< ⲚⲒⳈⲈⲂⲢⲈⲞⲤ 4 >
1 ⲁ̅ ⲘⲀⲢⲈⲚⲈⲢϨⲞϮ ⲞⲨⲚ ⲘⲎⲠⲞⲦⲈ ⲈⲀⲨⲤⲰϪⲠ ⲚⲞⲨⲈⲠⲀⲄⲄⲈⲖⲒⲀ ⲈⲒ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲠⲈϤⲘⲀ ⲚⲈⲘⲦⲞⲚ ⲚⲦⲈⲞⲨⲀⲒ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚⲐⲎⲚⲞⲨ ⲘⲈⲨⲒ ⲈⲈⲢϦⲀⲈ.
Kaya, kailangan nating maging maingat upang walang sinuman sa inyo ang mabigo upang maabot ang patuloy na pangako na pagpasok sa kapahingahan ng Diyos.
2 ⲃ̅ ⲀⲨϨⲒϢⲈⲚⲚⲞⲨϤⲒ ⲄⲀⲢ ⲚⲀⲚ ϨⲰⲚ ⲘⲪⲢⲎϮ ⲚⲚⲎ ⲀⲖⲖⲀ ⲘⲠⲈϤⲈⲢϨⲎⲞⲨ ⲚⲚⲎ ⲚϪⲈⲠⲒⲤⲀϪⲒ ⲚⲦⲈⲠⲒⲤⲰⲦⲈⲘ ϪⲈ ⲠⲞⲨϨⲎⲦ ⲐⲎⲦ ⲀⲚ ⲠⲈ ϦⲈⲚⲠⲒⲚⲀϨϮ ⲚⲈⲘ ⲚⲎ ⲈⲦⲀⲨⲤⲰⲦⲈⲘ.
Sapagkat nasa atin ang magandang balita tungkol sa kapahingahan ng Diyos na ipinahayag sa atin gaya katulad ng mga Israelita, ngunit walang pakinabang ang mensahe sa mga nakarinig nito na walang kalakip na pananampalataya.
3 ⲅ̅ ⲦⲈⲚⲚⲀϢⲈ ⲞⲨⲚ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲠⲒⲘⲀ ⲚⲈⲘⲦⲞⲚ ϦⲀ ⲚⲎ ⲈⲦⲀⲨⲚⲀϨϮ ⲔⲀⲦⲀ ⲪⲢⲎϮ ⲈⲦⲀϤϪⲞⲤ ϪⲈ ⲘⲪⲢⲎϮ ⲈⲦⲀⲒⲰⲢⲔ ϦⲈⲚⲠⲀϪⲰⲚⲦ ϪⲈ ⲀⲚ ⲈⲨⲈϢⲈ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲠⲀⲘⲀ ⲚⲈⲘⲦⲞⲚ ⲔⲈⲦⲞⲒ ⲚⲒϨⲂⲎ ⲞⲨⲒ ⲈⲦⲀⲨϢⲰⲠⲒ ⲒⲤϪⲈⲚ ⲦⲔⲀⲦⲀⲂⲞⲖⲎ ⲘⲠⲒⲔⲞⲤⲘⲞⲤ.
Sapagkat tayo, ang naniwala— tayo rin ang makakapasok sa kapahingahan, gaya ng sinabi, “Katulad ng aking isinumpa sa poot, Hindi sila makapapasok sa aking kapahingahan.” Sinabi niya ito, bagama't ang kaniyang mga nilikhang gawain ay natapos na mula sa simula pa ng mundo.
4 ⲇ̅ ⲀϤϪⲞⲤ ⲄⲀⲢ ⲘⲠⲀⲒⲢⲎϮ ϨⲒⲞⲨⲘⲀ ⲈⲐⲂⲈ ⲠⲒⲘⲀϨⲌ ⲚⲈϨⲞⲞⲨ ϪⲈ ⲀϤⲘⲦⲞⲚ ⲘⲘⲞϤ ⲚϪⲈⲪⲚⲞⲨϮ ϦⲈⲚⲠⲒⲘⲀϨⲌ ⲚⲈϨⲞⲞⲨ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚⲚⲈϤϨⲂⲎⲞⲨⲒ ⲦⲎⲢⲞⲨ.
