< ⲚⲒⲔⲞⲢⲒⲚⲐⲒⲞⲤ Ⲃ ̅ 1 >

1 ⲁ̅ ⲡⲁⲩⲗⲟⲥ ⲡⲁⲡⲟⲥⲧⲟⲗⲟⲥ ⲙⲡⲉⲭⲥ ⲓⲏⲥ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲟⲩⲱϣ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲙⲛ ⲧⲓⲙⲟⲑⲉⲟⲥ ⲡⲥⲟⲛ ⲉⲩⲥϩⲁⲓ ⲛⲧⲉⲕⲕⲗⲏⲥⲓⲁ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲧⲁⲓ ⲉⲧϣⲟⲟⲡ ϩⲛ ⲕⲟⲣⲓⲛⲑⲟⲥ ⲙⲛ ⲛⲉⲧⲟⲩⲁⲁⲃ ⲧⲏⲣⲟⲩ ⲉⲧϣⲟⲟⲡ ϩⲛ ⲧⲁⲭⲁⲓⲁ ⲧⲏⲣⲥ
Ako si Pablo na apostol ni Jesu-Cristo dahil sa kalooban ng Diyos, at si Timoteo na ating kapatid, para sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto at sa lahat ng mga mananampalataya sa buong rehiyon ng Acaya.
2 ⲃ̅ ⲧⲉⲭⲁⲣⲓⲥ ⲛⲏⲧⲛ ⲙⲛ ϯⲣⲏⲛⲏ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲡⲉⲛⲉⲓⲱⲧ ⲁⲩⲱ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲙ ⲡϫⲟⲉⲓⲥ ⲓⲏⲥ ⲡⲉⲭⲥ
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo.
3 ⲅ̅ ϥⲥⲙⲁⲙⲁⲁⲧ ⲛϭⲓ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲓⲱⲧ ⲙⲡⲉⲛϫⲟⲉⲓⲥ ⲓⲏⲥ ⲡⲉⲭⲥ ⲡⲉⲓⲱⲧ ⲛⲙⲙⲛⲧϣⲁⲛϩⲧⲏϥ ⲁⲩⲱ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲛⲥⲟⲡⲥ ⲛⲓⲙ
Nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay mapapurihan. Siya ang Ama ng mga awa at ang Diyos ng lahat ng kaalliwan.
4 ⲇ̅ ⲡⲉⲧⲥⲟⲡⲥ ⲙⲙⲟⲛ ϩⲛ ⲛⲉⲛⲑⲗⲓⲯⲓⲥ ⲧⲏⲣⲟⲩ ϫⲉ ⲉⲛⲉϣϭⲙϭⲟⲙ ϩⲱⲱⲛ ⲉⲥⲉⲡⲥ ⲛⲉⲧϩⲛ ⲑⲗⲓⲯⲓⲥ ⲛⲓⲙ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲥⲟⲡⲥ ⲉⲧⲟⲩⲥⲟⲡⲥ ⲙⲙⲟⲛ ⲙⲙⲟϥ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Ang Diyos ang nagbibigay ng kaginhawaan sa atin sa lahat ng ating mga pagdurusa, upang mabigyan natin ng kaaliwan ang lahat ng nagdurusa. Makakapagbigay tayo ng aliw sa iba kung paano tayo binigyang aliw ng Diyos.
5 ⲉ̅ ϫⲉ ⲛⲑⲉ ⲉⲧⲉⲣⲉⲙⲙⲟⲕϩⲥ ⲙⲡⲉⲭⲥ ⲟϣ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲣⲟⲛ ⲧⲁⲓ ⲟⲛ ⲧⲉ ⲑⲉ ϩⲓⲧⲙ ⲡⲉⲭⲥ ϥⲣϩⲟⲩⲟ ⲛϭⲓ ⲡⲉⲛⲕⲉⲥⲟⲡⲥ
Sapagkat kung paano nananagana ang paghihirap ni Cristo para sa atin, ganoon din nananagana ang kaaliwan na aming nararanasan mula kay Cristo.
