲛⲉⲫⲁⲣⲓⲥⲥⲁⲓⲟⲥ ϫⲉ ⲛⲉⲛⲉⲛϥⲛⲁⲣⲡⲁϩⲣⲉ ⲉⲣⲟϥ ⲙⲡⲥⲁⲃⲃⲁⲧⲟⲛ ϫⲉ ⲉⲩⲉϩⲉ ⲉⲑⲉ ⲛⲕⲁⲧⲏⲅⲟⲣⲓ ⲙⲙⲟϥ
Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nagmamanman sa kaniya upang makita kung si Jesus ay magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga, upang sila ay makahanap ng dahilan upang siya ay paratangan na gumagawa ng masama.
8 ⲏ̅ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲛⲉϥⲥⲟⲟⲩⲛ ⲛⲛⲉⲩⲙⲟⲕⲙⲉⲕ ⲡⲉϫⲁϥ ⲇⲉ ⲙⲡⲣⲱⲙⲉ ⲉⲧⲉⲣⲉⲧⲉϥϭⲓϫ ϣⲟⲩⲱⲟⲩ ϫⲉ ⲧⲱⲟⲩⲛ ⲁϩⲉⲣⲁⲧⲕ ⲛⲧⲙⲏⲧⲉ ⲁϥⲧⲱⲟⲩⲛ ⲇⲉ ⲁϥⲁϩⲉⲣⲁⲧϥ
Ngunit alam niya kung ano ang kanilang iniisip at sinabi niya sa tao na may tuyot na kamay, “Tumayo ka, at pumunta ka dito sa gitna ng lahat.” Kung kaya't ang tao ay tumayo at pumaroon.
9 ⲑ̅ ⲡⲉϫⲉ ⲓⲏⲥ ⲛⲁⲩ ϫⲉ ϯⲛⲁϫⲛⲉ ⲧⲏⲟⲩⲧⲛ ϫⲉ ⲉⲛⲉⲉⲝⲉⲥⲧⲓ ⲉⲣⲡⲉⲧⲛⲁⲛⲟⲩϥ ϩⲙ ⲡⲥⲁⲃⲃⲁⲧⲟⲛ ϫⲉⲛⲉⲣⲡⲉⲑⲟⲟⲩ ⲉⲧⲟⲩϫⲉⲟⲩⲯⲩⲭⲏ ϫⲉⲛⲉⲧⲁⲕⲟⲥ
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Itinatanong ko sa inyo, naaayon ba sa batas ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga, ang magligtas ng buhay o sirain ito?”
10 ⲓ̅ ⲁϥⲕⲧⲉⲓⲁⲧϥ ⲇⲉ ⲛϩⲏⲧⲟⲩ ⲧⲏⲣⲟⲩ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲁϥ ϫⲉ ⲥⲟⲩⲧⲛⲧⲉⲕϭⲓϫ ⲉⲃⲟⲗ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲁϥⲥⲟⲩⲧⲱⲛⲥ ⲁⲩⲱ ⲁⲧⲉϥϭⲓϫ ⲗⲟ
Pagkatapos ay tumingin siya sa kanilang lahat at sinabi sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Ginawa nga niya at ang kaniyang kamay ay nanumbalik sa dati.
11 ⲓ̅ⲁ̅ ⲛⲧⲟⲟⲩ ⲇⲉ ⲁⲩⲙⲟⲩϩ ⲙⲙⲛⲧⲁⲑⲏⲧ ⲁⲩⲙⲉⲕⲙⲟⲩⲕⲟⲩ ⲙⲛ ⲛⲉⲩⲉⲣⲏⲩ ϫⲉ ⲉⲛⲛⲁⲣ ⲟⲩ ⲛⲓⲏⲥ
Ngunit sila ay napuno ng galit, at sila ay nag-usap-usap kung ano ang maari nilang gawin kay Jesus.
12 ⲓ̅ⲃ̅ ⲁⲥϣⲱⲡⲉ ⲇⲉ ⲛⲛⲉⲓϩⲟⲟⲩ ⲉⲧⲣⲉϥⲉⲓ ⲉⲃⲟⲗ ⲉⲡⲧⲟⲟⲩ ⲉϣⲗⲏⲗ ⲁⲩⲱ ⲛⲉϥⲟ ⲛⲟⲩϣⲏ ⲣⲣⲟⲉⲓⲥ ⲡⲉ ϩⲙ ⲡⲉϣⲗⲏⲗ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Nangyari sa mga araw na iyon na siya ay pumunta sa bundok upang manalangin. Siya ay patuloy na nanalangin sa Diyos ng buong gabi.
