< 詩篇 42 >

1 可拉後裔的訓誨詩,交與伶長。 上帝啊,我的心切慕你, 如鹿切慕溪水。
Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis, gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.
2 我的心渴想上帝,就是永生上帝; 我幾時得朝見上帝呢?
Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, ang buhay na Dios: kailan ako paririto, at haharap sa Dios?
3 我晝夜以眼淚當飲食; 人不住地對我說:你的上帝在哪裏呢?
Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi, Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, saan nandoon ang iyong Dios?
4 我從前與眾人同往, 用歡呼稱讚的聲音 領他們到上帝的殿裏,大家守節。 我追想這些事, 我的心極其悲傷。
Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko, kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, at pinatnubayan ko (sila) sa bahay ng Dios, na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
5 我的心哪,你為何憂悶? 為何在我裏面煩躁? 應當仰望上帝,因他笑臉幫助我; 我還要稱讚他。
Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
6 我的上帝啊,我的心在我裏面憂悶, 所以我從約旦地, 從黑門嶺,從米薩山記念你。
Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko; kaya't aking inaalaala ka mula sa lupain ng Jordan, at ng Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.
7 你的瀑布發聲,深淵就與深淵響應; 你的波浪洪濤漫過我身。
Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha: lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
8 白晝,耶和華必向我施慈愛; 黑夜,我要歌頌禱告賜我生命的上帝。
Gayon ma'y uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw, at sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya, sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
9 我要對上帝-我的磐石說: 你為何忘記我呢? 我為何因仇敵的欺壓時常哀痛呢?
Aking sasabihin sa Dios na aking malaking bato, bakit mo ako kinalimutan? Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
10 我的敵人辱罵我, 好像打碎我的骨頭, 不住地對我說: 你的上帝在哪裏呢?
Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway; habang sinasabi nilang lagi sa akin, saan nandoon ang iyong Dios?
11 我的心哪,你為何憂悶? 為何在我裏面煩躁? 應當仰望上帝,因我還要稱讚他。 他是我臉上的光榮,是我的上帝。
Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya, na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

< 詩篇 42 >