< 箴言 25 >

1 以下也是所羅門的箴言,是猶大王希西家的人所謄錄的。
Ito ay mga karagdagan pang mga kawaikaan ni Solomon, na kinopya ng mga tauhan ni Hezekias, hari ng Juda.
2 將事隱祕乃上帝的榮耀; 將事察清乃君王的榮耀。
Kaluwalhatian ng Diyos na ikubli ang isang bagay, pero kaluwalhatian ng mga hari na saliksikin ito.
3 天之高,地之厚, 君王之心也測不透。
Tulad ng kalangitan ay para sa taas at ang lupa para sa lalim, gayun din ang puso ng mga hari ay hindi malirip.
4 除去銀子的渣滓就有銀子出來, 銀匠能以做器皿。
Alisin ang kalawang mula sa pilak, at magagamit ng panday ang pilak para sa kaniyang kasanayan.
5 除去王面前的惡人, 國位就靠公義堅立。
Gayun din, alisin ang masamang mga tao mula sa harapan ng hari, at ang kaniyang trono ay maitatatag sa pamamagitan ng paggawa kung ano ang tama.
6 不要在王面前妄自尊大; 不要在大人的位上站立。
Huwag mong parangalan ang iyong sarili sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa lugar na nakalaan para sa mga dakilang mga tao.
7 寧可有人說:請你上來, 強如在你覲見的王子面前叫你退下。
Mas mabuti para sa kaniya na sabihin sa iyo, “Umakyat ka rito,” kaysa sa mapahiya ka sa harapan ng marangal na tao. Kung ano ang iyong nasaksihan,
8 不要冒失出去與人爭競, 免得至終被他羞辱, 你就不知道怎樣行了。
huwag mo agad dalhin sa paglilitis. Dahil ano ang gagawin mo sa bandang huli, kapag pinahiya ka ng kapwa mo?
9 你與鄰舍爭訟, 要與他一人辯論, 不可洩漏人的密事,
Ipangatwiran mo ang kaso mo sa kapwa mo mismo, at huwag ipaalam ang lihim ng isa pang tao;
10 恐怕聽見的人罵你, 你的臭名就難以脫離。
kung hindi, ang isa na nakakarinig sa iyo ay magdadala ng kahihiyan sa iyo at ng masamang balita tungkol sa iyo na hindi mabibigyang katahimikan.
11 一句話說得合宜, 就如金蘋果在銀網子裏。
Ang pagsasabi ng salitang napili ng mabuti, ay katulad ng mga disenyo ng ginto na nakalagay sa pilak.
12 智慧人的勸戒,在順從的人耳中, 好像金耳環和精金的妝飾。
Katulad ng gintong singsing o alahas na gawa sa pinong ginto ay ang matalinong pagsaway sa nakikinig na tainga.
13 忠信的使者叫差他的人心裏舒暢, 就如在收割時有冰雪的涼氣。
Tulad ng lamig ng niyebe sa oras ng pag-aani ay ang tapat na mensahero para sa mga nagpadala sa kaniya; ipinanunumbalik niya ang buhay ng kaniyang mga amo.
14 空誇贈送禮物的, 好像無雨的風雲。
Tulad ng mga ulap at hangin na walang ulan ay ang taong nagmamalaki sa regalo na hindi niya binibigay.
15 恆常忍耐可以勸動君王; 柔和的舌頭能折斷骨頭。
Kapag may pagtitiis maaaring mahikayat ang isang pinuno, at ang malambot na dila ay kayang makabali ng buto.
16 你得了蜜嗎?只可吃夠而已, 恐怕你過飽就嘔吐出來。
Kapag nakahanap ka ng pulot, kumain ka lang ng sapat— kung hindi, ang kalabisan nito, ay isusuka mo.
17 你的腳要少進鄰舍的家, 恐怕他厭煩你,恨惡你。
Huwag mong ilagay ang iyong paa ng napakadalas sa bahay ng iyong kapwa, maaari siyang magsawa sa iyo at kamuhian ka.
18 作假見證陷害鄰舍的, 就是大槌,是利刀,是快箭。
Ang taong nagdadala ng huwad na patotoo laban sa kaniyang kapwa ay katulad ng pamalo na ginagamit sa digmaan, o isang espada, o isang matalim na palaso.
19 患難時倚靠不忠誠的人, 好像破壞的牙,錯骨縫的腳。
Ang taong hindi tapat na pinagkakatiwalaan mo sa oras ng gulo ay katulad ng sirang ngipin o isang nadudulas na paa.
20 對傷心的人唱歌, 就如冷天脫衣服, 又如鹼上倒醋。
Tulad ng tao na naghubad ng kaniyang damit sa malamig na panahon, o tulad ng suka na binuhos sa matapang na inumin, ang siyang umaawit ng mga kanta sa isang nabibigatang puso.
21 你的仇敵若餓了,就給他飯吃; 若渴了,就給他水喝;
Kung nagugutom ang kaaway mo, bigyan mo siya ng makakain, at kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng tubig na maiinom,
22 因為,你這樣行就是把炭火堆在他的頭上; 耶和華也必賞賜你。
dahil lalagyan mo siya sa kaniyang ulo ng isang pala ng umaapoy na uling, at gagantimpalaan ka ni Yahweh.
23 北風生雨, 讒謗人的舌頭也生怒容。
Gaya ng katiyakan na ang hanging mula sa hilaga ay may dalang ulan, ang taong naghahayag ng mga lihim ay nagpapagalit ng mga mukha.
24 寧可住在房頂的角上, 不在寬闊的房屋與爭吵的婦人同住。
Mas mabuti pa na mamuhay sa sulok ng bubungan kaysa sa makibahagi sa tahanan ng babaeng palaaway.
25 有好消息從遠方來, 就如拿涼水給口渴的人喝。
Tulad ng malamig na tubig sa taong uhaw, gayun din ang mabuting balita mula sa malayong bansa.
26 義人在惡人面前退縮, 好像詵渾之泉,弄濁之井。
Tulad ng maruming batis o nasirang bukal ng tubig ang mabuting tao na naglalakad kasama ang masamang tao.
27 吃蜜過多是不好的; 考究自己的榮耀也是可厭的。
Hindi mabuting kumain ng napakaraming pulot; iyon ay parang naghahanap ng labis na karangalan.
28 人不制伏自己的心, 好像毀壞的城邑沒有牆垣。
Ang tao na walang pagpipigil sa sarili ay tulad ng lungsod na napasok at walang pader.

< 箴言 25 >