Sapagkat nasabi niya sa isang dako hinggil sa ikapitong araw, “Ang Diyos ay nagpahinga sa ikapitong araw mula sa lahat ng kanyang mga nilikha.”
5 ⲉ̅ ⲞⲨⲞϨ ϦⲈⲚⲪⲀⲒ ⲞⲚ ϪⲈ ⲀⲚ ⲤⲈⲚⲀϢⲈ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲠⲀⲘⲀ ⲚⲈⲘⲦⲞⲚ
Muli ay sinabi niya, “Hindi sila makakapasok sa aking kapahingahan.”
6 ⲋ̅ ⲈⲠⲒⲆⲎ ⲞⲨⲚ ϤⲤⲰϪⲠ ⲚϨⲀⲚⲞⲨⲞⲚ ⲈⲒ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲢⲞϤ ⲞⲨⲞϨ ⲚⲒϢⲞⲢⲠ ⲈⲦⲀⲨϨⲒϢⲈⲚⲚⲞⲨϤⲒ ⲚⲰⲞⲨ ⲘⲠⲞⲨϢⲈ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲐⲂⲈ ⲦⲞⲨⲘⲈⲦⲀⲐⲚⲀϨϮ.
Kaya, dahil ang kapahingahan ng Diyos ay nakalaan hanggang ngayon para sa ilan upang makapasok, at dahil maraming mga Israelita na nakarinig ng magandang balita tungkol sa kaniyang kapahingahan ay hindi nakapasok dahil sa pagsuway.
7 ⲍ̅ ⲠⲀⲖⲒⲚ ϤⲐⲰϢ ⲚⲞⲨⲈϨⲞⲞⲨ ⲘⲪⲞⲞⲨ ϦⲈⲚⲆⲀⲨⲒⲆ ⲘⲈⲚⲈⲚⲤⲀ ⲞⲨⲤⲎⲞⲨ ⲚⲦⲀⲒⲘⲀⲒⲎ ⲈϤϪⲰ ⲘⲘⲞⲤ ⲔⲀⲦⲀ ⲪⲢⲎϮ ⲈⲦⲀϤϪⲞⲤ ⲒⲤϪⲈⲚ ϢⲞⲢⲠ ϪⲈ ⲘⲪⲞⲞⲨ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲢⲈⲦⲈⲚϢⲀⲚⲤⲰⲦⲈⲘ ⲈⲦⲈϤⲤⲘⲎ ⲘⲠⲈⲢϮⲈⲚϢⲞⲦ ⲚϪⲈⲚⲈⲦⲈⲚϨⲎⲦ.
Muli ang Diyos ay nagtakda ng tiyak na araw, na tinatawag na “Ngayon”. Itinakda niya ang araw na ito nang nakipag-usap siya sa pamamagitan ni David, na sinabi noon pa pagkatapos ng unang pagsasabi nito, “Ngayon, kung pakikinggan ninyo ang kaniyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso.”
8 ⲏ̅ ⲈⲚⲈⲀ ⲒⲎⲤⲞⲨ ⲄⲀⲢ ⲐⲢⲞⲨⲘⲦⲞⲚ ⲘⲘⲰⲞⲨ ⲚⲀϤⲤⲀϪⲒ ⲀⲚ ⲈⲐⲂⲈ ⲔⲈⲈϨⲞⲞⲨ ⲘⲈⲚⲈⲚⲤⲀ ⲚⲀⲒ.
Kung naibigay na ni Joshua sa kanila ang kapahingahan, hindi na magsasalita ang Diyos tungkol sa ibang araw.