13 ⲓ̅ⲅ̅ ⲁⲩⲱ ⲛⲧⲉⲣⲉϩⲧⲟⲟⲩⲉ ϣⲱⲡⲉ ⲁϥⲙⲟⲩⲧⲉ ⲉⲛⲉϥⲙⲁⲑⲏⲧⲏⲥ ⲁϥⲥⲉⲧⲡ ⲙⲛⲧⲥⲛⲟⲟⲩⲥ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϩⲏⲧⲟⲩ ⲛⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁϥⲙⲟⲩⲧⲉ ⲉⲣⲟⲟⲩ ϫⲉ ⲛⲁⲡⲟⲥⲧⲟⲗⲟⲥ
Kinaumagahan, tinawag niya ang kaniyang mga alagad at pumili siya sa kanila ng labindalawa, na tinawag din niyang “mga apostol.”
14 ⲓ̅ⲇ̅ ⲥⲓⲙⲱⲛ ⲡⲉⲛⲧⲁⲩϯⲣⲓⲛϥ ⲉⲡⲉⲧⲣⲟⲥ ⲛⲙⲁⲛⲇⲣⲉⲁⲥ ⲡⲉϥⲥⲟⲛ ⲓⲁⲕⲱⲃⲟⲥ ⲛⲙⲓⲱϩⲁⲛⲛⲏⲥ ⲡⲉϥⲥⲟⲛ ⲫⲓⲗⲓⲡⲡⲟⲥ ⲛⲙⲃⲁⲣⲑⲟⲗⲟⲙⲁⲓⲟⲥ
Ang pangalan ng mga apostol ay sina Simon (na kaniya ring pinangalanang Pedro) at ang kaniyang kapatid na si Andres, Santiago, Juan, Felipe, Bartolome,
15 ⲓ̅ⲉ̅ ⲛⲙⲙⲁⲑⲑⲁⲓⲟⲥ ⲛⲙⲑⲱⲙⲁⲥ ⲛⲙⲓⲁⲕⲱⲃⲟⲥ ⲡϣⲏⲣⲉ ⲛⲛⲁⲗⲫⲁⲓⲟⲥ ⲛⲙⲥⲓⲙⲱⲛ ⲡⲉⲧⲉϣⲁⲩⲙⲟⲩⲧⲉ ⲉⲣⲟϥ ϫⲉ ⲡⲍⲏⲗⲱⲧⲏⲥ
Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na tinawag na Masigasig,
16 ⲓ̅ⲋ̅ ⲛⲙⲓⲟⲩⲇⲁⲥ ⲡϣⲏⲣⲉ ⲛⲓⲁⲕⲱⲃⲟⲥ ⲛⲙⲓⲟⲩⲇⲁⲥ ⲡⲓⲥⲕⲁⲣⲓⲱⲧⲏⲥ ⲡⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁϥϣⲱⲡⲉ ⲙⲡⲣⲟⲇⲟⲧⲏⲥ
Judas na anak ni Santiago at Judas Iscariote na siyang naging taksil.
17 ⲓ̅ⲍ̅ ⲁϥⲉⲓ ⲇⲉ ⲉⲡⲉⲥⲏⲧ ⲛⲙⲙⲁⲩ ⲁϥⲁϩⲉⲣⲁⲧϥ ϩⲓⲟⲩⲙⲁ ⲉϥⲟⲩⲟϣⲥ ⲁⲩⲱ ⲟⲩⲙⲏⲏϣⲉ ⲉⲛⲁϣⲱϥ ⲙⲛ ⲛⲉϥⲙⲁⲑⲏⲧⲏⲥ ⲛⲙⲟⲩⲙⲏⲏϣⲉ ⲉϥⲟϣ ⲛⲧⲉⲡⲗⲁⲟⲥ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ϯⲟⲩⲇⲁⲓⲁ ⲛⲙⲑⲓⲉⲣⲟⲥⲟⲗⲩⲙⲁ ⲛⲙ ⲧⲡⲁⲣϩⲁⲗⲓⲁ ⲛⲧⲩⲣⲟⲥ ⲛⲙⲥⲓⲇⲱⲛ
Pagkatapos, si Jesus ay bumaba mula sa bundok kasama sila at tumayo sa patag na lugar. Naroon ang napakaraming bilang ng kaniyang mga alagad, ganoon din ang malaking bilang ng tao na mula sa Judea at Jerusalem at mula sa dalampasigan ng Tiro at Sidon.
