< 路得記 2 >
1 拿俄米的丈夫以利米勒的親族中,有一個人名叫波阿斯,是個大財主。
Ngayon ang asawa ni Naomi, si Elimelek, ay may kamag-anak, si Boaz, na isang mayaman, maimpluwensiyang tao.
2 摩押女子路得對拿俄米說:「容我往田間去,我蒙誰的恩,就在誰的身後拾取麥穗。」拿俄米說:「女兒啊,你只管去。」
Sinabi ni Ruth, na Moabita, kay Naomi, “Ngayon hayaan mo akong umalis at mamulot ng mga uhay ng natitirang butil sa mga bukid. Susunod ako sa kahit kaninong mga mata ako makatagpo ng pabor.” Kaya sinabi ni Naomi sa kaniya, “Pumunta ka, aking anak.”
3 路得就去了,來到田間,在收割的人身後拾取麥穗。她恰巧到了以利米勒本族的人波阿斯那塊田裏。
Si Ruth ay nagpunta at namulot sa bukid kasunod ng mga mang-aani. Nangyaring napunta siya sa bahagi ng bukiring nabibilang kay Boaz, na may kaugnayan kay Elimelek.
4 波阿斯正從伯利恆來,對收割的人說:「願耶和華與你們同在!」他們回答說:「願耶和華賜福與你!」
Masdan, si Boaz ay dumating mula Betlehem at sinabi sa mga mang-aani, “Sumainyo nawa si Yahweh.” Sumagot sila sa kaniya, “Pagpalain kayo nawa ni Yahweh”.
5 波阿斯問監管收割的僕人說:「那是誰家的女子?」
Pagkatapos, sinabi ni Boaz sa kaniyang lingkod na nangangasiwa sa mga mang-aani,” Kanino nabibilang ang kabataang babaeng ito?”
6 監管收割的僕人回答說:「是那摩押女子,跟隨拿俄米從摩押地回來的。
Sumagot ang lingkod na nangangasiwa sa mga mang-aani at sinabi, “Iyan ang kabataang babaeng Moabitang bumalik kasama ni Naomi mula sa lupain ng Moab.
7 她說:『請你容我跟着收割的人拾取打捆剩下的麥穗。』她從早晨直到如今,除了在屋子裏坐一會兒,常在這裏。」
Sinabi niya sa akin, 'Pakiusap hayaan mo akong mamulot at magtipon ng mga uhay habang sumusunod ako sa mga nag-aani.' Kaya dumating siya rito at nagpapatuloy mula umaga hanggang ngayon, maliban na nagpahinga siya nang kaunti sa bahay.”
8 波阿斯對路得說:「女兒啊,聽我說,不要往別人田裏拾取麥穗,也不要離開這裏,要常與我使女們在一處。
Pagkatapos sinabi ni Boaz kay Ruth, “Nakikinig ka ba sa akin, aking anak? Huwag kang pumaroon at mamulot sa ibang bukid; huwag mong iwan ang aking bukid. Sa halip, manatili ka rito at magtrabaho kasama ng aking mga kabataang babaing manggagawa.
9 我的僕人在那塊田收割,你就跟着他們去。我已經吩咐僕人不可欺負你;你若渴了,就可以到器皿那裏喝僕人打來的水。」
Panatilihin mo lang na nakatuon ang iyong mga mata sa bukid kung saan ang mga lalaki ay nag-aani at sumusunod sa likod ng ibang kababaihan. Hindi ko ba tinagubilinan ang mga kalalakihan na huwag kang galawin? Kapag nauuhaw ka, maaari kang pumunta sa mga banga ng tubig at inumin ang tubig na naigib ng mga kalalakihan.”
10 路得就俯伏在地叩拜,對他說:「我既是外邦人,怎麼蒙你的恩,這樣顧恤我呢?」
Pagkatapos yumuko siya sa harap ni Boaz, na nakasayad ang ulo sa lupa. Sinabi niya sa kaniya, “Bakit ako nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, dapat ka bang magmalasakit sa akin, isang dayuhan?”
11 波阿斯回答說:「自從你丈夫死後,凡你向婆婆所行的,並你離開父母和本地,到素不認識的民中,這些事人全都告訴我了。
Sumagot si Boaz at sinabi sa kaniya,” Naibalita sa akin, lahat ng nagawa mo simula nang mamatay ang iyong asawa. Iniwan mo ang iyong ama, ina, at ang lupain ng iyong kapanganakan para sundan ang iyong biyenang babae at para pumunta sa isang bayang hindi mo kilala.
12 願耶和華照你所行的賞賜你。你來投靠耶和華-以色列上帝的翅膀下,願你滿得他的賞賜。」
Gantimpalaan ka nawa ni Yahweh dahil sa iyong ginawa. Makatanggap ka nawa ng buong kabayaran mula kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa ilalim ng mga pakpak na nahanap mo ang kanlungan.”