9 ⲑ̅ ϨⲀⲢⲀ ⲞⲨⲚ ⲞⲨⲤⲀⲂⲂⲀⲦⲒⲤⲘⲞⲤ ⲤⲰϪⲠ ⲘⲠⲒⲖⲀⲞⲤ ⲚⲦⲈⲪⲚⲞⲨϮ.
Kaya, mayroon pa ring isang Araw ng Pamamahinga na nakalaan sa mga tao ng Diyos.
10 ⲓ̅ ⲪⲀⲒ ⲄⲀⲢ ⲈⲦⲀϤⲒ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲠⲈϤⲘⲀ ⲚⲈⲘⲦⲞⲚ ⲚⲐⲞϤ ϨⲰϤ ⲀϤⲘⲦⲞⲚ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚⲚⲈϤϨⲂⲎⲞⲨⲒ ⲘⲪⲢⲎϮ ⲈⲦⲀϤⲘⲦⲞⲚ ⲘⲘⲞϤ ⲚϪⲈⲪⲚⲞⲨϮ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚⲚⲈⲦⲈⲚⲞⲨϤ.
Sapagkat sinuman ang makapapasok sa kapahingahan ng Diyos kailangan siya mismo din ay nagpahinga mula sa kaniyang mga ginagawa, katulad ng ginawa ng Diyos.
11 ⲓ̅ⲁ̅ ⲘⲀⲢⲈⲚⲒⲎⲤⲞⲨⲤ ⲞⲨⲚ ⲘⲘⲞⲚ ⲈⲒ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲠⲒⲘⲀ ⲚⲈⲘⲦⲞⲚ ⲈⲦⲈⲘⲘⲀⲨ ϨⲒⲚⲀ ⲚⲦⲈϢⲦⲈⲘ ⲞⲨⲀⲒ ϨⲈⲒ ⲈϦⲢⲎⲒ ϦⲈⲚⲠⲀⲒⲤⲘⲞⲦ ⲚⲞⲨⲰⲦ ⲚⲦⲈϮⲘⲈⲦⲀⲦⲤⲰⲦⲈⲘ.
Kaya manabik tayo na makapasok sa kapahingahan na iyon, upang walang sinuman ang mahulog sa uri ng pagsuway na kanilang ginawa.
12 ⲓ̅ⲃ̅ ϤⲈⲚϨⲞⲦ ⲄⲀⲢ ⲚϪⲈⲠⲒⲤⲀϪⲒ ⲚⲦⲈⲪⲚⲞⲨϮ ⲞⲨⲞϨ ϤⲈⲢϨⲰⲂ ⲞⲨⲞϨ ϤϢⲰⲦ ⲈϨⲞⲦⲈ ⲤⲎϤⲒ ⲚⲒⲂⲈⲚ ⲚⲢⲞ ⲂⲞⲨⲞϨ ϤⲚⲀ ⲈϦⲞⲨⲚ ϢⲀ ⲠⲒⲪⲰϢ ⲚⲦⲈϮⲮⲨⲬⲎ ⲚⲈⲘ ⲠⲒⲠⲚⲈⲨⲘⲀⲚⲈⲘ ⲚⲒϨⲰⲦⲠ ⲚⲈⲘ ⲚⲒⲀⲦⲔⲀⲤ ⲞⲨⲞϨ ϤⲞⲒ ⲚϦⲞⲦϦⲈⲦ ⲚⲤⲀⲚⲒⲘⲞⲔⲘⲈⲔ ⲚⲈⲘ ⲚⲒⲘⲈⲨⲒ ⲚϨⲎⲦ.
Dahil ang salita ng Diyos ay buhay, mabisa at mas matalim pa kaysa sa espada na may dalawang talim. Tumatagos ito kahit na sa paghahati ng kaluluwa mula sa espiritu, at sa kasu-kasuan mula sa utak ng buto. May kakayahan itong makunawa sa mga isip at mga layunin ng puso.