18 ⲓ̅ⲏ̅ ⲛⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁⲩⲉⲓ ⲉⲥⲱⲧⲙ ⲉⲣⲟϥ ⲁⲩⲱ ⲉⲧⲁⲗϭⲟⲟⲩ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲛⲉⲩϣⲱⲛⲉ ⲁⲩⲱ ⲛⲉⲧⲙⲟⲕϩ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲛ ⲛⲉⲡⲛⲁ ⲛⲁⲕⲁⲑⲁⲣⲧⲟⲛ ⲁⲩⲧⲁⲗϭⲟ
Sila ay dumating upang makinig sa kaniya at para gumaling sa kanilang mga karamdaman. Ang mga taong binabagabag ng mga maruming espiritu ay pinagaling din.
19 ⲓ̅ⲑ̅ ⲡⲙⲏⲏϣⲉ ⲇⲉ ⲧⲏⲣϥ ⲛⲉⲩϣⲓⲛⲉ ⲛⲥⲁϫⲱϩ ⲉⲣⲟϥ ⲡⲉ ϫⲉ ⲛⲉⲣⲉⲟⲩϭⲟⲙ ⲛⲏⲩ ⲉⲃⲟⲗ ⲛϩⲏⲧϥ ⲉⲥⲧⲁⲗϭⲟ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲧⲏⲣⲟⲩ
Ang lahat ng napakaraming tao ay sinusubakan siyang hipuin dahil ang kapangyarihang magpagaling ay lumalabas mula sa kaniya, at pinagaling niya silang lahat.
20 ⲕ̅ ⲛⲧⲟϥ ⲇⲉ ⲁϥϥⲓⲁⲧϥ ⲉϩⲣⲁⲓ ⲉⲛⲉϥⲙⲁⲑⲏⲧⲏⲥ ⲡⲉϫⲁϥ ϫⲉ ⲛⲁⲓⲁⲧⲟⲩ ⲛⲛϩⲏⲕⲉ ϫⲉ ⲧⲱⲟⲩ ⲧⲉ ⲧⲙⲛⲧⲣⲣⲟ ⲛⲙⲡⲏⲩⲉ
Pagkatapos ay tumingin siya sa kaniyang mga alagad at sinabi, “Pinagpala kayong mga mahihirap sapagkat sa inyo ang kaharian ng Diyos.
21 ⲕ̅ⲁ̅ ⲛⲁⲓⲁⲧⲧⲏⲩⲧⲛ ⲛⲉⲧϩⲕⲁⲉⲓⲧ ⲧⲉⲛⲟⲩ ϫⲉ ⲧⲉⲧⲛⲁⲥⲉⲓ ⲛⲁⲓⲁⲧⲟⲩ ⲛⲛⲉⲧⲣⲓⲙⲉ ⲧⲉⲛⲟⲩ ϫⲉ ⲥⲉⲛⲁⲥⲱⲃⲉ
Pinagpala kayo na nagugutom ngayon, sapagkat kayo ay mapupuno. Pinagpala kayo na tumatangis ngayon sapagkat kayo ay tatawa.
22 ⲕ̅ⲃ̅ ⲛⲁⲓⲁⲧⲧⲏⲟⲩⲧⲛ ⲉⲣϣⲁⲛⲣⲱⲙⲉ ⲛⲓⲙ ⲙⲉⲥⲧⲱⲧⲛ ⲛⲥⲉⲡⲣϫⲧⲏⲟⲩⲧⲛ ⲉⲃⲟⲗ ⲛⲥⲉⲛⲟϭⲛⲉϭ ⲙⲙⲱⲧⲛ ⲛⲥⲉⲧⲥⲧⲉ ⲡⲉⲧⲛⲣⲁⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲱⲥⲡⲟⲛⲏⲣⲟⲥ ⲉⲧⲃⲉ ⲡϣⲏⲣⲉ ⲙⲡⲣⲱⲙⲉ
Pinagpala kayo kung kayo ay kinamumuhian ng mga tao at kung kayo ay ihinihiwalay at itinuturing ang inyong pangalan na masama alang-alang sa Anak ng Tao.