6 ⲋ̅ ⲉⲓⲧⲉ ⲇⲉ ⲥⲉⲑⲗⲓⲃⲉ ⲙⲙⲟⲛ ⲉⲩⲑⲗⲓⲃⲉ ⲙⲙⲟⲛ ϩⲁ ⲡⲉⲧⲛⲥⲟⲡⲥ ⲙⲛ ⲡⲉⲧⲛⲟⲩϫⲁⲓ ⲉⲓⲧⲉ ⲥⲉⲥⲟⲡⲥ ⲙⲙⲟⲛ ⲉⲩⲥⲟⲡⲥ ⲙⲙⲟⲛ ϩⲁ ⲡⲉⲧⲛⲥⲟⲡⲥ ⲡⲁⲓ ⲉⲧⲉⲛⲉⲣⲅⲓ ϩⲛ ⲑⲩⲡⲟⲙⲟⲛⲏ ⲛⲛⲓϩⲓⲥⲉ ⲛⲟⲩⲱⲧ ⲛⲁⲓ ϩⲱⲱⲛ ⲉⲧⲛϣⲱⲡ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲁⲩⲱ ⲧⲉⲛϩⲉⲗⲡⲓⲥ ⲧⲁϫⲣⲏⲩ ϩⲁⲣⲱⲧⲛ
Ngunit kung kami ay nagdurusa, ito ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan. At kung kami ay naaaliw, ito ay parasa inyong kaaliwan. Ang inyong kaaliwan ay mabisa kung ibabahagi ninyo nang may tiyaga ang mga paghihirap na atin ding naranasan.
7 ⲍ̅ ⲉⲛⲥⲟⲟⲩⲛ ⲇⲉ ⲛⲑⲉ ⲛⲧⲉⲧⲛ ϩⲉⲛⲕⲟⲓⲛⲱⲛⲟⲥ ⲉⲛⲉⲙⲕⲟⲟϩ ⲧⲁⲓ ⲟⲛ ⲧⲉ ⲑⲉ ⲙⲡⲕⲉⲥⲟⲡⲥ
At ang aming pagtitiwala para sa inyo ay tiyak. Alam namin na habang nakikihati kayo sa paghihirap, nakikihati din kayo sa kaaliwan.
8 ⲏ̅ ⲛⲧⲛⲟⲩⲱϣ ⲅⲁⲣ ⲁⲛ ⲉⲧⲣⲉⲧⲛⲣⲁⲧⲥⲟⲟⲩⲛ ⲛⲉⲥⲛⲏⲩ ⲛⲧⲉⲛⲑⲗⲓⲯⲓⲥ ⲧⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁⲥϣⲱⲡⲉ ⲙⲙⲟⲛ ϩⲛ ⲧⲁⲥⲓⲁ ϫⲉ ⲁⲩⲃⲁⲣⲓ ⲙⲙⲟⲛ ⲛϩⲟⲩⲟ ⲡⲁⲣⲁⲧⲉⲛϭⲟⲙ ϩⲱⲥⲧⲉ ⲉⲧⲣ ⲉⲛⲟⲩⲉ ⲉⲡⲕⲉⲱⲛϩ
Dahil ayaw namin na hindi ninyo malaman, mga kapatid, ang tungkol sa kaguluhang naranasan namin sa Asya. Kami ay labis na nabigatan nang higit sa aming makakaya, na halos hindi na kami umasang mabuhay pa.
9 ⲑ̅ ⲁⲗⲗⲁ ⲁⲛⲟⲛ ϩⲣⲁⲓ ⲛϩⲏⲧⲛ ⲁⲛⲕⲁ ⲡⲙⲟⲩ ϩⲁ ⲉⲓⲁⲧⲛ ϫⲉⲕⲁⲥ ⲉⲛⲛⲉⲛϣⲱⲡⲉ ⲉⲣⲉϩⲧⲏⲛ ⲕⲏ ⲉⲣⲟⲛ ⲁⲗⲗⲁ ⲉⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲡⲁⲓ ⲉⲧⲧⲟⲩⲛⲟⲥ ⲛⲛⲣⲉϥⲙⲟⲟⲩⲧ
Sa katunayan, hinatulan na kami ng kamatayan. Ngunit iyon ay upang hindi kami magtiwala sa aming mga sarili, kundi sa Diyos na bumubuhay sa mga patay.
10 ⲓ̅ ⲡⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁϥⲧⲟⲩϫⲟⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲙ ⲡⲉⲓⲙⲟⲩ ⲛⲧⲉⲉⲓϭⲟⲧ ⲁⲩⲱ ⲟⲛ ϥⲛⲁⲧⲟⲩϫⲟⲛ ⲡⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁⲛⲛⲁϩⲧⲉ ⲉⲣⲟϥ ϫⲉ ⲉⲧⲉⲓ ⲟⲛ ϥⲛⲁⲧⲟⲩϫⲟⲛ
Siya ang nagligtas sa amin sa malagim na kamatayan, at ililigtas niya kaming muli. Inilagay na namin ang aming pagtitiwala sa kaniya na ililigtas niya kaming muli.
