< 詩篇 66 >

1 一篇詩歌,交與伶長。 全地都當向上帝歡呼!
Mag-ingay sa galak para sa Diyos, lahat ng nilalang;
2 歌頌他名的榮耀! 用讚美的言語將他的榮耀發明!
Awitin ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan; gawing maluwalhati ang kaniyang kapurihan.
3 當對上帝說:你的作為何等可畏! 因你的大能,仇敵要投降你。
Sabihin mo sa Diyos, “Nakakikilabot ang iyong mga gawa! Sa pamamagitan ng kadakilaan ng iyong kapangyarihan, magpapasakop sa iyo ang iyong mga kaaway.
4 全地要敬拜你,歌頌你, 要歌頌你的名。 (細拉)
Sasamba at aawit sa iyo ang lahat ng nasa lupa; aawit (sila) sa iyong pangalan.” (Selah)
5 你們來看上帝所行的, 他向世人所做之事是可畏的。
Halika at tingnan ang mga gawa ng Diyos; kinatatakutan siya sa kaniyang mga ginagawa sa mga anak ng mga tao.
6 他將海變成乾地,眾民步行過河; 我們在那裏因他歡喜。
Ginawa niyang tuyong lupa ang dagat; tumawid (sila) sa ilog nang naglalakad; nagalak kami sa kaniya roon.
7 他用權能治理萬民,直到永遠。 他的眼睛鑒察列邦; 悖逆的人不可自高。 (細拉)
Namumuno siya magpakailanman sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; pinagmamasdan ng kaniyang mga mata ang mga bansa; huwag hayaang itaas ng mga suwail ang kanilang mga sarili. (Selah)
8 萬民哪,你們當稱頌我們的上帝, 使人得聽讚美他的聲音。
Purihin ang Diyos, kayong mga tao, hayaang marinig ang tinig ng kaniyang kapurihan.
9 他使我們的性命存活, 也不叫我們的腳搖動。
Iniingatan niya tayo sa mga nabubuhay, at hindi pinapahintulutang madulas ang ating mga paa.
10 上帝啊,你曾試驗我們, 熬煉我們,如熬煉銀子一樣。
Dahil ikaw, O Diyos, ang sumubok sa amin; sinubok mo kami gaya ng pilak.
11 你使我們進入網羅, 把重擔放在我們的身上。
Dinala mo kami sa isang lambat; nilagyan mo kami ng matinding pabigat sa aming mga balakang.
12 你使人坐車軋我們的頭; 我們經過水火, 你卻使我們到豐富之地。
Pinasakay mo ang mga tao sa aming mga ulo; dumaan kami sa apoy at tubig; pero inilabas mo kami sa malawak na lugar.
13 我要用燔祭進你的殿, 向你還我的願,
Pupunta ako sa iyong tahanan na may mga sinunog na handog; tutuparin ko ang aking mga panata
14 就是在急難時我嘴唇所發的、 口中所許的。
na ipinangako ng aking labi at sinabi ng aking bibig nang ako ay nasa kahirapan.
15 我要把肥牛作燔祭, 將公羊的香祭獻給你, 又把公牛和山羊獻上。 (細拉)
Magsusunog ako ng taba ng mga hayop bilang handog na may mabangong samyo ng mga tupa; mag-aalay ako ng mga toro at kambing. (Selah)
16 凡敬畏上帝的人,你們都來聽! 我要述說他為我所行的事。
Halika at makinig, lahat kayo na may takot sa Diyos, at ipahahayag ko kung ano ang ginawa niya para sa aking kaluluwa.
17 我曾用口求告他; 我的舌頭也稱他為高。
Nananawagan ako sa kaniya gamit ang aking bibig, at pinuri siya ng aking dila.
18 我若心裏注重罪孽, 主必不聽。
Kung alam kong may kasalanan sa aking puso, hindi makikinig ang Diyos sa akin.
19 但上帝實在聽見了; 他側耳聽了我禱告的聲音。
Pero tunay ngang nakinig ang Diyos; binigyan niya ng pansin ang tinig ng aking panalangin.
20 上帝是應當稱頌的! 他並沒有推卻我的禱告, 也沒有叫他的慈愛離開我。
Purihin ang Diyos, na hindi itinakwil ang aking panalangin o kaniyang katapatan sa tipan mula sa akin.

< 詩篇 66 >