23 ⲕ̅ⲅ̅ ⲣⲁϣⲉ ϩⲙ ⲡⲉϩⲟⲟⲩ ⲉⲧⲙⲙⲁⲩ ⲛⲧⲉⲧⲛⲧⲉⲗⲏⲗ ⲉⲓⲥ ϩⲏⲏⲧⲉ ⲡⲉⲧⲛⲃⲉⲕⲉ ϥⲛⲁϣⲱⲡⲉ ⲉⲛⲁϣⲱϥ ϩⲛ ⲧⲡⲉ ⲛⲉⲣⲉⲛⲉⲩⲓⲟⲧⲉ ⲅⲁⲣ ⲉⲓⲣⲉ ⲡⲉ ϩⲓⲛⲁⲉⲓ ⲛⲛⲉⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ
Magalak sa araw na iyon at tumalon sa galak sapagkat tiyak na kayo ay may dakilang gantimpala sa langit, sapagkat ang kanilang mga ninuno ay pinakitunguhan ang mga propeta sa ganoon ding paraan.
24 ⲕ̅ⲇ̅ ⲡⲗⲏⲛ ⲟⲩⲟⲓ ⲛⲏⲧⲛ ⲣⲣⲙⲙⲁⲟ ϫⲉ ⲁⲧⲉⲧⲛϫⲓ ⲙⲡⲉⲧⲛⲙⲧⲟⲛ
Ngunit aba kayo na mayayaman! Sapagkat natanggap na ninyo ang inyong ginhawa.
25 ⲕ̅ⲉ̅ ⲟⲩⲟⲓ ⲛⲏⲧⲛ ⲛⲉⲧⲥⲏⲟⲩ ⲧⲉⲛⲟⲩ ϫⲉ ⲧⲉⲧⲛⲁϩⲕⲟ ⲟⲩⲟⲓ ⲛⲏⲧⲛ ⲛⲉⲧⲥⲱⲃⲉ ⲧⲉⲛⲟⲩ ϫⲉ ⲧⲉⲧⲛⲁⲣϩⲏⲃⲉ ⲛⲧⲉⲧⲛⲣⲓⲙⲉ
Aba kayo na busog ngayon! Sapagkat kayo ay magugutom. Aba kayo na tumatawa ngayon! Sapagkat kayo ay magdadalamhati at tatangis.
26 ⲕ̅ⲋ̅ ⲟⲩⲟⲓ ⲛⲏⲧⲛ ⲉⲣϣⲁⲛⲣⲣⲱⲙⲉ ⲧⲏⲣⲟⲩ ⲧⲁⲓⲉⲧⲏⲟⲩⲧⲛ ⲛⲉⲩⲉⲓⲣⲉ ⲅⲁⲣ ⲛⲧⲉⲓϩⲉ ⲡⲉ ⲛⲛⲉⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ ⲛⲛⲟⲩϫ
Aba kayo kung ang lahat ng tao ay nagsasabi ng mabuti tungkol sa inyo! Sapagkat pinakisamahan ng kanilang mga ninuno ang mga bulaang propeta sa ganoon ding paraan.
27 ⲕ̅ⲍ̅ ⲁⲗⲗⲁ ϯϫⲱ ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲏⲧⲛ ⲛⲉⲧⲥⲱⲧⲙ ⲉⲣⲟⲓ ϫⲉ ⲙⲉⲣⲉⲛⲉⲧⲛϫⲓϫⲉⲟⲩ ⲁⲣⲓⲡⲉⲧⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲛⲛⲉⲧⲙⲟⲥⲧⲉ ⲙⲙⲱⲧⲛ
Ngunit sinasabi ko sa inyo na nakikinig, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa mga namumuhi sa inyo.
28 ⲕ̅ⲏ̅ ⲥⲙⲟⲩ ⲉⲛⲉⲧⲥⲁϩⲟⲩ ⲙⲙⲱⲧⲛ ϣⲗⲏⲗ ⲉϫⲛ ⲛⲉⲧⲡⲏⲧ ⲛⲥⲱⲧⲛ
Pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga umaapi sa inyo.
29 ⲕ̅ⲑ̅ ⲡⲉⲧⲛⲁⲣⲁϩⲧⲕ ⲉⲧⲉⲕⲟⲩⲟϭⲉ ⲕⲧⲟ ⲉⲣⲟϥ ⲛⲧⲕⲉⲟⲩⲉⲓ ⲁⲩⲱ ⲕⲁⲧⲉⲕϣⲧⲏⲛ ⲉⲃⲟⲗ ⲛⲥⲁⲡⲉⲧϥⲓ ⲙⲡⲉⲕϩⲟⲓⲧⲉ
Sa sumasampal sa iyong pisngi, ialok mo rin sa kaniya ang kabila. Kung may kumuha ng iyong panlabas na damit, huwag mong ipagkait pati na ang iyong panloob na tunika.
