< 詩篇 106 >

1 你們要讚美耶和華! 要稱謝耶和華,因他本為善; 他的慈愛永遠長存!
Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 誰能傳說耶和華的大能? 誰能表明他一切的美德?
Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
3 凡遵守公平、常行公義的, 這人便為有福!
Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
4 耶和華啊,你用恩惠待你的百姓; 求你也用這恩惠記念我,開你的救恩眷顧我,
Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
5 使我見你選民的福, 樂你國民的樂, 與你的產業一同誇耀。
Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
6 我們與我們的祖宗一同犯罪; 我們作了孽,行了惡。
Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
7 我們的祖宗在埃及不明白你的奇事, 不記念你豐盛的慈愛, 反倒在紅海行了悖逆。
Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
8 然而,他因自己的名拯救他們, 為要彰顯他的大能,
Gayon ma'y iniligtas niya (sila) dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
9 並且斥責紅海,海便乾了; 他帶領他們經過深處,如同經過曠野。
Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya (sila) sa mga kalaliman, na parang ilang.
10 他拯救他們脫離恨他們人的手, 從仇敵手中救贖他們。
At iniligtas niya (sila) sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya (sila) sa kamay ng kaaway.
11 水淹沒他們的敵人, 沒有一個存留。
At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway: walang nalabi sa kanila kahit isa.
12 那時,他們才信了他的話, 歌唱讚美他。
Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita; inawit nila ang kaniyang kapurihan.
13 等不多時,他們就忘了他的作為, 不仰望他的指教,
Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi (sila) naghintay sa kaniyang payo:
14 反倒在曠野大起慾心, 在荒地試探上帝。
Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang.
15 他將他們所求的賜給他們, 卻使他們的心靈軟弱。
At binigyan niya (sila) ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 他們又在營中嫉妒摩西 和耶和華的聖者亞倫。
Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon.
17 地裂開,吞下大坍, 掩蓋亞比蘭一黨的人。
Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 有火在他們的黨中發起; 有火焰燒毀了惡人。
At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama,
19 他們在何烈山造了牛犢, 叩拜鑄成的像。
Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.
20 如此將他們榮耀的主 換為吃草之牛的像,
Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 忘了上帝-他們的救主; 他曾在埃及行大事,
Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 在含地行奇事, 在紅海行可畏的事。
Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 所以,他說要滅絕他們; 若非有他所揀選的摩西站在當中, 使他的忿怒轉消, 恐怕他就滅絕他們。
Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin (sila) kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin (sila)
24 他們又藐視那美地, 不信他的話,
Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 在自己帳棚內發怨言, 不聽耶和華的聲音。
Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 所以,他對他們起誓: 必叫他們倒在曠野,
Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid (sila) sa ilang:
27 叫他們的後裔倒在列國之中, 分散在各地。
At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin (sila) sa mga lupain.
28 他們又與巴力‧毗珥連合, 且吃了祭死神的物。
Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay.
29 他們這樣行,惹耶和華發怒, 便有瘟疫流行在他們中間。
Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa; at ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 那時,非尼哈站起,刑罰惡人, 瘟疫這才止息。
Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot.
31 那就算為他的義, 世世代代,直到永遠。
At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
32 他們在米利巴水又叫耶和華發怒, 甚至摩西也受了虧損,
Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
33 是因他們惹動他的靈, 摩西用嘴說了急躁的話。
Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
34 他們不照耶和華所吩咐的 滅絕外邦人,
Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
35 反與他們混雜相合, 學習他們的行為,
Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa:
36 事奉他們的偶像, 這就成了自己的網羅,
At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila:
37 把自己的兒女祭祀鬼魔,
Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
38 流無辜人的血, 就是自己兒女的血, 把他們祭祀迦南的偶像, 那地就被血污穢了。
At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan; at ang lupain ay nadumhan ng dugo.
39 這樣,他們被自己所做的污穢了, 在行為上犯了邪淫。
Ganito (sila) nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
40 所以,耶和華的怒氣向他的百姓發作, 憎惡他的產業,
Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
41 將他們交在外邦人的手裏; 恨他們的人就轄制他們。
At ibinigay niya (sila) sa kamay ng mga bansa; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
42 他們的仇敵也欺壓他們, 他們就伏在敵人手下。
Pinighati naman (sila) ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
43 他屢次搭救他們, 他們卻設謀背逆, 因自己的罪孽降為卑下。
Madalas na iligtas niya (sila) nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa (sila) sa kanilang kasamaan.
44 然而,他聽見他們哀告的時候, 就眷顧他們的急難,
Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
45 為他們記念他的約, 照他豐盛的慈愛後悔。
At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
46 他也使他們在凡擄掠他們的人面前蒙憐恤。
Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
47 耶和華-我們的上帝啊,求你拯救我們, 從外邦中招聚我們, 我們好稱讚你的聖名, 以讚美你為誇勝。
Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios, at pisanin mo kami na mula sa mga bansa, upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan, at mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
48 耶和華-以色列的上帝是應當稱頌的, 從亙古直到永遠。 願眾民都說:阿們! 你們要讚美耶和華!
Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon.

< 詩篇 106 >