11 ⲓ̅ⲁ̅ ⲉⲧⲉⲧⲛⲟ ⲛϣⲃⲣⲣϩⲱⲃ ϩⲁⲣⲟⲛ ϩⲙ ⲡⲥⲟⲡⲥ ϫⲉⲕⲁⲥ ϩⲙ ⲡϩⲟ ⲛϩⲁϩ ⲡⲉϩⲙⲟⲧ ⲉⲛⲧⲁϥⲡⲱϩ ϣⲁⲣⲟⲛ ⲉⲩⲉϣⲡϩⲙⲟⲧ ϩⲁⲣⲟϥ ϩⲓⲧⲛ ϩⲁϩ ϩⲁⲣⲟⲛ
Gagawin niya ito habang tinutulungan ninyo kami sa pamamagitan ng inyong panalangin. At marami ang magpapasalamat para sa amin para sa pagpapala na ibinigay sa amin sa pamamagitan ng panalangin ng marami.
12 ⲓ̅ⲃ̅ ⲡⲉⲛϣⲟⲩϣⲟⲩ ⲅⲁⲣ ⲡⲁⲓ ⲡⲉ ⲧⲙⲛⲧⲙⲛⲧⲣⲉ ⲛⲧⲉⲛⲥⲩⲛⲓⲇⲏⲥⲓⲥ ϫⲉ ϩⲣⲁⲓ ϩⲛ ⲟⲩⲟⲩⲟⲡ ⲙⲛ ⲟⲩⲧⲃⲃⲟ ⲛⲧⲉ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ϩⲛ ⲟⲩⲥⲟⲫⲓⲁ ⲁⲛ ⲛⲥⲁⲣⲕⲓⲕⲟⲛ ⲁⲗⲗⲁ ϩⲛ ⲟⲩⲭⲁⲣⲓⲥ ⲛⲧⲉ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲁⲛⲙⲟⲟϣⲉ ϩⲙ ⲡⲕⲟⲥⲙⲟⲥ ⲛϩⲟⲩⲟ ⲇⲉ ϩⲁⲧⲉⲧⲏⲩⲧⲛ
Ipinagmamalaki namin ito: ang patotoo ng aming budhi. Dahil sa malinis na hangarin at katapatan sa Diyos kaya kami namuhay sa mundo. Ginawa namin ito lalong lalo na sa inyo, at hindi sa karunungan ng mundo, ngunit sa halip sa biyaya ng Diyos.
13 ⲓ̅ⲅ̅ ⲛϩⲉⲛⲕⲟⲟⲩⲉ ⲅⲁⲣ ⲁⲛ ⲛⲉϯⲥϩⲁⲓ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲛⲏⲧⲛ ⲁⲗⲗⲁ ⲛⲉⲧⲉⲧⲛⲱϣ ⲙⲙⲟⲟⲩ ⲛⲉ ⲁⲩⲱ ⲛⲉⲧⲉⲧⲛⲥⲟⲟⲩⲛ ⲙⲙⲟⲟⲩ ϯϩⲉⲗⲡⲓⲍⲉ ⲇⲉ ϫⲉ ⲧⲉⲧⲛⲁⲥⲟⲟⲩⲛ ϣⲁⲃⲟⲗ
Hindi kami sumulat sa inyo ng ano mang bagay na hindi niyo mababasa o maiintindihan. Ako ay nagtitiwala
14 ⲓ̅ⲇ̅ ⲕⲁⲧⲁ ⲑⲉ ⲟⲛ ⲉⲛⲧⲁⲧⲉⲧⲛⲥⲟⲩⲱⲛⲛ ⲁⲡⲟ ⲙⲉⲣⲟⲩⲥ ϫⲉ ⲁⲛⲟⲛ ⲡⲉⲧⲛϣⲟⲩϣⲟⲩ ⲕⲁⲧⲁ ⲑⲉ ⲉⲛⲧⲉⲧⲛⲡⲱⲛ ϩⲙ ⲡⲉϩⲟⲟⲩ ⲙⲡⲉⲛϫⲟⲉⲓⲥ ⲓⲏⲥ
na naintindihan na ninyo kami ng bahagya. At nagtitiwala ako na sa araw ng ating Panginoong Jesus, kami ay inyong ipagmamalaki, katulad ng pagmamalaki namin sa inyo.