30 ⲗ̅ ϯⲟⲩⲟⲛ ⲛⲓⲙ ⲉⲧⲁⲓⲧⲓ ⲙⲙⲟⲕ ⲁⲩⲱ ⲛⲅⲧⲙⲧⲉⲥⲡⲉⲧϥⲓ ⲛⲛⲉⲧⲉⲛⲟⲩⲕ ⲛⲉ
Magbigay sa lahat ng humihingi sa iyo. Kung may kumuha ng isang bagay na pag-aari mo, huwag mong hingiin sa kaniya na ibalik ito sa iyo.
31 ⲗ̅ⲁ̅ ⲁⲩⲱ ⲛⲑⲉ ⲉⲧⲉⲧⲛⲟⲩⲉ ϣⲧⲣⲉⲣⲣⲱⲙⲉ ⲁⲁⲥ ⲛⲏⲧⲛ ⲁⲣⲓⲥ ϩⲱⲧⲧⲏⲩⲧⲛ ⲛⲁⲩ
Kung anuman ang nais ninyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang dapat ninyong gawin sa kanila.
32 ⲗ̅ⲃ̅ ⲁⲩⲱ ⲉϣϫⲉ ⲧⲉⲧⲛⲙⲉ ⲛⲛⲉⲧⲙⲉ ⲙⲙⲱⲧⲛ ⲁϣ ⲡⲉ ⲡⲉⲧⲛϩⲙⲟⲧ ⲕⲁⲓⲅⲁⲣ ⲣⲣⲉϥⲣⲛⲟⲃⲉ ⲥⲉⲙⲉ ⲛⲛⲉⲧⲙⲉ ⲙⲙⲟⲟⲩ
Kung ang minamahal lamang ninyo ay ang mga taong nagmamahal sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Sapagkat kahit ang mga makasalan ay minamahal din ang mga nagmamahal sa kanila.
33 ⲗ̅ⲅ̅ ⲁⲩⲱ ⲉⲧⲉⲧⲛϣⲁⲣ ⲡⲉⲧⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲛⲛⲉϯⲣⲉ ⲛⲏⲧⲛ ⲁϣ ⲡⲉ ⲡⲉⲧⲛϩⲙⲟⲧ ⲣⲣⲉϥⲣⲛⲟⲃⲉ ϩⲱⲟⲩ ⲉⲓⲣⲉ ⲙⲡⲁⲓ
Kung sa mga taong gumawa sa inyo ng mabuti lamang kayo gumagawa ng mabuti, anong kapurihan iyon sa inyo? Sapagkat kahit ang mga makasalanan ay ganoon din ang ginagawa.
34 ⲗ̅ⲇ̅ ⲉⲧⲉⲧⲛϣⲁⲛϯ ⲉⲙⲏⲥⲉ ⲛⲛⲉⲧⲉⲧⲛϩⲉⲗⲡⲓⲍⲉ ⲉϫⲓ ⲛⲧⲟⲟⲧⲟⲩ ⲁϣ ⲡⲉ ⲡⲉⲧⲛϩⲙⲟⲧ ⲣⲣⲉϥⲣⲛⲟⲃⲉ ϩⲱⲟⲩ ϯⲛⲣⲣⲉϥⲣⲛⲟⲃⲉ ϫⲉ ⲉⲩⲉϫⲓ ⲙⲡⲉⲩⲕⲱⲃ
Kung ang inyong pinapahiraman lamang ay ang mga tao na inaasahan ninyong magbibigay ng mga ito pabalik sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram sa mga makasalanan at umaasang iyon ding halaga ang muling matatanggap.
35 ⲗ̅ⲉ̅ ⲡⲗⲏⲛ ⲙⲉⲣⲉⲛⲉⲧⲛϫⲓϫⲉⲟⲩ ⲛⲧⲉⲧⲛⲣⲡⲉⲧⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲛⲧⲉⲧⲛϯⲉⲙⲏⲥⲉ ⲉⲛⲧⲉⲧⲛⲕⲱ ⲛϩⲧⲏⲧⲛ ⲁⲛ ⲉϫⲓⲗⲁⲁⲩ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲧⲛⲃⲉⲕⲉ ⲛⲁϣⲱⲡⲉ ⲉⲛⲁϣⲱϥ ⲛⲧⲉⲧⲛϣⲱⲡⲉ ⲛϣⲏⲣⲉ ⲙⲡⲉⲧϫⲟⲥⲉ ϫⲉ ⲛⲧⲟϥ ⲟⲩⲭⲣⲏⲥⲧⲟⲥ ⲡⲉ ⲉϫⲛ ⲛⲉⲧⲉⲙⲉⲩϣⲡϩⲙⲟⲧ ⲛⲙⲙⲡⲟⲛⲏⲣⲟⲥ
Ngunit mahalin ninyo ang inyong kaaway at gawin ang mabuti sa kanila. Pahiramin ninyo sila na hindi kailanman nag-aalala kung may babalik pa sa inyo at ang inyong gantimpala ay magiging dakila. Kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan, sapagkat siya mismo ay mabuti sa mga taong hindi marunong magpasalamat at masasama.