13 路得說:「我主啊,願在你眼前蒙恩。我雖然不及你的一個使女,你還用慈愛的話安慰我的心。」
Pagkatapos sinabi niya, “Hayaan mong makatagpo ako ng pabor sa inyong paningin, aking panginoon, dahil inaliw mo ako, at nakipag-usap kang may kagandahang-loob sa akin, kahit na hindi ako isa sa inyong mga babaeng lingkod.”
14 到了吃飯的時候,波阿斯對路得說:「你到這裏來吃餅,將餅蘸在醋裏。」路得就在收割的人旁邊坐下;他們把烘了的穗子遞給她。她吃飽了,還有餘剩的。
Nang oras na ng kainan sinabi ni Boaz kay Ruth, “Pumarito ka, at kumain ng kaunting tinapay, at isawsaw mo ang iyong pagkain sa sukang alak.” Umupo siya sa gilid ng mga mang-aani, at inalok niya siya ng kaunting inihaw na butil. Kumain siya hanggang sa mabusog siya at iniwan ang natira nito.
15 她起來又拾取麥穗,波阿斯吩咐僕人說:「她就是在捆中拾取麥穗,也可以容她,不可羞辱她;
Nang tumindig siya para mamulot, inutusan ni Boaz ang kaniyang mga kabataang lalaki, sinasabing, “Hayaan ninyo siyang mamulot kahit sa mga binigkis, at huwag magsasabi ng kahit anong masama sa kaniya.
16 並要從捆裏抽出些來,留在地下任她拾取,不可叱嚇她。」
At dapat hilain ninyo palabas ang ilang mga binigkis para sa kaniya mula sa mga bigkis, at iwan ang mga ito para pulutin niya. Huwag ninyo siyang sasawayin.”
17 這樣,路得在田間拾取麥穗,直到晚上,將所拾取的打了,約有一伊法大麥。
Kaya namulot siya sa bukid hanggang gabi. Pagkatapos giniik niya ang mga uhay ng butil na kaniyang napulot, at ang butil ay halos isang salop ng sebada.
18 她就把所拾取的帶進城去給婆婆看,又把她吃飽了所剩的給了婆婆。
Binuhat niya ito at nagtungo ng lungsod. Pagkatapos nakita ng kaniyang biyenan ang kaniyang napulot. Dinala din ni Ruth ang inihaw na butil na natira mula sa kaniyang pagkain at ibinigay ito sa kaniya.
19 婆婆問她說:「你今日在哪裏拾取麥穗,在哪裏做工呢?願那顧恤你的得福。」路得就告訴婆婆說:「我今日在一個名叫波阿斯的人那裏做工。」
Sinabi ng kaniyang biyenan sa kaniya, “Saan ka namulot ngayong araw? Saan ka pumunta para magtrabaho? Pagpalain nawa ang lalaking tumulong sa iyo.” Pagkatapos sinabi ni Ruth sa kaniyang biyenan ang tungkol sa lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan siya nagtrabaho. Sinabi niya,” Ang pangalan ng lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan ako nagtrabaho ngayon ay Boaz.”
20 拿俄米對兒婦說:「願那人蒙耶和華賜福,因為他不斷地恩待活人死人。」拿俄米又說:「那是我們本族的人,是一個至近的親屬。」
Sinabi ni Naomi sa kaniyang manugang,” Pagpalain nawa siya ni Yahweh, na hindi itinigil ang kaniyang katapatan sa buhay at sa mga patay.” Sinabi ni Naomi sa kaniya,” Ang lalaking iyon ay malapit na kamag-anak natin; isa sa mga tagasagip na kamag-anak natin.”
21 摩押女子路得說:「他對我說:『你要緊隨我的僕人拾取麥穗,直等他們收完了我的莊稼。』」
Sinabi ni Ruth na Moabita, “Tunay nga, sinabi niya sa akin, 'Dapat kang manatiling malapit sa aking mga kabataang lalaki hanggang matapos nilang lahat ang aking ani.”
22 拿俄米對兒婦路得說:「女兒啊,你跟着他的使女出去,不叫人遇見你在別人田間,這才為好。」
Sinabi ni Naomi kay Ruth na manugang niya, “Mabuti iyon, aking anak, lumabas ka kasama ng kaniyang mga kabaatang babaeng manggagawa, para hindi ka mapahamak alinman sa ibang bukid.”
23 於是路得與波阿斯的使女常在一處拾取麥穗,直到收完了大麥和小麥。路得仍與婆婆同住。
Kaya nanatili siyang malapit sa mga babaing manggagawa ni Boaz para mamulot hanggang matapos ang pag-aani ng sebada at pag-aani ng trigo. Nakatira siya kasama ng kaniyang biyenan.