15 ⲓ̅ⲉ̅ ⲁⲩⲱ ϩⲙ ⲡⲉⲉⲓⲛⲁϩⲧⲉ ⲛⲉⲓⲟⲩⲱϣ ⲛϣⲟⲣⲡ ⲉⲉⲓ ϣⲁⲣⲱⲧⲛ ϫⲉ ⲉⲧⲉⲧⲛⲉϫⲓ ⲙⲡⲙⲉϩ ⲥⲛⲁⲩ ⲛϩⲙⲟⲧ
Dahil nagtitiwala ako tungkol dito, nais kong una kayong puntahan, upang matanggap ninyo ang pakinabang ng dalawang pagbisita.
16 ⲓ̅ⲋ̅ ⲁⲩⲱ ⲉⲃⲱⲕ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲉⲧⲏⲩⲧⲛ ⲉⲧⲙⲁⲕⲉⲇⲟⲛⲓⲁ ⲁⲩⲱ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲛ ⲧⲙⲁⲕⲉⲇⲟⲛⲓⲁ ⲉⲉⲓ ϣⲁⲣⲱⲧⲛ ⲛⲥⲉⲑⲡⲟⲓ ϩⲓⲧⲉⲧⲏⲩⲧⲛ ⲉϯⲟⲩⲇⲁⲓⲁ
Balak kong bumisita sa inyo sa pagpunta ko sa Macedonia. Pagkatapos nais kong bumisita muli sa inyo sa aking paglalakbay galing Macedonia at upang matulungan ninyo ako sa pagpunta ko sa Judea.
17 ⲓ̅ⲍ̅ ⲡⲁⲓ ϭⲉ ⲉⲁⲓⲟⲩⲁϣϥ ⲙⲏⲧⲓ ⲁⲓⲭⲣⲱ ϩⲛ ⲟⲩⲁⲥⲁⲓ ⲏ ⲛⲉϯⲙⲉⲉⲩⲉ ⲉⲣⲟⲟⲩ ⲙⲏ ⲉⲉⲓⲙⲉⲉⲩⲉ ⲉⲣⲟⲟⲩ ⲕⲁⲧⲁ ⲥⲁⲣⲝ ϫⲉⲕⲁⲥ ⲉϥⲉϣⲱⲡⲉ ⲛⲧⲟⲟⲧ ⲛϭⲓ ⲡⲥⲉ ⲛⲥⲉ ⲁⲩⲱ ⲡⲙⲙⲟⲛ ⲛⲙⲙⲟⲛ
Nang nag-iisip ako ng ganito, nag-aalinlangan ba ako? Binalak ko ba ang mga bagay ayon sa pamantayan ng mga tao, upang masabi ko ang “Oo, oo” at “Hindi, hindi” ng sabay?
18 ⲓ̅ⲏ̅ ⲟⲩⲡⲓⲥⲧⲟⲥ ⲇⲉ ⲡⲉ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ϫⲉ ⲡⲉⲛϣⲁϫⲉ ⲉⲛⲧⲁϥⲡⲱϩ ϣⲁⲣⲱⲧⲛ ⲛⲟⲩⲥⲉ ⲁⲛ ⲡⲉ ⲙⲛ ⲟⲩⲙⲙⲟⲛ
Ngunit kung paanong ang Diyos ay tapat, hindi natin sasabihin ng sabay ang “Oo” at “Hindi.”
19 ⲓ̅ⲑ̅ ⲡϣⲏⲣⲉ ⲅⲁⲣ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲓⲏⲥ ⲡⲉⲭⲥ ⲡⲉⲛⲧⲁⲩⲧⲁϣⲉⲟⲉⲓϣ ⲙⲙⲟϥ ⲛϩⲏⲧⲧⲏⲩⲧⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲟⲟⲧⲛ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲟⲟⲧ ⲙⲛ ⲥⲓⲗⲟⲩⲁⲛⲟⲥ ⲙⲛ ⲧⲓⲙⲟⲑⲉⲟⲥ ⲙⲡϥϣⲱⲡⲉ ⲛⲥⲉ ⲁⲩⲱ ⲙⲙⲟⲛ ⲁⲗⲗⲁ ⲥⲉ ⲡⲉⲛⲧⲁϥϣⲱⲡⲉ ⲛϩⲏⲧϥ
Dahil si Jesu-Cristo na Anak ng Diyos na ipinahayag namin nina Silvanus at Timoteo sa inyo, ay hindi “Oo” at “Hindi.” Kundi laging “Oo”.