36 ⲗ̅ⲋ̅ ϣⲱⲡⲉ ⲛϣⲁⲛϩⲧⲏϥ ϫⲉ ⲟⲩϣⲁⲛϩⲧⲏϥ ⲡⲉ ⲡⲉⲧⲛⲉⲓⲱⲧ
Maging maawain, gaya ng inyong Ama na maawain.
37 ⲗ̅ⲍ̅ ⲙⲡⲣⲕⲣⲓⲛⲉ ϫⲉ ⲛⲛⲉⲩⲕⲣⲓⲛⲉ ⲙⲙⲱⲧⲛ ⲙⲡⲣⲧϭⲁⲓⲟ ϫⲉ ⲛⲛⲉⲩⲧϭⲁⲓⲉⲧⲏⲩⲧⲛ ⲕⲱ ⲉⲃⲟⲗ ⲧⲁⲣⲟⲩⲕⲱ ⲛⲏⲧⲛ ⲉⲃⲟⲗ
Huwag humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag magparusa at hindi kayo parurusahan. Patawarin ninyo ang iba at kayo ay patatawarin.
38 ⲗ̅ⲏ̅ ϯⲧⲁⲣⲟⲩϯ ⲛⲏⲧⲛ ⲛⲟⲩϣⲓ ⲉⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲉϥⲧⲉϭⲧⲱϭ ⲉϥⲛⲉϩⲛⲟⲩϩ ⲉϥⲡⲏⲛ ⲉⲃⲟⲗ ⲥⲉⲛⲁⲧⲁⲁϥ ⲉⲕⲟⲩⲛⲧ ⲧⲏⲟⲩⲧⲛ ϩⲙ ⲡϣⲓ ⲅⲁⲣ ⲉⲧⲉⲧⲛⲁϣⲓ ⲙⲙⲟϥ ⲉⲩⲛⲁϣⲓ ⲛⲏⲧⲛ ⲙⲙⲟϥ
Magbigay sa iba at ito ay maibibigay sa inyo. Labis-labis na halaga—siksik, liglig at umaapaw—ang ibubuhos sa inyong kandungan. Sapagkat kung anumang batayan ng panukat ang inyong ginamit sa pagsukat, iyon din ang gagamiting batayan ng panukat para sa iyo.”
39 ⲗ̅ⲑ̅ ⲁϥϫⲱ ⲇⲉ ⲛⲁⲩ ⲟⲛ ⲛⲕⲉⲡⲁⲣⲁⲃⲟⲗⲏ ϫⲉ ⲙⲏ ⲟⲩⲛϭⲟⲙ ⲛⲟⲩⲃⲗⲗⲉ ⲉϫⲓⲙⲟⲉⲓⲧ ϩⲏⲧϥ ⲛⲟⲩⲃⲗⲗⲉ ⲙⲏ ⲛⲥⲉⲛⲁϩⲉ ⲁⲛ ⲉⲩϩⲓⲉⲓⲧ ⲙⲡⲉⲥⲛⲁⲩ
At sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga. “Maaari bang gabayan ng isang bulag ang kapwa bulag? Kung gagawin niya ito, kapwa sila mahuhulog sa hukay, hindi ba?
40 ⲙ̅ ⲙⲙⲛⲥⲃⲟⲩⲓ ⲉϥϫⲟⲥⲉ ⲉⲡⲉϥⲥⲁϩ ⲙⲁⲣⲉⲟⲩⲟⲛ ⲛⲓⲙ ϣⲱⲡⲉ ⲉϥⲥⲃⲧⲱⲧ ⲛⲑⲉ ⲙⲡⲉϥⲥⲁϩ
Ang isang alagad ay hindi higit kaysa sa kaniyang guro, ngunit ang bawat isa na ganap na sinanay ay magiging kagaya ng kaniyang guro.
