< 雅歌 2 >
Ako ay isa lamang bulaklak na nasa isang kapatagan, isa lamang liryo na nasa isang lambak. Nagsasalita sa kaniya ang lalaki.
Gaya ng isang liryo sa mga tinik, gayon ka rin, aking mahal, sa mga dalaga ng aking mga kababayan. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae.
3 我的良人在男子中, 如同蘋果樹在樹林中。 我歡歡喜喜坐在他的蔭下, 嘗他果子的滋味,覺得甘甜。
Gaya ng puno ng aprikot sa mga puno ng kagubatan, gayon din ang aking minamahal sa gitna ng mga kabinataan. Umuupo ako sa ilalim ng kaniyang anino na may labis na kasiyahan, at ang kaniyang bunga ay matamis sa aking panlasa.
Dinala niya ako sa bulwagan ng salu-salo, ang kaniyang bandila sa akin ay pag-ibig. Nagsasalita sa kaniyang mangingibig ang babae.
5 求你們給我葡萄乾增補我力, 給我蘋果暢快我心, 因我思愛成病。
Muli akong palakasin sa pamamagitan ng keyk na pasas at pasiglahin muli sa pamamagitan ng mga aprikot, dahil ako ay mahina sa pag-ibig. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae.
Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay niyayakap ako. Nagsasalita sa ibang mga kababaihan ang babae.
7 耶路撒冷的眾女子啊, 我指着羚羊或田野的母鹿囑咐你們: 不要驚動、不要叫醒我所親愛的, 等他自己情願。
Nais kong ipangako ninyo, mga anak na dalaga ng Jerusalem, kasama ng mga gasel at ng mga babaeng usa ng kabukiran, na hindi ninyo gagambalain ang aming pagtatalik hanggang ito ay matapos. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
8 聽啊!是我良人的聲音; 看哪!他躥山越嶺而來。
Nanjan na ang tinig ng aking minamahal! O, parating na siya rito, lumulukso sa ibabaw ng mga bundok, tumatalon sa ibabaw ng mga burol.
9 我的良人好像羚羊,或像小鹿。 他站在我們牆壁後, 從窗戶往裏觀看, 從窗欞往裏窺探。
Ang aking minamahal ay tulad ng isang gasel o isang batang lalaking usa, masdan mo, siya ay nakatayo sa likod ng aming pader, sumisilip sa bintana, sumusungaw sa sala-sala.
10 我良人對我說: 〔新郎〕 我的佳偶,我的美人, 起來,與我同去!
Ang aking minamahal ay nagsalita sa akin at nagsabi, “Bumangon ka, aking mahal; aking magandang sinta, sumama ka sa aking pag-alis.
Tingnan mo, lumipas na ang tag-lamig; tapos na ang tag-ulan at ito ay wala na.
12 地上百花開放, 百鳥鳴叫的時候已經來到; 斑鳩的聲音在我們境內也聽見了。
Lumitaw na ang mga bulaklak sa lupain; ang oras ng pagpuputol ng puno at ang pag-aawitan ng mga ibon ay dumating na, at ang tinig ng mga kalapati ay naririnig sa ating lupain.
13 無花果樹的果子漸漸成熟; 葡萄樹開花放香。 我的佳偶,我的美人, 起來,與我同去!
Hinihinog ng puno ng igos ang kaniyang mga berdeng igos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak; naglalabas ang mga ito ng halimuyak. Bumangon ka, aking mahal, aking magandang sinta, at sumama ka.
14 我的鴿子啊,你在磐石穴中, 在陡巖的隱密處。 求你容我得見你的面貌, 得聽你的聲音; 因為你的聲音柔和, 你的面貌秀美。
Aking kalapati, sa mga siwang ng mga batuhan, sa lihim na siwang ng mga bundok, hayaan mong makita ko ang iyong mukha. Hayaan mong marinig ko ang iyong tinig, dahil matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kaibig-ibig”. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
15 要給我們擒拿狐狸, 就是毀壞葡萄園的小狐狸, 因為我們的葡萄正在開花。
Hulihin ang mga soro para sa atin, ang mga maliliit na soro na sumisira ng mga ubasan, dahil ang ating ubasan ay namumulaklak.
16 良人屬我,我也屬他; 他在百合花中牧放群羊。
Ang aking minamahal ay akin, at ako ay sa kanya; siya ay nanginginain sa mga liryo na may kasiyahan. Nagsasalita sa kanyang kasintahan ang babae
17 我的良人哪, 求你等到天起涼風、 日影飛去的時候, 你要轉回,好像羚羊, 或像小鹿在比特山上。
Lumayo ka, aking minamahal, bago umihip ang mahinang hangin ng bukang-liwayway at ang mga anino ay maglaho. Lumayo ka; maging tulad ng isang gasel o ng isang batang lalaking usa sa baku-bakong bundok.