20 ⲕ̅ ⲛⲉⲣⲏⲧ ⲅⲁⲣ ⲧⲏⲣⲟⲩ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲥⲉ ⲡⲉⲧϣⲱⲡⲉ ⲛϩⲏⲧϥ ⲉⲧⲃⲉ ⲡⲁⲓ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓ ⲧⲟⲟⲧϥ ⲡⲉ ⲡϩⲁⲙⲏⲛ ⲉⲡϯ ⲉⲟⲟⲩ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓ ⲧⲟⲟⲧⲛ
Dahil ang lahat ng mga pangako ng Diyos ay “Oo” sa kaniya. Kaya sa pamamagitan din niya, magsasabi tayo ng “Amen” sa kaluwalhatian ng Diyos.
21 ⲕ̅ⲁ̅ ⲡⲉⲧⲧⲁϫⲣⲟ ⲇⲉ ⲙⲙⲟⲛ ⲛⲙⲙⲏⲧⲛ ⲉϩⲟⲩⲛ ⲉⲡⲉⲭⲥ ⲁⲩⲱ ⲡⲉⲛⲧⲁϥⲧⲁϩⲥⲛ ⲡⲉ ⲡⲛⲟⲩⲧⲉ
Ngayon ang Diyos na nagpatibay sa amin at sa inyo kay Cristo, at kaniya tayong sinugo.
22 ⲕ̅ⲃ̅ ⲡⲁⲓ ⲉⲛⲧⲁϥⲥⲫⲣⲁⲅⲓⲍⲉ ⲙⲙⲟⲛ ⲁⲩⲱ ⲉⲛⲧⲁϥϯ ⲛⲁⲛ ⲙⲡⲁⲣⲏⲃ ⲙⲡⲉ ⲡⲛⲁ ϩⲣⲁⲓ ϩⲛ ⲛⲉⲛϩⲏⲧ
Nilagay niya ang kaniyang tatak sa atin at ibinigay ang Espiritu sa ating mga puso bilang katiyakan sa kung ano ang ibibigay niya sa atin pagkatapos.
23 ⲕ̅ⲅ̅ ⲁⲛⲟⲕ ⲇⲉ ϯⲉⲡⲓⲕⲁⲗⲉⲓ ⲙⲡⲛⲟⲩⲧⲉ ⲙⲙⲛⲧⲣⲉ ⲉϫⲛ ⲧⲁⲯⲩⲭⲏ ϫⲉ ⲉⲓϯⲥⲟ ⲉⲣⲱⲧⲛ ⲙⲡⲓⲉⲓ ϭⲉ ⲉⲕⲟⲣⲓⲛⲑⲟⲥ
Sa halip, tumawag ako sa Diyos upang maging saksi para sa akin na ang dahilan ng hindi ko pagpunta sa Corinto ay upang matulungan ko kayo.
24 ⲕ̅ⲇ̅ ⲟⲩⲭ ⲟⲧⲉⲓ ϫⲉ ⲉⲛⲟ ⲛϫⲟⲉⲓⲥ ⲉⲧⲉⲧⲛⲡⲓⲥⲧⲓⲥ ⲁⲗⲗⲁ ⲁⲛⲟⲛ ⲛⲉ ⲛⲉϣⲃⲣⲣϩⲱⲃ ⲙⲡⲉⲧⲛⲣⲁϣⲉ ⲉⲧⲉⲧⲛⲁϩⲉⲣⲁⲧ ⲧⲏⲩⲧⲛ ⲅⲁⲣ ϩⲛ ⲧⲡⲓⲥⲧⲓⲥ
Ito ay hindi dahil sa sinusubukan namin kayong pangunahan kung ano ang dapat sa inyong paniniwala. Sa halip, kami ay gumagawa kasama ninyo para sa inyong kagalakan, habang kayo ay naninindigan sa inyong pananampalataya.

< ⲚⲒⲔⲞⲢⲒⲚⲐⲒⲞⲤ Ⲃ ̅ 1 >