41 ⲙ̅ⲁ̅ ⲁϩⲣⲟⲕ ⲇⲉ ⲕϭⲱϣⲧ ⲉⲡϫⲏ ⲉⲧϩⲙ ⲡⲃⲁⲗ ⲙⲡⲉⲕⲥⲟⲛ ⲡⲥⲟⲓ ⲇⲉ ⲉⲧϩⲙⲡⲉⲕⲃⲁⲗ ⲉⲛⲅⲛⲁⲩ ⲉⲣⲟϥ ⲁⲛ
At bakit mo tinitingnan ang maliit na piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo napapansin ang troso sa iyong sariling mata?
42 ⲙ̅ⲃ̅ ⲏ ⲛⲁϣ ⲛϩⲉ ⲕⲛⲁϫⲟⲟⲥ ⲙⲡⲉⲕⲥⲟⲛ ϫⲉ ⲡⲁⲥⲟⲛ ϭⲱ ⲧⲁⲛⲉϫⲡϫⲏ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲉⲕⲃⲁⲗ ⲉⲛⲅⲛⲁⲩ ⲁⲛ ⲉⲡⲥⲟⲓ ⲉⲧϩⲙ ⲡⲉⲕⲃⲁⲗ ⲫⲩⲡⲟⲕⲣⲓⲧⲏⲥ ⲛⲉϫⲡⲥⲟⲓ ⲛϣⲟⲣⲡ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲉⲕⲃⲁⲗ ⲧⲁⲣⲉⲕⲛⲁⲩ ⲉⲃⲟⲗ ⲉⲛⲉϫⲡϫⲏ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲃⲁⲗ ⲙⲡⲉⲕⲥⲟⲛ
Paano mo masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid, hayaan mong tanggalin ko ang maliit na dayami na nasa iyong mata,' kung ikaw mismo ay hindi nakikita ang troso sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagkunwari! Tanggalin mo muna ang troso sa iyong mata, at nang sa gayon ay malinaw kang makakakita para alisin ang piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid.
43 ⲙ̅ⲅ̅ ⲙⲙⲛϣⲏⲛ ⲅⲁⲣ ⲉⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲛⲁⲧⲁⲩⲉⲕⲁⲣⲡⲟⲥ ⲉⲃⲟⲗ ⲉϥϩⲟⲟⲩ ⲟⲩⲇⲉ ⲙⲙⲛϣⲏⲛ ⲉϥϩⲟⲟⲩ ⲛⲁⲧⲁⲩⲉⲕⲁⲣⲡⲟⲥ ⲉⲃⲟⲗ ⲉⲛⲁⲛⲟⲩϥ
Sapagkat walang mabuting puno ang namumunga ng bulok na bunga, ni walang bulok na puno ang namumunga ng mabuting bunga.
44 ⲙ̅ⲇ̅ ⲉϣⲁⲩⲥⲟⲩⲛ ⲡϣⲏⲛ ⲅⲁⲣ ⲡϣⲏⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲉϥⲕⲁⲣⲡⲟⲥ ⲙⲉⲩⲕⲉⲧϥⲕⲛⲧⲉ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ϣⲟⲛⲧⲉ ⲟⲩⲇⲉ ⲙⲉⲩϫⲉⲗⲉ ⲉⲗⲟⲟⲗⲉ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲃⲁⲧⲟⲥ
Sapagkat ang bawat puno ay nakikilala sa uri ng kaniyang bunga. Sapagkat ang mga tao ay hindi umaani ng igos sa matinik na damo, ni hindi sila umaani ng ubas sa matinik na baging.
45 ⲙ̅ⲉ̅ ⲉϣⲁⲣⲉⲡⲣⲱⲙⲉ ⲛⲁⲅⲁⲑⲟⲥ ⲧⲁⲩⲉⲁⲅⲁⲑⲟⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲁϩⲟ ⲙⲡⲉϥϩⲏⲧ ⲉⲧⲛⲁⲛⲟⲩϥ ⲁⲩⲱ ⲉϣⲁⲣⲉⲡⲣⲱⲙⲉ ⲙⲡⲟⲛⲏⲣⲟⲥ ⲧⲁⲩⲉⲡⲟⲛⲏⲣⲟⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲉϥⲁϩⲟ ⲙⲡⲟⲛⲏⲣⲟⲛ ⲉⲃⲟⲗ ⲅⲁⲣ ϩⲙ ⲡⲉϩⲟⲩⲟ ⲙⲡϩⲏⲧ ⲉϣⲁⲣⲉⲧⲧⲁⲡⲣⲟ ϣⲁϫⲉ
Inilalabas ng mabuting tao ang kabutihan na nagmumula sa kayamanan ng kaniyang puso, at inilalabas ng masamang tao ang masama mula sa masamang kayamanan ng kaniyang puso. Sapagkat mula sa kasaganaan ng kaniyang puso, nagsasalita ang kaniyang bibig.