13 ⲓ̅ⲅ̅ ⲞⲨⲞϨ ⲘⲘⲞⲚ ϨⲖⲒ ⲚⲤⲰⲚⲦ ϨⲎⲠ ⲘⲠⲈϤⲘⲐⲞ ⲤⲈⲂⲎϢ ⲆⲈ ⲈⲂⲞⲖ ⲦⲎⲢⲞⲨ ⲞⲨⲞϨ ⲤⲈⲞⲒ ⲚϪⲀⲢⲀⲂ ⲚⲀϨⲂⲒ ⲘⲠⲈⲘⲐⲞ ⲚⲚⲈϤⲂⲀⲖ ⲪⲀⲒ ⲈⲦⲈ ⲠⲒⲤⲀϪⲒ ⲪⲈϨ ⲚⲀⲚ ⲈⲢⲞϤ.
Walang bagay nanilikha ang makakatago sa paningin ng Diyos. Sa halip, lahat ng bagay ay lantad at hayag sa mga mata ng dapat nating panagutan.
14 ⲓ̅ⲇ̅ ⲈⲞⲨⲞⲚⲦⲀⲚ ⲞⲨⲚ ⲘⲘⲀⲨ ⲚⲞⲨⲚⲒϢϮ ⲚⲀⲢⲬⲎ ⲈⲢⲈⲨⲤ ⲈⲀϤⲤⲈⲚ ⲚⲒⲪⲎⲞⲨⲒ ⲒⲎⲤⲞⲨⲤ ⲠϢⲎⲢⲒ ⲘⲪⲚⲞⲨϮ ⲘⲀⲢⲈⲚⲀⲘⲞⲚⲒ ⲘⲠⲒⲞⲨⲰⲚϨ ⲈⲂⲞⲖ
Yamang mayroon tayong dakilang pinakapunong pari na dumaan sa pamamagitan ng kalangitan, na si Jesus na Anak ng Diyos, dapat tayong kumapit na mahigpit sa ating mga paniniwala.
15 ⲓ̅ⲉ̅ ⲞⲨⲀⲢⲬⲎⲈⲢⲈⲨⲤ ⲄⲀⲢ ⲀⲚ ⲠⲈⲦⲈⲚⲦⲀⲠ ⲘⲘⲀⲨ ⲘⲘⲞⲚ ϢϪⲞⲘ ⲘⲘⲞϤ ⲈϬⲒ ⲘⲔⲀϨ ⲚⲈⲘ ⲚⲈⲚϢⲰⲚⲒ ⲈⲀⲨⲈⲢⲠⲒⲢⲀⲌⲒⲚ ⲆⲈ ⲘⲘⲞϤ ϦⲈⲚϨⲰⲂ ⲚⲒⲂⲈⲚ ⲔⲀⲦⲀ ⲠⲈⲚⲤⲘⲞⲦ ⲀϬⲚⲈ ⲚⲞⲂⲒ.
Sapagkat wala tayong pinaka-punong pari na hindi makakaramdam ng pagkahabag sa ating mga kahinaan, ngunit siya ay tinukso sa lahat ng paraan tulad natin, maliban lang na wala siyang kasalanan.
16 ⲓ̅ⲋ̅ ⲘⲀⲢⲈⲚⲒ ⲈϦⲞⲨⲚ ϦⲈⲚⲞⲨⲰⲚϨ ⲈⲂⲞⲖ ⲘⲠⲈⲘⲐⲞ ⲘⲠⲒⲐⲢⲞⲚⲞⲤ ⲚⲦⲈⲠⲒϨⲘⲞⲦ ϨⲒⲚⲀ ⲚⲦⲈⲚϬⲒ ⲚⲞⲨⲀⲒ ⲞⲨⲞϨ ⲚⲦⲈⲚϪⲒⲘⲒ ⲚⲞⲨϨⲘⲞⲦ ⲈⲨⲈⲨⲔⲈⲢⲒⲀ ⲘⲂⲞⲎⲐⲒⲀ.
Kaya magsilapit tayo na may pananalig sa trono ng biyaya, ng sa gayon makatanggap tayo ng awa at makahanap ng biyaya na makakatulong sa oras ng pangangailangan.