46 ⲙ̅ⲋ̅ ⲁϩⲣⲱⲧⲛ ⲧⲉⲧⲛⲙⲟⲩⲧⲉ ⲉⲣⲟⲓ ϫⲉ ⲡϫⲟⲉⲓⲥ ⲡϫⲟⲉⲓⲥ ⲉⲛⲧⲉⲧⲛⲉⲓⲣⲉ ⲁⲛ ⲙⲡⲉϯϫⲱ ⲙⲙⲟϥ
Bakit mo ako tinatatawag na, 'Panginoon, Panginoon,' ngunit hindi mo sinusunod ang mga bagay na sinasabi ko?
47 ⲙ̅ⲍ̅ ⲟⲩⲟⲛ ⲛⲓⲙ ⲉⲧⲛⲏⲩ ϣⲁⲣⲟⲓ ⲉⲧⲥⲱⲧⲙ ⲉⲛⲁϣⲁϫⲉ ⲉϯⲣⲉ ⲙⲙⲟⲟⲩ ϯⲛⲁⲧⲁⲙⲱⲧⲛ ϫⲉ ⲉϥⲧⲛⲧⲱⲛ ⲉⲛⲓⲙ
Ang bawat tao na lumalapit sa akin at nakikinig ng aking mga salita at sinusunod ang mga ito, sasabihin ko sa inyo kung ano ang kaniyang katulad.
48 ⲙ̅ⲏ̅ ⲉϥⲧⲛⲧⲱⲛ ⲉⲩⲣⲱⲙⲉ ⲉϥⲕⲱⲧ ⲛⲟⲩⲏⲓ ⲡⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁϥϭⲱϫⲉ ⲁⲩⲱ ⲁϥϣⲓⲕⲉ ⲁϥⲥⲙⲓⲛⲉ ⲛⲧⲥⲛⲧⲉ ⲉϫⲛ ⲧⲡⲉⲧⲣⲁ ⲛⲧⲉⲣⲉⲧⲉⲙⲏⲣⲉ ⲇⲉ ϣⲱⲡⲉ ⲁⲡⲓⲉⲣⲟ ϩⲓⲟⲩⲉ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉϩⲙⲡⲏⲓ ⲉⲧⲙⲙⲁⲩ ⲙⲡϥⲉϣϭⲙϭⲟⲙ ⲉⲣⲟϥ ϫⲉ ⲛⲉϥⲕⲏⲧ ⲕⲁⲗⲱⲥ
Siya ay tulad ng isang tao na nagtatayo ng bahay, na humukay nang malalim sa lupa at itinayo ang pundasyon ng bahay sa matatag na bato. Nang dumating ang baha, umagos ang malakas na tubig sa bahay ngunit hindi nito kayang yanigin dahil ito ay itinayo nang mahusay.
49 ⲙ̅ⲑ̅ ⲡⲉⲧⲥⲱⲧⲙ ⲇⲉ ⲉⲣⲟⲟⲩ ⲉⲛϥⲉⲓⲣⲉ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲁⲛ ⲉϥⲧⲛⲧⲱⲛ ⲉⲩⲣⲱⲙⲉ ⲉⲁϥⲕⲱⲧ ⲙⲡⲉϥⲏⲓ ⲉϫⲙⲡⲕⲁϩ ⲛⲟⲩⲉϣⲛⲥⲛⲧⲉ ⲛⲧⲉⲩⲛⲟⲩ ⲇⲉ ⲉⲛⲧⲁⲡⲓⲉⲣⲟ ϩⲓⲟⲩⲉ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉϩⲣⲁϥ ⲁϥϩⲉ ⲡϩⲉ ⲙⲡⲏⲓ ⲉⲧⲙⲙⲁⲩ ⲁϥϣⲱⲡⲉ ⲛⲟⲩⲛⲟϭ
Ngunit ang tao na nakikinig sa aking mga salita at hindi ito sinusunod, siya ay tulad ng isang tao na nagtayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na walang pundasyon. Nang umagos ang malakas na tubig sa bahay, agad-agad itong gumuho at ganap ang pagkasira ng bahay na iyon.

< ⲖⲞⲨⲔⲞⲚ 6 >